read.cash Log in
@nnashe

Hello read.cash family. Gusto ko lang ilabas yung sama ng loob ko. Grabe yung nangyari sa akin kahapon. Hindi nga ako nagpopost tungkol sa mga kandidato, nadamay pa ako. Grabe makapag salita yung biyenan ko, sobrang iyak ko kahapon. Inutusan lang naman ako ng kapitbahay namin na tanungin sila kung saan talaga sila red or yellow dahil di naman sila nagkakausap kaya ako ang inutusan, kasi magka away sila. Nagtanong lang naman ako tapos inakusahan pa ako na nag sumbong kahit hindi ko naman ginawa, pinipilit talaga na nag sumbong daw ako, sinabihan pa ako na tanga at walang isip, mamamatay daw sila dahil sa akin. Gusto kasi ng byenan ko na magkapera sila sa pula at dilaw. Iyak ako ng iyak kahapon, di nga ako pinagsalitaan ng magulang ko ng ganun😭 Tapos yung biyenan ko kung anu-ano pinagsasabi sa akin, pinipilit niya talaga na nagsumbong daw ako na nakakuha din sila ng card sa dilaw... Buti nalang andito yung asawa ko. Siya lang ang tangi kong karamay dito pag yung byenan ko pinagdidiskitahan ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanilang masama.😢 Pasensya na kayo, dito ko lang inilabas. Wala kasi akong mapagsabihan na iba.

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.