Ani ko sa tanim namin sa rooftop, idadagdag ko sa lulutuin Kong sinigang para sa pananghalian namin mamaya at ng makahigop ng mainit na sabaw. Good morning and have a blessed day ahead noisers!!!
@nessie in September 2021
thanks for 111 subscribers..... more good vibes and more good post na pampagoodvibes sa ating lahat.
breakfast is ready, kain Tayo kanoisers..... makulimlim na Umaga, masarap sa pakiramdam ang klima, di ko lang alam Maya Maya Baka sumikat ng matindi si haring Araw. have a good day ahead noisers.....
maulang gabi mga kanoisers, sarap matulog neto lamig ng panahon, tiyak himbing mga junakis ko nito sa pagtuhog. doble ingat po tayong lahat at pataas ng pataas ang kaso ng covid-19 sa ating Bansa. Huwag po kalimutan ang minimum health protocols. good night......
share ko lang, naipaframe at naidisplay na din ang finished cross-stitch ko, ang tagal ko na ito natapos, at ang tagal ko din ginawa pero worth it Naman kasi ang ganda, aside sa pagcocrochet, cross-stitching din ang Isa pa sa hobby ko. good morning noisers!!!! have a blessed day ahead!!!
maulang hapon noisers ..... ingat po Tayo sa parating na bagyo at may kalakasan po ito. better prepare po ng Maaga para mapaghandaan kaagad ang paglikas kung kinakailangan. be prepare and keep safe noisers....
gandang ganda talaga ako sa color combi na ito, sunflower inspired, gagawan ko pa ito ng mga kasama kasi Isang pares pa lang nagagawa ko, kaya lang Wala pa ako yarn na nabibili, nag iipon pa ng pambili at sana magkaroon ng sipag na mag crochet kasi lately tamad na tamad ako mag crochet kaya Wala ako maipost na crochet project ko.
maulang Umaga. stay alert and keep safe po, especially sa mga bahaing Lugar, lumikas na po kung kinakailangan. Tara kape Tayo.... stay alert and keep safe.... good morning......
walang tigil ang ulan kagabi pa. ingat po Tayo... sarap mamaluktot sa higaan tapos pagbangon ay hihigop ng mainit na sabaw gaya ng mami o lomi. sana may magbigay mamaya paggising ko he he he ....
maaliwalas na Ang langit ngayong umaga. indikasyon na maaari nang maglaba at Tayo ay makakatuyo na ng ating sinampay. Tayo nang mag almusal at ng maumpisahan na Ang mga labahin. good morning noisers!!! have a great and blessed day ahead!!!
namissed ko ito kahapon eh, kaya nagluto ako. Tara mga kanoise meryenda Tayo. good afternoon.
Thanks God it's Friday, yey!!! Wala online class si bunso bukas, pede gumising ng medyo tanghali na. Paubos na Yung yarn na winind ko pero di pa tapos ang WIP ko, ilang linggo ko na Rin ito ginagawa, medyo natatamad mag crochet lately kaya tumatagal ang WIP ko. Need ko na uli magrewind ng yarn. Good morning noisers!!! God bless and stay safe everyone....
masigla ang mga halaman pag umuulan, huwag lang sila hahanginin ng malakas at sila ay magtutumbahan at masisira. may bagyo na Naman, ingat tayo at maging preparado mga kaingay. maulang weekend morning noisers!!!! God bless and stay safe always......
another work of art by yours truly, dati pa yan eh nung time na ayaw mo bitawan Yung kinocrosstitch mo kasi gusto mo na agad Makita ang outcome, pero ngayon parang nagshift na Ang interest ko sa pagcocrochet. good morning noisers!!!!! have a blessed Sunday everyone.........
breakfast is ready, Tara almusal muna Tayo at ng may energy Tayo at makadami magawa na gawing bahay. have a great and blessed day ahead....
May bunga na Naman ang tanim naming sitaw sa rooftop at pwede na Ring talbusan ang alugbati. Aanihin ko na at masabawan mamaya para sa hapunan, lalagyan ko ng kamatis, sibuyas, okra at tinapa, masarap humigop ng mainit na sabaw pag malamig ang panahon.
It's Monday once again, let's start the week with a refreshing environment. Ganda sa paningin ang mga green, kaya every morning before the day starts talagang sisilip ako dito sa rooftop para tumingin tingin dito sa mga halaman, mas maganda Lalo pag may mga bulaklak na Yung mga orchids, at may bunga na Yung mga gulay. good morning and have a great day ahead!!!
it's nap time, pag talaga ganitong Oras hinihila ako ng antok, kahit na ano pa ang ginagawa ko. Idlip muna ako mga kanoise mamaya magkukutingting na Naman ako.
Takipsilim na, tamang tambay sa rooftop inabot ng takipsilim, sarap magtambay at magpahangin sa rooftop Lalo at maraming halaman malamig ang hanging. Oras na ng lutuan para sa hapunan, baba na ako at makapagluto. Gandang gabi noisers.
nagrequest si bunso na lagyan ng quickmelt cheese ang hash brown para sa kanyang almusal. Pinag aalmusal ko siya ng kanin para di gutumin habang nag oonline class, para di siya mahirapan iabsorb Ang mga lesson nila kasi after ng discussion, Dami sila assignment na isusubmit na online din Naman. have a blessed day ahead noisers..... good morning!!!
nagcrave kaya napaluto ng sweet and sour fish, Tara mga kanoise kain na Tayo ng lunch. happy tummy..... happy eating.....
nalibang ako sa kakacrochet late night na Pala, di namalayan ang Oras. tutulog na ako at Maaga pa ang gising bukas dahil Maaga ang online class ni bunso. goodnight noisers......
haaayy kapagod, tinanghali kasi ako ng punta sa palengke kaya tanghali na Rin nakauwi, once every two weeks kasi ako namamalengke ng stack namin, iwas covid virus ba. Bumili Lang ako itlog na maalat at kamatis para ulam namin ng lunch at di na nakapagluto. mamayang hapunan na Lang ako magluluto. kakatapos lang kumain, pahinga kaunti at mag aayos pa ng pinamili. good afternoon noisers!!!
Maaga ako nagising ngayon, di maganda ang tulog ko kagabi, kada 30 mins nagigising ako di ko alam kung bakit, bakit nga kaya. Bumangon na tuloy ako pero ambigat ng pakiramdam ko dahil kulang sa tulog, Buti na lang nagrequest si hubby kagabi na pandesal ang almusal ngayon kaya di na ako magluluto , kasi may binili ako Dari cream na butter kahapon, masarap ito sa mainit na pandesal. mag aabang na Lang ako ng potpot na naglalako ng pandesal. good morning noisers!!!
almusal Tayo mga kanoise, kape at pandesal with butter request ni hubby. usually kasi nagkakanin kami sa almusal. good morning!!!! godspeed!!!!
daily routine ang pagbisita at pagdilig ng halaman sa rooftop. nakaani ako ngayon ng kaunting gulay, isasahog ko mamaya sa sinigang para sa pananghalian. Laking tipid ako sa gulay, Lalo sa panahon ngayon ang mahal ng gulay kaya mga kanoise tanim tanim lang Tayo kahit sa paso lang at kahit paano may aanihin Tayo.
meatloaf at dilis, namissed kasi ang dilis kaya kahit sa meatloaf ipinartner ko na, kasi ang mga bata mas gusto ang meatloaf, ako at si hubby mas gusto ang dilis kaya lutuin na lang pareho. Tara almusal Tayo. good morning and have a great day ahead!!!
plantita daw, bow!!! ganda lang sa Mata ng mga halaman, may mga bulaklak na Rin ang Ilan. tanim namin sa rooftop.
lunch Tayo mga kanoise, nagbigay si mother inlaw ng ginataang sitaw na may kalabasa at dahon ng malunggay saka ginisang ampalaya na may itlog, Yung chicken niluto ko, binabad ko lang sa asin at lemon ng mga 45 mins tapos niluto ko sa airfryer ng mga 40 mins, paborito yan ng mga bata, gusto nila ganyan lang timpla sa chicken.
Sabado ngayon pero Maaga nagising, nasanay na kasi ang katawn na gumising at bumangon sa higaan ng Maaga kahit Walang online class sched. si bunso. maigi na Rin at makakilos ng Maaga at ng makatapos agad sa mga gawing bahay. good morning!!!! have a great day ahead!!!
sabado is washing day, Buti na lang may fully auto washing machine na, di gaya noong Araw na bata bata pa ako, talagang manual washing at madalas sa ilog kami naglalaba. pero maganda at mabango ang laba sa ilog. kaya lang pati Ikaw ay bilad sa Araw at talagang mangingitim ka, bawal sa maarte ang maglaba sa ilog. happy weekend noisers!!!
sarciadong isda, halabos na hipong maliit at inihaw na liempo, mga kanoise Tara at tayo'y mananghalian. happy eating!!! good afternoon!!!
late night na Pala, nalibang sa paggagantsilyo ang lola nyo, ganyan po ako pag naharap ang gantsilyo di namamalayan ang Oras. tulog na po ako. goodnight noisers!!!
rainy morning noisers!!! tinanghali ng gising napasarap ang tulog malamig kasi ang panahon, saka late na Rin kasi natulog kagabi. bumili na Lang ng pandesal para sa almusal. Tara almusal tayo mga kaingay.
kakatapos lang makinig sa online mass. Blessed Sunday everyone!!! stay healthy and keep safe always, just follow the health protocols....
Monday morning noisers, starts the week na makulimlim ang panahon. masarap sa pakiramdam ang ganyang panahon, di mainit di Rin Naman Ganon kalamig, katamtaman lang. start na Naman mga kids sa online class nila at mga module nila, good luck sa mga nanay na nagbabantay sa mga kids sa online class o sa pagsagot ng module. good morning everyone!!!
snack time, mangga at hopia from baker's fair. kain Tayo mga kanoise, bawal magpagutom sa panahon ngayon ,kailangan natin ng energy at resistensiya panlaban sa virus. good afternoon everyone!!! have a great week ahead.....
kagabi Bago matulog nagrequest si hubby ng sinangag na kanin at sunny side up na itlog para sa almusal namin ngayon, kaya Maaga nagising para makapagprepare makapagluto ng request ni hubby. good morning everyone!!!! Tara luto Tayo ng almusal. have a great day ahead......
breakfast is ready, kain na Tayo mga kanoise, fried rice with hotdog para Kay bunso at fried rice with egg para Kay hubby. happy eating mga kanoise.
mainit na hapon mga kaingay, pero kahit mainit ang panahon hinihila ako ng antok, kakatapos lang maghugas ng mga pinagkainan. pag busog ka talaga tapos napahinga ng kaunti hihilahin ka talaga ng antok, sana makatulog ng maayos kahit mainit ang panahon. good afternoon noisers!!! have a good nap everyone....
Gabi na Naman, Oras ng pahinga ng ating mga pagod na katawan at kaisipan. magpahinga po Tayo at matulog ng Maaga para may panibagong lakas Tayo sa darating na bagong Araw at ng magampanan muli natin Ang mga hamon ng buhay. magandang gabi mga kaingay....
Friday morning noisers!!! may nagdaang nagtitinda ng dalandan nangasim ako at napabili tuloy, matamis Naman at makatas kaya sulit ang Binayad. rich source of vitamin C din siya, kaya good for our immune system namin.
lunch na Tayo mga kanoise. ready na Ang ulam nagbigay si mother in law ng beef mechado na niluto nya then nag air fry ako ng chicken na favorite ng mga bata, binabad lang sa lemon at asin. happy lunch noisers!!!
nagbirthday kahapon ang pamangkin ni hubby at may mga natirang pagkain, kaya magrerecycle ako ng pang breakfast namin. iinitin ko na Lang itong lumpiang Shanghai na may Isang pirasong fried chicken at may natira din na kaunting Biko, okay na ito na pang breakfast namin, tipid tipid muna Tayo sa panahon ng pandemic, irecycle Ang mga pwedeng irecycle. good morning and have a great weekend ahead noisers!!!
nagcheck ako ng mga supplies namin, need ko na talaga pumunta ng palengke kasi paubos na Ang stock namin. ang problema ko dito Wala pa AKong hawak na budget na pambili ng supplies. Isa ito sa napakaraming problema ng mga momshi, Lalo sa panahon ngayon. kaya mag crochet na lang Tayo para mabawasan Ang nararamdamang stress.
Blessed Sunday mga kanoise!!! aga nagising, nag iisip pa ano Ang ipapaalmusal sa mag aama ko. Tayo ng magluto mga kanoise, hanap lang ako lulutuin sa kusina. good morning noisers!!!
may friend invited me to join bee.com, another cryptocurrency earning app, pero Wala pa value sa ngayon ang bee dahil nag start pa lang siya but soon Malay natin. you can Google out bee.com /bee network for your reference. For those interested pls enter my referral code : temp-google-104652901646191312660
Ang panahon ngayon di mo na maintidihan ang init init tapos bigla bigla na uulan ng malakas, kahit nakasilip pa si haring Araw eh bumubuhos Ang ulan. ingat po Tayo mga kanoise lagi po magdala ng paying pag lalabas ng bahay para may panangga sa init at ulan. good afternoon!!!
rainy morning mga kanoise, bagamat umuulan ngayong umaga pero mainit sa pakiramdam, o ako lang ang naiinitan. medyo di maganda ang start ng week, may paglindol na naganap kaninang 1:12 am, ingat po ang lahat, stay safe and healthy. just follow the minimum health protocol. good morning!!!
Yung dalawa Kong anak na binata tanghali na lagi kung bumangon sa Umaga, Buti na lang at di sila kumuha ng maagang sched sa school (both college na kasi). si bunso ko Naman ay nasa gradeschool pa lang, siya Ang may maagang online class sched. Ang almusal at tanghalian Minsan isahan na lang para sa dalawang binata. Ganyan na ngayon ang mga kabataan, gising sa gabi tulog sa Araw.
kakatapos lang ng gawaing bahay , linis habang tulog Ang junakis at nag oonline class si bunso. Magluluto Naman para sa pananghalian, Plano ko ipaksiw Ang sapsap na nabili ko sa palengke, siyempre isda yon at di kakain ng isdang may sabaw Ang mga junakis kayat ipagpiprito ko sila ng pork. ang paksiw na sapsap ay sa Amin ni hubby.
Paulan ulan pa Rin dito sa Lugar namin, nagsalang pa Naman ako ng labahin sa washing machine at matatapos na siya magbanlaw, mamaya ko na Lang siguro isasmpay pag huminto na Ang ulan, lalagyan ko na Lang ng downy antibac Ang huling banlaw para hindi mag amoy kulob Ang mga nilabhan.
Kakadating lang galing sa labas at may ipinaasikaso si hubby, di na kasi kaya ng sched nya kaya ako na inutusan. Inagahan ko umalis para maaga din matapos Ang transaksiyon. So far so good maaga ako nakatapos at nakauwi agad, Maya Maya luto Naman ng lang lunch. good morning noisers!!! have a great day ahead.
kumakaway na si afternoon nap sa akin. mamaya na uli babalikan Ang ginagawa, need na Rin ng power nap para may energy uli. good afternoon!!!
Thursday morning noisers!!! breakfast is ready, maaga kasi si bunso sa online class nya at need kumain Bago mag start Ang class para di siya mahirapan g iabsorb Ang mga lesson. pag gutom kasi ang iisipin Nyan ay pagkain at mawawala Ang focus sa lesson. good morning!!!! have a great day ahead.....
Thanks God it's Friday, palagi ko yan naririnig noong panahong pumapasok pa ako ng trabaho. Kasi nga ay Sabado na Ang susunod na Araw at walang pasok sa Ilan at pahinga na nila, ngunit sa iba ay Linggo lang Ang kanilang pahinga. Good morning noisers!!!! Tara breakfast Tayo.....,.