read.cash Log in

@navel2005

Joined 26 March 2023 · 81 posts

Cebuana, K-pop and K-drama lover, Blogger

120 KT

0 KT · 8¢ received · 0 KT · 1¢ given

Posts

@navel2005

MAULAN NA UMAGA kamusta po kayo noise.app? break muna habang wala pa si teacher daan muna saglit. bigla nalang umulan wala pa naman akong dalang payong sana tumila na ito mamaya pag-uwi. pero sa tingin ko matatagalan pa ito kasi napakadilim ng langit. hindi na ako kumuha ng pic kasi na loob na ako ng room. nakaw-nakaw lang itong pagdaan ko saglit hehehe. maya nalang pag-uwi ko. paalam muna

@navel2005

ANG LAMIG morning noise.app friends. nakow ano po ang nangyari wala namang bagyo na siguro pero ang grabe ang lamig-lamig. ang sarap pangmamaluktot sa kama at nakatalukbong ng kumot kung wala nga lang pasok matutulog talaga ako. kanina pa ako gising pero hindi pa ako bumabangon natatakot akong maligo kasi parang may ice ang tubig. natunaw siguro ang yelo kaya ang lamig-lamig ngayon ayaw ko talagang bumangon😀

@navel2005

ulan maulan na tanghali noise.app friends. grabe bigla nalang umulan buti nalang at hanggang 12 lang kami ngayon. kakarating ko lang timing pagbaba ng trisikel ay umulan, andito ako ngayon sa tindahan namin papalitan ko sana si mama pero sabi niya kain daw muna ako at babalik lang ako.

@navel2005

CORNED BEEF gandang gabi noise.app friends. kakauwi ko lang samin nanggaling ako sa bahay ng aking kaklase dahil gumawa kami ng group project namin sa ESP. at ito na nga ang niluto ni mama @chellzplenos na corned beef parang sinabawan no? pero request namin yan ni ate pag ganyan ang niluluto ni mama gusto namin maraming mantika kasi nilalagay namin sa kanin masarap siyang ihalo sa kanin eh. kain muna ako at ako gutom na gutom na grabe.

@navel2005

meryenda time mainit na araw noise.app people. thank God at mainit na dito samin matutuyo na ang uniform ko nito. snacks muna tayo tinapay at star margarine choco wala nang lulutoin kaya ito na bumili nalang si lola. pinasnacks namin si bunso para matulog na antagal-tagal ayaw pa ring matulog. kain muna ako

@navel2005

minatamis na saging kain tayo ng meryenda mga kaingay. ok na ako kasi nakapagluto na ako hehehe. nilagyan ko ng maraming asukal kaya lalong tumamis kasi ang saging ay hinog na rin. bukas nalang ako maliligo kasi masakit pa kunti ang ulo ko

@navel2005

I'M BACK😀 morning mga ate at kuya. andito na po ako nagbabalik. yan nga pala yung ulam namin the other day fried chicken neck paborito ko po yan pero sa araw na yun kahit 1 ay hindi ko naubos. wala talaga akong gana eh kung wala lang akong sakit kahit 5 piraso kayang-kaya ko, inabot pa kinabukasan ang ulam namin na iyan. baka makakaligo na ako ngayon ubo nalang ang meron ako. tulog muna ako ulit🥰

@navel2005

TAKUYAKI dumating na ang request ko kay mama kahit umuulan umalis siya kasi sabi eh ngayon daw maglalandfall ang bagyo sabi-sabi ng marites dito samin. ang mahal na ng 9 balls 105 pesos na kumain ako mga 4 piraso lang. balita dito sa radyo northern and central part of Cebu ay Signal No. 1 na. sa mga taga north ng cebu ingat po kayo lalo na sa mga malapit sa sapa.

@navel2005

cold morning noise.app kamusta po kayo? ako ay hindi pa gaanong okay minsan iinit minsan nawawala, wala pang hintonang ulan samin at ngayon may kasama ng kunting hangin. nilutoan ako ng lola ko ng adobaw para daw ako ay kakain kaya lang wala talagang lasa eh. nilutoan na rin ako ni mama ng lugaw hanggang ngayon hindi ko pa nauubos. sabi ni papa kagabi magpaCBC kami ngayon pano kami aalis si ulan ayaw tumigil mabasa ako eh di lalong lalala di ba. tulog muna ako mga ate at kuya ko

@navel2005

BALUT KAINGAY malamig na gabi noise.app. sino kumakain ng balut dito? itaas ang kamay. binilhan ako ni mama kasi sabi ni papa gamot daw ang sabaw nito. ang mahal na pala 30 pesos na ang isa 6 piraso ang binili ni mama. sad to say ay uminit na naman ako huhuhu. sabi ni mama pag hanggang bukas iinit pa rin ako ay magpapaCBC kami kasi nagkadengue na ako dati. sabi kasi ng doctor ko noon na pag may history na ng dengue at kung lalagnatin imonitor lagi lalo na ngayon uso na naman ang dengue dito samin. gandang gabi po

@navel2005

BAM-I gandang hapon kaingay. maulan pa din samin. ito ang meryenda namin for today bam-e. hindi na ako mainit masyado sana naman ay hindi na ako iinit ulit. uminom ako ng juice para malamigan ang loob ng katawan ko. sinuboan ako ni lola ng kanin at ang ulam ko ay adobaw nakadalawang subo lang ako. nagrequest ako ng jollibee pero tinawanan nila ako

@navel2005

gandang tanghali ano ulam natin kaingay? ginising ako ni mama kasi pinapahigop niya ako nitong sabaw ng malunggay luto ni lola. walang lasa ayaw kong kumain ng kanin pinapagalitan na ako dito. hindi ako kumakain niyang lumayagan yang sa 2nd photo kumakati kasi bibig ko after kumain. after humigop ng sabaw matutulog ako ulit

@navel2005

I'M SICK morning mga ate at kuya! andito na ako after 2 days dahil may load na ako kaya lang ay may sakit naman ako. dumaan lang ako saglit para mangamusta sa inyo at pasensiya na sa unread ko hindi ko pa matapos-tapos. sumasakit ulo ko pag nakababad sa phone ng matagal eh. balik ako mamaya kung makakabalik matutulog muna ako ulit. good morning po

@navel2005

CHICKEN FEET ADOBO maulan na araw pa din mga kanoise.app. ito na ang ulam namin ngayonat siyempre si lola ang nagluto. ito na yung binili ko sa merkado 1 kilo lang kasi kulang ang budget hehehe. kain tayo mga kaingay😀. maulan pa din dito samin hanggang bukas pa daw ito matumal ang benta namin. kain muna ako

@navel2005

MAULAN NA UMAGA 🌧️ rainy morning noise.app. ansarap pa sanang matulog kasi umuulan kaya lang eh need magbantay ng tindahan kasi may pasok si ate. last pasok ko kahapon exam day kasi namin. nakow po padami na ng padami ang unread ko umabot na ng 1003. ito nga pala anv 1st time budol namin sa Tiktok tsinelas ang naisipan naming ipurchase. 82 pesos ang isa niyan at naka free shipping kami. maganda ang tsinelas sobrang ganda niya

@navel2005

KAIN PO TAYO fishda for today noise.app. wala munang baboy2x healthy ulam muna tayo ngayon pritong isda at inun-unan (paksiw ata sa tagalog). tamarong tawag nito samin 150 pesos per kilo ang mahal-mahal. nakaraos na ako sa exam ang result nalang ang hihintayin sana naman ay pasado lahat di ba. kain muna ako balik ako mamaya kung hindi ako makatulog😀

@navel2005

good morning rise and shine cold monday morning noise.app🥰. buti nalang at huminto na ang ulan kuha yan kanina pagkagising ko. papunta na ako sa school sumakay ako sa aking pinsan pahatid hanggang sa school 10 pesos lang pamasahe ko hehehe. sana po eh masagotan ko lahat ng mga sagot sa exam at pumasa lahat para hindi patay kay mama😁 #labanlang #examday

@navel2005

ROLLER COASTER gandang gabi sa lahat noise.app! ito nga pala ang ipopost ko kanina kaya lang eh nalobat na ako. ito ang kinutkot namin kaninang magkakapatid ang roller coaster hindi na siya gaanong cheesy tulad noon. ang bilis kumain ni bunso

@navel2005

MY ADOBO🥰 sa mga kumakain at tapos ng kumain diyan halika kain po tayo. ito na pala ang version ko ng adobo tiningnan ko ang ginawa ni mama kahapon. yang sa sibuyas dahon si lola na ang nagdagdag niyan at dinamihan na rin ang sabaw. pasok naman sa panglasa ng aking mga kapatid at siyempre kay lola kasi masarap magluto si lola. kain po tayo

@navel2005

HAPPY SUNDAY EVERYONE🥰 good morning noise.app. maglalaba ako ng kunting damit ko maya-maya sana lang ay hindi na umulan. ito nga pala ang natirang leche flan kahapon dun sa puto flan ni mama unang naubos ang batter mixture. nakaubos si kapatid kong bunso ng 3 pirasong ganyan ayaw pang magbigay

@navel2005

PUTO FLAN mainit na hapon kaingay. ano ang meryenda ninyo? kami ito ang samin puto flan, matagal-tagal na ding hindi na nakapagluto si mama nito baka hindi na daw siya marunong. so far eh ok naman yung puto lang niya parang iba ako kasi ang nagmix. papartneran lang ito ng coke or juice mamaya kung ano ang kakayanin ng budget ok na din ang malamig na tubig kask super init eh

@navel2005

MOBILE LEGENDS gandang gabi mga kaingay. unwind muna ako binalikan ko ang paglalaro ng ML kasi naglalaro ang mga classmates ko ngayon dati ko nang na-uninstalled ang ML kasi napagod nako sa kakalaro. pero ngayon bumalik ulit kasi naimpluwensiyahan ng mga kaklase pero minsan nalang ako maglaro hindi gaya noon. inaantok na din ako parang bibigay na ang mga mata ko

@navel2005

BRUNCH our ulam for today. tinamad na magluto kaya ito na muna mga kaingay hotdog. sa 1st photo tapos na yang hugasan yan sa 2nd photo naman ay luto na kaya kainan na mga kaingay. bili muna ako ng juice at ice para BUSOLVE talaga di ba

@navel2005

OMG😲😱 hala naku pano na po yan tambak na ako sa aking mga unread. parang nakailan na akong nagkocomment hindi man lang nabawasan. ang hirap talaga pag naging busy lalo na ang walang load hahaha. I will try my best kahit mangalahati man lang so HELP ME GOD😀

@navel2005

late post morning po. daan muna habang wala pa si sir😁. very late post na po ito nakalimutan ko na namang ishare. kuha po ito nung oct. 16, nagrequest si bunso ng pizza kay papa 1 box lang po sana ang bibilhin para kay bunso lang at yung amin ay tinapay at kape lang. kaya lang sabi ni papa kay mama 2 boxes mo nalang kawawa naman kayo kung manonood lang kayo hahaha, may tawa pa talagang kasama😁. o siya cge po hanggang dito nalang at parating na si sir

@navel2005

GISING NA😁 mga students at may trabaho diyan gumising na kayo. lunes na po may pasok na tayo bawal umabsent. nakalimutan ko na namang isunod ng post itong ulam ko. ito na po ang finished product niya sarap po papakin nakaubos nga si bunso ng 3 kaya yan nalang ang natira para sa hapunan. yan po yung mixture na una kong pinost na parang salad po or minatamis. hehehe

@navel2005

ULAM MAMAYA umulan na naman dito samin ngayon buti nalang nakaalis na kami ni mama kanina. ito nga pala ang ulam namin para mamaya vegetable torta ang sahog nito ay sayote, kalabasa at mga bawang at sibuyas tsaka harina nga pala. post ko mamaya rito pag tapos nang lutoin ni lola😀

@navel2005

KAGABING ULAM malamig na morning mga kaingay. ito nga pala ang ulam namin kagabi tinolang manok binigay ng tita ko kay lola. madami kasi siyang alagang manok buhay pa ito ng dinala ni lola. tamang tama sa panahon kahapon na umuulan. ansarap niya maasim ng kunti

@navel2005

KAIN NA TAYO gandang gabi. andito na naman ako, kain po tayo ako ang chief cook ngayon dahil nga ay masakit ang kamay ng mama ko. puro lang mga pangmadalian ito puro fried lang kasi andiyan si bunso. siyempre hindi mawawala ang "buwad" tuyo paborito ni papa at lola ko. kain muna ako mga kaingay

@navel2005

morning morning hindi na naman ako nakadaan kagabi kasi nalibang at nabusy ako sa paganswer ng module ko (ang totoo pala nahihirapan na dahil math😀). ito pala ulam namin kagabi ako ang nagluto ng corned beef di ba maganda ang plating tas si ate naman sa pancit canton. may pajuice pa kami kahit umuulan masarap daw uminom sabi ni mama kaya naman go agad kami. morning ulit laba muna ako