read.cash Log in

@navel2005

Joined 26 March 2023 · 81 posts

Cebuana, K-pop and K-drama lover, Blogger

120 KT

0 KT · 8¢ received · 0 KT · 1¢ given

Posts

@navel2005

nagutom ako magandang mornite mga kaingay. andito na naman ako nagbabalik after 2 days na walang load hehehe. may load na naman tayo kaya simulan na ang maghasik ng lagim. nagutom ako kaya naman nakapagluto si ako ulam yan para mamaya. swerte nila ate kasi tapos ko nang maluto ako naman ang unang nakakain😀

@navel2005

morning morning late na naman ang post ko kagabi pano kasi maaga akong nakatulog. at dahil malamig kagabi perfect ang ulam namin na noodles at chicharon. napakasarap ng beef talaga lasang-lasa lalo na kung hindi dadamihan ang sabaw. o pano po babalik na lang ako later nasa school na ako😀. morning

@navel2005

halu mga kaingay! grabe daming tao dito sa colonnade dito kami namili ni mama kasi maraming stocks ng mga juice apat na karton ang binili namin. ubos ang 2 karton sa isang araw lang. kunti lang ang mga biscuits kasi marami pa sa bahay. bumili na rin kami ng gatas at diaper ni bunso tsaka mga pasalubong sa kanya meron siya pascual yogurt favorite niya kasi ang yogurt.

@navel2005

ULAM BUKAS ready na ang ulam namin para baon bukas. marinate muna tapos mamaya isasalang na. humba ang lulutoin ni lola pambaon. sana lang eh umabot bukas hehehe

@navel2005

may ulam na ba kayo? dahil sa sobrang busy ko sa pagtitiktok nakalimutan ko na namang ipost itong ulam namin kagabi. napakasimple lang at pinoy na pinoy pa pritong talong, ensaladang ampalaya at itlog. yang itlog ay kay bunso yan hindi kasi siya kumakain ng gulay pa yang itlog lang kakainin niya walang rice pa. sa ngayon hindi pa naluluto ang ulam namin naghahanda pa lang kami

@navel2005

LUTO NA ANG BINIGNIT good evening kaingay. nalate ng post hehehe ito na ang simpleng binignit namin. nag-aagawan kami ni mama sa saging ayaw ko kasi sa gabi, nilagyan ng gabi ni lola kasi ang kamote namin 2 piraso lang. ansarap ng kain naming whole family. kain muna ako ng hapunan😀

@navel2005

BINIGNIT tumila na ang ulan kaingay. ngayon pa lang kami magluluto ng meryenda namin, hindi pa naman late masyado di ba? yung lulutoin namin ngayon ay "binignit" hindi ko alam kung ano ang tawag sa ibang lugar. kunti lang ang sahog namin kasi ito lang meron sa bahay may natira pa kaming saging saba na galing probinsiya, ang kulang dito ay sago na maliliit at malaki, pinipig at landang. pag maluto na isishare ko maya-maya papakuloin ko muna ito. may vanilla pa pala ito para bumango umabot sa kapit-bahay😀

@navel2005

ano ganap natin diyan mga kaingay? grabe ang init-init ano po. pagod na akong sumagot sa mga module ko, charge ko muna itong phone ko at pupunta muna ako saglit sa basketbolan. hindi na ako nakapaglaro lately kasi sobrang busy pa eh unwind muna ako saglit. o di ba may unwind2x pang nalalaman, pero sa totoo lang ay para makaiwas sa utos😀 hahaha joke lang po pwde na rin totohanin.

@navel2005

MERYENDA TIME ready na ba ang mga snacks natin diyan? amin ready na ako ang nagluto sa utos ni lola at ni mama. saging saba na may corned beef. actually ang original niyan ay dapat giniling ang ilagay eh wala kaming giniling kaya corned beef nalang yan lang ang nasa bahay. may instant meryenda na kami di ba masarap pa, coke nalang kulang pero pass na muna kasi 50 pesos na ang mahal mahal. sa inyo po magkano ang coke litro? kain muna ako habang mainit pa

@navel2005

UULAN OR HINDI??? halu mga kaingay. ngayon lang nagkaroon ng time makadaan ulit huhuhu. kuha yan dito sa itaas ng bahay namin kukuha kasi ako ng sinampay. ang hangin2x dito sarap i-emote2x ba hahaha. may paparating po ba na bagyo or low pressure lang? malakas kasi ang hangin. ano sa tingin niyo mga kaingay uulan ba or hindi? parang sa tingin ko uulan kasi malamig ang hangin pero sa kabilang side maaliwalas naman.

@navel2005

Good evening everyone matutulog na ba kayo? kung oo good night sa iyo. Sa mga hindi pa namn sana at makatulog na din kayo kasi malalim na ang gabi eh. Ako kasi matutulog na ako last post ko na to for today bukas nanamn ako magpopost dito bago pumunta sa school. May klase kasi ako bukas kaya kailngan maagang gumising kaya mas maganda kung maaga ka rin matutulog. Oh sige na everyone good night sa inyo sweet dreams si akoy matutulog na babye.

@navel2005

CARBONARA ON THE GO gandang hapon kaingay. nagluto ako kanina ng carbonara meryenda namin ngayon. hindi ito naluto noong birthday ni mama kasi nakalimutan niyang bumili ng ham. as usual nagguide lang sakin si mama kanina. mula sa pagboboil ng pasta hanggang sa sauce ako lang, napakasimple lang nito walang mushroom kasi ayaw din namin more on cheese kasi kami. halika kain po tayo half kilo lang pala ito

@navel2005

morning morning andito na naman ako at nakabalik na sa wakas. grabe busy sa pagsagot ng module at sa pagtitinda. birthday nga pala ni mama kahapon at for the first time ay ako ang nagluto ng buffalo wings at niyang cake. satisfied naman si mama sa buffalo wings masarap naman daw sa beginner. yang cake ko naman ay parang nasunog kunti ang sa ibaba at sa sides pero over-all ang moist niya, hindi ko na nilagyan ng frosting kasi ayaw ni lola

@navel2005

evening evening kaingay kamustamos mga amigos at amigas? ok lang ba tayo diyan? share ko lang ulam namin mamayang hapunan adobong pusit at ginisang talong with egg. kalahating kilo lang yang pusit namin kasi medyo mahal kunti ang price 220 per kilo, ang ulo ay pinrito ni lola nilagyan ng crispy fry parang calamares lang. tapos yang talong naman ay galing sa province nila papa dala niya yan. sarap ng pagkakaluto ni lola sa talong. siyanga pala excited na ako wala na kaming set A at set B kami na lahat ang papasok simula sa Oct. 3, 4 , 5 na daw pasok namin nag announce na si teacher

@navel2005

KAPE NA TAYO☕☕ morning mga kaingay. kape na tayo dahil tapos na akong maligo. ang lamig-lamig ng tubig nagpapainit ako ng tubig kay mama para ihalo, nagtalak agad hahaha hindi naman daw malamig ang tubig. 6:40 ang start ng klase ko ihahatid ko pa ang kapatid ko magkalapit lang naman ang school namin. doon din kami ni ate naggraduate. kain muna ako ha

@navel2005

BUFFALO WINGS maulan na gabi mga kaingay. biglang umulan dito samin pero kunti lang. ito nga pala ang niluto ni mama chicken wings at siyempre request ko yan. 1st part pa lang yan ang pagprito. parang nagcrave ako ng buffalo wings, tamang tama after namin mag attend ng general assembly sa school ng kapatid ko. bumili kami ng mga biscuits para tinda sa lunes eh sabi ni mama mag fried chicken nalang daw kami. ako ang nagrequest nito ang wings at 2 piraso ng drumstick sa kapatid ko ayaw niya kasi ng wings hindi siya marunong kumain. yang 2nd photo naman ay ang finished product sesame seeds nalang ang kulang para pampaganda. grabe ang dami ng kain ko kalahating kaldero ata😀 nahirapan tuloy akong tumayo, gustong gusto ko pag si mama ang nagluluto lasang-lasa si butter. habang nagsusulat ako eh parang nagutom ako hahaha perk kontrolin ang sarili mahirap na baka maubos ko pa.

@navel2005

BIKO AT KAPE magandang mornite kaingay! gising gising na sa may mga pasok diyan at baka malate pa kayo. nagising naman ako dahil ako ay nagutom buti nalang may bikong niluto si lola ibibigay niya kasi ito kay lolo ko (papa ng papa ko) sa probinsiya birthday kasi niya uuwi si papa mamaya after ng work niya. hindi kami sasama nila mama kasi may pasok kami sa lunes tapos may tindahan na rin. malaki na gagastusin sa pamasahe pa lang 2k na back and forth sa V-hire pa lang yan hindi pa kasama ang taxi at trisikel. nagpadala nalang ng regalo si mama. kain tayo mga kaingay.

@navel2005

AYUDA NA NAMAN Good morning guys may natanggap na namn kaming ayuda kagabi. Bigay yan ni uncle kasi sahod niya noong nakaraang araw kaya dumalaw siya. Dunkin Donuts yung pasalubong niya sa amin ika nga nila Dunkin Donuts ang pambansang pasalubong hahaha. May pares na kami kasi nanunood kami ng movie non kaya magandang may kinakain habang nanunood ng movie.

@navel2005

magandang gabi sa lahat! daan lang po muna ako saglit at pagod na pagod ako gusto ko ng matulog ulit. grabe napakabusy po answer module, bantay ng tindahan, gawaing bahay pa multi-tasking na din kami ngayon. ano po update dito? may bago pong update? pashare naman po o mga ate at kuya. salamat in advance po😀 good night po sa lahat

@navel2005

mornite mga kaingay dito sa noise.app, may gising pa ba? nagutom ako eh kaya ako ay bumangon at kumain ng slight may pasok pa naman ako bukas baka antukin ako sa school. after kong kumain try kong matulog

@navel2005

good morning people. ito pala ang new face ni noise. now ko lang nalaman at medyo nalilito pa ako hehehe. pero in time maeexplore ko din ito. in the meantime kain muna tayo fried neck ng manok sarap papakin