Huling Mensahe
Hanggang ngayon binabagag ako ng kalungkutan lalo't pag ang alaala'y dumadalaw sa isipan napakatagal na ri't lumipas ang ilang taon kasa-kasama ko parin larawan mong naka KAHON. katabi bago matulog minsa'y kinakausap, binabasa ang mensaheng ka'y tagal noong sinulat at nagbabakasaling kahit pano'y gumaan ang mga pasakit at bigat na nararamdaman wala paring nagbago! tulad pa rin ng dati, dating mahina kung kaya't lagi mong sinasabi .. na anak maging matibay ka at maging malakas pag hinamon ng pagsubok dapat di ka umatras! Wag makalimot sa taas at mag aaral mabuti dahil darating ang panahong ikaw ang hahalili sa sarili mong pamilya, anak mo at asawa Ibigin gaya ng pag-ibig ko at wag kang magsasawa .. Naalala mo ba Pa? ang kulitan at asaran .. sa balon sabay maligo na medyo may kalaliman yung araw na binuhat moko dahil nga nakapasa tuwang-tuwa dahil sa mataas nakuha kong marka lagi mokong sinasama upang tayo' magbuhat ng inaning mga prutas na sa bigat di maangat buti palagi kang andyan upang ako ay alalayan Pagmamahalang meron salat man sa kayamanan Ang ligayang kahit pera'y di kayang matumbasan pilit nilalampasan balakid na nakadagan ala-alang nag daan gumugulo saking isipan kung sakaling matulog aking napapanaginipan hindi maipaliwanag, di mapigilan ang emosyon akala ko nandito ka isa lang palang ilusyon akala ko ikaw ang yakap-yakap ko't hinahagkan aking napagtanto lahat pala ng to'y nakaraan .. Parang diko matanggap na wala na ang lalaki na laging nagpapa-alala't laging nagsasabi na anak gumising ka handa na ang ating agahan halika sa aking tabi sabay na tayong mag hapunan sa pagsipat ng umaga'y ititimpla ka ng kape kasabay ng pagdarasal sa umaga at sa gabi ngunit hindi mapakali ano itong nadarama akala ko dimo iiwan, subalit NASAAN KANA? akala ko ba'y sasamahan moko saking TAGUMPAY?! alam mo bang buong gabing di nakatulog si INAY! magdamag binantayan mata mo'y dina dumidilat lahat pala ng kasiyahan may lungkot na kaakibat ngunit parang di patas bat ikaw ang syang kinuha? ng ating Panginoon hindi sapat ang mga luhang pumatak sayong dibdib hanggang sa HULING SANDALI Iingatan ang mga gintong aral na SA AKI'Y NALABI .. A message for my Dad, and I miss him so bad 😥 **This is Mon, I'm out!**
11 comments
The message to father is so sensitive,full of feelings,it made me crying.I am so sorry you have not your father by you.I can perfectly understand you because I am without my father too.He died a few years ago.
Aww. Sorry about that. I hope you're alright right now, Be strong :)
Galing namn gumawa ng poem
Salamat Ms. Jane :)
Welcome
Ang sakit habang binabasa ko. Certified Papas Girl here
Same tayo Mamsh hehe
This is just sad 😭, whenever your dad rigjt not I'm sure he's with our Creator now, watching over all of you, nawala man siya pero yung memories nandyan lang sa puso at utak nyo, hindi mawawala at never mananakaw wag lang magka amnesia.
Tamaaa! Salamat poo
Merry Christmas 😁
Likewise Madam, Ingat ka kung san ka man naroroon :)