Brownout dito sa amin kanina, at dahil wala akong magawa naisipan kong magdrive papuntang baywalk. Tamang tama lang din na hindi mainit kaya naisipang mag roadtrip ng konti. Tumambay lang ako saglit at dinama ang malakas na hangin habang pinapanood ang mga lalaki na pumapana ng mga isda. Nakakatuwa lang na ang gagaling nilang manghuli ng isda gamit ang pana. After kong magemote ng konti sa baywalk ay nagpunta naman akong palengke kase malapit lang dito. Bumili lang ng prutas at isda tapos umuwi na. Right timing naman na pag-uwi ko may kuryente na ulit kaya laundry naman ang hinarap....hehe. Oh di ba hindi naman ako masyadong busy...hehe Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit ngayon ko lang napost ito.. Ang Sunday na dapat ay rest day naging busy day. But its okay atleast may natapos tayo... Oh sya, gandang hapon guys.. at ang next na gagawin magluluto naman. Mamaya ulit guys...
4 comments
Productive day sis. Hehe ganyan yung mga gusto ko busy busyhan haha kaso bawal sakin ang mapagod hehe
Oo sis pero okay lang yan take care of your health first...
Pahinga din sis pag may time
Thank you sis