Brown out Kalagitnaan Ng Gabi ako ay nagising, tagaktak ang pawis at sobrang dilim. Aking napag alaman na brown out Pala. Hindi ko alam ang dahilan bakit kami nawalan Ng kuryente pati mga kapitbahay. Naalala ko noong panahon Ng aking kabataan, madalas din magbrown out noon sa Amin. Pag tuwing ganun ay lumalabas kaming lahat, sa kalsada kami ay naglalaro. Masaya pa at gising ang lahat. Laking pinagkaiba ngayon. Tiis ka nlang sa Isang sulok at Doon magpaypay habang pinipilit na makatulog. Kaya naisipan ko na magpost nalng muna Dito. Pasensya na kung Wala akong larawan na maipakita sapagkat sobrang dilim at malapit na ko malowbat. Sana magkailaw na kami mamaya at kinakagat na din ako Ng lamok. Romar1015
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
hirap po nyan mayulog mainit tapos sabayan pa ng lamok., baka po maya maya meron na ulit yan
Totoo po yan.. umaga na nagkaroon kaya nagkandapuyat kmi
SA probinsya walang problema kapag magbrown out Kasi masarap parin tulog dito sa city ang init talaga kapag maawalan Ng kuryente hindi Ka makatulog.
Totoo yan masarap ang simoy Ng hanging sa province
Naku ang hirap mawalan ng kuryente sa gabi sis. Lalo na kung mainit, hirap na makabalik sa tulog. Minsan pag nagigising akong pawis dahil sa init, may kasama pang migraine. Sana okay naman po kayong lahat at nakabalik na ang kuryente niyo ngayon! :)
Ay sinabi mo pa sis ..ang hirap matulog. Puyat tuloy ako, inaantok ako knina sa work