read.cash Log in
@marbelleyanie

Succulents and cactus Habang papauwe ako ay may nadaanan ako nagtitinda Ng ganito, Hindi ko napigilan mamangha sa ganda nila kaya pinicturan ko. Naalala ko nung panahon Ng pandemic ay Doon ko nakilala ang halaman na ito, tinatawag na succulent. Marami sa atin ang naging mommy o daddy Ng mga succies na tulad nito. Madalas ito ay galing sa Baguio kaya kadalasan ay namamatay kasi Hindi sila nakakapag adjust sa klima Dito. Isa din ba kayo sa namatayan Ng succies ? Ako madami ang namaalam sa kanila.. since July 2020 ako nag start mag collect, una ay nasa 20 pesos lang Ang Isa hanggang pamahal na Ng pamahal at Yung iba ay umaabot n Ng libo ang presyo Lalo na nung naging trending sila. Sa ngayon nasa 2 o 3 nalang ang natitira Kong ganito na nakasurvive na pinaampon ko na sa tita ko at pinsan ko. Kala ko nga nung una makasurvive Yung iba Kong alaga pero nung nagbago bago ang klima ay nagkandamatay ang iba. Yung sa pinsan ko surviving pa Rin Yung mga succies nya. Ewan ko ba at napakaselan Ng halaman na ito, ang daming way pa nya sa YouTube kung pano sya ilipat para daw mas makapag adjust Dito sa lowland. Ang Dami din sumikat na YouTuber dahil sa mga succulents and cactus. Parang gusto ko ulit mag alaga nito.. pag may time na ko..hehe Have a blessed Sunday to us. Wag kalimutan magpasalamat sa Panginoon sa biyaya nya sa atin sa araw araw. Romar1015

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.