Late lunch to everyone. ๐ I just finished cooking humba. Birthday kasi today ng kuya ko. Bumili siya ng mga kakailanganin sa humba at ako ang pinaluto. Hindi talaga ako marunong magluto. Napilitan akong matutong magluto kasi nga na stroke po ang aming mama. Laking pasalamat ko sa Youtube kasi doon ako natutong magluto. Simpleng humba lang po para sa kuya ko. Wala muna cake, layo pa sahod eh.. Bawi nalang sa pasko soon. ๐ Binigyan niya naman ako ng pera pang gastos at bayad sa nagbabantay kay mama pag pasok ako sa school. First time niya kasi magtrabaho na iba ang nagbabantay kay mama. Last year kasi si papa ang nagbabantay kaya lang kinuha na siya ni Lord. Nagka COVID siya kaya ang lungkot ng bahay. ๐ฅ Anyways, kain po tayo. ๐
9 comments
Salamat
Kanamit ah. Masarao yan kanoise ah.
Sarap ng humba
Thank u po... Tara kain
Enjoy your humba. Happy birthday kay bro.
Salamat po
Di pa ako nakatikim nyan pero mukhang adobo hehe.
Nalilito nga po ako eh kung humba ba ito o adobo,ano kaya pinagkaiba
Happy birthday kay kuya mo . Malaking tulong talaga yang you tube sa mga di marunong magluto ng ulam na karne na gaya ko. Ung nga simpleng luto lang Kasi ang alam ko. Ung nga pang special occasion na luto sa karne yon Ang di ko alam. Katulad ng niluto mo Ngayon di pamilyar sa akin Ang pangalan at di yan alam lutuin. Happy eating sa inyo.