I love my sister❤️❤️❤️ Kakauwi ko lang ngayon ng bahay dahil galing ako sa bahay ng sister ko nagdala ako ng medicine pra sa mata nya. Namamaga kasi at mapula sabi ko wag naman sana sore eyes dahil may baby pa sya baka mahawa ba. Tapos pagpunta ko dun aba eh maya maya may delivery dumating, pizza! nagorder pa sya ng pizza para mauwi ko..... Ang bait naman ng kapatid ko. Natutuwa ako dhil wala pa kaming hapunan sa bahay kaya tamang tama namili ako ng barbecue at pancit canton partner sa pizza nya. Kaya eto hapunan namin ngyon. Kain tayo noisemates! Medyo late na konti.
4 comments
Nakakagutom yan sis ah hihihi. Mabait sya kasi mabait ka rin hihihi.
hehe, ako ang eldest sis sya ang youngest namin, pang 8 sya.... hindi masyadong baog parents namin😆😆😆
Mabait kasi na ate kaya ayan sinusuklian ni manghod hihihi. Ahahah kami din sis 8 kami pero, 5 lang ang nabuhi, ang 3 mga baby pa daw namatay.
Sarap naman ng dinner nyo! Enjoy!