Buti na lang kahit papaano merong grasya na dumating.. Per bahay nakatanggap kami ng tig isa nito..hehe Thank God, namomroblema pa naman ako sa kakainin namin since wala ako pang grocery, napaka tight ng budget ko now dahil andaming bayarin..hehe Buti na lang talaga nagpamigay sila sa amin lalo't ganitong binabaha na naman kami at ang hirap lumabas ng bahay..
Yong daan namin nagmukhang fish pond na..😅 Maganda cgro pagawan ng zipline to papunta sa kalsada .haha
Wala ng ulan pero baha pa rin at mas lumalalim pa ang baha.. Yang dinaanan ko kanina ang lakas ng agos ng tubig pero kahapon walang baha dyan.. Nakakagulat lang kasi bigla ang dating ng tubig.. Ewan if nagpakawala ba ang dam..Tapos kanina pag uwi, expect ko wala na baha pero mas tumaas pa.. wala ng makadaan dun sa tulay kasi hanggang hita na yong tubig.. Napikitan ako lumusong sa baha..huhu Sana bukas bumababna to..
Good morning!:)
Maaliwalas na sa labas, mukhang wala na ang bagyo. Pero di pa din humuhupa ang baha.. Kasalukuyan pa lang tumataas dahil high tide.. Still, I'm grateful for this new day! Thank You Lord sa panibagong araw na to..
Have a wonderful day everyone!:)
Pahirap talaga pag ganitong bagyo at baha..huhu yong 1st photo, bahay yan ng kapitbahay namin.. Pumasok na sa loob yong tubig.. Wala na nakatira jan ngayon pero sayang pa din kasi malamang nilulumot na sa loob yan.. yong 2nd photo naman kuha ko mula sa tricycle na sinakyan ko..😅 Muntik na kami tumirik sa gitna ng baha.. Di pa din kasi nagagawa yang jan sa tulay.. Tuloy yong tubig na stock sa gitna kasi parehong matataas na yong kalsada.. Medyo napansin ko na naiinis si manong driver, di nya siguro inahan-ako din diko expect kasi madalas naman pag low tide na wala ng tubig jan.. Nagdagdag na lang ako bayad para di sya masyadong mainis..😅
Yong hawak mo cp mo at ang sarap ng panonood mo taz biglang nag alarm ng ganito.. Muntik ko na mahulog cp ko sa gulat..😅
Keepsafe everyone! maulan pa din sa labas...
Suspended ang classes tomorrow 😅
Kakapasok lang ng mga pamangkin ko kanina, bukas wala sila pasok.. Sabi na nga eh..hehe
Sabagay, ok na din para di sila mabasa.. Pero iba na talaga panahon ngayon no? Nung panahon na nasa elementary kami signal #1 na di pa kami pinapauwi.. Umuulan man ng malakas or baha, may pasok pa din kami.. Ngayon, Signal number 1 pa lang cancelled na classes.. Mas maaga na nila sinasabi na walang pasok..
Mukhang walang pasok bukas ah.. signal #1 dito sa amin .
Kanina 1st day ng classes pero baha sa mga mabababang daan..😅 kawawa yong bagong sapatos nung iba..Kaya ako, aside sa payong, may dala akong tsinelas para ready sa baha..hehe
Nakauwi na din sa wakas.. Buti tumila ang ulan, di ako nahirapang sumakay ng tricycle.. Pag ganitong maulan halos wala masakyan eh tapos namimili pa ng pasahero yong iba..
Ingat po lahat! Hirap na magkasakit..
Ang ganda sana kung pati ito eh napataasan na.. Kaso wala pa budget at dpa alam kung sino talaga ang maghahawak ng tulay na to.. Mataas na yong kalsada sa amin pero problem din pag Hightide at umapaw yong river kasi halos di makadaan yong tricycle..😅 Pag lagpas tuhod baha, need mo na mag alternate route.. Or lusubin yong baha then sakay tricycle sa kabilang pampang..hayz life..hehe
Kanina po yan nung papunta ako work.. Buti kinaya nung tricycle na nasakyan ko..😊
Good morning!
Makulimlim na Thursday mga ka noise..
Pag ganitong panahon parang 6am pa lang maski 7am na..hehe
Naway maging maaliwalas at maganda mga araw nio mga loloves!:)
Pasok na ako sa work!Ingat ang lahat..
Nakakaloka naman tong Darna, mas madami pa patalastas kesa mismong serye..
Sa totoo lang, gustong gusto kong magpunta dito.. Kaso sobrang mahal ng ticket.. Ilang buwang sahod ko na din yong SVIP..😅 Di carry ng budget lalo na at mas madaming priority na nakaabang.. Yong di mo pa hawak sahod mo pero nakalista na lahat ng gastusin 😅.. Hayz nood na lang ako ng update sa tiktok.. Struggling bet wants and needs lang ang peg ko..haha pero nananaig pa din yong sa needs.. Ayoko namang magsaya then after saya, nganga..haha
Dinner na po kayo mga ka-noise
Natapos ko din sya sa wakas!hehe
Nakalimutan ko lang ipost kahapon kasi nagtupi ako ng mga damit na nilabhan ko after, ngayong umaga ko na lang naalalang ipost.. Frame na lang kulang yehey!:)
Monday na naman pala, kulang yong 1day na restday..hehe Ingat lahat ng papasok sa work today! Have a nice day ahead everyone!:)
Dahil umulan kagabi, instant pond na naman sa amin.. Nasasanay na akong ganito nakikita ko..haha
Post ko lang!hehe Bihira lang may manlibre sa akin kaya natuwa akong ipost..
Merienda ko ito kanina sa office, libre ng visor namin pampawi ng pagod namin dahil maghapon kaming nag buhat at nag sort ng mga boxes of files sa office..:)
Grabe after 7years tapos na ang probinsyano..
Pero dismayado ako dahil patay lahat ng Agila maliban kay Cardo Dalisay..hayz Mas maganda sana kung meron maski isa or dalawang agila din na nabuhay man lang..
Kaninang umaga nung papasok ako sa work, nagtataka ako bat wala man lang mapadaan na tricycle sa lugar namin kaya naisipan ko na lang lakarin hanggang dun sa paradahan ng mga tricycle.. Kaso wala din lang ako naabutang tricycle na pumapasada dun, ask ko yong mga nakatambay, ang sabi, mataas daw kasi yong tubig dun sa may dike.. Di raw kaya ng tricycle, need pa umikot at baha din dadaanan.. Swerte ko na lang kasi meron akong nakitang tricycle na willing ako ihatid sa work maski na medyo malayo yong alternate road na dinaanan namin.. Hightide pa lang to, what more pag bagyo na..
Good morning!
Ilang araw ng shy si haring araw, pero ngayon mukhang di na uulanin sa buong maghapon..hehe
Keepsafe everyone!
Maulang morning everyone!
Ito yong panahong mas nanaisin mo na humilata, magtalukbong ng kumot at matulog.. Pag ganitong maulan, mas gusto ko talagang matulog ng matulog pero hindi pwede! Kasi may pasok sa work.. hehe Nang lalaban ang katawan at isip ko ngayon..haha Pero thank God, di nanaig ang katamaran ko .:)
Ingatz ang lahat sa pagpasok sa work! Work mode na dn ako..:)
Bagong pinagkakaabalahan ko ngayon..hehe Almost half na natapos mula nung inumpisahan ko ito two weeks ago.. Paunti-unti, basta pagdating ko galing work eto na agad ginagawa ko.. Medyo mahirap kasi sumasakit likod, mata pati batok ko pero everytime na nakikita ko yong natatapos ko eh sumasaya ako.. Patience lang din talaga kailangan..:)
Royal bibingka from Vigan!:)
Namiss ko ito..hehe buti na lang may mga co-workers ako na nagpunta dun nakapagpasuyo ako para makabili since di ako nakasama sa kanila.. Kaso mahal na ngayon 270 na sya..haha
Coffee painting!
I just got amazed on how coffee became this masterpieces.. Just saw this paintings when I'm strolling in the mall last Friday night..
Dinner guys!:)
share ko lang photo nung pamangkin ko habang kumakain..hehe favorite nya ang ketchup kaya ganyan tuloy mukha nya, nasobrahan sa ketchup..haha
Nagsilakihan na sila.. Bebenta na daw ng bro ko..hehe Akala ko mabawasan na alaga pero dumadami yong fish na alaga nila..hehe
Kahapon hinatid namin sa airport ang kapatid ko.. Ang ganda ng Clark Airport! Parang ang sarap magwork doon..hehe After namin sya ihatid pumasyal kami sa SM Clark, napakalawak ng mall! Ang layo sa mga mall na nakatayo dito sa Pangasinan..hehe Parang gusto ko na tuloy mag work sa Pampanga..haha
Yong wala ka pa tulog pero dahil sa alarm di mo na tuloy alam if maturulog ka pa..
Kakatapos lang ng physical counting namin sa branch namin dito sa Abra.. Buti na lang di masyado malakas yong lindol.. Thank God! Nasa banyo pa naman ako at naliligo that time..
Ingat po lahat! Stay safe.. #Godprotectusall
Ulam ko ngayong dinner.. Inihaw na pusit na kamatis, bigay ng hipag ko..hehe
Dinner na din po kayo :)
Konting konti na lang..hehe
Pag natapos na tong kalsada namin, di na ako magbabayad ng mahal sa pamasahe..yahooo
Gandang hapon everyone! Kamusta kayo?:)
Ngayon na lang ulit ako nakapag post..:)
Welcome to my farm!Char haha
Spending time with my brother, sister in law, and with my dearest mama..:) Since naka bakasyon grande si father dear sa Leyte, kami kami na lang gumala kahapon..hehe
#fathersdaybonding