Pahirap talaga pag ganitong bagyo at baha..huhu yong 1st photo, bahay yan ng kapitbahay namin.. Pumasok na sa loob yong tubig.. Wala na nakatira jan ngayon pero sayang pa din kasi malamang nilulumot na sa loob yan.. yong 2nd photo naman kuha ko mula sa tricycle na sinakyan ko..😅 Muntik na kami tumirik sa gitna ng baha.. Di pa din kasi nagagawa yang jan sa tulay.. Tuloy yong tubig na stock sa gitna kasi parehong matataas na yong kalsada.. Medyo napansin ko na naiinis si manong driver, di nya siguro inahan-ako din diko expect kasi madalas naman pag low tide na wala ng tubig jan.. Nagdagdag na lang ako bayad para di sya masyadong mainis..😅
No comments yet