Si Pangarap Buong barangay ang nakaalam, Sa pagtatanging aking inilaan Sa isang binatang di naman kagwapuhan, Na sa sulok ng puso ko'y nananahan. Crush kita, alam mo yan Kaya ba pakikitungo mo'y ganyan? Tuwing ako'y dumadaan sa harapan, Mga titig ko'y di ko matagalan. Sa amin, ako'y tampulan ng tukso, Ng mga ma-chikang kapitbahay ko. Sapagkat alam nilang may gusto ako sayo, Keber ba nila? Eh sa ito ang nadarama ko. Kinikilig ako pag ika'y nakikita, Puso ko'y sumasayaw sa tuwa Para akong kiti-kiti pag naaalala, Mga pagtatagpo natin.. Oh Gosh ang saya! Subalit ngayon aking napagtanto, Pagtatangi ko'y walang katugon Malungkot, masakit, Oh pangarap ko.. Hanggang dito na lang ito.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet