read.cash Log in
l@lorenz08

@lorenz08 in July 2021

l@lorenz08

Sobrang stressed sa work.. Nood na lang ng Running Man para matawa.. Done watching Episode 3..dami ko tawa..🀣🀣 Good evening everyone!

l@lorenz08

Good evening! Musta araw nyo? Ako na stress sa work kasi daming pending work, buti na lang wala pasok bukas .weeee On duty naman ako dito sa bahay, labada at linis day .hehe Dinner na po ang mga dipa nagdidinner 😊

l@lorenz08

Ipipikit ang mga mata, Saka iisip ng mga salita Gagawa ako ng tula, Ngunit di alam pano ang simula. Malalim na ang gabi, Tulog na ang katabi......... Hanggang dito na lang ba? Mental block pa more..hehe Wala na akong maisip, itulog na lang baka bukas meron ng kasunod.. Good night everyone!

l@lorenz08

Ang lago na ng halaman na tinanim ni mama.. Need na ilipat sa mas malaking paso.. Gandang morning!

l@lorenz08

makulimlim ngayong araw.. parang uulan mamaya, bukas na ko maglalaba..hehe

l@lorenz08

Good morning! I decided na ngayon maglaba kasi kahapon makulimlim, pero di pa ako tapos mag sampay, umambon na..πŸ˜… Ngayon naisip ko, sana pala kahapon na lang ako naglaba..hahaha Anyways, we can't turn back time so bear with it's consequences na lang..hehe Breakfast na po kayo..😊

l@lorenz08

Late merienda..hehe bigla ako nagutom.. Parang nasanay na tong tyan ko na pag 5pm nagugutom na.. Kape po..

l@lorenz08

Took this picture 10 years ago with my highschool-college friends when we went on our vacation in Potipot Island, Zambales. I miss them already.. I don't think I will ever have a chance to go on a trip again with them. We were all busy in our own lives.. But thankful that I had a chance to be part of their life... Browsing my albums brings back memories.😊 - I love capturing photos this way, when they're not aware, It's just so natural..😁

l@lorenz08

Homemade pancake gawa ni papa..😍 Merienda ko pa lang dahil kararating lang galing work..hehe

l@lorenz08

Di pa mulat mata ko, hinahanap na ng kamay ko cellphone ko.. Nakailang alarm na, snooze lang... Sarap matulog pero may pasok kaya babangon na ako..hehe Good morning!

l@lorenz08

May bagyo ba? Makulimlim na naman sa labas..

l@lorenz08

Papasok pa lang sa work, wala pa tricycle kaya naisipan ko picturan muna tong tanim ng tita ko dito sa store.. Sana maganda ang araw nyo mga ka-Noise..😊

l@lorenz08

Sobrang lakas ng ulan kanina.. Grabe nakakatakot ang kidlat. Napahiyaw ako nung biglang gumuhit ang kidlat sa langit kanina habang palabas ng office.. Thankfully, nakasakay ng tricycle ng matiwasay, kaso kamalas malasan, ayaw umandar ng tricycle.. Tagal din bago napaandar nung driver.. ilang beses tumirik pero atleast nakauwi din ng matiwasay. Another obstacle, mataas ang baha na sa kalsada hanggang sa papasok sa compound namin, buti na lang, may naiwan akong tsinelas sa…

l@lorenz08

Si Pangarap Buong barangay ang nakaalam, Sa pagtatanging aking inilaan Sa isang binatang di naman kagwapuhan, Na sa sulok ng puso ko'y nananahan. Crush kita, alam mo yan Kaya ba pakikitungo mo'y ganyan? Tuwing ako'y dumadaan sa harapan, Mga titig ko'y di ko matagalan. Sa amin, ako'y tampulan ng tukso, Ng mga ma-chikang kapitbahay ko. Sapagkat alam nilang may gusto ako sayo, Keber ba nila? Eh sa ito ang nadarama ko. Kinikilig ako pag ika'y nakikita, Puso ko'y sumasayaw sa…

l@lorenz08

Post ko lang tong tula na ginawa ko noong college days ko.. Kwento ito nung best friend ko na nagka crush sa kapitbahay nila.. Tapos, yong mga kapitbahay nilang ka age namin, madalas daw sya tuksuhin at i-chika sa ibang kapitbahay din nila.. In the end, di sila nagkatuluyan kasi iba naging girlfriend ni guy.. kapitbahay din nila..πŸ˜… Ginawan ko sya ng tula para maka move on sya that time.. https://noise.cash/post/1p738g8m Proof: nakaipit sya sa libro ko.. Kanina ko lang nakita…

l@lorenz08

Sobrang saya ko, dumating na yong waterfall album ni B.I na last month ko pa binili..hehe Yong pinambili ko, katas ng Noise.. Inipon ko talaga para mabili ko lang to..hehe Gandang hapon guys!

l@lorenz08

First time ko nakakain ng dragon fruit..hehe Binigay daw ng tita ko sa mama ko kanina, baging pitas nila..hehe Maganda sya kainin pag malamig, para syang gelatin..😊

l@lorenz08

Oh so that's the reason why.. I deleted my post prior to this because I can't see the photo that I uploaded . Hope it will become better soon..

l@lorenz08

Good morning! Fruits in the morning.. Dragon fruit was harvested yesterday in the frontyard.. Avocado was given by my uncle..😊 Have a healthy breakfast everyone!

l@lorenz08

Nakauwi na din sa wakas! Thank God it's friday..hehe pwde na ulit mag puyat at gumising ng late bukas..😊 Parang 5pm pa lang dito sa amin.. Di pa madilim.. Good eve mga ka Noise!

l@lorenz08

Ang ganda talaga ng bulaklak ng dragon fruit.. Sa gabi lang sya namumukadkad..

l@lorenz08

Good morning! Sabi ko late ako gigising pero ang aga ko pa din nagising..haha So since maaga pa, plan ko na maglaba today. Breakfast na po kayo .

l@lorenz08

Kahapon may benta sa office na mga rubber plant. Muntik na akong mapabili, buti napigilan ko sarili ko. Siguro kung pwede installment napabili ako..πŸ˜… Nakwento ko sa mama ko ngayon, sabi niya madami na daw kami halaman, instead na bumili pa ako, padamihin na lang namin ang mga halaman na meron kami..hehe Good morning mga plantitos and plantitas!πŸ₯°

l@lorenz08

Mabolo When I was young, my grandmother used to feed us this fruit. It's skin is covered by fur so my grandma used to rub it's skin first with knife.. I remember, it taste like an apple and banana but that was when I was still young.. I wonder if it taste the same since It's been a long time since I ate this kind of fruit.. I took a picture but never got the taste cause when I decided to eat it, my parents already ate it all..haha

l@lorenz08

Happiest birthday to this two precious babies.. My niece will turn 7 tomorrow while my nephew just turned 10 today..πŸ₯° Stay healthy kiddos!

l@lorenz08

Flex ko lang mga halaman namin sa loob ng bahay..hehe Rough pa bahay namin pero dahil sa mga halaman gumaganda sa paningin tong loob ng bahay namin.. Gandang morning everyone!

l@lorenz08

Yehey! after almost 3mos natapos ko na ang pillow project ko..hehe Ang saya lang kasi nakabawas ako kahit papaano ng mga plastic waste para makatulong kay mother earth.. All recycled materials ginamit ko like yong case, recycled bag ito na nasira ang zipper kaya imbes na itapon, ginawa ko na lang lagayan ng mga ginupit gupit ko na plastics.. Tiyagaan lang din paglalaba at paggugupit ng mga plastic wrappers pero worth it yong result..😊

l@lorenz08

Lunch na tayo guys! Ulam namin ginisang kalabasa at tahong. mukhang mapaparami ako ng kain nito..hehe

l@lorenz08

Good morning! Medyo madilim pa ang langit sa labas, pero need na bumangon kasi Monday- may pasok sa work.. Have a wonderful day ahead everyone! Let's all be happy today .😊

l@lorenz08

Pumapatak ang ulan pero maaraw, May bahaghari pero kumikidlat.. Di maganda kuha ko kasi kumidlat, bigla akong natakot.. Gandang gabi guys!😊

l@lorenz08

Re-watching Slamdunk! Pampalipas oras habang lunchbreak.. Sabi kasi laughter is the best medicine, so tawa muna ako para mawala stress..hehe Lunch na po kayo..😊

l@lorenz08

Missing the old days! Nung mga panahong nag stay ako sa stuffhouse at sila ang madalas ko kasama.. May mga sarili naman silang bahay pero madalas sila matulog sa stuffhouse kasi wala ako kasama lalo na pag weekends at nagsisipag uwian mga ko-worker namin na taga pampanga..hehe Miss ko na magpunta ng Elyu!

l@lorenz08

Good evening everyone! Grabe, di na ako sanay walang internet..huhu Sobrang hirap mag move on sa nakasanayan na.. Dati ok lang walang net kasi madami naman pwede gawin.. Kaso since limitado lahat ng galaw dahil sa covid, nood na lang ng mga movies at kdrama, social media pati games pinagkakaabalahan.. Magastos..πŸ˜… Sana parang sa korea na din ang pinas na free ang wifi .hehe

l@lorenz08

explore pa more!hehe Mukhang may pa experiment si Noise.. I wonder what will happen next.. Tru QR code na kaya ang bigayan sa sunod? πŸ€”

l@lorenz08

two years na din pala ang nakakaraan..hehe Nag try ako mag enrol sa isang korean language school last 2019 para sana mag work sa korea.. Sadly hanggang try lang.. Hirap din pala makapunta ng korea for work lalo na sa babae, sobrang liit ng chance maski makapasa pa sa TOPIK-Test of Proficiency in Korean Language.. Sayang di rin ako nakapag exam dahil sa covid na to..hahayz Di talaga siguro para sa akin ang pag aabroad..hehe Ngayon, limot ko na mga natutunan ko.πŸ˜… Lunch na kayo…

l@lorenz08

Panghimagas bukas!hehe Big day na ng mama ko bukas, May nag sponsor ng pa salad..😍

l@lorenz08

kuha ko kanina nung pauwi ako galing sa work, Mataas na ang kalsada kaya malamang kawawa ang mga may bahay diyan dahil pag bumaha, sa kanila bagsak ng tubig.. Buti na lang di pa masyadong nag uulan ngayon.. Pero sana di lang pagpapataas ng mga kalsada gawin, sana yong mga drainage na barado eh malinisan din... Sana lang din, tapusin nila yang road widening project nila at di matengga pag iba na ang nakaupo sa gobyerno..hehe Oh siya, goodnight na..May pasok pa bukas!😊

l@lorenz08

It was July 16,1990 31years after the killer earthquake. We were living in Baguio that time. I still remember that day, though I am around 4 turning 5 years old, I remember my mother cooking something coz it's her birthday, while I am playing with my little brother outside catching some spider under the trees, then we went to our neighbor's house to watched tv. I don't remember what we were watching that time but my mother rushed and went to us when it started shaking. We…

l@lorenz08

Paaraw muna sila ng konti..hehe bihira na kasi sila maarawan simula ng mapunta sila sa loob ng bahay.. Baka magtampo..hehe

l@lorenz08

First time to cook for this year.. Just for my mama..πŸ˜… Takot ako sa mantika kaya di ako lumalapit sa kalan pero now since birthday nila, ipagpiprito ko sila..hehe Ok! Fighting!😍

l@lorenz08

Sa pagtutulong tulongan naming magkakapatid, nasurprise namin si mama.. Ang sarap lang sa pakiramdam na napasaya namin sila.. Diko nabigay yong plan ko na money cake. Plain cake lang pero nakapag share ako ng para sa sofabed thru NC.. much better gift since magagamit nila ng matagalan, di na sila mahihirapan umakyat sa taas..😁

l@lorenz08

Ngayon na lang ulit nagkaingay sa bahay, Nakapasyal ang mga batang makukulit..hehe Nakakapagod ang mag saway saway pero masaya kasi nakabonding sila..

l@lorenz08

Ok na ako sa gantong bouquet..hehe Sana pag birthday ko makatanggap din ako ng ganito..char haha Gandang umaga everyone! Sobra akong napagod kahapon sa preparation ng birthday party kaya late na gising..

l@lorenz08

Sobrang busy ko kahapon, ngayon ko lang naalala, now na nagke -kwentuhan kami ni mama bout mga nangyari kahapon.. Mga makukulit kong pamangkin nagsipag kompulan sa mga halaman na nakadisplay sa hagdan.. I burst out laughing nung nagsalita yong 6year old kong pamangkin: Kaizer: Andami nyo naman pong okra. Me: 🀣🀣🀣🀣 Yong cactus napagkamalan nyang okra..haha

l@lorenz08

Sino ng nakapanood nito? Reply 1988- one of the best kdrama that I have watched.. May similarity kasi siya sa pamumuhay natin dito sa Pinas.. Noong times na di pa masyadong uso ang hi tech gadgets at black and white pa ang tv ng karamihan..hehe Sobrang relate ako sa bigayan ng ulam, kasi noon, madalas pag kakain na, bigayan kami ng ulam. Yong isang potahe na ulam nagiging madami kasi exchange ng ulam..hehe Ang saya lang balikan, simpleng pamumuhay lang..😊

l@lorenz08

Lost and Found As I walk along the way, Where You are with me It feel so peaceful and worry free That makes my life so carefree. Everytime I always think of You, Praying and singing for You. It feels so complete when I'm with You, Truly you make my day a great day. But suddenly, when I got up my bed one day, Things became so different to me, I started my way on my own I forgot to give You a call. As I encountered a lot of things, I knew I really been changed. I suddenly went…

l@lorenz08

Weee super happy for this. Pero siguro ito na ang huling beses na bibili ako ng album..hehe Need to prioritize things much important, lalo na at humihirap ang panahon ngayon.

l@lorenz08

Sinong nakakaalala at nakapanood nito? The Vampire Diaries Sobrang na hooked ako dito noon pero hanggang season 4 lang yong napanood ko dahil naging busy na sa work.. Favorite ko si Damon Salvatore.. Ito yong time na di pa ako masyadong hooked sa KDrama..hehe

l@lorenz08

Inumpisahan ko na ang season 2 ng hospital playlist..hehe Gusto ko tong drama na to kasi aside sa naging fav genre ko na ang mga medical drama plot ng kdrama dahil madami akong natututunan, nagandahan din ako sa bonding nilang lima.. Iba iba sila ng ugali pero nagkakasundo sila..hehe..Super cool lang kasi, this days bihira na yong mga friends na nagbobonding pa din kahit gaano man ka busy sa work.. Namiss ko tuloy mga kaibigan ko..hehe

l@lorenz08

Lingayen Isa sa pinaka magandang puntahan dito sa Pangasinan.. Pag low budget, dito kami nagpupunta para mag relax at mag tanggal ng stress.. Unlike sa ibang beaches kasi, libre lang dito ang mga cottages.. Bawal nga lang ang uminom ng alak.. Maganda rin ang view kasi malapit lang sa Capitol, madalas, maraming mga nag pe-prenup shoot dito..hehe Maganda sanang pumunta dun bukas, kaso walang maaya..πŸ˜… Gandang gabi po..

l@lorenz08

Good morning everyone! Share ko lang po, Kanina pag gising ko may narinig akong mga yapak sa bubong namin. Akala ko si papa ko lang kaya di ko na tinignan kasi masyado silang magugulatin, baka pag makita ako eh mahulog sila.. Pero nagtaka ako kasi sa baba narinig ko boses nila, nagkikwentuhan sila ni mama. Dinig ko pa din yong yapak kaya naglakas loob ako bumangon para tignan sino nasa bubong.. sinilip ko sa bintana, wala namang tao.. maski pusa or ibon wala naman.. so sino…

l@lorenz08

Gagalang mag isa.. Ito yong mahirap pag single..haha Walang maaya..πŸ˜…

l@lorenz08

Grabe sobrang pagod ko..haha eto lang nabili ko, ubos na agad sahod..πŸ˜… Mas nakakapagod lumabas ng mag isa tapos umuulan pa, naka facemask at face shield.. Ang init sa daan kahit umuulan dahil sa face shield..hehe Nagutom ako pero di ako kumain sa labas kasi nanghinayang ako. Sayang na din yong matitipid ko if sa bahay ako kakain.. Kaso, pag uwi ko bahay kulang pala yong naserve sa akin na item kaya bumalik ulit ako bayan para ireklamo na kulang ung item. Chineck nila at…

l@lorenz08

Binurburan/Binuburan I went to the market then saw some vendor selling this "Binurburan" or in some place they call this binuburan. It is actually a fermented rice. My mother said that this food is actually good for digestion and helps in fighting ulcers.. Everytime I ate this food, I find myself a little bit tipsy, it's like I drunk some alcohol, maybe because it is actually the first phase in making rice wine called tapuy here in Northern Luzon. I like my binuburan just…

l@lorenz08

Not feeling well today. Di na ko pumasok sa office.. Sayang ang sahod pero mas mabuti ng ipahinga kesa ipilit ko pumasok.. Maulan pa naman ngayon..

l@lorenz08

nakikisabay ang panahon sa pakiramdam ko ngayon.. Mukhang uulan na naman.. Need ko na bumangon, mas mahirap pag lagi lang nakahiga..hehe Kape po tayo..

l@lorenz08

Mag kakape lang sana ako kaso nagluto pala si mama ngayon, kaya kakain na lang din ako..hehe Kain po tayo breakfast.. Sinangag with Tocino and fried egg w/ onion..😊

l@lorenz08

wala akong gana kumain kaya fruits na lang muna. Mas masarap sana to kung malamig kaso bawal naman malamig sa akin ngayon.. Kain po tayo .

l@lorenz08

Papaulan na naman.. Yong papa ko pasaway, mas pasaway pa sa akin.. Nagtatanim sa kabila katanghaliang tapat.. Ngayon daw kasi best time magtanim kasi bitin ang buwan.. Pano kayang bitin eh wala man makitang buwan ngayon .πŸ˜…

l@lorenz08

Papasok na sa work, naabotan ng hightide..hayz Musta kayo? Wag po papaulan, mahirap magkasakit..

l@lorenz08

Gandang gabi everyone! Kaninang umaga, ganto kataas ang baha dahil sa hightide, umapaw yong sa dike.. Buti na lang hindi pa masyadong nag uulan ulan.. Mahirap pag nabaha dito sa amin since halos pinataasan na mga kalsada sa mga kalapit baranggay namin.. Kami magiging kawawa pag nagkataon..

l@lorenz08

Maulang umaga! Sarap pa sana matulog kaso may pasok..hehe Sa mga may pasok gaya ko, ingat po tayong lahat.. Dala kayo extra tsinelas para di mabasa ang sapatos..hehe Dala din ng payong wag po papaulan dahil mahirap magkasakit, konting lagnat, ubo at sipon lang eh baka ma misinterpret na as covid..πŸ˜…

l@lorenz08

Share ko lang experience ko kanina.. Di po naman masyadong mataas ang baha pero di na kaya ng sapatos kaya nag bota ako papasok ng office. Dati, nahihiya pa ako na nagbobota pag papasok kasi parang feeling ko pagtatawanan ako sa office, pero kanina, inalis ko hiya ko..hehe Mas gugustuhin ko pa magbota kesa tumapak sa baha..hehe Pag alis ko baha, pagbalik ko ng bahay, baha pa din..

l@lorenz08

Tawang tawa talaga ako dito..hehe Na stress si Vincenzo sa kapitbahay niyang kalapati..🀣 Ginawang honeymoon suit ng mga kalapati yong kwarto nya, sa huli, wala sya nagawa kundi sa sala matulog..haha Try nio po panuoding ang Vincenzo, ang ganda po..hehe

l@lorenz08

Mas maingay pa to sa alarm ko.πŸ˜… Nagulat ako bigla nagising dahil dito.. May pasok kami now at baha pa rin sa dadaanan ko.. WaLang tigil ang ulan kaya expect ko mas mataas ang baha sa kalsada.. Anyways, ingat po ang lahat! Breakfast po tayo

l@lorenz08

Kanina nung umalis ako ng bahay, di pa masyadong mataas ang baha.. Pero nung pauwi na ako, mas grabe pa pala.. Nag give up yong tricycle na sinasakyan ko, kaya no choice ako kundi maglakad mula dun sa kanto hanggang sa bahay.. Hanggang tuhod yong baha kaya napasukan din lang ng tubig yong bota ko..huhu Pero buti na lang at hindi umulan, atleast di masyadong pahirap ang maglakad sa baha.. Ok na din atleast nakauwi ng maayos.. Gandang hapon everyone!

l@lorenz08

Good morning! Breakfast po tayo.. Nilagang kamoteng kahoy galing sa tanim ni papa ko.. Hinarvest na nila kesa mabulok dahil sa ulan ng ulan..

l@lorenz08

Mataas na ang baha, evacuate na din mga halaman. Lubog na sa baha yong mga pananim ni papa ko.. Sayang yong mga bunga ng papaya.. Pinamigay na ni papa yong iba kesa masayang.. Pang sahog sa tinola na rin..hehe

l@lorenz08

Kelan kaya darating yong time na name ko naman ang mag appear sa notification ko..haha Mapapa sana all ka na lang eh.. Good night everyone! Monday na ulit bukas, work na ulit..hehe

l@lorenz08

Umaraw na sa wakas.. Sana mawala na din ang baha para naman makapasok na sa work.. Good morning everyone!

l@lorenz08

Umaaraw-umuulan, Napaka unpredictable ng araw.. Eto yong dahilan bakit nagkakasakit tayo, Uulan taz bigla aaraw, malamig taz iinit..hayz

l@lorenz08

I'm a little bit stressed out today.. di nakapasok sa work dahil sa masama ang pakiramdam tapos baha pa..hayz Hope maging ok na bukas.. Sana mawala na ang baha, kasi maski na maaraw if mataas naman baha, di rin lang makakapasok sa work.. Walang sahod, walang budget..huhu dami ko na absent, hirap pa kasi andami bayarin like tubig, kuryente at araw araw na gastusin pa sa bahay..hayz Sorry guys dito ko naipopost to, hirap kasi pag walang outlet na pwede ibuhos yong mga worries…

l@lorenz08

Drinking Ginger with calamansi to ease cough and colds..

l@lorenz08

Pang himagas.. sana mawala na tong ubo at sipon ko..huhu mas nakaka stress ang nasa bahay lang at naghihintay ng oras..

l@lorenz08

Coffee po tayo.. Di pa rin makapasok sa work. Wala magawa sa bahay pero mas ok na sa bahay muna kesa mabalikan..huhu hirap pag nagkasakit taz ganitong ulan ulan at baha.. Ingat po kayo mga ka Noise.. Lalo uso ngayon ang ubo, sipon, lagnat

l@lorenz08

dahil bored na bored na ako dito sa bahay..πŸ˜… Practice na lang muna ako mag drawing..hehe try try lang, wala masama..haha

l@lorenz08

Nagbabadya na naman ang malakas na ulan. Ingat sa lahat ng mga may pasok sa trabaho at patuloy na kumakayod kahit masama ang panahon..

l@lorenz08

This are my treasures.. Every letters and cards that my friends and relatives gave me, I cherish them.. It's been a long time since I got this letters.. The last one was when I was still in college wayback 2006.. For me, this letters means a lot because of the efforts that was put in it.. I really appreciate and value this kinds of gifts..

l@lorenz08

Nais ko lang pong ibahagi itong munting tulang nakalkal ko.πŸ˜… Nagawa ito noong 5/21/06, mga panahong hilig ko lang ang isulat kung ano ang biglang sumagi sa isip ko.. Kalakip nito ang larawang kuha ko, katunayan na orihinal na gawa ko po ito..😁 Ang Panaghoy ng Ipis Mga tao ako'y inyong kaawaan, Buhay ko'y wag paglaruan Ako'y isa ring nilalang, May karapatan din akong mabuhay.. Sa liit ng aking katawan, Isang apak mo lang ay pisat aking laman. Panlaban ko lang ay aking bilis,…

l@lorenz08

Bigay ng friend ko kanina nung pumasok ako galing work..hehe Libre nya sa akin dahil pinahiram ko daw sya ng payong last week, kanina lang nya naibalik dahil kanina ilang araw akong absent..πŸ˜… It's good to be back! Namiss ko magwork dahil halos 1 week akong nagstay lang sa bahay..

l@lorenz08

Atcharang Papaya Isa ito sa favorite ko lalo na pag prito ang ulam..hehe Dahil nababad sa baha yong puno ng papaya, napilitang iharvest ni papa yong mga bunga, kesa masayang, ginawang atchara nila tito ko..hehe Atleast di agad mapapanis, sarap pang ipanghimagas..:)

l@lorenz08

Kaninang umaga, ganyan na lang ang baha dito sa amin, nung pag uwi ko mas bumaba.. sana bukas wala ng baha at umaraw na para matuyo ang mga sinampay..hehe musta araw nyo guys? Ako, maganda buong araw ko ngayon..sana ganun din sa inyo..:)