Ako Ako ay isang maliit na bahagi lamang, Ng malaking mundong aking ginagalawan. kasing liit ng butil ng bigas sa palayan, kasing liit ng buhangin sa karagatan. Hindi napapansin ng karamihan, Pangkaraniwan lang sa mata ng ilan, Katulad ko’y isang dahon sa malagong halamanan, At isang gabutil na tubig sa patak ng ulan… Ngunit maliit man akong bahagi ng mundo, Ikinararangal ko ito ng husto! Sapagkat aking napagtanto, Ang bumubuo ng mundo ay isang AkO.. --good evening mga kapatid!😊 Share ko lang tong tula ko dito.. College days!hays nakakamiss 😁 #MgaTula
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Ang galing mo nmn po❤️
thank you po..❣️