Hello mga kanoise, kawawa naman ang baby damulag namin nilagnat simula pa kagabi...... nagpapaulan kasi kahapon.... at nagpapasalamat pa rin ako at hindi na sinumpong ng kanyang combulsion kapag may lagnat cya mga kanoise, Thank you Lord
Joined 24 October 2022 · 23 posts
hi to all may godbless us
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Hello mga kanoise, kawawa naman ang baby damulag namin nilagnat simula pa kagabi...... nagpapaulan kasi kahapon.... at nagpapasalamat pa rin ako at hindi na sinumpong ng kanyang combulsion kapag may lagnat cya mga kanoise, Thank you Lord
Nagpunta ako sa post office para magbayad ng kuryente at ang malas naman dahil nag offline...... nag antay na naman kami.....pagkatapos , sabi ng cashier na pwede na daw magbayad ang walang mga arrears.... salamat at nakapagbayad na ako mga kanoisefam
Hello kanoise nagpapahina na naman kami sa school kanina......nagtanim ng bulaklak at naglilinis sa paligid ng room ng paaralan...... at biglang bumuhos ang malakas na ulan..... basang basa kami dahil sa sobrang lakas ng ulankanoiser.
Hello mga kanoise, ang daming tao sa barangay hall namin, kaya pala namimigay ng social pensyon sa mga senior citizen, namimigay din original na National ID...... haaaaay naku, hindi talaga kami mapalad na mabigyan ng grasya.....lagi nalang wala kami sa listahan. ......maghintay na naman kmi kung kaylan na nasa listahan na kami..., magtiis tiis muna kami mga kanoisefam
Ang sipag-sipag talaga ni Julie kahit hindi inuutusan, maagang nagpupunas ng sahig ,tapos nagfloorwax din. kung ganito lang lahat ang mga kabataan ,mapapasaya talaga nila ang mga magulang mga kanoiser.

8:30 na ng umaga pero madilim pa rin ang kapaligiran mga kanoiser......at ang lamig pa rin ng simoy ng hangin sa oras na to. kahapon ang lakas ng ng buhos ng ulan. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil maginaw, buti nlang walamg pasok sa mga kids ngayon. Good morning mga kanoisefamily!

Hello mga kanoisefam, maulan na panahon aywan kung may bagyo na naman ba. hindi na naman ako makakapaglaba nito dahil hindi matutuyo ang sinampay. kaya heto cellphone na naman ang inaatupag ko, wala kasing mapaglibangan mga kanoiser.

Good morning kanoisefam, nakuha ko na rin ang National ID ko, kaya lang temporary lang......bakit nasaan ang ori ginal national id ko? sabi doon sa barangay namin hintayin nalang daw sa bahay namin mga kanoiser.......ang tagal na naming naghintay
Morning ulit mga kanoisefam, kain tayo ng pancit canton. Ito kasi ang paborito ng mga kids dito. ...hindi ko nilagay ang lahat ng sahog kasi masyadong maanghang kakainin pa naman ng mga bata.
Natatawa ako sa karanasan ko sa coronation kahapon mga kanoiser, natataranta ako dahil pagsoot ng gown ng apo doon sa school ay hindi nagkasya ang gown.....akala ko kasi kasya pa iyon kasi ang ginagamit neya dati.... mabuti nlang at gumawa ng paraan c teacher neya, nilagyan ng mga perdibli at tinalian niya kahil hindi maisara sa likod ay nagawan din ng paraan , salamat at nakakapaso din ang apo ko mga kanoiser.
Cold morning mga kanoise app, namimiss ko nang magbakasyon sa bohol at namimiss ko na ding kumain ng kalamay sa bohol. ang sarap kayang kumain ng kalamay sa bohol mga kanoiser.....at magagandang view sa bohol.
Good evening mga kanoise, at sa wakas natuloy na rin ang coronation ng Universal King and Queen ng school, palagi nlang hindi natuloy dahil may exam pa, salamat kay Lord dahil nanalo c Julie ng Best in Introduction Number.


Good evening kanoiser, dagsa na naman ang mga black bug dito sa amin...... ang baho pa naman ng anoy nito, Ano kayang pweding gawin upang mawala ang mga black bug mga kanoiser.


Hello mga kanoiser, nagpunta ako dto sa School Office upang kumuha ng Certification of Enrolment, pinakiusapan kasi ako ng anak dahil gagamitin daw neya. Thanks God at binigay naman kaagad ng magandang sekretarya mga kanoiser

Happy Sunday mga kanoisefam, kagagaling lang namin magsimba sa chapel namin..... kahit brown out dito sa lugar namin simula 6am to 6pm na walang kuryente. Pero natapos din ang pagsimba namin. Kayo mga kanoiser nagsimba na ba kayo?


Good afternoon mga kanoisefam, malapit na ang pasko heto gumawa na kami ng Christmas decoration, ayaw ko sanang magdecorate ngayon kasi hindi pa tapos ang pinagawa naming bahay, kaso itong apo ko napakaapurado, inilabas na neya lahat ang itinago kong decorasyon.


Hello mga kanoisefam, na miss ko na ang alaga naming manok. .... ayan kasi gala ng gala kahit walang balahibo, malaki na pero wala pa ring balahibo, ayan tuloy napagtripan tuloy ng kapitbahay...... hindi na nakauwi sayang.....mahigit isang kilo na yata ang timbang nito
Good morning kanoisefam, ito nga pala ang mga klase klasing guppy na alaga ng anak ko......lalo silang dumadami doon sa ref tab. paparamhin pa dw niya ito para ibenta mga kanoiser.


+2 more
Hello mga kanoisefam, kumuha pala kami ng Satlite cable kasi nagpopromo sila. 3,500 at libre na ang paggawa nila, at 500 lang ang singil nila kada akinse. Tuwang-tuwa naman ang mga bata kasi makakapanood na sila ng paborito nilang cartoons.
Good afternoon mga kanoisefam, sa ganitong panahon na umuulan..... ang sarap kumain na saging na may bagoong o sa ginamos ang tawag namin sa bisaya. Nakakabusog talaga ito mga kanoiser para pang snack. kayo tapos na ba kayong mag snack kanoise?

Goobd morning mga kanoisefam , ito nga pala ang nakuha kung picture sa tabing dagat ng Salay, Misamis oriental. Pinipicturan ko ang araw na palubog na bandang hapon. .... at meron pang punongkahoy na nakatayo doon sa dagat. Nagagandahan lang ako sa view na gawa ng Diyos sa ating kapaligiran mga kanoiser.


Happy birthday pala sa apo kung ito na magaling kumanta. Pasensya na apo walang akong maibibigay na regalo sayo. alam mo na kung bakit hihi. Mga kanoisefam.....pwedeng bumati sa apo ko
hi mga ka noise