read.cash Log in
@lemonGirl more from that month

Itong dalawang to ay mga aso ng kapitbahay namin yung pangalan ng malaki ay si Molly (pero lalaki siya) at si Shugo naman yung maliit. Kadalasan pinapakain ko sila pag naghihintay sila sa labas (dahil pinapakain ko rin yung mga pusa kung lalabas ako). Yung rason kung bakit ko sila pinapakain ay syempre na aawa ako dahil parang buto't balat na sila (di sila masyadong pinapakain ng nag-aalaga sa kanila) tas pinapalo pa sila ng mga bata at kapatid ng nag-aalaga sa kanila (di ko naman masabihan yung mga pumapalo sa kanila dahil di ko naman sila aso at baka masabihan pa akong nakikisiksik). Syempre, nilalambing/nakikipaglaro din ako mga aso na ito kahit hindi akin pag lumalabas ako sa bahay o ipapasyal ko si Aubrey. Sa pag pakain ko sa kanila unti-unti na silang tumataba at sa paglalambing ko sa kanila unti-unti na rin silang nagiging mapagsik. Kadalasan tumutulog na rin sila sa labas ng bahay tas naging maamo na sakin. Sila na din yung naging guard dogs namin kung gabi 🤣 palagi akong nagugulat sa tahol ni Molly dahil ang deep ng boses niya at di ko talaga na expect na deep voice siya ahaha Parang okay naman sa kapitbahay namin na pinapakain ko yung mga aso nila dahil di naman nila ako sinabihan na itigil ko 😆

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.