Di ko masyadong narinig moments kahapon: Papunta kami sa munisipyo at may checkpoint kaming na daanan na hinahanapan kami ng travel pass or kahit anong documents kung taga san ka. Dala ng nanay ko yung police clearance at birth certificate ko at government I.D. niya, ako naman dala dala ko yung mga na order na choco balls. Noong sa May checkpoint na kami May isang sundalo or police(?) na tinanong samin na sabi niya ay "Taga diin ka ma'am?" (Taga saan ka ma'am) Bali Ilonggo siya na distino dito sa Aklan. Noong tinanong niya yun pinakita ng nanay ko yung I.D. niya tas noong tinanong na ako "Taga diin ka ne?" Eh di ko masyadong narinig yung tanong niya dahil Naka faceshield at dalawang facemask ako ang sinabi ko "Paagto it Kalibo kol" (Papuntang Kalibo kuya) since dito siya nadistino inassume ko na nakakaintindi siya ng Aklanon. Napakamot noo siya dahil ang layo ng sinabi ko 🤣 tas pinakita na ng nanay ko yung documents ko at nag-signal na siya ng go. (skl hahaha)
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet