read.cash Log in
@leejhen more from that month

Can I cry in here?πŸ˜” Hindi ko kaya Ang mawala sa buhay niya Hindi ko alam kung bakit kaya Di bale ng hindi masaya Basta't siya ay laging nakatawa Ayoko mang bumalik sa nakaraan Na laging nasasaktan At lumuluha ng walang dahilan Pero puso'y di mapigilan Na huwag siyang pagmasdan Naranasan mo na ba? Kahit saan ka magpunta Kahit ano ang iyong ginagawa Mukha niya parin ang 'yong laging nakikita Kahit sa kanya ika'y balewala Masaktan man ng lubusan Hindi siya binitawan Kahit alam mo na sa huli ay ika'y kanyang iiwan At malulunod kang luhaan Hindi ko kaya Ewan kung bakit ba Anong klaseng pagmamahal Na bakit kailangan 'pang magtagal Anong klaseng puso ba ang meron ako At siya lang ang nakikita nito Naging bato nalang sana Nang wala ng madama leejhen ❣️

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.