Mensahe Mula sa Guro
Sa panahon ngayon Ng pandemya. Halos lahat,natakot at nataranta. Lalo na sa mga ipinatupad na mga bagong sistema. Na sa buhay nating lahat,isang malaking banta. Hindi biro itong nangyari sa mundo. Mahirap man o mayaman,talagang apektado.dahil ang sakit ay walang Sini Sino At napaka bilis Ng pagkalat nito. Kaya dapat malakas ang immune system mo. Maraming di nakatugon, sa naging sitwasyon Dating ginagawa ay bawal na ngayon Pakikisalamuha at pagtitipon tipon Maraming tao sa utang nabaon Ngunit dapat sumunod dahil Ito ang solusyon. Maraming sangay Ng pamahalaan Sa pangyayaring Ito ay nagbigay daan Ang sitwasyon ay talagang pinag aralan Mga pondong dapat sa iba nakalaan Dito binuhos,upang madla ay ayudahan Departamento Ng edukasyon,gumawa Ng solusyon Sa kabila Ng maraming rekomendasyon Na itigil muna ang pasukan ngayon Ngunit di Ito nagpatinag,at di tumugon Bagkus gumawa Ng para’t nag badyet ng bilyon At dumaan sa katakot takot na diskusyon Upang ipaglaban ang kanilanbg desisyon Na di dapat matigil pagbibigay Ng edukasyon Sa kabila Ng nararanasan natin ngayon Pagbubukas Ng klase nagkaroon Ng ekstensyon Kaya ang madla sa mga guro naka tuon ang atensyon Wala raw ginagawa,ngunit sweldo mayroon Pa relaks relaks lang at panay ang bakasyon. Dapat daw maging frontliners karamihan Yan ang suhestyon Bilang isang guro,di ko na babanggitin Mga sakripisyo’t paghihirap natin Hayaan natin na kanilang alamin Suriin, busisiin,tuklasin at himayin Na sa pangyayaring Ito,tayoy biktima din. Pagbubukas Ng pasukan,di na nga napigilan Sa kabila Ng napakaraming pinagdaanan Paghahanda sa module,mga guro nahirapan Tuloy ang trabaho mula bahay hanggang paaralan Lalo na’t tayoy kulang sa kahandaan Tayong mga guro madaling makiayon Sa mga pinagagawa agad tumutugon Basta’t sa ngalan Ng edukasyon At kinabukasan ng mga mag aaral tayo’y nakatuon Kaya masasabi ko Mahal Tayo ng Panginoon. Sa kabila Ng ating pagiging problemado Sa nakakatakot na sitwasyon,at napaka delikado Tuloy pa rin ang pagdiriwang Ng ika walumput limang anibersaryo Ng paaralang elementary a Ng amancio Sa kasalukuyang taong Ito. Napaka bilis Ng taon, at eto na Naman Tayo Ipinagdiriwang ang pundasyon Ng eskwela hang Ito Sama Sama at magkakaisa Tayo Sa mga gawain ang lahat ay aktibo Ngunit naiiba ang pagkakataon Ito. Dahil di lahat ay makakadalo Walang aktuwal na pagdiriwang at salo salo Hindi rin presente mga mag aaral dito At talagang masasabing natatangi Ito Dahil may mensahing nais iparating sa mga tao Magkaisat magtulungan tayong lahat Sa ating puso dapat maging tapat Pag big sa kapwa ang ating ikalat Paggalang sa bawat Isa Yan ang dapat. Upang ano mang bagay Hindi mabigat Ang pangyayaring Ito ay isang paalaala Anumang masama dapat tigilan na Magmahalan Tayo sa tuwi tuwina Magpatawad Tayo at laging mag pasensya At laging isiping Tama ating ginagawa. Ilan pang pagsubok ang dapat iparanas Ipang malamang may Mali sa ating nakalipas Na walang katuturan ang maging Marahas Sa diyos na may lalang dapat tayoy malakas Kabutihan sa kapwa ang laging ipamalas Sa mga kasamahan ko dito sa amancio Maligayang pagbati sa ating anibersaryo Napaka linaw po Ng mensahing Ito Pagkakaisa at paggalang dapat Isa puso At sabay sabay na manalangin tayo Na bumalik na sa normal ang lahat sa mundo.
1 comment
i don't understand this poem, but i'm visiting.