Happy yarn friday na!!!
Sinangag at itlog for agahan minsan ganitong pagkain gusto ko sa umaga at for sure kaksin ako samahan pa ng black coffee , ewan ko ba bakit pag fried rice kayang tanggapin ng sikmura ko pero pag bagong saing sa umaga hindi ko talaga makain feeling ko malamig sa tyan pero mainit naman at bagong luto hahaha, pero anyways kain po kayo dyan! Alam ko maiglas na maiglas na naman ang mga fersons today!!! hahaha balato naman dyan ... joke lang po! GOD BLESS TO ALL❤️ mamaya uli late na naman ako nito ✌️ingat!
Maulang tanghali na naman dito sa bayan namin!!! whoooo matic na after lunch uulan talaga eh hindi na natuyo ang kalsada. Share ko lang etong napanood ko sa tv patrol kagabi , Si father pet lover sya at eto ung mga alaga nyang namatay na , taxidermy pala ang tawag dun sa procedure na un para ma preserved ung pet mo un nga lang need ng budget , pero sabi ni father sadyang magkakaroon ka ng anxiety or depression kapag napamahal na sayo ung alaga mo , kung pet lover ka tunay na ma appreciate mo sila❤️ at maiintindihan kung bakit ganun mga owner member of the family na kasi sila.
Anlamig ng umaga! Lalong lumamig ang pakiramdam ko ng nag memory etong pic sa fb ko , at na missed ko si tatay 5 yrs. ago na pala eto nun nagpunta kaming Baguio,kumusta masisipag kong kaingay?! maganda na naman ang gising for sure ng lahat ng andito 😊❤️ lalo kung nasilip na ang bch wallet hahaha ano madami bang biyaya. ingat po tayong lahat. HAPPY THURSDAY!!!
Good night sa inyong lahat! Medyo late na naman ang tulog ko hindi dalawin ng antok haysss 😌 ganito talaga ako minsan sa gabi , ayan nakikinig muna ng christmas songs para ma relax... thank you sa inyong lahat . God bless us all! ❤️
Thank you Lord for another blessings , ilang months din kaming nagtiis na walang tv bakit ba naman kasi disposable mga smart tv ngayon??!!! 😌, tyaga sa cp at laptop ...happy na naman si mother earth. May biyayang dumating kasi na ayos na nya ung sa SSS pension ng father ko na transfer na sa kanya ilang months din ung inantay namin kaya ayan na ipon sa atm nya. At eto nag pa budol na nga dahil may freebies na washing machine at soundbar hahaha ayos eh sabi ko nga aba un atang washing ang gusto nya eh😂
Ung anak mong dalaga na pero nakita mo na boring or na miss nya atang maglaro ng kandila kagabi... haysss bilis talaga ng panahon , sabi pa nya kagabi mommy alam mo ba lagi mo kong sinasaway pag gusto kong maglaro ng kandila kaya hindi ako gaano makapaglaro 😂😂😂 sabi ko aba ganun ako ka protective sayo noon paano kung mapaso muka mo , sabay sabi ko sige ngayon ka maglaro at ligpitin mo na din yan. Minsan na realize ko hirap din pala pag solo ang anak kasi parang lahat ng attention mo nasa kanya talaga. Aminado ako nun bata sya na talagang sobrang bantay namin sa kanya at masama nga din pala.
Good morning! back to work...buti nag announce kahapon si gov.na wala pang pasok mga estudyante andami pa ring walang tubig ngayon gawa ng bagyo😌 kumusta kayo?ingat sa mga pupunta pa rin ng sementeryo.Prayers for the souls🙏
Idlip lang ako saglit tapos pagka gising ko punta uli kami kay tatay, miss you so much Tay mamaya uli kita babalikan dyan , maganda ba ang mga flowers mo bili ng jowa mo hahaha (ni nanay) .Ano kumusta na kayo busy ba sng lahat?! ingat po sa mga pupunta ng sementeryo❤️
Galing na kaming sementeryo mga 9:00am kami pumunta , umuwi muna para kumain medyo na dagsa na ang mga tao sa sementeryo , thank you Lord pinagbigyan mo ng makadalaw ang mga tao... tara kain tayo ngayon lang pinagluto ni mader ng spaghetti kapatid ko nag bday kasi nung nabagyo hindi na muna kami nag celebrate. Happy birthday bro🎉🎂😘
Late upload na nga pala , last friday pa eto hehehe bumagyo kasi pero gusto ko lang iflex ang aking unica hija dahil 1st place ung banda nila sa battle of the bands...Hakot award 🥇 and the best vocalist goes to ....Janna 💚💚💚🥇👏👏👏💐 so proud of you!!! manang mana sa nanay hahaha charrr! Lucky charm ang green eye shadow😂
Good morning sa inyo... mukang maulan na naman ang umagang eto kahapon lang sng ganda na ng panahon😌 Maaga kaming gagayak para mga 8am punta na kami kay tatay.. Haysss ang sakit sa puso 😢 unang araw ng mga patay na dun na sa sementeryo namin makakasama si tatay. ingat po tayong lahat ipag pray na lang natin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na🙏
Good evening just got home😊❤️ sensya na po nag movie date kami ni unica kaya hindi nakatambay maghapon...sinusulit ko habang holiday at andito anak ko.Grabe na miss ko ung ganitong bonding namin mag mommy dec or jan.2020 pa ata last movie date namin simula nag pandemic .. back to normal na sa mall pero hindi pa din ganun dumog sa cinema ang mga tao. Kumusta maghapon nyo mga kaingay?!
Thank you Lord sa wakas nagpakita na si Mr.Sun ,at dahil dyan mag da-date muna kami ni unica ko.2 weeks ko syang di nakita...eto kahit medyo traffic G kami at makapag unwind kami sulitin ang holiday☺️
Good morning mga kaingay! kumusta na kalagayan nyo? sana naman wag ng tumuloy ang bagyo hindi pa nakaka recover eto na naman , mahangin at naulan na uli...ingat po tayong lahat Pray lang lagi malalampasan din natin eto.Buti nakauwi na anak ko kahapon.
Hello mga kapatid kumusta? sumaglit muna kami sa sementeryo at nag check kung ok ung puntod ni tatay... buti hindi natanggal ang bubong , nag visit na rin kami sa iba naming kamag anak dito sa memorial medyo mahangin at madagim pa rin. Sana hindi na nga umulan uli at babalik uli kami mamaya dun dahil idadalaw na ang mga bagets bawal kasi mga below 5 yrs old .
Thank you Lord🙏 dahil safe kaming lahat, tulungan mo po mga nasalanta at sana na rescue na ung mga lumubog ang bahay sa baha, tinigilan ko na ang pagbabasa sa socmedia kagabi at nakaka durog ng puso ung mga taong nahingi ng rescue lalo ung mga may baby at seniors na kasama sa bahay, ingat pa din tayo... ayan eto ang iniwang bakas ni Paeng may sangang sumabit sa bintana namin..buti hindi nabasag un sliding window.Blessed Sunday everyone, keepsafe❤️
Good night na sa inyo kahit alam ko hindi naging ok ang maghapon natin dahil marami sa atin nasalanta ng bagyo at mga binaha laban lang tayo guys ganun na talaga ata ang buhay sa Pinas importante ligtas mga pamilya natin.Thank you Lord dahil kahit ganito ok kami.Pahinga na muna tayo.Bukas hanapin natin sabay sabay si Mr.Sun🌞 saan kaya namasyal☺️
Lord gabayan mo po kami sana tumigil na ang bagyo dami ng binabaha ... hindi ako makampante maghapon na akong ganito lalo ngayon ka chat ko anak ko binaha na rin sa school nila ayan daw itsura , malapit lang ung apartment nya dito 😌 first time nyang wala sa bahay ng nabagyo hindi kami magkasama. Ok naman daw sya doon kaya lang hindi syempre mawawala worries ko... sobrang hangin dinig ko ung ugong sa bintana... ingat po tayo at magdasal na sana matapos na eto. 🙏
Nasunod naman kahapon ang green na eyeshadow ni ate ghorl😂😍 kasi sabi nya nun isang araw mommy magpapa make up ako sa battle of the bands... para pak na pak pag kanta mukang maayos naman pagka make up kasi first time may ibang humawak sa fes nya hahaha , taga dito kasi ung make up artist na suki namin since elem. days nya.
Grabe damang dama na ang bagyo lakas ng hangin ...kaya halika ng mga fersons at maige pa ay tayo ay kumain luto na ang all time favorite , hayss kaawa naman anak ko inabot pa ng bagyo sa dorm hindi makakauwi ngayon.. may sinigang pa naman, mayat maya ang chat ko kinakamusta ko kung ok lang sya dun dami kong bilin! ngayon lang bumagyo ng hindi ko sya kasama😌 tara lunch na muna at later siesta time! sulitin ang walang pasok.
Kahit bagyo at hindi ok ang panahon Good morning pa rin guys! at eto na nga si bagyong “PAENG” nagparamdam din dito sa lugar namin pero ang matindi 6:00am pa lng nagtatanong na kami sa management waiting pa kung walang pasok kaya inabot na kami kahihintay until 8:00am ang ending hindi suspended unless may memorandum from local govt so paano naman kaming mga private company haysss lagi na lang ganito eksena pag may bagyo, kaya no choice sko nag file na lang ako ng emergency leave. Ingat po tayong lahat...
Aba meryenda hotdog at kanin hehehe nagluto si manager eto food trip naman grabe anlakas ng ulan , sarap magkape. Haysss walang pag asang tumila ingat na lang tayo lalo sa mga nag momotor madulas ang daan.
Hello Yuri 🐶 ayan matic kapag umuwi ako ng lunch unahan lagi sila ni yuki pag lapit sa akin ung isa magtataray pa at gusto sya lang ang love love , h❤️❤️❤️ hahaha eto na lang mga alaga namin stress reliever ko saka libangan pag uuwi kasi wala naman akong alagaing anak. Ano tulog na ba kayo noisers lakas ng ulan anlamigggg dito sa office.
Dahil friday ngayon ginatang munggo ang ating ulam, sarap talaga ng ganitong luto ung may lahok na tinapa at mustasa. Haysss parang ayoko ng bumalik ng office sarap mamaluktot sa sofa , pag umidlip ako baka naman mabitin ang tulog lalo lang sasakit ulo ko. ingat po sa mga binabaha ng lugar mukang nagsusungit si Paeng madaming dalang ulan...
Grabe naman ang lakas na ng ulan hindi naman pwedeng hindi ako uuwi bumili na lang ako ng lutong ulam namin ni nanay sabi ko wag ng magluto bibili na lang ako... haysss binabagyo na ang anak ko baka sa school tuloy daw event nila😌 hindi kasi suspended ang college level .
Good morning , yes TGIF... pero may isa sana akong request for today pakihanap nyo naman si Mr. Sun ☀️ hehehe mukang ayaw magpakita 😌 sana naman pagbigyan ang araw na eto wag ng umulan may ganap ang anak ko , ngayon na ung battle of the bands nila sa oval gaganapin sa school medyo slight sad ako first time ko syang hindi mapapanood mag perform ng live , no more stage mom hahaha! anlayo ng school eh ni hindi ko ma prepare ung mga damit nyang isusuot later.
tara kanta tayo ng Oh mr sun oh mr mr sun🎶🎵🎶🎵 please shine down on me!!!😂😂😂 baka effective kahit konti... ingat po tayong lahat ! enjoy its friday!!!
Di pa dalawin ng antok kaya akoy magkakape muna oh diba baliktad need magkape para antukin st ma relax , goodnight na sa masisipag na noisers! ano hapit ba ang maghapon bawi ako bukas medyo di naka focus maghapon...Pahinga na po muna tayo , oh sya ipahinga ang mga mata at for sure hapdi at maluha luha na yan sa pagtitig sa cp... thanks to all❤️ see you tom.
Kakauwi lang namin ni mother galing sa lamay,, Isa eto sa balitang nabigla din ako , ung kapitbahay namin mother sya nun classmate ko nun HS , tita sya ng lahat kumbaga kaya nalungkot din naman ako at nabigla dahil parang ang lakas nya at masayahing tao. Daming nyang kaibigan dahil magaan syang kasama tas nabalitaan namin wala na sya kahapon. Haysss hindi mo talaga masasabi ang buhay ng tao, alala ko sya pa nagturo sa amin ng sayaw at tumahi ng mga costumes for christmas presentation nun elem. kami.RIP tita 😢🙏
Salamat kanina sa may sponsor monthly 🎉 celebration hahaha yes safe!!! ilok ilabas ang meryenda hahaha , ayan may sharon pa ako . Sarap talagang magluto ni nanager sold out eh. Hindi na ako makaka hapunan nito... coffee later na lang.
Ung na zero ko na sya this morning pag bukas ko uli 200 plus na uli ansaya talaga sa noise app , kaya habang nag ❤️ ako at nagbabasa tara kain muna ng cucumber at later may papadit habhab si manager nagluluto hahaha , may ayuda officemate ko aba kumpletos recados untimo bawang sibuyas bitbit kinupit ata sa nanay nya charrr😂