Ready for LTO renewal na ang aking tricycle. Sa first week of January pa dapat ang renew ko kasi ending in 1 kaya lang ayaw ko makisabay sa karamihan. Ngayong December kasi medyo madalang pa ang nagrerenew dito sa amin kaya every Dec talaga ako nag aasikaso para di na din nasasabay sa maraming gastos sa January. Sa ngayon kasi may budget pa dahil pinadalhan na ko ng anak ko ng allowance ko. Mamaya after lunch na ko pupunta sa LTO. Sa 2023 pala mas malaki ang gastos ko kasi driver's licence naman ang irerenew ko.
Good morning everyone. Thank God it's Friday na naman...ang bilis talaga ng araw at heto pa din tayo...healthy, strong, alive and kicking. Thank you Lord for the blessing. Amen.
Bati na ang mga alaga ko. Dati lagi nag aaway yan at lagi bugbog yung maliit kaya nakatali na yung isa. Pwede na ulit pakawalan. Pareho po maliit na lahi ang dalawang yan. Pero hindi sila pure aspin. Parehong bigay lang sa akin. Yung nakatali parang 4 months old na tuta lang ang size pero di malapit na yan mag 1yr old. Halos singlaki lang ng shihtzu pag nakatayo. Yung maliit naman 3 months old na sa dec 24 pero maliit pa din. Sana nga wag na siyang lumaki para laging cute ahaha. O sya magpakulo na ng tubig ng makapagkape na. Ingat po. God bless.
https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7
Kakaikot sa mga community nakatyempo ako ng cashbox. Maliit man ang laman pandagdag na din yan. Kundi ko pa nakita sa mga post na kiniclick pala yan pag may nakita ka hindi ko talaga ikiclick yan ahaha. Nakakita na ko dati ng cashbox pero takot ako magclick baka kasi link pala para mahack ang account...yun pala grasya din yan ahahaha. Invite link ko po pala nasa itaas baka wala pa kayong cashrain. Magandang gabi po pala. Ingat.
Guys miryenda time na. Yan ang binili ko kanina tig 10pesos per slice ng banana cake. Sa cake shop hindi ka makakabili ng tig 10 pesos lang pero dito sa neighborhood bakery murang mura lang same taste din naman ahaha. Sabayan lang ng kape ayosssss...😁
Fried siomai ulit for tanghalian. Hindi na naman nagbukas ang aking suking tindahan ahahaha. Buti na lang may siomai sa ref. Pero may adobo pa din naman ako kaya lang yun na ang inulam ko kahapon. Tara po kain na tayo. Medyo gutom na talaga ako kasi di ako nakapagmiryenda kanina. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
What's up kaingays. Magandang umaga po sa inyo. Lord salamat po sa muling pag gising. Thank you Lord for the blessing. Amen.
Mataas na ang araw pero malamig pa din. Sana hanggang hapon ang ganitong feels para tipid sa kuryente ahahaha. Kamusta ba ang mga gising? Sana good mood para attract positivity ahaha. Nagkape na ba kayo? Tara po kape tayo habang mainit pa. Ingat po baka mapaso ang matutulis na nguso ahaha. Ingat po lagi. God bless.
Mga kaingays goodnight na po sa inyo. Bigla akong inantok pagkatapos ng pinapanood ko. Yan po pala ang pa-late sunset shot ko kanina sa labas. Lubog na kasi si haring araw nung masilip ko. O sya yun na lang po. See you again tomorrow. Ingat po palagi. God bless.
https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7
https://cashrain.com/invite/slyzyu3ty1
https://cashrain.com/invite/149065v8901
My biggest bch from cashrain since day 1 of using the platform. Nagulat pa ako nung i-click ko ang notification 0.51$ ahaha. Thank you @blockmaster. Magandang hapon po sa lahat. Ingat.
Hala nakalimot ako magyaya kumain ahahaha. Pinicturan ko pa naman yan kanina bago ako kumain. Adobo atay balunbalunan na may eggs. Sa akin yung eggs...sa pets ko yung atay balunbalunan ahahaha. Magandang tanghali kaingays...😁
https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7
https://cashrain.com/invite/slyzyu3ty1
https://cashrain.com/invite/149065v8901
Sa mga wala pa pong cashrain yan po ang invitation link. Sa mga may cashrain na tanong ko lang kung para saan ang button na yan? Natry nyo na ba i-click yan?😁😅
Rise and shine. Good morning everyone. Thank you Lord for giving us a new day. Amen.
Kamusta na mga kaingays. Napasarap din ba ang mga tulog nyo? Ako kasi maaga inantok kagabi kaya mahaba ang tulog ko. Nabawi yung puyat ko nung isang araw na 2am yata ako nakabalik sa tulog dahil sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan galing sa plaza na nanood ng mga artista ahaha. Kahit paano nakabawi ako kahit maaga pa din ako nagising. Parang 9pm tulog na ko kasi may miskol ako ng 9pm na di ko narinig ahaha. Sige yun na lang po muna. Kape tayo. Ingat po. God bless.
Guys magandang gabi po. Nakakain na ba ang lahat? Tara na po kumain. Yan lang ang ulam ko ngayon itlog na maaalat na may kamatis at tinapa. Di ko na pinicturan yung tinapa kasi muntik na masunog ahahaha. O sya kain na. Enjoy your dinner too. ☺️
Guys it's miryenda time na. Lumpiang shanghai po ang miryenda ko nabili ko sa kapitbahay. Masarap ang luto nila ng lumpia shanghai hindi maasim. Ginigisa muna kasi nila bago ibalot kaya sure na luto pati ang laman. Minsan kasi nakakabili ako ng parang hilaw ang laman sunog na ang balat. Tara guys kain na. Magandang hapon po. Ingat.
Testing lang ng sampayan na ikinabit ko nung nakaraang sabado. Di ko kasi nagamit. Pagkatapos ko ikabit bigla naman umulan ahahaha. Papaarawan ko lang ang mga sampay na natuyo sa loob ng bahay. Kaya siguro nagkakatagulamin ang mga damit ko kasi di ko napapaarawan. Yung mga itim na batik batik sa damit ay mga mildew o parang amag pala. Tumutubo sa mga damit na matagal na hindi nalalabhan. Pero ang mga damit ko naman hindi ko lang siguro napapaarawan tuwing naglalaba ako kaya nagkaka mildew. Tuyo na po ang mga yan..gusto ko lang paarawan.😁
Lord, thank you for giving us a brand new day. Amen.
https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7
https://cashrain.com/invite/slyzyu3ty1
https://cashrain.com/invite/149065v8901
Magandang umaga po kaingays. Tinanghali ako ng bahagya ng gising kasi 2am na yata ako nakabalik sa tulog. May huminto kasi motor sa harap ng bahay ko ng 12am na yata tapos bigla pina-wild yung tambutso nya ayun bigla ako nagising kaya nahirapan ako makabalik sa tulog. Pero okay lang kasi mas mabuti na yung mahirapan makabalik sa tulog wag lang mahirapan makabalik sa gising. May invite link po pala ako sa itaas sa mga wala pang cashrain. Yun lang po. Ingat po lagi. God bless.
Guys magandang gabi po. Nakakain na ba ang lahat? Ako po kakatapos lang. Yan ang inulam ko. Menudo na binili ko sa karinderya. Hinalukay ko na wala man lang ni kapirasong hibla ng sibuyas ahahaha. Sa sobrang mahal ng sibuyas di na yata sila gumagamit. Parang wala din yata bawang ahahaha. Pwede na pala mag gisa na walang bawang at sibuyas. Sabagay sa adobo ko bawang na lang din ang ginagamit ko. Lasa adobo pa din naman ahahaha.
May bago akong pang display photo. Buti pa ang emcee pinicturan ako parang sya ang kabatchmate ko ahaha. Aba yung mga kabatch ko panay ang tawag sa akin para picturan ko sila kasi ako nga ang photographer. Paano naman ako puro na lang ba sila ahahaha. Joke lang. Maalala ko lang. Mula nung ma-migrate dito ang noise.cash panay na ang notify pag nagpopost yung mga dating followers natin sa kabila. Pero di pa din ako makacomment sa post nila. Need pa din yata nila mag follow back.
Hello guys I'm back. Dito na po ako sa bahay gutom na ahahaha. Nagsalang muna ko ng sinaing bago tumambay. Wag ko sana makalimutan baka maglasang kape na naman ahaha. Ang galing ko makiselfie. Di na ko marunong mahiya ahahaha. Puro may posisyon sa lipunan ang mga naka selfie ko ngayon. Si Bishop Bangcud sa unang picture. Sa 2nd pic ang aming maganda at batang batang mayor. 3rd naman si vice mayor. 4th ang aming present kura paroko and yung last ang dati naming parish priest last 10yrs ago...😁❤️
Guys diyan po muna kayo. Pupunta po ako sa simbahan kasi may misa po para sa 57th founding anniversary ng aming city. Baka di kasi dumating yung isang media ministry photog namin. Nakakahiya sa parish priest namin. Binati pa naman ako kahapon. O sya baka ma late na ko. Ingat po kayo. God bless.
Thank you Lord for giving us a new day. Amen.
Good morning kaingays. Kamusta po ang mga gising. Quick post lang po ito kasi nag brownout kanina baka mag brownout na naman wala pa akong morning greetings ahaha. Yun na lang po muna. Happy monday. Ingat po palagi. God bless.
Parang nawala na yata yung stage fright ko. Dati kasi pag pinapakanta ako sa ganyang event nanginginig ang katawan ko at parang nabubulunan ako pag kumakanta ahahaha. Pero iba talaga kahapon ang lakas ng loob ko. Buti na lang din at kumanta ako di ko alam na may premyo pala pag kumanta ahaha. Ang sama lang wala nakaalala na kunan ako ng video. Buti na lang pinahawak ko sa emcee ang camera ko kaya nakunan ako ng litrato ahahaha. Magandang gabi guys...☺️
Magandang hapon kaingays. Ngayon lang nakaumpisa maglaba kasi last friday pa sana kaya lang nag brownout. Kahapon naman umattend ako sa Christmas party. Di ko pa din sana mahaharap yan kasi naghihintay na ang mga ka-batch ko sa mga pictures. Pero baka after na lang ng paglalaba ko ako mag a upload ahaha. Hintay na lang sila kasi puro na lang sila laman ng camera ko. Palagi ako na lang ang nasa likod ng camera ahahaha.
After ko maimport ang noise.cash to noise.app parang biglang goodbye na nga talaga sa dating tambayan. Nakakalungkot pero kailangan i-let go na talaga sya. Yung parang kulang na ang araw mo na hindi ka na talaga makakapagpost sa dating nakasanayan. 😥 babye noise.cash😭😁
https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7
https://cashrain.com/invite/slyzyu3ty1
https://cashrain.com/invite/149065v8901
May nakapilit po pero wag sana magtampo sa akin si noise. Nakikiuso lang din po. 😁 Gusto ko lang din po subukan ang maulanan. Wag lang magkasakit.😅
Good morning guys I'm back. Nakasimba na po at nakapamalengke na din. Dito na po ako sa bahay. Nagsalang na muna ko ng sinaing bago nag post ahaha. Makamiryenda na din po medyo gutom na ko. Have a blessed Sunday po. God bless.
Magandang maulang umaga po kaingays. Have a blessed Sunday po sa lahat. Lord, thank you po muli sa gising. Thank you Lord for the blessing. Amen. Maaga po ako gagayak para magsimba kahit umuulan. Medyo pagod pa din ang pakiramdam ko dahil sa Christmas party namin kahapon. Napakanta kasi ako at napasayaw ahahaha. Kaya lang wala man lang yata nag video sa akin. Ang hirap talaga kapag ako ang photographer wala gaano pictures ahahaha. Buti na lang may camera na ang phone di tulad nung araw na keypad lang. Kung nagkataon baka wala man lang ako souvenir photos para sa sarili ko. Kaya syempre panay din naman ang selfie ko ahaha. O sya malamig na ang kape. Ingat po kayo lagi. God bless.
Hello guys I'm back. Kakauwi ko lang po galing Christmas party. Di man naswertehan sa raffle nag enjoy naman at may mga natanggap na aginaldo galing sa mayayaman kong friend ahaha. At may pa ayuda din pala galing kay gov. Medyo pagod po at gutom na din kasi tanghalian at miryenda pa naman yung kain namin. Kaya dyan na po muna kayo. Magsasaing pa ko para sa akin at sa mga pets ko ahaha. Magandang gabi po sa lahat. Ingat.
Parang ang guwapo ko sa polo shirt na bigay ng kapatid ko ahahaha. Ready na po ako guys na lusubin ang dance floor ahaha. Excited na yarn ahahaha. Nakakatuwa lang kasi for how so many years magkikita na naman ang hs batch 81 ahaha. Yan lang ang kasiyahan naming mga tanders ang get together. O shalala na uli baka inip na yung susunduin ko na sasabay sa akin. Ingat po kayo lagi. God bless.
Good morning everyone. Happy weekend po. Lord, thank you ulit sa pag gising. Thank you Lord for the blessing. Maaga po ako bumangon ngayon kaingays kasi ngayon na ang aming Christmas party. Maaga ako gagayak kasi may susunduin pa ko na sasabay sa akin. Medyo malayo din yung venue kaya dapat agahan ko. May maghihintay po kasi sa amin na shuttle bus sa old capitol sa Cabanatuan City. Ako ang na assign na makipag usap sa driver at mag abang sa mga kasama namin na sasabay. Kaya yun na lang po muna. Mag aasikaso na ko. Ingat po kayo lagi. God bless. Gumanda na po pala yung halaman na nahingi ko sa kapatid ko. Akala ko mamamatay yan dati kasi nagka fungus. Pinunasan ko lang ng sabon yung mga dahon kaya ayan gumanda na.
Guys magandang gabi. Dumating na yung order ko na kung saan saang panig ng luzon nakarating ahaha. Umaga pa lang tumawag na si rider pero daming dahilan kesyo marami daw delivery at karamihan walang tao sa kanikanilang bahay dahil nga may karera ng kalabaw dito dahil foundation day ng city. Baka daw nanonood. Eh bakit ako na nasa bahay eh hindi nya inuna bago ang iba. Halos pagabi na dumating kanina. Baka pati sya nanood din ahaha. Guys be careful sharing and promoting other platform here at noise app. Kahit same crypto ang gamit nila. Baka magtampo sa atin si noise. And be careful. Wala pang review kasi bago lang at bigla sulpot.