Lowbat na laptop. Share ko lang ng mabilisan ito ahaha. Kanina nagkikiss sila pero nung may nakita namboboso naghiwalay ahaha.😂
Joined 5 April 2021 · 4294 posts
noise.cash content creator
120 KT
0 KT · 16¢ received · 0 KT · 2¢ given
Lowbat na laptop. Share ko lang ng mabilisan ito ahaha. Kanina nagkikiss sila pero nung may nakita namboboso naghiwalay ahaha.😂
Ang arte...bago ligo lang eh akala mo kung sino ahahaha. Magandang hapon kaingays. Maghapon walang kuryente dito sa amin baka mamaya pa 6pm magkaroon. Hindi tuloy ako nakalaba ahaha. Pero may nagawa naman ako. Nagpaligo ng tatlong aso pero yang isa lang ang model ko ahaha. Saka nakapagwashing na din ng tricycle. Kundi lang may makikisakay bukas baka di pa yan na carwash ahahaha. Naalala ko lang na may charge nga pala ang laptop kaya naikonek ko ang wifi. Maghapon ako tahimik ngayon ko lang naisip na pwede ko nga pala ikonek sa laptop ko ang wifi ahaha.

Magandang umaga po mga kaingays. Thank God it's Friday na naman and we are still here healthy, strong and awake. Pero tulad ng dati kong sinasabi....dapat be grateful everyday dahil every gising is a blessing. Thank you Lord. Maganda po ang sikat ng araw ngayon kaya maglalaba ako pagkatapos ko magkape ahaha. May lakad kasi ako bukas kaya ngayon na lang ako maglalaba. Excited na ko sa aming Christmas party bukas kaya yung dapat bukas ko pa gagawin eh ngayon na agad ahaha. O shalala uli magtitimpla na ko ng kape. Ingat po kayo lagi. God bless.
Kanoise magandang gabi po sa lahat. Kain na po tayo. Ang ulam ay pritong bangus at itlog na maalat...obvious naman sinabi ko pa eh nasa picture naman ahaha. Wala po ako kamatis kaya ang sawsawan ko sukang maanghang lang na may kaunting toyo. Tara po kain na. Ingat po lagi. God bless.
Nakakatawang nakakakaba ang byahe ng pag track ko sa location ng order ko sa shopee ah. Naliligaw na yata kaya nagtagal ahahaha. From Pasig napunta ng Laguna papuntang Manila. Tapos nasa Pangasinan na ngayon ahahaha. Hoy shopee taga Nueva Ecija po ako. Bayad na po yan kaya wag naman nyo iligaw ng address ahaha.
Malapit na mananghalian kaingays. Handa na ba ang sinaing natin dyan ahaha. Ako po heto nakabantay sa nakasalang baka kasi maglasang kape na naman ang kanin ko ahaha. Minsan talaga kahit ba sabihin mo sa sarili mo na di mo makakalimutan na may nakasalang kapag nabusy ka na makakaamoy ka na lang ng sunog. Lalo kung nakatambay ka dito sa noise. Kaya ngayon habang nag iingay dito muna ko sa kusina nakabantay ahahaha.
December 1, 2022. Good morning everyone. It's December 1 na. Kakaiba ang feeling. I'm full of hope, joy and blessing. Mas ramdam na ang pagsapit ng Pasko. Excited na din ako sa Christmas party namin sa Dec. 3 ahaha. Para akong bata na nagtutumalon sa saya. Ang tagal din na nakulong tayo sa kaba dahil sa pandemic. Pero ngayon heto na tuloy tuloy at bumabalik na ang masasayang gatherings. Kaya I'm wishing you all a Merry Christmas kahit first day of December pa lang. Ingat po lagi. God bless.
Guys paano ba yan...this day almost ended to give way for a brand new day. Need to take some rest na din to gather strength for tomorrow's new obligation or ganap ahaha. Pero bago ako matulog share ko muna ang picture na 'to bago magdilim kanina. Ganda ng view di ba? O shalala. Goodnight everyone. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.

Grabe naman itong mga nag interview na 'to. Inabot na ng gabi bago natapos. CBMS daw...community base chuchu daw. Pati kung ilang kilong asukal ang nagagamit mo sa isang taon tinanong din. Pati karne, gulay, isda kinompyut ahahaha. Di pa ko nakakaligo eh gabi na. Malamang ginawin na ako. Makaligo na nga po muna ahaha. Magandang pagabi po sa lahat. Ingat.
Before November ends... bingoplus app also ends and deleted from my phone. This app is not for us who wants to earn. This is only for gambling ahaha. But if you have extra money and not a gambler and just want to entertain yourself, this app is good for you. But if you don't have enough money...don't waste it to this game ahaha. I lost 300 pesos on this app but I enjoyed playing bingo for 3 weeks using the 1 peso card. I won small amount many times, so my 300 pesos lasted many days before I spent it all ahaha. Goodbye BingoPlus, bye November. Welcome December☺️.
Guys kain na po. Napagtripan ko lang gawin sizzling sisig yung isang order na binili ko sa karinderya ahahaha. Ginaya ko lang yung siniserve sa mga resto-bar na sisig na may egg on top ahaha. Pampadami na din at masarap naman ahaha. Tara guys kain na.😁
https://play.google.com/store/apps/details?id=app.noise Yan po pala ang nadagdag sa update ni noise.app kung di ako nagkakamali ahaha. May bagong tab na nadagdag para sa shortcut ng profile ng nag comment. Pag click mo sa 3 dots sa tabi ng reply kasama na sa tabs yung bagong shortcut. Bawat update may pagbabago din yata sa narereceive nating donation. Kasi ginagastusan ni noise app yung IT experts na mag-a-update ng program ng app.
https://play.google.com/store/apps/details?id=app.noise Guys may update po si noise.app. Iyan po ang link sa itaas sa mga hindi pa updated. Wala po kasi sa google play pag hinanap kaya yung link ni sir @simon po ang sinundan ko para makita. Magandang umaga po sa lahat. Ingat.
Bawat gising ay panibagong blessing kaya be thankful tayo lagi. Thank you Lord. Magandang morning everyone. How's your gising. Hope it was good just like me but I'm still sleepy just like my fur baby ahahaha. Need to take a cup of coffee to get some energy before I start doing anything ahaha. Okay guys that's it for now. See you again later. Stay safe. God bless.
Guys it's dinner time. But before I take my meal...I.want to share these beautiful photos with you guys. I took these photos a few minutes ago. The sun is almost on the other side of the earth but the rays are still there to give light to to the beautiful sky. That's it guys. I'm starving...let's eat.😁


+1 more
Guys mirienda time na. Napaaga ang miryenda ko ngayon kasi naamoy ko yung nilutong lumpiang shanghai sa kapitbahay. Nirequest ko kasi yung pamangkin ko na magluto naman sila ng miryenda. Tatlo 20 ng lumpia. Nakain ko na yung dalawa bago ko kayo nayaya ahaha. Sabi ko sa pamangkin ko kapag lulutuin nya mahina lang apoy para luto ang loob at hindi sunog ang balat. Saka para di umasim yung laman. Pero sabi nya gigisahin na muna nya yung laman para pag ibinalot madali na lang pritohin. Masarap naman. Sayang di pa kanina nagluto ng tanghalian para yan na sana ang ulam ko ahaha.
Nag chat ako sa anak ko sabi ko delete ko na yung mga download nya na movies sa laptop kasi mapupuno na ang disk drive sagot nya sige papa nasa youtube naman na yan madali na mapanood. Saka halos lahat naman napanood ko na din. 39gb kasi ang file size napakalaki ng space na nagamit. Pero habang iniisa-isa ko i-view yung mga video nanghihinayang naman ako magbura magaganda kasi yung movie ahahaha. Kung buo lang sana yung external drive ko baka ilipat ko na lang sana. Bahala na...pikit mata na lang na delete ahahaha. 😅

Magandang umaga po madlang people. Happy Tuesday sa ating lahat. Lord, salamat po sa panibagong araw. Kamusta na po ang lahat? Sana all ay maganda ang gising tulad ko. Ang aga ang hirap mag isip ng sasabihin nubayan ahaha. Ang lamig na kasi ng panahon parang gusto ko pa bumalik sa higaan para mamaluktot kahit nakatimpla na ang kape ko sa mesa ahaha. Tara na nga po magkape muna. Ingat po kayo lalo na yung mga lalabas ng bahay at yung mga papasok sa work at sa school. God bless.
Malinis na po yan akala nyo lang hindi ahahaha. Sinipag po talaga ako ngayon kaya late na ko nakaluto. Gutom na din pero di pa makakain kasi yung pritong bangus ang tagal maluto. Frozen kasi kaya nagtagal ahahaha. Konti pang prito kakain na ako.😁. Magandang tanghali po sa inyo.☺️


https://www.facebook.com/reel/576930700861010?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Oh di ba sipag-sipagan lang para makapag reel sa facebook ahahaha. Yan po ang link sa itaas if you want to see me moving. Sabi ng isang friend natin dito pumayat na nga ako dahil sa pagbawas ko ng sugar intake ahahaha. Try nyo kahit 12 days lang na walang sweets. No need slimming tea or exercise ahaha.😅😂


Coffee break na...😁 Tara guys kape muna. Pahinga lang ako saglit sa paglilinis sa bakuran. Ang ganda kasi ng sikat ng araw. Triple purpose na. Exercise, cleaning, and gathering free vitamin D from the sun. Hindi naman mahapdi sa balat yung init ngayon kasi malamig ang simoy ng hangin. Nawalisan ko na ang harap ng bahay. Dadakutin ko na lang yung mga basura tapos sa likod naman pagkatapos ko mag miryenda. Tig 10pesos isang slice nga lang po pala yang banana cake ahaha.
It's another brand new day to be grateful. Another chance for us to celebrate life. Be good and be happy. Thank you Lord for this great opportunity. Amen. Magandang malamig na umaga na singlamig ng umaga ng mga tulad kong ipinagpalit sa iba ahaha. Agang hugot pero masaya ahahaha. Wag na pansinin ang joke ko ha. Magkape na lang muna para mag init ang damdaming ayaw na muling umibig at masaktan nubayan ahahaha. Good morning na nga lang everyone. Ingat po kayo lagi. God bless.☺️😁
Magandang gabi po kaingays. Nakakain na po ba ang lahat. Ako po kakatapos lang at nakahugas na din ng pinagkainan ahaha. Nakapagpakain na din pala ako ng pets kaya paupo upo na lang muna. Nood po muna ko ng Everybody Sing ni Vice habang nagpapaantok. Yan po pala ang natanaw ko kanina sa labas kaya share ko na din po sa inyo.☺️


+1 more
Guys magandang hapon. Nakamiryenda na ba kayo? Nalibang ako manood ng tagalog movie Dear Other Self ni Jodi Sta. Maria. Maganda pero nakakalito yung palabas ahaha. Para kang nanonood ng 2 movies ng sabay ahaha. Timpla nga po muna ko ng kape ng malantakan ko na yang cassava cake. Looks yummy di ba? Cheat day muna ko. Matamis kasi yan. Kung meron lang nilupak yun na lang sana binili ko. Sigurado marami di nakakaalam dito ng nilupak. Kamoteng kahoy din po yun na parang nilaga tapos giniling saka lalagyan ng kinayod na nyog ahaha. Sige na po miryenda na muna tayo.
Guys I'm back. Dito na po ako sa bahay. Di na ko dumaan ng palengke kasi namalengke na ko kahapon. Dumaan lang ako sa bilihan ng kakanin for my mirienda. Medyo gutom na din ako kaya mirienda muna tayo guys. Magpeprepare na din pala ako ng tanghalian ko 10am na din pala. O shalala uli yun na lang muna. Ingat po lagi. God bless.


Guys ready na ko magsimba. Pero patambay muna saglit maaga pa naman ahahaha. 8:30am pa naman ang 2nd mass at medyo malapit lang naman ang simbahan. Kaya papost muna po ng isa ahahaha. Have a blessed Sunday po sa lahat. Ingat po lagi.
Have a blessed Sunday everyone. Lord, thank you for the gising. Thank you Lord for the blessing. Amen. Magandang umaga po mga kaingays. Maaga ako ngayon kasi Sunday is for our Almighty God kaya magsimba po tayo. Mamaya pa naman second mass 8:30am ako magsisimba pero talagang inaagahan ko bumangon para maasikaso ko muna ang mga pets bago ako gumayak. O sya magpapakulo na muna ko ng pangkape. Ingat po kayo lagi. God bless.
Guys magandang gabi po. May gusto lang po ako i-share. Siguro meron din katulad ko na kapag ganitong cold weather madalas magkaroon ng foot cracks. Yung kapag itinatapak mo sa sahig sobrang sakit kasi yung cracks sa paa parang nabibiyak. Kahit anong lotion pa ilagay wala din effect. Nasubukan ko na din ang vaseline at mag medyas pero di pa rin nawawala. Pero nung may mapanood ako na para pumayat. 12 days daw iwas sa sweets or sugar. Sa tingin ko effective kasi medyo nabawasan ang timbang ko ang layo di ba ahaha. Pero alam nyo di ako nagka foot cracks ngayon. Siguro dahil na din sa pag iwas ko sa matatamis. Kaya siguro yung pamangkin ko na ayaw tigilan ang sweets lalo ang chocolates mataba na mataghiyawat pa. Di naman totally inalis ko yung sugar lalo sa kape. Binawasan ko lang ng higit sa half teaspoon. Yung parang may lasa pa din ng konting tamis yung iniinom ko.
Good afternoon guys. Super active na naman tayo lahat dito. Ang hirap na naman ubusin ng unread ahahaha. Na busy lang ako saglit pagbalik ko 99+ na naman ahahaha. Paano pa kaya kung hindi ako nang-mute ng spammers ahaha. Pero masaya na di ba kahit pa marami tayong unread. Scroll lang ng scroll ubos din agad yan.😁😂
Hanggang mahal ang sibuyas prito na lang para tipid ahahaha. Bangus po nabili ko kanina. Ang hirap mag isip ng ulam na hindi na kailangang mag gisa kaya pritong isda na lang muna ahaha. Tara guys kain na. Enjoy your lunch too magandang tanghali po sa inyo.☺️
