Guys diyan po muna kayo. Punta lang ako saglit sa palengke bibili ng uulamin. Yung kapitbahay ko kasing masipag magtinda sarado na naman ahahaha. Sa nagtatanong po kung sa akin ang bilyaran...opo sa akin po yan di maitatanggi ahaha. Ito po ang loob ng bahay ko. Masyado makalat. Mukhang junk shop na mula pa nung magka pandemic. Ang tagal na kasi nakasara. Hanggang ngayon di pa din ako nagpapalaro. Plano ko na din ibenta yang mga yan kesa anayin lang. Magandang umaga po sa…
Walang hanggang pasasalamat po sa ating Panginoong Diyos dahil sa muling pag gising. Amen. Isang mapagpalang umaga po sa lahat. Happy weekend. Ang ganda na naman ng sikat ng araw. Parang gusto ko uli ibilad yung mga nakatuping damit na hindi natuyo sa araw ahahaha. Madali magsampay pero mahirap magtupi kaya wag na lang ahaha. Pag sinipag ako subukan ko din gawin ahaha. Nakapagkape na ba kayo? Ako hindi pa magpapakulo pa lang ng tubig ahaha. Napabangon lang kasi ako kasi…
Mga kaingays goodnight na po sa inyo. Kanina pa ko antok kaya lang tinapos ko pa pinapanood ko ahaha. Nakagayak na din daw yung anak ko para pumasok sa trabaho. Kaya nag goodnight na din ako sa kanya. Bukas naman ng umaga paglabas nya sa work sya naman mag gugoodnight ahaha. O shalala bye for now muna. See you again tomorrow. Ingat po lagi. God bless.
Akala ko friends na sila. Nung pakawalan ko yung nakatali maya-mayang konti ngumangawngaw na yung maliit ahahaha. Tinatali ko kasi yung isa para pag kakain sila hindi maagawan yung baby tobi. Maliit lang po na aso yung nakatali. Parang tuta lang din ang size pero 9 months old na sya. Yung maliit 2 months old pa lang sya kahapon. Maliliit na lahi ng aso lang po sila. Wala maisip na content kaya sila na lang muna ahahaha. ☺️😅 Magandang gabi guys...☺️
https://www.facebook.com/reel/801433214294386?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Dahil mahal ang sibuyas bumili na lang ng ulam sa kapitbahay. Kaya ayun gumawa ako ng reel habang bumibili ahahaha..Yan po ang link sa itaas...😅😂 Magandang hapon guys...☺️
https://www.facebook.com/reel/841342787084692?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Fresh start ng aking reels na may star may nagbigay ng isa ahahaha. Yan po yung link ng reel ko di na ko mahihiya ahahaha. Subok ko lang yan kung may magbibigay ng star may dumating naman isa. May free naman pala na 50 star sa umpisa baka naman guys gusto nyong maghagis ahaha.😂😅 Good morning po sa lahat. Ingat.☺️
Thank you Lord I'm blessed because I'm still here, healthy, strong and I'm awake. Amen. Happy morning kaingays. Ang ganda ng panahon. Ang ganda ng sikat ng araw ngayon pero malamig pa din ang simoy ng hangin. Parang ang sarap magpapawis sa labas. Medyo makalat na din kasi dyan sa likod bahay. Ang dami ng lagas na tuyong dahon. Nitong mga nakaraang araw kasi panay ang ulan kaya mahirap walisin ang mga dahon nakadikit sa lupa. Samantalahin ko linisin ang bakuran ko mamaya…
Nung nakaraang araw sobrang hindi maganda ang ibinalita sa akin ng anak ko dahil nga nahack yung gcash nya kaya naubos ang laman. Nakalaan pa naman panghulog sa last payment nya sa bike nya yun. Kaya pala masakit daw ang ulo nya nung hindi pa nya nasasabi sa akin yung nangyari. Sabi ko hayaan na lang. Parang nakatulong na din sya sa iba. Pero nung kamustahin ko naman ang performance nya sa work bigla sumaya. Pinalagpakan daw sya sa call center dahil sa costumer satisfaction.…
Fried siomai na naman ako. Di kasi nagtinda ang suking kapitbahay. Mas madalas silang sarado kesa sa magtinda nubayan ahaha. Saka sunday ko pa yata nabili yang siomai kailangan ko na din lutuin kasi kahit nasa ref umaasim ang lasa. Baka masayang lang kaya dapat lutuin na. Di na kailangan i-deep fry kasi mahal din ang mantika. Basta mahinang apoy lang at tyaga sa paghalo. Tara guys kain po tayo. Magandang tanghali po sa lahat. Ingat.
Maganda po ba ang wall paper ko?😁 Kuha ko po yang view na yan nung pumunta kami sa Disneyland HongKong ng anak ko nung bata pa sya. Pina-tarpaulin ko para makita ko kung maganda ipaprint ng malaking size tapos dinisplay ko sa kwarto ng anak ko dati. Tinanggal ko lang don kasi kapag umaakyat ang pusa sa pader nadadaanan yan kaya tinupi ko na lang muna. Nabili sa akin yung copy nyan ng isang kagrupo ko sa photography. Pinalakihan ko at pina-frame. Nakadisplay sa bahay nya sa…
Many blessings are coming noisemates kaya bangon na at magpasalamat sa Diyos dahil tayo ay muling nagising. Bawat pag gising ay panibagong blessing. Thank you Lord. Magandang umaga po sa lahat. Happy Thursday po. Maaga po ako nagising kanina. 3:45am yata nung nagising ako para mag cr. Di na ko nakabalik sa tulog kaya nag scroll na lang ako dito sa noise.app. Back to normal na tayo kaya I'm sure marami ang nakangiti ngayon ahaha. O sya magkape na tayo para mainitan ang…
Magandang gabi guys. Dinner time na. Maaga talaga ako kumakain para sa aking diet na balik alindog ahahaha. Dapat nga daw before 6pm ang kain para ma digest agad ang kinain bago ka matulog. Pagtayo ko mula dito sa aking working area napatanaw ako sa labas. Ganda na naman ng kulay ng langit ngayong gabi. Siguro kung napaaga ako ng labas naabutan ko pa ang yung sunset na medyo papalubog pa lang si haring araw. Pero maganda pa din naman.
Shingaling shangaling ding dong ahaha. Na miss ko ang lasa nito. Dati kasi sa byahe mo lang ito nabibili pag sumakay ka ng ordinary bus byaheng probinsya. Nakita ko kanina sa grocery store na binilihan ko ng gatas at suka kaninang umaga. Naka open kasi yung malaking plastic bag kaya tinanong ko kung may tingi. Same pa din ng lasa. Masarap naman pero ewan ko kung bakit pagkaubos ko may suya na sa dulo ahaha.
Sakit sa ulo ng binalita ng anak ko. Bakit kaya ang daming hacker sa gcash. Nagtransfer sya kahapon ng 4600 sa gcash nya pambayad sana sa bike na hinuhulugan nya. Last payment na sana. Free na yung payment for December dahil updated sya sa pagbayad tapos parang hindi na naging free dahil kakatransfer pa lang nya eh ilang minuto lang nawala na yung laman ng gcash nya. Magbabayad na sana sya sa homecredit. Pero nung buksan nya yung gcash wala na yung 4600. Bale 3 daw sila na…
🎶🎵Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay..🎵🎶🎵🎶 Magandang morning kaingays. Bawat gising panibagong blessing kaya dapat laging magpasalamat. Thank you Lord. Ang sarap pang mamaluktot sa higaan kapag ganito ang panahon ahaha. Pero kailangan talagang bumangon kasi kailangan ko din pumunta ng palengke. Marami na palang kulang sa kusina ahaha. Kulang na ang bigas ko wala na din gatas para sa kape. Wala na din suka. Bibili na din ako ng isda. Ilang araw na din na puro…
Guys goodnight na po sa inyong lahat. Malamang mahihirapan akong matulog ngayong gabi. Nananakit na naman ang tuhod ng matandang guapo ahaha. Sabi ko na nga ba kanina nung bumili ako ng binagoongan na malamang rayumahin ako. Ayun nga nangyari na. Kahit alam ko na sasakit ang tuhod ko di ko napigilan na kumain ng paborito kong binagoongan ahaha. O shalala...see you again tomorrow. Ingat po lagi. God bless.
Printing my niece school project. Sana naman di na maulit yung tulad ng una nila sinubmit na hindi pa man daw nachecheck eh nireject agad ng kanilang prof. Di na inalam kung gaanong hirap at pagpupuyat ng grupo ng pamangkin ko. Nanghihiram pa ng laptop para lang makagawa ng kanilang research. Nasira kasi yung laptop ng pamangkin ko at hindi pa napapagawa. Nagkataon na sa grupo nila sya lang sana ang may laptop kaso nasira pa. Magandang gabi po kaingays.
Nakaligo na ang baby tobi. Lumabas ang pagka brown ng kulay nya. Mukhang pinaglubluban ng kalabaw yung pinagpaliguan ahahaha. Diyan muna sya sa arawan. Parang bigla inantok nung makaligo ahahaha.
Umaraw na. Sasamantalahin ko paliguan ang bulilit na yan. 2 days na lang 2 months na sya. Sabi sa akin nung binibilhan ko ng dog food pwede na daw liguan pero mabilis lang. Ang dungis na kasi saka ang gaspang ng balahibo. Kaya ngayon hanggang maaraw liliguan ko na sya. Damay ko na yung dalawang malaki para lahat sila presko. Tagal na din nila di naligo kasi lagi umuulan.
Walang hanggang pasasalamat Lord sa muling pag-gising. Amen. Good morning po sa lahat. Maulan pa din dito sa amin. Ilang araw na yung mga sampay ko hindi pa din tuyo ang mga ilalim ng kilikili. Hindi kaya bumaho ahaha. Kamusta ba sa lugar nyo maulan din ba? Nasa loob pa ko ng kulambo kasi madilim pa din dito sa loob ng higaan ko akala mo gabi pa din. Parang nakakatamad tuloy kumilos pero kailangan ng bumangon kasi parang kumakalam na ang tiyan ko ahaha. Madali ako magutom…
Parang nakaka miss din yung palaging 99+ na notification ahaha. Sobrang tahimik yata ngayon. Nakakaantok na din tuloy. Maaga na din po ako matutulog kasi malamig ang panahon ang sarap magtalukbong ng kumot ahaha. Goodnight na po sa inyo mga kaingays. Bye for now guys. See you again tomorrow. Stay safe. God bless.
Napadaan ako sa may Palayan City park kahapon nung magbayad ako ng internet sa 7-11. Kahapon ko lang nakita na ganyan pala ang ayos ng night market. Madalang lang kasi ako lumabas kaya di ako updated ahaha. Masaya daw diyan sa gabi kasi maraming mabibili. May pagkain at mga kung ano ano pa. Kaya kahit mga bata nag eenjoy gumala sa park. Di na ko lumapit para kumuha ng pics kasi sa gabi sya magandang picturan dahil maraming ilaw at mga parol na nakadisplay. Maganda din ang…
Guys kain po tayo. Fried siomai na naman ang ulam ko. Yun kasing tindahan sa tabing bahay ko trip trip lang talaga mag negosyo. Hindi na naman sila nagtinda ngayon. Mas madalas pa yata na sarado kesa magtinda ahaha. Sabagay ang mahal ng sibuyas na panggisa kaya siguro di sila nagluto ng ulam ngayon. Halos sing presyo na ng isang kilong baboy yata ang presyo ng sibuyas ngayon. Kaya di na din ako nagluluto kasi sa halip na makatipid lalo ka pa mapapamahal dahil sa sangkap.…
Kaya ka pala ibinigay agad sa akin kasi ang kulit mo pala ahahaha. Tuwing lalabas ako nakapulupot agad sa paa ko. Ilang beses ko na muntik matapakan. Muntik na din ako matumba sa pag iwas ahahaha. Pero kaya kitang turuan maging behave. #Tobi my new baby. Born on Sept. 24, 2022 a day before bagyong karding. Tobi got from the month of oc-TOBE-r akala ko kasi Oct na sila pinanganak. Pero di ko na binago kasi sanay na sya sa tawag sa kanya. Good morning guys. Punta muna ko…
It's another brand new day for us guys. Let's welcome this day with gladness in our hearts. Be grateful because we are awake and we are blessed. Thank you Lord. Good morning everyone. Maulan din po ba sa lugar nyo ngayong umaga? Bumangon lang ako saglit para tignan yung bagong pet ko kung saan natulog. Tahimik sya di tulad nung may inampon akong puppy nag ingay buong gabi. Pero yung bigay ng pamangkin kong si @KarylleDM tahimik naman. Alam siguro na malapit lang sya sa…
Wala lang po naishare ko lang ahaha. Nakita ko kasi sa fb ko yang picture ko na yan. Parang 2011 pa yata nung kunan ako ng stolen shot ng kasama namin sa photowalk. Madalas ako sumama sa mga photowalk dati. Pati mga seminars about photography umaattend ako. Hilig ko talaga hanggang ngayon kaya naging source of income ko na din. Medyo magastos na hobby nga lang ang photography. Lalo kung gusto mo makumpleto ang gears mo. Kaya nung masira yung dati ko camera di na ko makabili…
Ibinigay na ng pamangkin ko yung tuta sa akin. Makulit na kasi baka daw matapakan. Two months pa lang po sa 24 yan. Subukan ko paliguan ng mabilisan bukas kasi madungis at may kuto. Mamaya pupurgahin ko na sya. Tobi ipinangalan ko kasi akala ko October na sila ipinanganak. Bago pala bumagyo ng karding nung September sila ipinanganak. Kardo sana ang ipapangalan ko kaya lang may kapangalan na sa isang aso ng kapatid ko.
Need magbayad ng internet due date na kasi. Kaya bago kumain kanina tumakbo muna ko sa 7-11. Nagpapaload kasi ako ng shopeepay ko kanina sa 7-11 malapit sa simbahan ayaw mag proceed. Sa shopeepay na lang sana ko magbabayad para magamit ko yung coins na naipon ko. Kaya sa ibang 7-11 na ko pumunta pero ganon pa din. Kaya sa cliqq kiosk na lang ako nag process. Buti same lang na 10 pesos ang charge. Sayang wala ng coin rebate ang shopeepay. Pero 2 beses ako nakapagbayad sa…
Guys I'm home. Nakasimba na po ako. Pagdating ko dito sa bahay may nag aabang na apat na nagpa rush id picture. Sinalubong agad ako ng blessing kaya di nakapag post agad. Thank you Lord. May lakad din po ako mamaya pero baka after lunch na kaya nagsaing na din ako. Kakain na muna ko bago gumala. Magandang umaga po ulit. Ingat po lagi. God bless.
Good morning noisemates. Have a blessed Sunday po. Lord, thank you po muli for the gising. Thank you Lord for the everyday blessing. Amen. Medyo napasarap ang tulog ko guys malamig at maulan kasi ngayon kaya ang sarap mamaluktot sa higaan. Medyo napuyat din pala ako kasi may maiingay na nagvivideoke sa kapitbahay. Past 10pm na nambubulahaw pa. Kumbakit mas isinisigaw pa eh may mic naman sana ahaha. O sya yun na lang po muna kailangan ko na mag asikaso baka ma-late ako sa…