read.cash Log in

@jhunpmelchor

Joined 5 April 2021 · 4294 posts

noise.cash content creator

120 KT

0 KT · 16¢ received · 0 KT · 2¢ given

Posts

@jhunpmelchor

Dumating na ang shopee budol ko mga kaingays. 11 pesos lang yan plus 13 pesos na shipping fee bale 24 na lang binayaran ko. Nakadiscount ako ng 50 php sa shipping fee dahil sa voucher. Need ko na kasi palitan yung screen protector ko medyo gasgas na. Pwede pa naman pagtyagaan kaya lang hinahabol ko yung silver tier ni shopee ahaha. Isa pa ang kulang ko kaya oorder pa ko bago mag year end kasi magrereset daw sa 1 kaya classic member pa din ako kung hindi ako maka 10 budol bago mag Dec. 31. Magandang hapon guys. Ingat.

@jhunpmelchor

Pancit ala-chamba😅 First time ko nakaluto ng pancit guisado. Thank you panlasang pinoy youtube channel ahahaha. Hindi talaga ako marunong magluto ng pancit. Masasayang kasi yung ayuda ng kapitolyo kung hindi ko iluluto. Kikiam lang ang sahog niyan kasi sobrang aga ko kanina nung dumaan ako sa palengke. Wala pa gaano bukas na tindahan. Galing kasi ako sa simbang gabi kaya halos madilim pa at sarado pa yung tindahan ng karne at manok. Buti na lang nakabili ako ng kikiam at ibang sahog. May stock naman akong chicken knorr cube kaya may pampalasa na din. Tara guys kain po tayo. Magandang tanghali po sa inyo.

@jhunpmelchor

Matutulog pa sana ako ulit kanina pagdating ko after magsimbang gabi. Kaya lang nakahiga na ko ayaw na ko dalawin ng antok. Kaya ayan lumabas muna ko saglit kasi nakita ko ang langit na kulay orange. Madalas kasi late na ako bumabangon kaya di ko na inaabutan ang sunrise. Ngayong simbang gabi lang ako nakakatyempo ng pag labas ni haring araw. After ko kunan ng picture balik ulit ako sa higaan kaya lang bigla naman tumawag si shopee rider nagtatanong kung saan ang location ko ahaha. Ayun tumayo na ko at nagkape na. Mamaya na lang siguro ako iidlip. Magandang umaga po ulit kaingays. God bless.

@jhunpmelchor

1/9 Simbang gabi Good morning kaingays. Day 1 ng simbang gabi. Naka-isa na ko at kakauwi ko lang po dito sa bahay. Samahan nyo po ako na tapusin ang siyam na simbang gabi. Wala naman po akong hiling na materyal na bagay kundi good health and safety ng family. Magandang umaga po muli. Ingat po lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Guys simula na po bukas ang simbang gabi kaya maaga din po ako matutulog ngayon. Mahirap kasi yung habang nagsesermon ang pari eh nahuhulog ka sa upuan sa antok ahahaha. Kaya goodnight na po sa inyong lahat. See you again tomorrow. Ingat po lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Mabuti na lang pala bumisita muna ko dito bago dumiretso sa cashrain, kundi baka hilo na ko kaka-scroll wala pa ko nahahanap na active cashrain ahahaha. May shortcut na kaya madali na lang mahanap. Mahirap lang mag join sa iba kasi may mga link pa para makasali. May captcha pa yung iba kaya di na ang ako nag join. Magandang tanghali po sa lahat. Ingats.

@jhunpmelchor

Maulang morning po mga kaingays. Lord, thank you for giving us again a brand new day. Amen. Dahil medyo maulan madulas ang daan. Ang disgrasya...minsan di talaga naiiwasan. Habang nag iiscroll ako kanina bigla may lumagabog sa labas. Ang tanaw ko sa kanan. Wala akong nakita na kung anuman. Bigla may humintong van parang may iniwasan. Yun pala nasa kabilang kalsada yung nagsemplang. Mukhang nasaktan si kuya rider. May tumulong naman kaya di na ko nakiusyoso sa labas. Magandang umaga po sa lahat. Ingat po lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Masisira na yata itong rechargeable light ko na 'to. Ayaw na mag off kahit di mo na hawakan sa ground. Dapat kasi dyan hawak mo yung dulo saka yung metal na nakapaikot para grounded. Kahit bitawan ko nakailaw lang sya. Wala naman yan switch para mag off. Malamang bukas dead bat na yan. Di ko alam kung dead end na din sya ahaha. Laking silbi pa naman niyan kapag nawawalan ng kuryente. Gudnyt na po pala kaingays. Ingat po lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Sobrang tamlay yata maghapon ng paayuda sa magkabilang platform. Kundi pa naka on ang notification ni discord baka hindi na tumunog ang cp ko ahahaha. Kaya lang ni-disable ko na din kasi maya't-maya naman ang tunog ahaha. Kaya ayun tumayo na muna ako at naglakad lakad sa labas. Pero baka simula bukas aagahan ko na ang tulog kaya dadalang na ang post ko sa gabi. Kasi simula na ng simbang gabi sa Dec.16 kailangan kumpleto ang tulog 4am kasi ang misa. Magandang gabi po pala guys. Tara kain na. Ingat po lagi. God bless.

+1 more

@jhunpmelchor

Malapit na ko magtayo ng pancitan ahahaha. Pangalawang timba ko na 'to. Yung unang natanggap ko galing sa Christmas party namin. Kabatch kasi namin yung kuya ni Gov. at binigyan lahat ng umattend. Tapos bigay naman ito ng kapitolyo kaya siguro pareho ahahaha. Pwede na ko mag birthday party araw araw sa dami ng pancit na natanggap ahahaha.😅😂

@jhunpmelchor

Isang try na lang mamaya na gagawa ako ng community baka maka-chamba na ma approve. Pati discord gumawa na ko ng bago kasi di ko na maopen yung dati. Kung ano-ano na din naisipan ko baguhin sa banner ko. Parang wala naman sya kinalaman kung bakit narereject ahaha. Binasa ko na din yung mga description na nilalagay nila mga simple lang naman at yung iba parang yung bio lang na nilalagay natin dito sa noise ahaha. Try and try lang baka sakaling maapprove na...😁

@jhunpmelchor

Magandang umaga po sa lahat. Panibagong araw na naman para sa ating lahat. Lord salamat. Guys hindi na naman approved yung ginawa kong community sa cashrain. Nakatatlong try na ko baka last na yung kagabi. Di pala basta basta makakagawa ng community don di tulad dito na wala ng review. Sayang naman yung banner na ginawa ko saka yung cashbox ahaha. Buti na lang at konti lang yung nilagay ko. Sana naman isoli ahaha. O sya kape na tayo bago ang mga ganap. Ingat po kayo lagi. God bless.

@jhunpmelchor

https://cashrain.com/joonem02 Nasayang lang yung cashbox na nilagyan ko ng laman kanina. Hindi naapprove yung community ko. Dapat pala hinintay ko na ma-approve muna. Sana bumalik sa wallet yung fund kasi sayang naman walang nakinabang. Kaya ayan po hintayin lang muna mag live itong ginawa ko saka na lang din ako gagawa ng cashbox. Yan po pala ang link sa itaas. Magandang gabi guys. Ingat po lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Bakit ba ngayon ko lang naisip na sa laptop na lang mag cashrain?!😅 Mas madali pala at hindi nakakahilo mag scroll. Hindi pa nakakangawit at malalaki pa ang letters ahaha. Kapag nakahiga na lang siguro ako gagamit ng cp simula ngayon.😁

@jhunpmelchor

Guys magandang hapon po sa lahat. Nakagawa na ko ng community but need to approve pa. Naglagay na ko ng cashbox ewan ko kung mahahanap nyo ahahaha. Pa follow na lang po sa link ng twitter and youtube ko. https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7 https://cashrain.com/invite/slyzyu3ty1 https://cashrain.com/invite/149065v8901 Di ko po alam kung paano maishare yung mismong community kaya invitation code na lang po nilagay ko. Paunahan lang po siguro kung makikita nyo yung community kahit di pa approve. Salamat po. Insert: https://cashrain.com/Bitcoincash

@jhunpmelchor

Kahit sa kaunting halaga ang dami pa din napapasaya ni noise.app. Naniniwala ako na babalik din sa dati ang sigla nya. Marami pa lang sigurong adjustment and updates kaya medyo madalang pa ang pabiyaya. Thank you noise.app. ☺️❤️

@jhunpmelchor

Magandang malamig na umaga po sa lahat. Lord, maraming salamat po sa panibagong araw at panibagong pagkakataon na ipagpatuloy ang buhay. Amen. Kamusta mga kaingays nakabisita ba kayo sa perang maulan ahaha. Ako po kanina nung sumilip kinabahan ako kasi di ako makapasok. Need invitation code daw. Yun pala kusa na-logout yung account ko. Pati yung ginawa kong community nabura na. Hindi lang siguro naapprove dahil sa description ko na promoting your pages and channels. Nakalagay kasi sa rules nila na no collecting fees baka akala eh maniningil ako ahaha. Pero baka gagawa ulit ako mamaya and willing to invest ng konti para makapagpromote ng youtube channel ng anak ko. Sa mga wala pa po sa cashrain heto po ang invitation code ko.. https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7 https://cashrain.com/invite/slyzyu3ty1 https://cashrain.com/invite/149065v8901

@jhunpmelchor

https://cashrain.com/invite/ejwbbwvxxn7 https://cashrain.com/invite/slyzyu3ty1 https://cashrain.com/invite/149065v8901 Nakagawa na ko ng community sa cashrain kaya lang habang kinukumpleto ko yung data parang di ko yata kayang pangatawanan ahahaha. Gagastos ka talaga para ma-maintain ang account. Pero malaking tulong sa mga content creators ang cashrain para dumami ang subscribers. Yun sana ang plano ko para madagdagan ang subs sa youtube channel ng anak ko kaya lang dapat talaga may pang paulan ka para mapansin. Magandang gabi guys. Nasa taas po pala ang aking invite code sa mga wala pa. Salamat po. Ingat.

@jhunpmelchor

Buti na lang nakasalamin ako kundi sakto sa mata ko yung tilamsik ng mantika. Biniling ko lang biglang tumalsik ang mantika ahaha. Sa sunod nga na magprito ako isusuot ko ang helmet ng anak ko ahahaha.😅😂

@jhunpmelchor

Akala ko pera na...yun pala fake news ahahaha. Nadaanan ko to kay Fat Bobby pero hindi nakiclick. Nagtyaga ako ikiclick bigla pumasok sa cashrain this community tapos may amount na 100$ buti na lang wala laman ang wallet ko na ganyang amount ahahahaha.😂😂😂😂😂

@jhunpmelchor

12.12.2022 A fresh new day. A fresh new start. Thank you Lord for this excellent opportunity to continue life. Amen. Good morning everyone. Guys are you ready to start the day? But before anything else, be sure that your stomach is full ahaha. Let's have some coffee to get our minds ready. Be good and be happy. Stay safe. God bless.

@jhunpmelchor

Nagulat naman ako...di ko akalain na yung comment ko ang na-highlight ng vlogger na si ms. Jhazel de Vera ahaha. Mahilig kasi ako manood ng mga vlogs about pwede pagkakitaan. Medyo napacomment ako sa isang vlog nya talaga namang mga legit na pwede pagkakitaan. Minsan nga lang may ilang apps na matagal bago kumita. Maliban lang siguro kung tulad ng mga sikat na vlogger na nagagamit ang referral code kaya madali makaipon ng points. Pero sa totoo lang kung medyo bata pa ko mas maganda mag apply sa mga sini-share nya na homebase job. Medyo di na kasi updated ang utak ko para mag Virtual Assistant pa ahaha. Medyo kulang na din ang tyaga ko lalo sa mga surveys na napakaraming tanong ahaha. Dito nga lang sa noise minsan wala na din maisip na content ahaha. Magandang hapon guys.

@jhunpmelchor

Bago lang ba 'to sa cashrain o ngayon ko lang napansin?😁 Akala ko makakatulong sa pag scroll yun pala balewala din ahaha. Kasi nga once nagamit mo ang option pagbalik mo umpisa uli kay Kim dotcom ahahaha. Kaya siguro sinumpong ako ng vertigo nung isang gabi kaka-scroll. Umikot bigla ang paligid ko kaya napahinto ako sa pag gamit ng cp ahaha.

@jhunpmelchor

Guys magandang umaga po ulit. Nakasimba na po ako at nakauwi na din dito sa bahay. Pahinga lang ng kaunti tapos maghahanda na ko ng pananghalian ko. Have a blessed Sunday po sa lahat. Ingat lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Good Morning everyone. Have a blessed Sunday po sa lahat. Lord, thank you po muli for the gising. Thank you Lord for the blessing. Amen. Guys maaga po ako bumangon. Nakatulog kasi ako ng maaga kagabi dahil sumama ang pakiramdam ko. Buti na lang okay na ko ngayon at makakasimba din mamaya. Mag aalmusal na po muna ko para maasikaso ko na din ang mga pets ko bago gumayak. Yun lang po muna. Ingat po kayo lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Luto na. Ito na muna ang mimiryendahin ko para di masayang. Pasensya po may bungi parang ako ahahaha. Salamat na lang may pustiso ahaha. Tara guys miryenda tayo. May natira pa pala sa sako sana di masira agad. Baka bukas ko lang lulutuin yung natira.

@jhunpmelchor

Happy weekend po kaingays. Magandang umaga po sa lahat. Lord thank you po muli for giving us a new day. Amen. Guys almusal muna tayo bago ang mga gawain. Titikman ko itong natanggap kong ayuda kung masarap. Señorita liver spread. Medyo parang meat loaf ang itsura nya di tulad ng RENO na durog at moist talaga. Itong señorita medyo dry. Pero may lasa din naman. Tutal libre lang naman kaya enjoyin na din. Grasya din yan kaya wag sayangin. Yun lang guys. Ingat po lagi. God bless.

@jhunpmelchor

Magandang gabi kaingays. Tinawag ako ng kapatid ko may dalang sako akala ko kung ano. Lagain ko daw agad kasi hindi na daw masarap bukas. Mais pala at ang dami naman eh mag isa lang ako. Nakakain na ko saka gabi na di ko na din naman makakain. Saka mahina ang tiyan ko sa mais baka kung kelan ako natutulog eh saka pa magrambulan ang mga alaga ko sa tiyan ahaha. Bukas na lang sya baka mapanis pa.

@jhunpmelchor

Nakapagpa emission na. Iniwan ko na lang yung papel. Sila na ang bahala sa lahat. Balikan ko na lang daw yung rehistro ko after 2wks. Medyo tumaas nga lang ang kanilang talent fee ahahaha. Okay lang naman kasi di na ko nahirapan pumila sa LTO. Kilala na kasi ako dyan sa emission testing kaya tiwala din ako na iwan na lang. Parang nakisuyo lang naman ako na binigyan ko lang sila ng pang miryenda. Kesa maghapon naman akong maghihintay sa LTO na di pa ako sure kung bigla akong papuntahin sa MVIR mas malaki pa ang gastos.