Magandang hapon po kaingays. Galing po ako ng palengke nagbayad ng kuryente at tubig. Sa highway ang daming kabataan na namimigay ng sabon na oxy bright sabi libre daw. Tapos tatanungin ka kung ano pangalan mo tapos sasabihin magkamag anak daw pala kami tapos ibibigay na lahat ng sabon na hawak nya saka hihirit na for scholarship daw sa kanilang pag aaral kaya sila nag ooffer ng sabon saka ka hihiritan na bayaran yung sabon. Grabe mambudol ahaha. Kahit ibang pangalan siguro ibigay ko sasabihin kamag anak pa din ahaha. Eh di sila umubra sa akin. Sinoli ko lahat. Minsan na kasi ako nabiktima ng ganong modus. Naawa lang ako sa bata dati kaya binayaran ko yung sabon pero ngayon hindi na. Kakabili ko lang din ng sabon panlaba ahahaha.
6 comments
Ako din po galing sa labas sobrang daming namimili siksikan ang sasakyan.
nakakatuwa naman yung style ng pambubudol nila sa tao halatang lokohan magka pera lang.🤭
Oo nga eh. Minsan hirap na tanggihan sa dami ng sinasabi ahahaha...😂
Hahahaha bigla ko tuloy naalala yung nagpunta dun sa apartment na inuupahan namin. Nabiktima din si mother-in-law ko sa ganyang mudos..may pa hingi hingi pa ng number kasi isasama daw yung mama nya para makapamasyal kay mother-in-law. Tapos ayun ang daming sabon ang inabot, sa huli 500 nabayaran ni mother-in-law. Kaloka 🤣😂
Bigla dumami kamag anak dahil sa sabon ahahaha...😂
Ingat talaga tayo ngayon. Dami modus.