read.cash Log in
@jen-123

@jen-123 in August 2022

@jen-123

Good morning mga ka friendship... Flex ko itong couple love bird namin. Dalawa na ang egg now. Nakakatuwa naman. Sana tuloy tuloy ang magandang pagpisa niya. Kumusta ang generous friend ko dito sa NFSFG. Lalo na po ang 3 moderator na super mapagbigay boss@AyaMedel, at sis@Shellyberry, sis@Kaytlyn.. God Bless and keepsafe po to all. #TwoEggOfCoupleLoveBird...

@jen-123

Gandang umaga sa inyong lahat!!! Kumusta ang lahat??? Medyo busy ako ngayon kaya ngayon lang nakasilip dito... Kaya ito ako ay naglilinis ng mga upuan dahil madumi. Masarap talaga pagamasdan pag malinis ang isang bahay noh Maya ko na ulit kau balikan mga friend ko #cleaningchairs ® Jhen123

@jen-123

Late lunch!!! Magandang tanghali din sa inyo mga ka food trip Nagyon lang ako nakapagprepare ng aming lunch. Ang aming lunch na ihananda ko ay ginataang pusit. Kayo musta na mga ka Foodie? Sana laging ok kayong lahat #DeliousLateLunch#Jen123

@jen-123

Magandang hapon sa inyo mga ka friendship!!! Kumusta ang araw ninyo mga ka NFSFG? Dito sa amin ay maulan. Ang sarap sana matulog. Kakatapos lamang kase maligo. Basa pa ang buhok. Sa inyo maulan ba din? May bagyo yata kaya ganito ang panahon. Ingat tayong lahat. #MaulangPabahon!!!!

@jen-123

Gandang hapon mga ka noisemate.. Buko pie from lutucan sariaya quezon... Grabe purong buko ang laman nito sa loob. Kaya sulit ang sarap sa halagang 50 pesos. Kayo nagsnacks na ba mga ka Foodie. Tara kain tayo. Sabayan ng malamig na coke. Nagmeryenda na ba kayo? #BukoPie!!!

@jen-123

Good evening mga mahal kong ka friendship dito sa NFSFG channel Madaming left over food kami kaninang lunch. Kaya tamang ininit na lamang ang ginataang pusit. Nakatipid na naman kami mga ka squadmates ng ulam. Dahil lunch until dinner ay isang lutuan na lamang. Malimit ganito ang ginagawa ko mga ka squad. Kaylangang magtipid sa buhay ngayon. Dahil sa mahal ng lahat ng bilihin. Kain tayo. Hello po boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. God Bless and keepsafe po to…

@jen-123

Gandang gabi mga ka NFSFG. Maaga ulit akong matulog ngayon. Pagod much maghapon dahil nggeneral cleaning ulit kami ng bahay ni hubby ko. Naglaba din ako ng mga bedsheets. Sarap na ulit matulog at bagong palit ang lahat Kayo kumusta na mga ka squadmates? Busy mode pa ba ang lahat. Oh ang iba naghahapunan pa lamang. Tulog na ang 2 kids ko. Pero ako nakahiga na din nagpapaantok. Habang nag noise. cash. God Bless and keepsafe po to all... #Jen123 ::::)))

@jen-123

Good evening mga ka friendship.. Nakatulog na ako mga ka squad. Tumawag iyong friend ko na flyt niya pala now ng 12:45 am. Biglang nagulat ako. Kala ko kung sino. Nakapila na daw siya sa check in. Grabe daw ang dami sa terminal 3. Lahat daw iyan ay puntang Qatar. Ang dami na namang pinoy sa Qatar. Ingatan po sila ni lord lahat at makarating sa kanilang pupuntahan. #NAIATerminal3

@jen-123

Gandang Morning mga ka food trip. Simpleng almusal naming mag iina. Pinagong sa Quezon with hot mx3 coffee. Tayo kumain ng hinahanap hanap ng marami. Minsan lamang din ako makabili nito. Once na makalunta lamang sa Qyezon. Tamang dadaan sa mazapan bakery. Ito ang sikat na pasalubong store. Kumusta kayo mga noisers. Mahimbing ba ang tulog. Ako medyo ok naman dahil malamig magdamag difo. Dahil maulan. God Bless and keepsafe po to all. #PinagongWjthMx3Cofffee.... #Jen123....

@jen-123

Good day of Tuesday mga ka NFSFG. Gloomy day dito sa amin mga ka squadmates. Flex ko lamang itong alagang love bird ng kumare ko. Ang gaganda nila. Ibat ibang kulay. Pantanggal stress sa umagang paggising pa lamang. Nabili niya daw ito inakay pa lamang. Sinusubuan pa dating kumain. Now ang lalaki na nila. Nakakatuwang pagmasdan mga ka friendship. Kumusta po boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. #loveBirxdOfMyKumare!!!

@jen-123

Gandang umaga mga ka squad... Kuha ito kagabi sa NAIA Terminal 3. Habang nakapila ang friend ko papasok ng airplane na sasakyan niya papuntang Qatar. Grabe nga naman ang daming tao. Siguro mga 1:30 am ng sila ay mag flyt. Maya pa daw mga 12 noon ang dating niya ng Qatar. Kaya naway gabayan po siya at maluwalhating maayos ng bansang Qatar. Kummusta mga ka friendship kong generous. Ano na gawa ninyo? Ako maligo muna. Then prepare pa ng tanghalian. #HappyTuesdayNFSFGFam!!!!

@jen-123

Good morning mga ka noise.. Tanghalian... Sinigang na tilapya muna. Namis ang tilapya. Sarap humigop ng mainit na sabaw. Pero dito uminit na ngayon. Tara kain muna tayo. Maya ulit tayo kwentuhan mga ka Food Trip. #lunch----

@jen-123

Gandang hapon mga ka friendship. Salamat po sa tatay ko sa pagbisita. Lalo na po dito sa saging na, sabana dala nila. May pang meryenda na ulit na mauutay lutuin. Kumusta na mga ka NFSFG family? Ano ang pinagkakaabalahan ninyo ngayong araw ng martes? Thank you po sa inyong lahat. Especially boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. #SagingNaSaba!!!! #Jen123!!!!!

@jen-123

Magandang Hapon mga kaingay. Hindi naman kalakasan ang ulan mga ka noise. Pero grabe ang kidlat at kulog iyon ang malakas. Mabuti lumamig naman ang panahon dahil sa kahit mahinang ulan lamang. Kayo kumusta mga kaibigan kong generous? Ingatan tayo ni lord dahil sa maulan lagi. Huwag kalimutang magdala ng payong at kapote once na aalis ng bahay. #Jen123!!!! #MaulangPanahon!!!!

@jen-123

Good evening mga ka Food Trip.. Nagsaing ako ng fish tuna. Suka niya ay kalamyas na tuyo. Iyan ang like na like dito sa amin sa batangas. Ang tawag sa sabaw niya ay patis. Ewan ko lamang diyan sa inyo mga generous kong friends kung ano tawag sa ganitong luto. Oh kung nakapagtry na din kayo ng ganitong meal. Hahaha. Kainan na ng hapunan. #SinigangNaTunaSaKalamyas!!! #Jen123!!!

@jen-123

Good evening NFSFG family... Gusto ko lamang magpasalamat po boss@AyaMedel sa binigay ninyong tip sa akin sa pagsagot ko po sa inyong challenge kanina. Kay sis@Kaytlyn at sis@Shellyberry thank you din po sa inyo dahil mga generous admin din po kayo. Tunay na happy ako sa channel na ito. Sobrang mababait silang lahat. Kumusta kayo mga squadmates. Katatapos lamang namin magdinner. Ito po ang bumungad sa notif ko. Again thank you po. God Bless and keepsafe po to all.…

@jen-123

Good evening mga ka Food Trip... Tommy... Iyan muna ang aming midnight snacks ngayon. Junk food kahit bawal. Basta susundan naman namin ng maraming tubig. Kayo mga noisers tulog na ba? Ako habang nag no noise.cash. Eto kumakain ng Tommy. Tara kain tayo. Pampalipas oras. God Bless and keepsafe po to all. #Jen123!!! #Tommy!!!

@jen-123

Gandang umaga mga ka friendship.. Araw na naman ng cardbank namin. Kaya eto on the way na ulit para magdala ng aming hulog. Kumusta kayo mga ka squadmates? Wednesday na ulit. Sabi ko nga parang kakadala ko lamang yata ng bayad. Magdadala na ulit. Tunay na napakabilis ng araw mga ka NFSFG. Hi po boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. Maraming salamat sa inyong lahat. Pasensiya na kayo sa mga hindi ko mabalikan ng ayuda. Ipon jpon lamang muna ha.…

@jen-123

Magandang umaga mga ka Foodie.. Tamang hinog na ang dalang saging na saba ng tatay ko kahapon. Eto niluto ko ngayon pagkarating ko galing sa center ng aming card bank. Tara kain tayo mga ka food trip. Bagong luto pa. Kayo anong almusal ninyo ngayon? #Almusal :))) #PritongSagingNaSaba:))))

@jen-123

Magandang araw sa inyo mga ka squadmates.. Kumusta na kayong lahat lahat mga friendship? Gusto kong batiin ang aking ninang sa kanyang ika 59 years birthday. More birthday to come po. Naway maraming birthday pa po ang dumating sa kanya. Salamat po sa mga generous kong friends. Im happy for that NFSFG channel. #Happy59thBirthdayNinang#Jhen123

@jen-123

Magandang tanghali mga ka noisemate. Sinaing na bangus... Nabili namin sa nagtitinda dito araw araw. Ang sarap niya dahil malambot ang tinik. Bumili naman si hubby ko ng barbeque at Shanghai para sa 2 kids ko. Favorite nila ito. Kumusta ang meal ninyo ngayongl unch. #Jen123... #HappyEatingToAll...

@jen-123

Mainit na hapon mga ka friendship. Presko na ulit mga kaibigan ko dito sa NFSFG. Pa selfie muna ng isa habang kakatapos lamang maligo. Nabusy ako mga ka squad kanina. Naglinis kase kami ni hubby ko ng aming house. Walang katapusang general cleaning. Ang sarap kase sa pakiramdam kapag malinis ang bahay. Iwas na din sa sakit. Kumusta mga kaibigan dito sa napakagandang channel ng NFSFG. Sa mababait at mapagbigay na 3 moderator. #MySelfie!!!!

@jen-123

Thank you @Lhes for payment for renewing sponsorship. I hope continues this sponsor. God Bless...

@jen-123

Magandang hapon... Fresh laman ng buko. Nabili ko kanina. Inilagay ko muna sa refrigerator namin. Iyan malamig na. Ang sarap kainin mga ka Foodie. Kain tayo. Eto na snacks namin. #FreshLamanBuko====

@jen-123

Good afti mga ka squadmates... Nagpaluto pa din ng french fries itong 2 kids ko. Nakita nilang may stock ako sa ref namin. Sabi ko bukas na lamang. Hindi talaga pumayag. Kaya eto ipinagluto ng kaunti. Dahil maya maya ay kakain na ng hapunan. Mawawalan sila ng gana kapag naparami ng kinain nito. Kumusta mga NFSFG friends? #FrenchFries!!!

@jen-123

Good evening mga noisemates... Left over food na sinaing na tuna kaninang lunch mga ka Foodie. Kain tayo ng masarap naming ulam. Maasim asim siya dahil kalamyas na tuyo ang isinuka ko. Kayo ano dinner ninyo? Kain tayo all. God Bless and keepsafe po to all. #Hapunan____ #Jen123 ____

@jen-123

Good evening po to all NFSFG family. Nagising lang po ako mga ka squad. Galing na po ako sa tulog kanina. Nag unplug lamang po ng aking celphone na nakacharve. Siguro kasarapan nang tulog ang mga friendship kong generous Maraming salamat po sa inyong lahat ng support sa aking mga simpleng post. God Bless and keepsafe po to all. ®GoodNight!!!! #Jen123!!!!!

@jen-123

Happy Thursday morning mga ka squadmates... Umaga na naman mga ka friendship. Parang kakatulog ko lamang kagabi. Ngayon ay gigising na ulit. Sobrang bilis ng araw mga ka squad. Kumusta ang magdamag ninyo? Ang sarang tulog ko dahil medyo malamig na ang panahon lagi sa gabi. Eto nakahiga pa nga ako. Walang masyadong gawain. Hello po sa 3 moderator boss@ayamedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. Happy morning po. God Bless and keepsafe po to all.. ©JHEN123 :)))

@jen-123

Gandang umaga mga ka Foodie... Almusal tayo mga ka food trip. Pritong talong at fried chicken. Sawsawan toyo kalamansi. Swak na naman sa aming almusal mag iina. Kain tayo. #HappyEatingToAll!!! #Jen123!!!

@jen-123

Magandang umaga mga ka friendship... Kuha ko iyan sa celphone ko kahapon mga ka squadmates. Gagamitin sa anniversary ng company nila. Dahil si hubby ko ay awarding fir 15 years in service. Pinagsend sila ng ganitong picture na pangmonday uniform. Kumusta ang mga friends kong generous ditosa NFSFG channel. God Bless and keepsafe po to all. #PhotoOfMyHubby!!!

@jen-123

Gandang umaga mga ka noise... Biling ulam ulit kami now. Ginataang tawilis. Suki na namin kase itong magtitinda ng ulam. Kaya kapag wala pa akong lutong ulam ay napapabili ako. Tapos nag order na lamang 2 kids ko ng chicke6sa greenwich. Solve na naman tanghalian namin. Kain tayo. Kayo anong tanhghalian ninyo? ##GinataangTawilis!!! #ChickenGreenwich!!!

@jen-123

Magandang tanghali mga kaibigan kong mapagbigay. Tamang kakatapos lamang kumain ng tanghalian. Pagbukas ko ng refrigerator namin, Mars Chocholate ang bumungad sa akin. Tamang panghimagas at bagong kain. Naglunch na ba kayo mga ka NFSFG? Kain muna at tanghali na ulit. Kami kase ay tapos na. Kaya eto kain tayo ng dessert. #MarsChocholate----

@jen-123

Gloomy day mga ka Food Trip... Naisipan kong lutuin ay pancit canton with egg. Minsan lamang naman talaga kumuain nito. Dahil kapag sobra masama din. Snacks tayo mga ka noise. Namis ang pancit canton with boiled egg. Sabayan ng gardenia bread with cheesewiz spread. #PancitCantonWithBoiledEgg==== #GadeniaBread===

@jen-123

Magandang hapon mga ka NFSFG.. Huhuhu data ang gamit ko now mga ka friendship. Bigla na lamang nawala signal ng pldt wifi namin. Baka may problem na naman sa line. I hope na maging ok na. At around 4pm mga ka squadmates nawala until now. Medyo mahina pa naman data. Sana maging ok na. Balikan ko kayo mga ka friendship kapag malakas na ok na network mo ha. Salamat po sa 3 moderator boss@ayamedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. At sa lahat ng friends kong mapagbigay kahit…

@jen-123

Good evening mga ka Food Trip May pa macdo si hubby ko now. Kakarating lamang niya ng bahay namin galing sa trabaho niya. Akala ko bukas pa payday nila. Advance office nila now. Kaya eto free ang pagluluto ng dinner namin. Kayo prepare na ba ang meal ninyo ng hapunan? Thank you hubby ko. #Jen123!!! #McdoMeal.

@jen-123

Magandang gabi mga ka noise.. At exactly kaninang 7pm. Bumakik na din ang magandang connection namin ng aming pldt fiber wifi. Balik normal na ulit ang signal ko. Inoff ko muna ang data ko. Ang emergency na lamang or once na umalis ako ng bahay. Good for 1 week kase iyong niload ko sa data ko. Kumusta kayo mga kaingay. Ako tamang basa sa read.cash at silip sa noise.cash. God Bless and keepsafe po to all. #BackMyPldtFiberWifi!!!

@jen-123

Good evening everyone... Its time to sleep na mga ka squadmates. Antok na din mga ka NFSFG. Bawal daw magpuyat. Hahaha. Sino pa kaya ang gising diyan mga ka friendship? Bukas na ulit tayo magkwentuhan. Hindi na kaya ng 2 mata ko. Tayo na matulog. Pero gusto ko muna magpasalamat sa mga taong totoong friend ko. God Bless and keepsafe po to all. #nightnight ____ #Jen123 ____

@jen-123

Makulimlim na umaga mga ka squad... Kumusta na ang panahon diyan sa inyo? Dito sa amin mga ka friendship magdamag na walang tigil ang ulan. Kaya naman ang sarap ng tulog ko. Dahil sobrang malamig ang panahon. Madaling araw na yata tumila mga ka NFSFG. Ingat po tayong lahat. Sa mga aalis ng bahay dont forgot umbrella at raincoat. Dahil sa masamang panahon. #HappyFridayMorningToAll!!! #Jen123!!!!

@jen-123

Good morning mga ka food trip.. San Marino Chilly Corn Tuna.. Namis magluto ng de lata mga ka noisemate. Kaya ito almusal namin. Tapos nag fried rice ako atFried fish. Sapat na almusal naming mag anak ngayon. Tara kain tayo all mga ka Foodie. #Jen123... #Breakfast...

@jen-123

Magandang umaga mga ka squadmates... Habang nagffb ako lumabas sa wall ko ito. Ang bilis ng panahon mga ka friendship. 3 years na pala itong bonding namin ng college friends ko. Nakakamis din talagang balikbalikan ang ganitong memories. Kumusta ang mga friends kong generous. Busy ba ang Friday ninyo? Hi po boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn at sis@Shellyberry. Thank you po sa inyong lahat. #CollegeFriends!!!!

@jen-123

Maulang tanghalian.. Friday Monggo!!! Maulan dito sa amin kaya ang sarap ng monggo. Sabayan ng pritong galunggong. Maaga akong nagprepare. Para maagang makakain mga ka Foodie. Kainan na. Kayo anong meal ninyo mga ka noisers. God Bless and keepsafe po to all... #FridayMonggo!!! #FriedGalunggong!!! #Jen123!!!

@jen-123

Maulang tanghalian mga ka squadmates. Kapag medyo hindi maganda ang timpla ng tiyan ko. Ito lamang malimit ko iniinom. After ilang hours,ok na agad. Sanay na ang tiyan ko dito. Natry na ba ninyo mga ka NFSFG family.? Minsan lamang kase ako magtake ng medicine. Ang sarap sana matulog dahil maulan ngayon. Basa pa lamang buhok ko mga ka, squad. Maya na lamang kapag natuyo. #Gatorade.... #PocariSweeat...

@jen-123

Magandang Hapon mga ka noisemate.. Hindi pa din tumitigil ang ulan dito sa amin. Paambon ambon pa din ang maghapon ng friday. Flex ko lamang itong pinamili ng hubby ko na ulam namin sa ilang araw din. Sariwa naman pero talagang may kamahalan talaga. Kumusta mga ka Food Trip? Ingat tayong lahat... #Tilapya... #Tuna.... #kalapato... #Hiwas....

@jen-123

Gandang hapon mga ka friendship... Dahil malamig ang panahon. Mx3 coffee muna with sky flakes.. Masarap katandem ngayong maulan ang mx3 coffee at sky flakes. Kumusta mga ka squadmates? Sa mga mahilig mag coffee. Tara sabayan ninyo ako. Ibang klaseng coffee nga lamang. Herbal coffee. Ayoko ng mga coffee na kalimitang tinatake ng maraming tao. #mx3Coffee!!!! #skyflakes!!!

@jen-123

Magandang gabi mga noisers... Hapunan na ulit mga ka Foodie.. Sinigang na isdang kalapato. Iyan ang isa sa binili sa market kanina ni hubby ko. Tamang malamig ngayon. Masarap ang sinigang at humigop ng mainit na sabaw. Kain tayo... #SinigangNaIsdangKalapato____ ®Jhen123 ____

@jen-123

Good evening mga ka friendship... Lumalalim na ang gabi mga ka squad. Ngayon pa lamg matutulog. Dahil hindi ko namalayan ang oras habang kausap ko si hubby ko. Kaya tulugan na mga ka NFSFG fam. Siguro karamihan ay himbing na ang tulog. Maraming salamat mga generous kong friends. Pasensiya na sa inyong lahat kung hindi ko kayo nababalikan agad ngayida. Ginagawa ko po ang lahat makabawi sa inyo. God Bless and keepsafe po to all. ®Jhen123..... ©Goodnight...

@jen-123

Happy Saturday morning mga ka family dito sa NFSFG channel... Weekend na ulit mga ka squad. Tapos na ulit ang isang linggong trabaho noh. Mahina talaga ako sa lamig. Pinatay ko muna electric fan. Sobrang lamig na lagi sa gabi. Simoy pasko na mga ka friendship. Tulog pa siguro anv marami dahil ang iba no work na. Madilim pa din ang paligid. Tamang nakahiga pa ako mga ka friendship. God Bless and keepsafe po to all. #HaveABlessedMorningOfSaturday:))) #Jen123 :)))

@jen-123

Good morning mga ka noise... Happy Saturday breakfast mga ka Foodie.. Left over food kagabi. Ininit ko lamang ito. Then nagprito ako. Ang sarap ng aming almusal Tara kain tayo all. Kumusta naman ang mor4ninyo. I hope na laging ok. #Almusal!!! #Jen123!!!!

@jen-123

Magandang Morning mga ka friendship dito sa NFSFG channel. Kahit malamig ang panahon. Eto ang aming boy love bird. Maagang naligo. Siguro naiitan na sila. Nakakatuw silang pagmasdan mga ka squadmates. Umagang pantanggal stress namin itong couple love bird. #MyBoyLoveBird!!!

@jen-123

Malamig na umaga mga ka noisemate... Fried tilapya at chicken noodles. Ito na muna ang aming uulamin mag iina ngayong tanghali. Dahil sa walang tigil na pag ulan kaya luto lamang ako ng mainit na noodles. Kayo kumusta ang lunch ninyo mga ka Food Trip. Kain tayo... #noodlesAtFriedTilapya!!!

@jen-123

Magandang hapon mga kaingay. Medyo tila na dito sa amin mga ka noise. Sana magtuloy tuloy na ang pagganda ng panahon. Kakatapos ko lamang magplantsa ng aming susuotin bukas at sa monday. Sana po gumanda na talaga ang panahon. Upang maganda ang lakad namin. Isasama kase kami ng brother kong balikbayan. Malapit na ulit kase silang umalis. August 19 flyt nila. Kaya bonding muna daw kami tom ng family ng brother ko at family ng sister in law ko. #Jen123!!! #DoneSaPagplantsa!!!

@jen-123

Magandang hapon mga ka friendship dito sa NFSFG family... Kwek kwek. Order ko sa friend ko. Kakadeliver lamang mga k a squadmates. Mainit init pa kaya ang sarap kainin. Ito ang meryenda namin. Tara kain tayo. Simple pero nakakabusog mga ka squad. Ano snacks ninyo? Medyo uminit na dito sa amin ngayon. Musta ang panahon diyan sa inyo? Ingat tayong lahat.. #kwekkwek!!!

@jen-123

Magandang gabi mga ka Foodie... Ito ang inihahanda ko para sa aming hapunan. Nakasalang na ang gulay na bulanglang. Next kong lutuin ay ang pritong hiwas. Kilala ba ninyo mga noisers ang hiwas na isda. Matinik ito pero masarap lalo kapag crispy. Swak sa aming hapunan. After nitong maluto ay kakain na din kami sapagkat malayo ang lakad namin bukas. Kumusta mga ka noisemate. Sana lagi tayong ok. Sana madinig na ako ni admin noise.cash. Na magkaroon na ng Ft ulit. Para…

@jen-123

Magandang gabi mga ka squadmates.. Flex ko lamang itong stock naming bigas sa mabait at mapagkakatiwalaang supplier.. Bago po lahat ito mga ka friendship. Kaya sa mga suki ko hindi lugi ang inyong babayaran. Laging bago ang stock... Kumusta kayo mga ka squad? Kami kakatapos lamang magdinner. Kayo naghapunan na ba? Maulan na naman dito sa amin ngayon. God Bless and keepsafe po to all. #RiceStocks!!!

@jen-123

Malamig na gabi mga ka noise... Matutulog po ako ng maaga ngayon. Dahil kapag maganda po ang panahon bukas ay makakasama kami sa bonding ng brother ko. Pero kung patuloy ang pag ulan baka hindi po kami tumuloy. Medyo malayo din at sa dulo ng batangas. Hahaha. Pero sana po lord ay gumanda na po bukas ang panahon. Until now po kase paulan ulan pa din dito sa amin. Maraming salamat po sa mga friendship kong generous na patuloy na nakasuporta kahit hindi ko palagi kayo…

@jen-123

Good morning NFSFG friends... Maaga akong gumising para magprepare ng almusal naming mag iina. Maganda ang panahon at tumila na ang ulan. Kaya mukhang matutuloy ang lakad namin. Luto na ang early breakfast namin. Kaya susubo kahit konti. Mahirap kase magbiyahe ng gutom kaya bago kami magshower kain muna. Kahimbingan ng tulog ng karamihan mga ka squad. Sarap pa sana matulog noh. Kain kain tayo. #HappySunday!!!! #EarlyBreakfast!!!

@jen-123

Magandang umaga mga ka squad..... Ready na kami paalis ng bahay. Naway gabayan ninyo po kami lord sa aming biyahe. Papuntang rosario pa kase ang way namin mga ka friendship. Doon kase kami magkikita kita. Kumusta kayong lahat. Mabuti tumila ang ulan. Sana maghapong tila para maganda ang lakad. God Bless and keepsafe po to all.

@jen-123

Magandang umaga mga kaingay... Andito na kami sa bahay ng brother ko sa barangay Quilib. Sa nasugbu ang bonding namin. Magsisimba kami sa Caleurga Church. Gabayan po ninyo kami lord. Kumusta na kayong lahat. God Bless and keepsafe po to all. #Jen123!!!

@jen-123

Magandang hapon NFSFG. Flex ko lamang itong isang magandang view na aming nadaanan ang fantasy world. Punta kase kami mga ka squadmates sa nasugbo. Sa isang kilalang church dito sa dulo ng batangas. Kumusta kayo mga ka friendship? Bawi ako sa inyo maya. Mahina lamang network dito. Hi po sa 3 moderator. God Bless and keepsafe po to all.

@jen-123

Magandang hapon mga ka Food Trip... Ito ang aming lunch kasama na daw ang dinner sa daming food. Grabe ang binayaran ng brother ko. Sulit sa sarap ng mga food. Dito ito sa Tagaytay City. Kumusta mga ka Food Trip. Tumila din ang ulan. Gabayan po ninyo kami sa aming pag uwi. God Bless and keepsafe po to all. #MasayangBonding!!! #MasarapNaFood!!!

@jen-123

Good evening mga ka squad.. Dito na ulit kami sa may bandang Ibaan Batangas. Pauwi na ulit kami sa bahay ng brother ko sa rosario. Doon ulit kami magbuhat pauwi sa amin lipa. Kumusta kayo mga ka squadmates. Pasensiya na kayo ha busy ang buong maghapon ko. Bawi ulit ako kapag nasa house na, ako. At kapag may wifi na. Ingatan po kami ni lord. #Jen123!!!

@jen-123

Gandang gabi mga ka ingay. Got home... Salamat kay lord sa maluwalhating paggabay po sa aming maghapong bonding ng family ng kuya ko at family ng sister in law ko. Salamat din po sa first time na pagsimba namin sa kaleurga Church at Nasugbo Batangas. Successful attending Sunday mass.. Kumusta ang mga generous kong friends. Maghapon ko kayong hindi masyadong nadalaw. Namis ko kayo. Pasensiya na kayo nabusy maghapon. Basta bawi ako sa inyo ha. Tommorow kase uwi kami sa mga…

@jen-123

Magandang gabi mga ka friendship. Tulugan na mga ka NFSFG... Maulan na naman dito sa amin. Ang sarap na talaga matulog. Kanina pa tulog ang 2 kids ko. Maaga kase kanina kaming gumising. Tommorow gala day na ulit. Hahaha. Sinusulit habang bakasyon pa mga kids ko. Dahil kapag nagkapasok mabubusy na lagi ako. Hello po boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. #Jen123 - - - #goodNight---

@jen-123

Good morning mga ka Foodie... Maagang gising na ulit ako dahil jjwi kami sa mga tatay ko. Dahil ngayon ay padasal sa Araw ng Kinammatayan ng inay ko. Maaga akong nagluto ng aming almusal dahil maya maya shower naman. Mga 7:30 am alisnamin siguro. #HappyMondayEating!!!

@jen-123

Mapagpalang umaga sa inyong lahat mga NFSFG... Dito sa amin mga friendship ay gloomy Kumusta na ba ang lahat dito sa channel na ito? Ready na kami para pumunta sa bukid para sa padasal ng aking nanay. Sana hindi na umulan mga friend at sana din ingatan din kami si biyahe... God Bless to all and keepsafe all #HappyDay#Jhen123

@jen-123

Magandang umaga mga ka friendship dito sa noise.cash.. Andito na ulit kami sa bahay ng brother ko. Dahil sa sasakyan nila kami makimisuno. Hahaha. Habang nood muna ng kardo ang aking pamangkin. Favorite kase niya itong panoodin. Padaan kami sa wall ng noise.cash ninyo mga kaingay. Nakiselfie din naman ako. Hahaha. God Bless and keepsafe po to all. #MyPamangkinATMe!!!

@jen-123

Gandang tanghali mga ka NFSFG. Galing na kami sa aming inay. Dinalaw namin ang aminh inay. 13th year death anniversary kase niya. We miss inay. Kumusta na kayo mga ka squadmates. Ingat tayo mga ka friendship. Punta na kami sa bahay ng tatay. Doon kami maglunch.. Maya kami magpadasal sa inay. We love you inay. We miss you inay.

@jen-123

Got home mga ka squadmates. Pagod much maghapon mga ka friendship. Pero masaya. Sama samang bonding ng mga kapatid ng inay ko para sa aming simpleng padasal sa kanyang 13th death anniversary. Thanks din sa mga cousin ko na nakadalo. Rest muna ako saglit at mag ayos ng aming dalang gamit. Kumusta mga ka NFSFG family. Mahina signal sa mga tatay now kaya now lamang nakapagpost at nakasilip dito sa noise.cash. Maya ko kayo balikan ha. Kapag hindi busy. #Jen123...…

@jen-123

Caleurga Church Nasugbo Batangas Blog#22 Hello readers and read.cash. How are you? I hope it's always ok. Strong body and safe illness to all of us. Early Breakfast... At around 3:00am I woke up. I prepared our breakfast. Must eat before taking a shower. We are happy with our simple breakfast. After eating breakfast.. After breakfast. My 2 kids have showered then I'm next in the shower room. My 2 kids got dressed and prepared quickly. Around 4:30am we left the house because…

@jen-123

Good evening mga ka friendship... Tulog na ako ng maaga. Dahil bukas ay araw ng card bank ko. Punta ako ng aming center. May weskly meeting daw kami mga ka NFSFG. Isa pa kukunin ko din ang policy namin ni hubby ko na nirenew namin na insurance. Kumusta na kayo mga ka squadmates? Nabusy maghapon kaya ngayon lamang nakapost. God Bless and keepsafe po to all... ®GoodNight!!!!

@jen-123

Magandang Morning mga ka noise.. Maagang almusal mga ka Food Trip. Kumusta ang magdamag ninyo. Guisado at mainit na pandesal. Tara kain tayong lahat. Simulan natin ang umagang ito ng masaya. Upang buong maghapon ay laging masaya. Salamat po sa masarap na almusal na ito. God Bless and keepsafe po to all. #HappyWednesdayToAll!!! #Jen123!!!

@jen-123

Good morning mga ka squad... Flex ko lamang itong pinahinog ng tatay ko na saging. Ibebenta po nila. Pandagdag allowance din mga ka NFSFG. Iyan ay galing sa sariling puno nila mga ka friendship. Basta masipag talaga may pag unlad. Kumusta na kayong lahat mga friendship kong generous. Kakatapos lamang din namin maglunch. Bumili na lamang ako kanina ng lutong ulam. Sinigang na pork at gulay na ampalaya. Hindi na napicturan. #HappylunchToAll!!! #Banana!!!

@jen-123

Magandang hapon food trip.. Buko pie at coke na malamig... Kumusta ang snacks natin diyan? Tamang may tira pa kaming Collettes buko pie. Inilagay ko kase ito sa aming refrigerator. Ngayon ininit ko sa oven toester. Ang sarap sabayan pa ng malamig na coke. Kain tayo all. God Bless and keepsafe po to all. #coldCoke!!! #CollettesBukoPie!!!

@jen-123

Good evening mga kaibigan kong generous dito sa NFSFG channel. Flex ko itong pinamili ngayon ni hubby ko. Pasalubong na pagkain sa 2 kids ko mga ka squad. May kasama pang pang ulam. Minsan lamang naman mag hotdog. Hindi naman kase pwedeng lagi. Kumusta na ang lahat? Maulan na naman dito sa amin ngayon. Kakatapos lamang din magdinner. Rest lamang ng konti at maya maya tulugan naman. Ang sarap na kase matulog at ang lamig ng panahon. #SimplengGroceries...

@jen-123

Breakfast mga ka Foodie... Magandang umaga noisers. Salamat po sa umagang ito. Sa aming simple at masarap na nakahaing almusal. Kumusta ang almusal ninyo mga ka Food Trip. Naway prepare na din. Para sabay sabay tayong mag almusal. #HappyEatingBreakfast... #CornDog...

@jen-123

Good evening mga ka noisemate. Bago matulog Chocholate muna.. Tamang kakatapos lamang namin mag hapunan. Dessert tayo mga kaingay. Thank you sa nag sponsor ng chocolate. Kayo naghapunan na ba? After makakain kami nito. Maya kaunti sleep na ako. Dahil bukas mag brigada eskwela ako sa school ng bunsi ko. #Chocholate!!!

@jen-123

Good morning food trip... Friday na ulit. Last day na ulit ng mga busy sa trabaho. Almusal tayo. Pancit canton with boiled egg. Maya ng konti kase punta ako school para sa brigada eskwela ng bunso ko. Sabayan ng gardenia bread. Kainan na. Musta na kayo mga noisemates? Maagang busy na ba ulit? #Jen123

@jen-123

Magandang Hapon mga ka NFSFG.. Cheese clover!!! Namis ang cheese clover mga ka friendship. Tamang nakatulog ako at umulan dito kanina. Medyo malamig ang panahon. Eto kakagising ko lamang. Naulutang buksan itong cheese clover. Kumusta ang snacks ninyo mga ka squadmates? Kain tayo. Kumusta po ang 3 generous na moderator boss@ayamedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. #CheeseClover!!!

@jen-123

Magandang araw ng Sabado mga ka squadmates. Kakagising ko lamang ngayon mga ka friendship. Maaga kase ako nakatulog kagabi. Kaya maaga ako nagising ngayon. Pagbukas ng gate ko malaking moon ang bumungad sa akin sa kalabgitan. Bibili kase si hubby ko ng maininit na pandesal or boneti. Iyon almusalin namin. Dahil maya ng kaunti punta ulit kami sa bahay ng brother ko. Invite niya kaming mag anak dahil dadating ang mga kapatid ng nanay ko at ibang cousin ko from Quezon. Kumusta…

@jen-123

Magandang gabi mga ka Foodie.. Flex ko lamang itong ensaladang pipino. Ito iyong isang panghimagas namin after naming mag tanghalian sa mga brother ko kanina. Kumusta kayo mga ka noisers. Busy mode maghapon kaya now lamang nakapagpost at nakasilip sa noise.cash. #Jen123!!! #EnsaladangPipino!!!

@jen-123

Magandang Morning mga kaa NFSFG... Ganap ito noong friday.. 45th Anniversary ng company ni hubby ko. 15 years awarding siya. Late post dahil sa daming pinagkakabisehan. Marami kase kami minsang gala. Sinusulit dahil vacation pa mga kids ko. Kumusta ang lahat kong friendship na mababait. Gala day dahil linggo araw ng pamilya. #HappyBonding!!! #15YearsAwarding!!!

@jen-123

Good day of Sunday mga ka squad friends... Andito kami sa brother ko. Dito kami nagtanghalian now. Sinigang na pork, fried tilapya at fried dalagang bukid. Pasensiya na walang picture ng sinigang. Nakalimutan na. Hahaha. Sulit na namaang lunch namin. Hi po boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. Kain po tayong lahat sa masarap na ulam. Ilang days na lng kase flyt na ulit ng mag anak ng brother ko. God Bless and keepsafe po to all. #lunchtime----

@jen-123

Maulang gabi mga ka Food Trip.. Barbeque sa malamig na hapunan.. Nasipag mag ihaw si hubby ko . Maagang nakauwi galing sa work. Sabi niya, mag ihaw tayo. Tamang meron akong stock sa refrigerator na ready ng pang ihaw. Happy na naman ang aming maulang hapunan. Ang sarap na naman matulog nito. Kayo ano ang nakahandang ulam? # Barbeque ===

@jen-123

Magandang gabi mga kaingay.. Matulog na ako ng maaga baka bukas may magandang blessings na dito sa noise.cash. Tumila na din ang ulan dito sa amin. Pero malamig naman ang panahon. Mahimbing pa din siguro ang tulog. Gabayan ninyo po kami lord sa magdamag namin na pagtulog. #GodBlessyouall :)) #GoodNight :))

@jen-123

Good morning NFSFG channel... Puto at markcafe sa masarap na almusal. Kain po tayo mga ka squadmates. Masarap kahit simpleng almusal. Kumusta ang 1st day of the week mga ka friendship? Ako masarap ang tulog. Ang lamig ng magdamag. Anyway kainan na tayo. #PutoAtCoffee!!!

@jen-123

Magandang hapon mga ka Food Trip.. White corn... Ito ang aming meryenda ngayon. Nabili namin sa market kanina. Kumusta kayo mga ka Foodie? Ano ang meryenda ninyo ngayon diyan? Kain tayo at mainit pa. Kumusta ang 1st day of the week? Ako medyo nabusy na naman. #MeryendaTime!!! #WhiteCorn!!!

@jen-123

Good afternoon mga ka squadmates.. Yehey nakapamili na din ng notebook ng 2 kids ko. Kanina kami namili. Dahil sa monday na ang start ng klase ng mga bata. Ready na din ang panglagay na label sa notebook nila. Kayo mga ka NFSFG, nakaready na ba din ang mga gamit ng anak ninyo? Sana maging ok ang lahat sa opening ng face to face classes ng mga bata.

@jen-123

Magandang Buhay mga kaibigan kong generous... Share ko itong picture ng aming sister in law. Ilan days na lamang flight na nilang mag anak papuntang Riyadh Saudi. Nakakamis din naman sila. 45 days lang kase ang vacation nila. August 19 ang alis nila dito sa Pilipinas . Medyo natagalan sila umuwi dito dahil nagpandemic. Sana next year ok na ulit ang yearly na pagbabakasyon nila dito sa Pinas. Kumusta mga ka squadmates? Sarap matulog. Kaso ginising ako ng dysmenorhea ko.…

@jen-123

Good morning mga ka noise dito sa food trip channel. Masayang araw ng martes sa ating lahat. Tuwing Tuesday dumadaan ang dyip na magtitinda ng itlog. Kaya eto napabili na din ako. Puno na ulit ang lagayan ko sa aking refrigerator. Gusto ko kase lagi akong may stock sa refrigerator ko. Isa ito sa madaling lutuin na ulam mga ka noisemate. #1TrayEgg!!!

@jen-123

Hello mga ka squad... Magandang umaga sa ating lahat dito sa NFSFG channel. Maaga akong nakapaglaba ng mga uniforms ng 2 kids ko. Kulang pa ng isang pair ang sa eldest ko. Baka tommorow ko pa ulit ibili. Wala na kaseng stock na available kahapon. Grabe din ang nagastos namin sa mahal lahat ng bilihin. Pero ok lamang basta needs ng mga anak. Lahat kakayanin. Plantsahin ko na lamang ito sa Saturday or Sunday. #UniformOfMyTwoKids!!!

@jen-123

Tanghalian mga ka Foodie... Ginataang Alimasag... May dumaan dito kaninang magtitinda ng seafoods. Eto nakabili ako ng 1 kilo sa halagang 250 pesos. Garabe ang sarap ng aming tanghalian ngayon. Now lamang ulit nakapagluto nito. Kainan na mga ka noisers. #GinataangAlimasag---

@jen-123

Suman dito sa Batangas... Ito ang pinagkakaguluhan ng mga taga dito sa amin sa batangas. Ang sumang malagkit. Pwede ding pang almusal mga ka friendship. Pwede ding pang meryenda. Kahit anong oras pwede kaiinin. Nakalimutan ko ng picturan iyong marami. Kung kelan paubos na mga ka squadmates. Nagustuhan kase ng 2 bata ko. Kaya iyan lamang natira. Hahaha. #SumangMalagkit:))

@jen-123

Kumusta na mga ka NFSFG family. Magandang hapon mga ka squadmates. Ito ang pinagkaabalahan ko maghapon. Ang maglabel at magplastick cover ng notebook ni bunso ko. Natapos ko ding gawin. Next pa iyong sa eldest ko. Dahil waiting pa kami ng information ng subjects niya. Ready na talaga sa school sa monday ang bunso ko. Sa 3 moderator po mgandang hapon po at kumusta po kayo? #MgaGamitNiBunsoKo!!!

@jen-123

Maagang umuwi ang asawa mga ka food trip... Eto may pa macdo si hubby ko.. Tuwang tuwa ang 2 kids ko. Kumpletong toys na naman sila. May pang hapunan na din sila. Kami naman ni hubby ko may left over food na ginataang alimasag kaninang lunch. #HappyDinner === #MacdonaldMeal=== #CompleteToys===

@jen-123

Matutulog na sana ako dahil bukas ay schedule ng distribution ng module at books ng bunso ko. May nag tao po sa gate namin. Pagbukas ko ay ang mabait kong kapitbahay na balikbayan from Spain. May bigay na pasalubong. Sobrang mababait talaga ang mga kapitbahay ko dito. Mabait din kase ako. #SimplengAlaalaFromSpain!!! #ThankYousSaMabaitKongKapitbahay!!! #MagandangGabi!!!

@jen-123

Tulugan na mga ka squadmates. Medyo gumagabi na ulit. Salamat po sa maghapong ito na naging masayang muli dito sa noise.cash. Naway patuloy pa po ang maraming blessings ang aming matanggap. Nagpapasalamat din po ako sa company ni hubby ko. Sa ibinigay sa lahat ng employees ngayong nagdaang 45anniversary .. Napakalaking tulong talaga. Hindi ko na binawas sa aming savings ang ipinamili ko ng gamit mgaka friendship. Sobra sobra pa sa ipinamili. Nakaorder pa din siya na matagal…

@jen-123

Magandang Morning NFSFG family. Wednesday na ulit. Araw ng aming cardbank. Pumunta na ako sa aming center. Upang magbayad ng aming weekly payment. Dahil bagong renew ang aming insurance ni hubby ko. Eto nakuha kp na din policy namin. Iyan lamang ang loan na aming binabayaran insurance namin at savings lamang talaga. Salamat lord sa mga blessings na ito. Kumusta mga ka friendship? Gising gising na ang mga may pasok at baka malate. #Policy____

@jen-123

Almusal muna tayo mga ka Foodie. Bago ako pumunta ng school ni bunso. Sarsiadong isda at fried. Kaylangang kumain muna para may energy ang umaga. Kayo nag almusal na ba? Tara kain muna tayo bago ako magshower. #Breakfast!!!

@jen-123

Got home mga ka squadmates... Nakagaling na ako sa school ng bunso ko. Successful naman ang mga books na nakuha ko. 4 pcs lamang. Marami daw talaga ang kulang sabi ng guro. Bukas orientation naman kami para sa opening class sa monday. Ang mga kids ready na ba din ang books? Mainit na umaga sa ating lahat. #BooksNgAkingBunso:))

@jen-123

Magandang tanghali mga noisers dito sa food trip channel... Eto ang lulutuin kong tanghalian naming mag anak. Sinigang na tuna at magprito ako ng dalagang bukid. Kayo nakahanda na ba ang lunch? After kong makaluto ay kainan na din kami mga ka Foodie. #Jen123 *** #SinigangNaTuna *** #FriedDalagangBukid***

@jen-123

Gandang hapon mga friends kong generous. Flex ko lamang itong pinamiling ulam ni hubby ko. Iyan lamang lahat 1k na. Grabe ang mahal ng bilihin ngayon. Nakakapanghina na din lalo n konti lamang ang dalang pambili. Hahaha Fresh naman talaga kahit pricey. Nakakatuwang pagmasdan kapag ganito ang isda. #FreshFish!!!

@jen-123

Meryenda tayo mga ka squad friends.. Tamang may dumaan dito ngayon na magtitinda ng mainit na tinapay. Eto bumili ako sa halagang 60pesos. Ilang klase din ito. Kaya busog much kami mga ka NFSFG people. Ano meryenda ninyo mga ka friendship. Tara kain tayo at mainit pa. Sabayan ng malamig na coke. Magandang hapon to all.. Ingat tayong lahat...

@jen-123

Masaya at masarap na hapunan mga ka Food Trip. Ilang piraso din ng tuna ang aking isinigang kaninang lunch. Kaya ngayon ininit ko na lamang iyang natira namin. May dalagang bukid pa din na natira. Kaya mukhang nakatipid kami ng luto ngayong dinner. Sana all laging ganito. Para tipid din sa gawain. Kain kain po... Magandang gabi sa ating lahat...

@jen-123

Magandang gabi mga ka noisemate.. Kaylangan ko ng matulog ng maaga ngayon. Para bukas may panibagong energy na naman. Isa pa before 7 am dapat nasa school na ni bunso. Para sa orientation sa darating na pasukan sa lunes. Salamat sa inyo lahat. Naway lagi po tayong ligtas sa anumang kapahamakan. Bukas ulit kapag hindi na me busy. Sa hapon kase orientation ng eldest ko. Sa umaga ang sa bunso ko. #GoodNight...

@jen-123

Good morning mga noisers... Nagluto na lamang ako ng sweet spicy pancit canton, original pancit canton with boiled egg. Sabayan ng gardenia bread. Maagang almusal mga ka Foodie. Bago ako magshower. Mga 6:45am kase aalis ako punta ng school ni bunso ko para sa orientation ng opening f2f sa Monday. Kain muna tayo. Para may lakas ako mamaya sa orientation. #HappyThursday!!!

@jen-123

Gandang umaga mga ka squadmates. Ready na ako sa pagpunta ng school ni bunso ko para sa pag attend ng orientation sa opening class sa monday. Naway maging successful po sana mga ka NFSFG ang anumang usaping mapagpulungan. Gabayan po ninyo ako sa aking lakad. Kamusta na kau mga ka friendship? Busy ba ang thursday morning ninyo? Nag almusal na ba kayo? #Jen123 ®HappyDayToAll

@jen-123

Magandang araw ng Huwebes mga kaingay.. Isang umagang busy na naman. Dahil umatend ako ng orientation ni bunso ko. Kakauwi ko lamang ng bahay. Maglinis muna ng bahay. Happy naman kaming mga parent ng Grade2-Sunflower. Maayos namang natapos ang lahat ng agenda. Mayang hapon sa eldest ko naman ang orientation. Nakuha ko na din ang module ng bunso ko. Salamat po sa araw na ito. Simula na ulit ng mga mommy na busy. Lalo na pagdating ng August 22... #DoneOrientation

@jen-123

Good morning food trip... Maaga kaming lunch ngayon. Dahil before 2 pm aalis na naman ako para sa orientation ng eldest ko. Hay kapagod. Pero dahil para sa anak titiisin lahat ng pagod. Sabi ko nga sa 2 kids ko. Hannggat kaya namin ni hubby ko, ano man like ninyo sa kanilang pag aaral andito lamang kami nakasupport sa kanila. Hanggang sa matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay. Anyway kainan na muna. Bumili na lamang ako ng gulay na ginataang puso at papaya. Then nagprito…

@jen-123

Gandang tanghali mga NFSFG channel.. Flex ko lamang itong isinuot ng hubby ko ng siya ay awardan ng 15 years in service sa Batangas Electric Cooprative. Rent lamang iyan mga ka friendship sa halagang 500. Nagrent na lamang dahil isang suot lamang naman. Nakakatuwa din naman na nakarating sa 15 years in service ang hubby ko sa kanyang magandang trabaho. Kaya isang pasasalamat po sa kanyang compa6 Batelec 2. God Bless and keepsafe po to all. #BarongTagalog!!!

@jen-123

Makulimlim na hapon mga ka noise... Prepare muna ako ha at aalis ako ng 2pm para sa orientation ng eldest ko. Sana po huwag muna umulan. Dahil maglalakad lamang po ako papuntang school. Medyo malapit lamang kase ang schoolng 2 kids ko. Kaya kapag susunduin ko sila lakad lamang ako. At kapag kasama ko sila magsasakay kami. Ako ok lamang maglakad dahil exercise din. Naway maging maayos ang lahat ng usaoin sa aming orientation ng aking eldest. Maraming salamat din sa inyo mga…

@jen-123

Good afternoon mga ka squadmates... Nakauwi na din ako sa bahay mga ka friendship. Maayos na natapos ang aming orientation sa aking eldest. Naibigay na din ang kanilang books. Handang handa na talaga ang pasukan sa August 22.school year 2022 - 2023. Good luck mga kids ko. Hello po sa mababait na moderator ng channel na ito. Sanay lagi tayong ok. God Bless and keepsafe po to all. #DoneOrientationOfMyEldest...

@jen-123

Maulang hapon mga ka friendship dito sa noise.cash. Nag uumpisa na naman ang ulan dito sa amin mga ka noisemate. Flex ko lamang itong bunso ko na sobrang sipag. Nag nunumbering na siya para sa gagamitin niya sa Monday. May diagnostic exam sila. Para matest kung hanggang saan ang kaalaman ng bata. Very good bunso. Sabi kase ng guro nila mag number na ng 7 subjects na 1 to 30. Kaya busy ang bunso ko now.

@jen-123

Good evening mga noisers... Ginabi na din ng pagkain ng dinner. Nabusy kase sa pag aayos ng gamit ng eldest ko. Ang kanya na lamang ang hindi ko naayos. Kanina lamang kase binigay lahat ng subjects sa orientation. Anyway kainan na muna. Bago ulit mag ingay dito. #FoodTripChannel!!!

@jen-123

Shrimp crackers... Ito ang midnight snacks namin ngayon mga ka NFSFG. Kain tayo bago matulog. Habang kami ay kwentuhan ni hubby ko. Busy ang 2 kids ko nagcocomputer. Kami lamang ni hubby ko ang partner sa pagkain. Mas madaling maging brown kapag shrimp kesa bisuto crackers. Sino diyan ang gising pa. Sabayan ninyo kami mag midnight snacks. Kainan na mga ka squadmates. #GoodEveningToAll - - - -

@jen-123

Good morning mga ka friendship dito sa channel ng NFSFG. Una pasasalamat kay lord sa panibagong umagang ginising ninyo kami ng maayos. Gusto ko lamang ipaabot sa mag anak ng brother ko ang safe flight nila. Dahil ngayon ang araw ng pag alis nila dito sa Pilipinas. Babalik na ulit sila ng Riyadh KSA... Ang bilis ng 45 days na vacation nila. Nakakamis lahat ng naging bonding namin. Sana po maluwalhati silang makarating mag anak. #SeeYouNxtYear!!!

@jen-123

Happy Friday morning mga kaibigan dito sa food trip channel. Kapag ganito ang bubungad sa aking almusal. Pritong saging na saba at mainit na pandesal. Sabayan pa ng mainit na mx3 coffee. Talagang mapapasarap na naman ang umagang ito. Kain tayo mga ka Foodie. Friday na hindi na siguro masyadong busy. Oh busy pa din ba. Maya tapusin ko pa din ang gamit ng eldest ko. Sa bunso ko prepare ng lahat. Uniform na lamang ang plantsahin ko tommorow or Sunday. #HappyBreakfast____

@jen-123

Umagang kayganda mga ka squad... Maagang busy muna,, Dahil kahapon lamang nalaman ang mga subject ng eldest ko. Eto now ko lamang ginagawa ang paglabel ng mga notes. Maya ko kayo balikan ha. Halos araw araw talaga busy mode. Dahil sa paghahanda sa pasukan sa lunes. Nag almusal na ba ang lahat? Prepare na ba din ang gamit ng mga anak ninyo? Pasukan na ba din sa inyo mga ka NFSFG? #GoodluckSaAtingMgaKids!!!

@jen-123

Gandang tanghali mga ka Foodie.. Ang bilis ng oras. Hindi pa ako tapos sa mga gamit ng eldest ko. Kainan na ulit mga ka friendship. Eto ang inihanda kong tanghalian namin. Gulay na kalabasa. Pampalinaw ng mata. At pritong isda. Sapat ng pagsasaluhan naming mag anak ngayon tanghali. Kayo ano pagkain diyan? ®HappyLunch:))

@jen-123

Kain tayo roller coaster mga kaingay. Tamang tapos na din maglunch. Naisipang magbukas ng junk foods. Habang nagcocover ng mga notes. Kayo ano na balita? Kain tayo all. Namis ang sitsirya. Kahit bawal. Inom na lamang kami ng maraming water. #RollerCoaster----

@jen-123

French fries para sa snacks mga ka friendship. Ito ang ipinaluto ng 2 cutest girl ko ngayong oras ng meryenda. Sulit na ulit ang pagkaing ito. Ako medyo busog pa. Kumain kase ako ng roller coaster. Nagmeryenda na ba kayo? Meryenda muna ang lahat. Bago gumawa ng maraming gawain. Sa 3 moderator po magandang hapon at maraming salamat po sa inyong lahat. God Bless and keepsafe... #FrenchFriesWithCatsup===

@jen-123

Kainan na ng dinner mga ka noise. Para maagang makapagrest. Ang daming pagod maghapon para sa preparation ng mga gamit ng 2 kids ko. Thank you lord natapos din. Bumili na lamang ako ng barbeque at isaw sa labas ng gate ng subdivision namin. Tamang ulam naming mag iina ngayon. Pumasok na kase si hubby ko. Happy dinner sa ating lahat mga ka Food Trip.

@jen-123

Magandang araw ng Saturday weekend mga ka NFSFG. Pampagood vibes muna tayo sa u n agang kayganda. Stress reliever din mga ka friendship. Kaygandang pagmasdan paggising pa lamang ganito ang bubungad sa ating dalawang mata. Kuha ko iyan kahapon sa bahay ng brother ko bago sila pumunta ng airport. Natuwa akong kuhanan dahil ang gaganda at fresh pa. Gising na ba ang mga ka squadmates ko sa napakagandang channel na ito. Relax relax muna sa umaga. Ang iba walang pasok sa work.…

@jen-123

Spaghetti sa masarap na almusal ngayong Sabado. Tara kain tayo mga ka food trip. Simulan natin ang ating umaga na masaya at puno ng ngiti sa mga labi. Sabayan ng tasty bread na gardenia with cheese whiz spread. Magandang morning to all. #ThankYouToAll

@jen-123

Gandang umaga mga ka squad... Biglang buhos ngayon ng ulan dito sa amin. Habang nag aayos naman ako ng uniform ng 2 kids ko. Tapos na ako sa mga notes nila kaya uniform naman ang aking dinodoblehan ng tahi iyong mga botones para matibay. Ganito ang ginagawa ko kahit bagong bili sa market. Nilabhan ko pa din. Para safe. Ingat tayo at masama yata panahon now. Magdala ng payong at kapote kung aalis ng bahay. #NFSFGFamily!!! #MalakasNaUlan!!! #MagandangUmaga!!!

@jen-123

Magandang tanghali mga ka Food Trip. Inihaw na pusit with sukang maanghang. Sapat ng ulam naming mag iina. Dahil mayang hapon pa uwi ni hubby ko galing sa work. Grabe na naman ang aming tanghalian nito. Mapapa extra rice pa yata. Nabili ko iyan dito malapit lamang sa amin. Kayo naglunch na ba mga ka Foodie? Kain muna tayo at tanghali na. After lunch mag plantsa n ako ng uniform ng 2 kids ko para ready na sa Monday. Kain kain tayo...

@jen-123

Happy weekend sa ating lahat. Pero ang weekend ko ay sobrang nabusy. Eto kakatapos ko lamang magplantsa ng uniform ng 2 kids ko. Kase bukas baka umalis kami. Kaya ginawa ko na ngayon mga ka NFSFG. Kayo kumusta ang Saturday ninyo? Nag snacks na ba? Kami biscuits na lamang at fresh milk na bearbrand. #UniformDonePlantsa!!!!

@jen-123

Magandang hapon mga kaingay... Pagkatapos ko kaninang magplantsa, pumunta ako saglit sa puregold upang maggrocery. Grabe nakakapanghina. Ito ang aking nabili. Kulang kulang 2k na agad. #MgaaSimplengKailanganSaBahay

@jen-123

Magandang gabi mga ka noisemate. Grabe ang lakas ng kulog at kidlat dito sa amin. Nakakatakot, hindi naman kalakasan ang ulan. Bigla nga agad nawala ang kuryente dito. Nagresume din naman. Ito ang kagalingan ng solar light namin. In case of emergency may magagamit talagang ilaw. Diyan sa inyo, may ulan ba din? Sarap na ulit matulog. At malamig ang panahon. Hahaha. #mySolarLight!!!

@jen-123

Magandang gabi mga ka Food Trip... Medyo ginabi kami ng kain ngayong dinner. Kakauwi lamang kase ni hubby ko galing sa trabaho. Extended ot pa talaga siya. Nabili niya iyang adobong pusit at gulay na mais. Iisa na daw naabutan niya na adobong pusit . Hahaha. Tamang nagprito ako ng tuna fish. Ito ang aming simpleng ulam na pagsasaluhan ngayon. Kain tayong lahat. #FoodieChannel

@jen-123

Good evening mga ka squadmates.. Matutulog na sana ako. Kaso nagpabukas ang 2 kids ko ng Maltesers. Ang masarap na chocolate. Bigay ito ng brother ko bago umalis noong friday. Bago sila bumalik sa Riyadh. Kain tayo mga ka NFSFG, panghimagas. Tamang kakatapos lamang din mag dinner. Magandang gabi po sa 3 moderator na super generous. #MaltesersChocholate!!!

@jen-123

Magandang umaga ng Linggo mga noisemates... Dahil madami ako niluto kahapon ng umaga para sa almusal namin na spageti. Iyan may left over na iniinit ko ngayon. Mas lalong sumasarap ang spageti kapag nabukasan na. Tapos bumili si hubby ko now ng mainit na pandesal. Maya kase baka umalis kami saglit. Tapos balik din agad sa bahay at may work si hubby ko kahit Sunday. Tara kain tayo mga ka Foodie!!! #HappySundayMorning____

@jen-123

Good morning mga ka friendship... Thank you sa aking kapitbahay na mag shoe shine. Parang bago ang shoes ng bunso ko. Sa halagang 150 pesos nashine at napaganda pa. Matibay kase ito. Little pony at sugar kids ang tatak. Ito ay ginamit ng eldest ko. Kaya lamang maliit na sa kanya. Kaya si bunso ang magsuot. Sayang naman kasya naman sa kanya. Kumusta na NFSFG family. Ingatan tayo ni lord sa ating mga lakad ngayon. #ShoeShine!!! #Happy15thmonthsary

@jen-123

Magandang umaga mga kaibigan kong mapagbigay. Gabayan ninyo po kami lord sa aming family bonding. May bibilhin kase kami sa Robinson Lipa. Ready na ready na. Sana po huwag umullan. Maya na ulit tayo kwentuhan pagbalik ko ng bahay. Kumusta all. God Bless and keepsafe po to all. #FamilyBonding!!!

@jen-123

Magandang hapon mga ka Food Trip.... Ito ang aming simpleng pananghalian kanina sa Robinson Lipa.. Grabe ang busog much namin sa Mang Inasal. Salamat sa maghapong bonding. Kumusta kayong lahat mga ka Foodie. Maya ulit ako balik dito. May aayusin lamang akong pinamili. #MangInasal!!!

@jen-123

Happy 15th monthsary NFSFG family. Magandang hapon mga ka squad.. Flex ko lamang itong aming nabili kanina sa Robinsons Mall Lipa. Napabigla na lamang ako pagdating sa counter. Ilang item lamang iyan ay 7k plus na agad. Bag ng eldest ko sa Tranz Gear brand, 2 pants ng eldest ko sa Bylozz brand, 3 short ng hubby ko sa Bosssini brand,at water despenser. Nilabhan ko na din mga ka friendship ang pants at shorts kahit bagong bili. Ganito ako mag set up kahit bagong bili. Lalabhan…

@jen-123

Magandang umaga mga ka noisemate.. Maagang tulugan na. Dahil tommorow ay first day of school ng aking 2 kids. Pang am shift kase ang bunso ko at pm pa naman eldest ko. Kanina pa din kami kumain ng hapunan. Para makapagrest ng maaga ngayon. Bukas na ulit tayo magkwentuhan. Nabusy maghapon. Gabayan po ninyo kami lord sa aming pagtulog. Good night...

@jen-123

Gandang umaga ng lunes mga ka noisers. Unang araw ng pasukan ng 2 kids ko. Pero si bunso pa lamang ang gising dahil 6am start ng klase niya. Eldest ko mayang hapon pa. Kaya eto maaga ako nakapaluto. Dahil pinapakain ko muna bago sila paumasok ng school. Start na ba din dian sa inyo ng face to face classes? #GoodluckSaAtingMgaKids... #MaagangBreakfast!!!

@jen-123

Good morning to all squadmates. Nakakatuwa talaga ang bunso ko. Sa sobrang excited sa face to face. Hindi siya mahirap gisingin kanina. At ngayon nga ay ready na siya. Sabi niya sa akin ang saya mommy sa school di ba? Sabi ko naman oo masaya. Ready na ba mga kids ninyo? Ingat tayong lahat... #MyBunso!!!

@jen-123

Maulang umaga mga noisers. Mukhang masama ang panahon. Nakapaghatid na ako sa school ng bunso ko. 8:40 am ko na ulit siyang sunduin sa school mamaya. Almost 2 hrs lamang klase nila. Dahil may modular pa din sa bahay. Ito ang classroom ni bunso ko. Napakaaliwalas. Bagong building kase ito. Sila ang fisrt time na gagamit ng room. Napakaswerte ng bunso ko. #AtSchool!!!

@jen-123

Makulimlim na umaga sa ating lahat dito sa noise.cash. Paambon ambon dito sa amin. Thank you God at successful ang first day of face to face classes ng bunso ko. Nagsagot daw siya sa pad paper tapos ipinasa kay teacher nila. Andito na ulit kami sa bahay. Nasundo ko na ang bunso ko. Grabe ang trapik kaya lakad lamang kami pauwi ng house namin. Tamang exercise na din Hindi daw naman siya pagod. #ThankYouBunsoSaMaayosNaF2FClasses!!!

@jen-123

Sinigang na tilapya sa tanghalian mga ka Food Trip... Tamang tama sa malamig na panahon. Sarap humigop ng mainit na na sabaw. Kakain na ng maaga dahil 2pm ang schedule ng klase ng eldest ko hanggang 4:40pm. Kainan na with grapes na dessert. Kumusta ang lunch ninyo? Prepare na ba din? ®MondayLunch!!!

@jen-123

Gandang hapon mga ka friendship sa NFSFG channel. Maagang nakaprepare ang eldest ko sa kanyang pagpasok. 2pm kase alis namin ng bahay. Dahil 2:20pm ang start ng klase nila. Goodluck sa first day of school Ate Kath. Kayo nakapasok na ba lahat ng kids ninyo. Pagod much maghapon kakahatid sundo lalo na magkaiba ng schedule. Pero para sa kanilang ikakatagumpay laban lamang at maiibsan din ang lahat ng pagod. #MyAteKathlyn!!!!

@jen-123

Magandang hapon mga kaingay... Pagkahatid ko sa eldest ko. Eto kami ni bunso ko ngayon. Nagawa ng assignment. Dahil bukas walang pasok bunso ko. Nakaleave ang teacher at may importanteng lakad daw. Kaya nagbigay ng assignment ang guro nila. Isinend sa GC namin. Napakasipag talaga ng bunso ko na iyan. #KeepItUpTheGoodWork!!!

@jen-123

Snack time.. Meryenda tayo mga kaibigan ko dito sa food trip channel. Kami lamang ni bunso ngayon dito sa bahay. Kaya kami lamang nagmemeryenda. Tirhan na lamang namin ang eldest ko. Para pagdating niya may pagkain siya. May baon din naman siya sa school. #HappySnacks!!!

@jen-123

Gandang gabi NFSFG... May left over food kaming Sinigang na tilapya kaninang lunch. Tapos nagprito na lamang ako ng isdang lumahan. Ito ang aming ulam ngayong dinner. Kain na tayo mga ka squadmates para maagang makatulog. Sobrang pagod much ang first day of school. Tapos masama pa ang panahon at paulan ulan pa. Kaya ingat po tayong lahat. Bawal magkasakit. Sa 3 moderator po ng channel na ito maraming salamat po at sa lahat ng friendship kong generous.

@jen-123

Maulang gabi... Ingat tayong lahat. Dahil marami palang lugar ang under signal #2 dahil kay bagyong Florita. Maulan dito sa amin at may hangin pa. Tamang nakahiga na kami. Sarap ng matulog. At sobrang lamig. Kumusta ang bagyo diyan sa inyo mga kaingay. #GoodNightAndKeepsafe:::))

@jen-123

Gandang umaga mga friend dito sa Foodie channel.. Nasipag si hubby ko bumili ng mainit na pandesal. Sarap sa mx3 coffee mga noisers. Kain tayo at mainit pa. Mabuti tumila na ulan dito sa amin. Pero may kaunting hangin pa din. Ingat tayong lahat. Walang pasok bunso ko now kaya rest ako ngayong umaga. Mayang hapon pa naman eldest ko. Kaya tulugan pa sila at maaga pa naman. #HaveABlessedTuesday!!!

@jen-123

Gandang umaga mga ka squadmates... Pag uwi ni hubby ko kagabi, dala dala niya itong payong galing sa company nila. Kahapon lamang daw naipamigay Pero dapat noong Agma pa kaso pandemic noon. Tamang nag 45th Anniversary ang company nila. Pinamigay nila sa lahat ng employee. Maganda naman siya. Tamang may magagamit kapag umuulan. Kumusta ang lahat ng friendship ko dito sa NFSFG. Ingat tayong lahat at maulan. #Umbrella!!!

@jen-123

Gandang tanghali mga ka Food Trip Biling ulam muna kami ngayon. Ang paboritong pork Shanghai at gulay na mais. Walang tigil na ulan. Paambon ambon pa din dito. Naglunch na ba kayo? Kain muna tayo. Maya maya ng konti ay ihahatid na ulit eldest ko. #GulayNaMais!!! #PorkShanghai!!!

@jen-123

Meryenda time mga ka friendship... Cream O, Circa, and Skyflakes... Nabili ko kanina paghatid ko sa eldest ko. Ito ang aming snacks ngayon mga ka squad. Sabayan ng malamig na tubig. Kayo kumusta na? Nagsnacks na ba? Simpleng biscuits pero nakakabusog. Hi po boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at sis@Shellyberry. God Bless and keepsafe po to all...

@jen-123

Pritong tilapya at beef noodles. Dahil sa malamig na panahon noodles muna. Pampainit. Maaga kaming kakain ngayon dahil bukas maagang gising na ulit dahil may pasok na si bunso. Handa na ba ang pang dinner ninyo. Kainan na tayong lahat mga ka Foodie. Magandang gabi sa lahat!!!

@jen-123

Magandang umaga mga ka squadmates.. Gumising ako ng maaga dahil akala ko maypasok na now. May information kase ang Governor ng Batangas. Kinder to Senior High school ay walang pasok ngayon dahil sa dalalang ulan ng bagyong Florita. Mabuti may info sa aming page. Kaya tutulog ulit at maaga pa. Maya na ulit tayo magkwentuhan. Kayo maypasok ba, diyan? Maulan ba din? Ingatan tayo ni lord lahat... #Jen123!!!

@jen-123

Almusal tayo mga ka food trip. Fried chicken at pork tocino. Dahil walang pasok late na ako gumising ngayon. Kapag may pasok kaae ang aga ng gising. Kaya nagbabawi ng tulog. Kain tayong lahat. #HappyWednesdayBreakfast!!!!

@jen-123

Good to all NFSFG family... Flex ko lamang itong nabili naming water despenser sa Robinson Lipa. Successful naman ang galling na quality. Ang purpose lamang talaga namin dito ay sa hot and warm. Dahil sa refrigerator naman kami nakuha ng cold water. Ang 2 kids ko kase ay hindi din mahilig sa malamig kaya sa warm sila nakuha. Kapag like mag cup noodles or coffee ay madali na at sa hot kukuha. Kumusta ang lahat? Rest rest ba at walang pasok. Kami rest dahil walang pasok.…

@jen-123

Tinola sa masarap na tanghalian mga ka noisemate. Magandang tanghali sa ating lahat. Dahil sa paulan ulan, tinola ang ipinaluto ng 2 kids ko. Nakabili ako ng saging sa talipapa. Anong meal ninyo ngayong tanghalian mga kaibigan kong generous. Tara saba ninyo kami sa aming lunch. ®Lunch:))

@jen-123

Gandang hapon mga ka squad... Salamat sa nagdeliver ng lazada. Satisfied naman ang 2 kids ko. Ang ganda daw. Sa halagang 223 pesos, 50pcs. Maganda pa talaga ang texture mga ka NFSFG. Mauulit talaga umorder kapag ganito ang supplier na naorderan. #3KidzFacemask!!!

@jen-123

Chocolate, lotion, sabon, kape, coffemate at polbo. Magandang hapon mga kaingay. Nasurprise ako ng friend ko from elementary classmate galing sa Saudi. Bumisita dito sa bahay now. Nakakatuwa naman at hindi ako nakakalimutan. Kumusta mga noisemates? Thank you my dear friends. #Pasalubong!!!

@jen-123

Good afternoon mga ka friendship kong mapagbigay at super kind. Abot abot ng deliver si lazada. Thank you sa napakagandang quality na nakuhanan ni hubby ko ng solar electric fan. Mukhang makakatipid na yata kami ng bayad sa kuryente. Solar din ilaw namin, tapos solar electric fan. Medyo pricey din itong electric fan na solar. Pero sabi nga ni hubby ko ok lamang basta magandang kalidad. In case of power interruption may magagamit na din kami. Kumusta NFSFG family. Kumusta ang…

@jen-123

Magandang gabi sa ating lahat dito sa noise.cash. Marami akong niluto kaninang tanghali na tinola kaya kasama na ang hapunan. May dalang manggang hinog si hubby ko kaya tamang may dessert na kami. Naghapunan na ba ang lahat. Kain na tayo at kapag nakahulaw ang kinain, kaylangang matulog ng maaga para sa preparation ulit ng pagpasok ng kids ko. #Jen123 ====

@jen-123

Mapagpalang gabi mga friends... Ginabi na ako ng tulog dahil may nag order ng bigas sa akin. Napamarites pa. Hahaha 2 sacks of Hasmin rice. Blessings bago ako matulog. Salamat my dear customer. Naway maraming order pa kayo mga suki. #GoodNight... #HasmineRice....

@jen-123

Good morning NFSFG channel.. Happy Thursday to all squadmates. Nakapagluto na ako ng almusal ni bunso. Fried chicken sa mcdonald and fried rice. Dala ni hubby ko ang fried chicken. Iniinit ko na lamang sa oven para crispy pa din. Kayo mga gising na ba? Gising gising na kung may pasok mga kids. Ingat tayong lahat lagi. #EarlyAlmusalNiBunso!!!

@jen-123

Gandang morning mga ka squad.. Nakapasok na ang bunso ko. Kanina pa. Late post lamang ako dahil galing kaming wet market ni hubby ko. Last day ng klase ng aking bunso ngayon. Hanggng Thursday lamang ang pasok nila. Friday modular sila. Kaya siya ay nakapang P. E. Goodluck ulit bunso. Maya ulit sunduin. Kayo kumusta ang thursday ninyo mga ka squadmates. #P. E.UniformOfMyBunso.

@jen-123

Magandang umaga mga ka noise... Galing kami sa La Traversia Memorial Park.. Nagbayad kami ng aming kinuhang lote. Successful naman at nakapagbayad kami. Iyan po siya mga kaingay. Napakaganda at napakalinis ng lugar. Parang parke lamang. Kumusta na mga friends ko. Bawi ako sa inyo ha. Medyo busy lamang. Prepare lamang ng aming pananghalian. God Bless and keepsafe po to all.

@jen-123

Tanghalian tayo mga ka food trip... Sinigang na hipon... Namiss namin magsinigang na hipon. Pero mainit na dito sa amin ngayon. Magandang panahon na ang bumungad kaninang umaga. Ang sarap humigop ng mainit at maasim asim na sabaw. Kain tayo sa masarap at masayang lunch. Naglunch na ba ang lahat? #Jen123!!! #SinigangNaHipon!!!!

@jen-123

Good afternoon mga friendship kong generous. Meryenda muna ng mainit na tinapay... Sabayan ng malamig na royal. Grabe ang tindi ng init ngayong maghapon. Sa kabila ng ilang araw na maulan. Kayo ano ang pagkain ngayong meryenda? Meryenda time tayo mga ka NFSFG. Sa 3 moderator thank you very much po at sa friends kong mapagbigay. Mag iingat tayo sa tindi ng init ngayon. Magdala ng payong lagi..

@jen-123

Good evening mga ka noisemate... Kasama ang dinner sa lutong ulam ko kaninang lunch. Kaya nilalasap lasap ulit ang masarap na sinigang na hipon. Naiinit ko na din mga kaingay. Kaya tamang higop ulit ng masarap at malasang sabaw. Kelan na lamang uliit ito mauulit. Sa mahal kase ng hipon. Hahaha. Kain tayo all. With leche plan dessert. #Hapunan!!!

@jen-123

Gandang araw ng Friday morning mga ka squad friends. Flex ko lamang itong solar fan namin. Ginamit namin kagabi, Hanggng ngayon hindi pa nalolobat. Ayos din nga naman ang quality. Hindi na lugi sa 3100 na price. Sana magtagal pa ito sa amin. Kumusta mga ka NFSFG friends. Ako nakahiga pa. Dahil walang pasok si bunso ko kapag Friday,dahil modular siya. Pang after pa naman si eldest ko. Kaya silip muna ako sa noise.cash. #MySolarFan!!!

@jen-123

Pancit guisado sa umagang kayganda. Magandang umaga mga ja food trip. Naubusan ng tasty kaya eto skyflakes muna ang itinandem sa pancit. Kapeng mx3 pampainit ng tiyan sa umaga. Kayo nag almusal na ba? Sabayan ninyo kaming mag iina sa aming almusal. Dahil on duty sa work si hubby ko. Morning... Morning...

@jen-123

Good morning to all noisemate.. Happy Friday... Gusto ko lamang batiin ang cousin ko na nakapasa sa board exam sa kursong Mechanical Engineer. Isang tagumpay para sa isang ina ang makamit ang ganitong exam. Makamit ang lahat ng pinaghirapan. Kaya more bless ang makapagpatapos ng anak lalo na dumating sa ganitong board exam. Ganito din ang minimithi ko sa 2 unica ija ko. Lahat gagawin namin. Matupad lamang kahit anong gustong pangarap sa buhay.…

@jen-123

Mainit na lunch na naman ang Friday mga ka NFSFG. Fae Fae Pork sisig... Nabili ko kanina. Lumabas ako saglit. Namis namin ang sisig sa fae fae. Kaya ito ang aming tanghalian mga ka squadmates. Kumusta mga ka squad? Ready na ba din ang lunch ninyo? Kain tayo. Hi ko lamang ang 3 moderator boss@ayamedel, sis@Kaytlyn at sis@Shellyberry. Kumusta po kayo? @FaeFaePorkSisig!!!

@jen-123

Magandang hapon mga friends kong generous. Ready na ulit ako sa paghatid sa eldest ko sa pagpasok sa school. Di bale, last day na at tommorow ay Saturday and the other day is Sunday. Kaya makakabawi na ulit ng rest. Padaan ng isa sa wall ng noise.cash ninyo ha. Maraming salamat sa inyong lahat. Sa tiwala at suporta

@jen-123

Ice-cream sa napakainit na panahon mga ka Food Trip. Magandang hapon.. Dahil sa sobrang init simula kahapon pa, dumaan ako ng Alpha Mart para bumili ng pampalamig. Tara kain tayo ng masarap na ice cream. Ano pagkain ninyo ngayong afternoon snacks? #HappyEatingToAll... #CookiesAndCream... #DoubleDutch...

@jen-123

Good afternoon mga ka friendship... Flex ko lamang ang hubby ko na sobrang bait. Eto kakauwi lamang niya. Mx3 coffee 2 box at 1 box na vitamins ng mx3 brand din. May kamahalan ito mga ka squadmates. Pero maganda sa katawan. Kesa sa mga kapeng nabibili sa mga groceries. Kaya sa mga mahilig magkape. Try ninyo ito. #mx3Brand.... #coffeeAndVitamins...

@jen-123

Magandang gabi mga ka friendship dito sa noise.cash. Dahil 2 days ng matindi ang init ng araw. Magandang kalangitan ang bumungad ngayong paglubog ng araw. Diyan sa inyo magandang kalangitan ba din ang sunset? Kaya naman napapicture ako. Sa makulay na langit. Prepare lamang ako ng dinner mga kaingay. Maya tayo kwentuhan ha. God Bless and keepsafe po to all. #Sunset!!!

@jen-123

Gandang gabi... Friday monggo tayo mga ka nooisers Ginabi na ng kain kami mga ka Foodie. Nasipag kase ako maglaba pagkasundo ko sa eldest ko. Kaya eto kakain na muna at pagod much ang 1 week na, schooling ng mga bata. Para bukas at Sunday ay mahabang pahinga. Nagprito ako ng tortang dulong. Nakakamis ang ganitong ulam. #FoodTripChannel!!!!

@jen-123

Magandang gabi all squadmates.. Its time to sleep na po. Para bukas may lakas kung may mga dapat pang gawin. Dahil nakapaglaba na ako kanina. Mukhang restday ko talaga. Kayo matutulog na ba din mga kaibigan kong mapagbigay. Salamat sa inyong lahat. Naway gabayan po ninyo kami lord sa magdamag naming pagsleep. #SweetdreamsMgaKaNfsfg!!!

@jen-123

Magandang umaga mga kaibigan... Gising na ba ang lahat. Siguro ang marami ay tulog pa dahil waalang pasok sa school. Ako nakahiga pa din habang nasilip dito sa noise.cash. Lord salamat po sa araw na ito ng Sabado, Patuloy mo po kami yakapin at sanahan sa aming mga gawain. Bigyan mo po kami ng kalakasan ng katawan at patuloy na bigyan ng mas maraming blessings. Ingat tayong lahat...

@jen-123

Good morning mga ka food trip.. Lomi Batangas... Dahil sa paulan ulan dito sa amin. Nagpadeliver na lamang kami ng lomi. Ang sarap ngayong malamig ang panahon. Tamang mainit pa tara kain tayo. Kayo ano breakfast? Sabay tayo mga noisers. #HappySaturdayEating!!! #lomi...

@jen-123

Maaraw na umaga ng Sabado. Ang hubby kong masipag. Eto iniaayos niyang ikabit ang white board ng 2 kids ko. Noong isang araw pa niya balak ikabit. Kaso nabusy lamang at nagkabit ng aming new water despenser. Satisfied na ang 2 kids ko magsulat. Mabuti umaraw na ulit. Kanina paggising ko maulan. Kumusta ang weekend ninyo mga ka NFSFG. Hello po sa 3 generous na moderator. #HubbyKongMasipag!!!

@jen-123

Good afternoon mga ka Foodie... Tinolang manok sa maulang sabado. Eto kakaluto ko pa lamang. Mainit init pang humigop ng sabaw. Kaya kainan na tayo ng tanghalian. Ano lunch natin mga ka Food Trip. Maulan ba din dian sa inyo? #HappySaturdayLunch!!! #TinolangManok!!!

@jen-123

Good afternoon friends in NFSFG... Share ko lamang itong nabili kong lotion na skinwhite. Maganda at promo may free. Buy 1 get 1 free iyong nakalagay. Kaya siya kong kinuha mga ka squadmates. Sayang din ang masasave. Maulan ang sarap sana matulog kaso kakatapos ko lamang maligo basa ang buhok kaya hindi makakaidlip. Ganyan ba din kayo bumili kapag may nakita kayong promo mga ka NFSFG? #lotionSkinWhite____

@jen-123

Magandang hapon... Pumunta ng puregold si hubby ko. May pasalubong na zagu sa 2 bata ko. Kaya eto ang snacks nila ngayon. Tila na ulit ang ulan. Medyo nagpapakita na ulit si haring araw. Ang bilis ng oras. Kanina tanghalian pa lamang. Ngayon meryenda naman. #Zagu!!!!

@jen-123

Good afternoon mga noisemates in NFSFG channel. Tipid na ulam na naman kami ngayong gabi. Dahil marami pang tinola. Kumakain na kami dahil papasok si hubby ko sa trabaho. Gusto kase niya sabay sabay kami ngayon. Nakabili pa siya kanina ng oranges. Kaya may dessert pa. Kain tayo mga ka friendship ng leftover tinola kaninang lunch. Kina boss@AyaMedel, sis@Kaytlyn, at, sis@Shellyberry magandang hapon po at kumusta na po kayo. Salamat po sa napakagandang channel na ito. Happy po…

@jen-123

Chocolates bago matulog. Gandang gabi sa ating lahat. Pantanggal umay muna tayo mga noisers. Binili namin sa groceries kanina. Minsan minsan lamang naman. Basta laging katapat ay maraming tubig. Dessert muna tayo mga kaibigan kong mapagbigay at mababait. #TobleroneMilk=== #Jen123 === #Mars===

@jen-123

Happy Sunday morning to all.. Collettes Buko Pie... Pasalubong ng cousin ko kahapon. Ngayon lamang makakain. Tamang timpla ng coffee herbal. Ito muna ang aming almusal. Kumusta ang mga tulog ninyo. Ang tahimik pa dito sa paligid namin. Mga tulog pa yata at wala namang pasok. #CollettesBukoPie....

@jen-123

Mapagpalang umaga mga friendship.. Online kami nagsimba kanina. Nood na lamang sa television ng Sunday mass. Simula kase ng nagpandemic hanggang sa naging maluwag na ang sitwasyon madalang pa, din kami sa face to face mass. Nag iingat pa din mga ka squadmates. Kayo kumusta? Ano agenda ninyo ngayong Sunday? Gala day ba? Kami house lamang dahil ot duty si hubby ko. #SundayTvMass:)))

@jen-123

Maiinit na araw ng Linggo mga ka noise. Kumusta kayong lahat. Nasipag ako now. Sana kase hindi ako maglalaba dahil wala naman kaming maraming tubal. Pero naisipan kong magpalit ng lahat ng bedsheets namin, bath towel at mga basahan. Ang linis na naman ng lahat. Ang sarap na naman kumilos ng malinis ang mga higaan. Iwas virus din ang malinis. Tamang tama ang laba ko. Maya maya ay tuyo na sa tindi ng init ngayon. Ang bango dahil nagdowny ako. Prepare lamang ng tanghalian…

@jen-123

Gandang hapon sa ating lahat. Nilaga na baka mga ka Foodie.. Bago ako magsimula ng paglalaba kanina ay inilaga ko na ang baka. Para saktong tapos ko kanina ay malambot na ang karne. Then tinimplahan ko habang nagdriyer ako. Eto tamang kainan na tapos nagpiga ng kalamansi with patis and spicy. Yummy na naman ang tanghalian naming mag iina. Kain tayo... #NilagangBaka!!!

@jen-123

Magandang hapon to all squadmates.. Nakatulog kaming mag iina. Nag aircon kase kami kaya ang sarap ng tulog. Sobrang tindi ng init kaya nakapag on ng aircon. Eto kakagising lamang. May dalang meryenda si hubby ko na turon. Kain tayo at mainit pa. Ano snacksa ninyo mga ka squad? ©Turon....

@jen-123

Magandang hapon mga kaingay. Pagkameryenda ko kanina. Lumabas ako. Naghanap ng mabibiling ulam. Eto ang nabungaran ko sa puregold. Manok, at hipon, tapos sa talipapa napadaan ako may boneless bangus. Ilang araw namin itong uulamin. Kulang 1k na din itong klaseng ulam na nabili ko. Fresh naman kaya ok lamang. God Bless and keepsafe po to all.

@jen-123

Gandang gabi mga ka Food Trip.. Humingi ng jollibee si bunso ko. Kaya tamang kol agad ako sa hotline nila. In 30 mins, diniliver din agad. Kaya eto nakain na ang 2 kids ko. Ang prepare ko naman sa aming mag asawa sinigang na hipon na maraming gulay. Kain tayo all..

@jen-123

Magandang gabi mga noisers. Nakakatuwa at ganitong kadami na ang subscribers ko. Dama ko ang mga tunay na nagmamahal sa akin. Bagamat marami na po ang hindi active. Pero atleast patuloy pa din po ang pagdami nila. Palagi silang andiyan once na may post ako. God Bless and keepsafe po to all. #2500Subscribers!!!

@jen-123

Magandang Morning ng Monday.. Monday na ulit mga ka NFSFG. Peero walang pasok Dahil today is National Heroes Day. Rest rest na man mga ka, squad. Pero ang asawa ko ay mag pasok kahit holiday. Nakahiga pa din ako. Maaga la kase mga friendship. Silip silip sa noise.cash. Sa 3 moderator happy holiday po. Kumusta na po kayo? #Jen123!!! #NationalHeroesDayToAll!!!

@jen-123

Good morning food trip.. Salamat po tatay sa padala ninyong saging na saba. Eto pinirito ko na po. Almusal namin ngayon. Hindi ko naman inilahat lutuin. Ang iba sa ibang araw ko lutuin. Galing talaga ng may sariling tanim. Basta lamang tiniba ng tatay ko sa aming bukirin. Almusal tayo with mx3 coffee. #PrtongSagingNaSaba!!!

@jen-123

Good morning squadmates... Dahil uso ang ubo at sipon mga ka friendship. Ito ang magaling na gamot. Ilalaga lamang ito mga la NFSFG at iinumin. Mas mabisa ito kesa sa mga nabibiling gamot sa botika. Lalo na sa mga batang may lagnat. Kumusta kayong lahat? Happy Heroes day... #LuyangDilaw!!!

@jen-123

Gandang hapon mga kaibagan ko dito sa noise.cash... Tamang tama na naman ang aking paglalaba ng set cover. Sa tindi na naman ng init ngayon dito sa amin. Kakasampay ko lamang. Maya maya tuyo na ito. Ang bango pa at may downy. Tapos tuyo sa init ng araw. #SetCover!!!!

@jen-123

Mainit na panahon mga ka friendship... Grabe ang tindi ng init. Nakakasakit ng ulo. Kahit holiday busy pa din si bunso sa lecture niya sa English. Para bukas ay ready na ulit sa f2f. Ang batang masipag. Kumusta ang holiday ninyo mga ka NFSFG? Bonding bonding ba kasama ng family? Kami dito lamang sa bahay dahil napakatindi ng init ngayon. Rest rest lamang. #MyBunso!!!

@jen-123

Good afti mga ka friendship ko and sa food trip channel.. Naisipan kong gumawa ng buko pandan sa tindi ng init. Ito ang tamang mere namin ngayon. Upang mabawasan ang sobrang tindi ng init. Kain tayo. Medyo nalamig ng konti ang panahon dahil sa malamig na kinakain. #BukoPandan_____

@jen-123

Magandang gabi to all friendship... Maagang kainan ng hapunan. Dahil bukas maagang gising na naman. May pasok na ulit. Tapos na ang enggrandeng vacation. Nilagang okra with sawsawan na toyo at kalamansi at pritong isda. Kayo handa na ba din ang panghapunan ninyo? Tara sabay tayo para maagang makatulog. #Dinner!!!

@jen-123

Good evening po NFSFG channel... Tulugan na po tayo mga ka squadmates. Para po bukas ay may lakas na ulit sa paggising ng maaga. Good night na po sa inyong lahat. Maraming salamat po sa maghapong ito. Nakaraos at natapos na ulit ang araw na ito. Naway lagi po ninyo kaming gabayan lord. Bukas na po ulit tayo magtawanan at kwentuhan. #Jen123.... #nightnight...