Kwentong kababalaghan muna tayo mga kanoisemates, dahil malapit na ang araw ng mga patay at araw ng mga santo. Alam nyo ba, dito sa masukal na lugar na ito ay may mga mesteryong bumabalot dito sa lugar. Ang nakikuta nyo ay isang masukal na gubat kung saan ayun sa mga sabi-sabi ay may naririnig daw silang iyak ng babae at bata tuwing gabi. Dati raw itong kampo ng mga sundalo noong panahon ng hapon. At may nagsabi pa na maraming namatay daw sa lugar na ito. Kinakalabutan ako sa lugar pagdating ko dito. May lumalabas ding santelmo, o saint elmo kung tawagin. Ayun sa mga matatanda dito, lumalabas sila tuwing umuulan at nagpapakita din ito dahil hindi pa daw natatahimik ang kanilang kaluluwa. Kahit nababalot ng katatakotan ang lugar ay maganda naman dito dahil presko at sariwa ang hangin dahil sa mga punong-kahoy.
8 comments
Kakatakot nmn Dyan mate. Yung santelmo tlga ang di ko kayang maranasan.
Apoy yan mate.. na palipat- lipat ng lugar. Lumalabas ito kapag gabi at kong maulan
Yes alam ko yang santelmo Kya nkakatakot.
Yes mate..
Nung kabataan ko pa nakakita din ako niyan santelmo lumalabas nga yan kapag naulan ulan.
Kakatakot dumaan mag-isa diyan
Masyado kasing masukal kaya nakakatakot mate.
Alam mo mate highschool ako nakakita ako ng apoy na lumipad. Sobrang kaba ko talaga nun. 🥺