read.cash Log in
@jameyka

Alagaan, respetuhin at mahalin. 🤗❣️

Kapag nakakakita ako ng mga pusa o aso sa lansangan na pagala gala lang ay parang dinudurog ang puso ko. Sa isiping nakakain na kaya mga to, may matutulugan kaya sila mamayang gabi. Gusto ko man silang ampunin lahat ay hindi din pwede kaya tanging nagagawa ko nalang palagi ay ang ipagdasal sila. na ligtas sila sa araw araw at balang araw ay may isang taong magmamahal, kukupkop at mag aalaga din sa kanila. Na babaguhin nito ang sa isang iglap ang takbo ng buhay na kinagisnan nila. Na kahit hayop lang sila kung ituring ng iba, ay may isang taong magpapahalaga at magtatanggol sa kanila. Sana lahat ng tao ay may malambot at mabuting puso na makapansin sa mga pagala-galang aso/pusa na naghihintay lang na patuluyin sila at maging bahagi ng kanilang pamilya. Na sanay hindi lang yong mga imported ang bibigyan pansin, sapagkat sila ay may damdamin din. Nasasaktan, nagmamahal at nagtitiwala. Na naghihintay lang na iyong bigyang pansin.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.