read.cash Log in

@irene

Joined 13 June 2020 · 262 posts

Hi🖐️please visit my article and subcribe thanks😘😉..!!The person who is positive in life has a bright future.

120 KT

0 KT · 21¢ received · 0 KT · 9¢ given

Posts

@irene

"My 1$ Tip" Natutuwa lang ako na sa tagal ko ng kasali dito ngayon lamang ako nagkaroon ng 1$ tip,kaya nagpapasalamat ako ng marami. Alam ko na para sa iba ay maliit lang yan kung tutuusin pero para sakin malaki na yan kasi kung titingnan maliliit lang talaga ang nakukuha kong tip,pero nagpapasalamat parin ako sa tip na yun. Sinusubukan ko talagang gumawa ng isang maganda at knowledgeable na article pero sa ngayon mga naiisip ko muna ang nilalagay ko para siguradong hindi copyright sa ibang gawa ng iba. At ipinagmamalaki ko ang gawa ko kasi hindi ako nakokopya ng gawa ng iba lalo na yung mga kamember ko dito kay read.cash. Kaya super saya ko at maapreciate din ni rewarder ang mga gawa ko kahit papano. Salamat po! Keep writing lang kahit para sa iba walang kwenta ang mga gawa mo basta laban lang,ang importante naman wala kang tinatapakang tao. Godbless sa lahat ang Happy Monday po..

@irene

"Nanay na si Nene,Tatay na si Toto!" Kung mapapansin niyo sa bawat pagdaan ng panahon ay pabata ng pabata ang mga batang maagang namumulat sa isang responsibilidad na kung tutuusin ay hindi pa nila kaya. Mga responsibilidad na,maging sila ay pasanin pa ng mga magulang. Mga responsibilidad na akala nila ay biro lamang,bakit nga ba humahantong ang mga kabataan sa ganitong responsibilidad. Imbis na lapis,papel ang hawak ay bata ang nagiging hawak,imbis na nakakatapos ng pagaaral ay nahihinto sa pagaaral. Mga ilang dahilan kung bakit napapaagang mamulat ang mga kabataan sa maka-mundong sitwasyon. Kulang sa atensyon ng mga magulang. >Hindi naman kasi lahat ng kabataan ay lumaki o lalaki sa isang mayaman o may kayang pamilya. Kaya kadalasan yung mga magulang na hindi nagagabayan ng mabuti ang mga anak,ay marahil abala sa pagkita ng pera para may maipangtustus sa mga pangangailangan ng pamilya.Kaya may nga kabataan na mas pinipili ang payo ng kabarkada kesa sa magulang dahil mas madalas na nakakasama nila ang kanilang barkada kesa sa mga magulang Nakakapanood ng malalaswang panoorin. >Kadalasan ang mga batang maagang nabubuntis ay ito ang dahilan,nakakapanood sila ng mga bagay na hindi naman dapat nila mapanood. At dala ng kapusukan ay naiinganyo silang gayahin ito. Maagang pagkakaroon ng nobyo o nobya.> >Aminin natin sa hindi na ang mga kabataan ngayon ay sobrang pupusok na,yung tipong ang bata bata pa pero may mga nobyo at nobya na agad. Na kung tutuusin ay dapat pagaaral muna bago pakikipagrelasyon. Napa-Barkada >May mga kabataan na ganito rin,yung mapanggaya sa kaibigan. Maraming ganito sa lugar namin,halos lahat ng kabataan dun samin edad 13 pababa may mga nobyo at nobya na,yung iba may mga anak na. Dahil siguro sa kuryusidad nila kaya ginagaya din nila. Sa kapaligiran >Ito ang isang napakalaking dahilan kung bakit maagang nakakapagasawa o nabubuntis ang mga kabataan,kapag kasi lumaki sila sa lugar na magulo,at may mga kabataan na katulad nilang nabubuntis ng maaga. Akala nila tama yun,ang nangyayari nagagaya nila o nagiging ganun na sila lalo na kung ang batang yun ay madaling maimpluwensiyahan ng nasa paligid niya. Iilan lang yan sa alam ko na nagiging dahilan kung bakit ang kabataan ay napapasok agad sa isang responsibilidad na hindi pa nila dapat pasukin. May napanood akong dokumento paukol dito,nung nainterview yung isang bata kung bakit niya pinasok ang ganung sitawssyon ang sagot niya" laging kasing abala si mama at papa kaya naman nabaling ang atensyon ko sa barkada ko." at yung bata ay lumaki rin sa isang lugar kung saan may mga kaedad niya rin na maagang nabubuntis at nagkakaasawa. At dahil maagang silang namumulat sa responsibilidad hindi na nila alam ang gagawin,nandiyan yung tigil talaga sa pagaaral at maghanap ng mapagkakakitaan. Pero kung may kaya kaya ang mga magulang swerte ka,pero kung wala need talaga gumayod para sa magiging anak. Nakakaalarma ang mga ganitong sitwasyon lalo na't sinabi ni Dr. Jose Rizal na ang" Kabataan ay ang pagasa ng Bayan!" ngunit sa nangyayari paano sila magiging pagasa kung sila mismo bilang kabataan ay nagkukulang na ng pagasa dahil sa responsibilidad na hindi pa nila kaya. Kaya dapat talaga ang mga kabataan ay natuturuan ng husto tungkol sa mga ganitong usapin, especially ang mga babaeng kabataan. Na huwag basta basta ibibigay ang" Perlas ng Silanganan nila". 🤣🤣Ganyan ang laging payo sakin noon ng aking nanay kaya naman ako ay nung kolehiyo lamang nagkaroon ng kasintahan at sa edad na 24 ako unang nagkaanak. Kaya para maiwasan ang pagiging nanay agad ni Nene at Tatay ni Toto dapat magsimula ito sa kanilang tahanan. Ako bilang isang ina na ngayon masugid kung sinasabihan ang aking anak na babae kahit na 6 anim na taon pa lamang ito. Lagi kung sinasabi sa kanya na huwag na huwag ipapahawak kung kani kanino ang kanyang perlas,at kung may humawak man nito ay agaran sabihin sakin. Hindi masamang turuan ang anak sa nga ganung bagay,ang masama ay sa iba nila matutunan ang mga ito. Ang pagaaral naman talaga ay nagsisimula sa loob ng bahay,kaya naman kung ayaw niyo na maging maagang mga magulang ang inyong mga anak bilang magulang ay kayo na mismo ang gumawa ng paraan. Para ang katagang binitiwan ni Dr . Jose Rizal ay maging makatwiran,na ang mga Kabataan nga ang pagaasa ng ating Bayan.

@irene

"Door Lock- South Korean, Thriller Drama Film" Door Lock produce by South Korean noong 2018,may genre ito na thriller drama film. Kwento ito ng isang babaeng nagtatrabaho sa isang banko at naninirahan mag-isa sa isang unit sa isang gusali. Para sakin napaka ganda ng palabas na ito at may aral kang matutunan,lalo na yung mga single na babae na mag-isang namumuhay na kailangan nilang magingat at maging mapanuri sa lahat ng nangyayari at bagay sa paligid niya. Ang pangalan ng bidang babae dito ay Cho Kyung Min(Gong Hyo Jin). Si Cho Kyung Min ay nagtatrabaho sa isang banko,pero sa kasamaang palad contractual pa lamang siya dito. Kaya kailangan talaga niyang magsikap sa kanyang trabaho upang madungtungan pa ang contrata niya,kahit na sa tuwing gigising siya sa umaga ay lagi siyang nahihilo o masama ang kanyang pakiramdam kailangan niya parin talagang pumasok sa trabaho. At isang araw paggising niya may napansin siyang kakaiba sa "Door Lock" niya na may mga bakas ng finger print,kaya naman dinoble check niya at binago ulit ang pin code nito bago umalis papuntang trabaho. At pagkatapos ng kanyang trabaho ay umuwi na siya sa kanyang tinitirhan pero may napansin nanamn siya sa Door Lock niya pero binalewala niya ito atpumasok na sa loob ng unit. Ngunit ng sumapit ang gabi nagulat siya at nagising sa ingay na naggagaling sa kanyang pintuan,may taong pilit na binubuksan ang pinto. Tumayo siya para tingnan kung sino ang tao sa likod ng pinto ngunit wala na ito. Ang nakita na lamang niya ay isang upos ng sigarilyo at bakas ng finger prints sa Door Lock niya. Agad naman siyang tumawag ng pulis ngunit hindi talaga siya mapaniwalaan ng mga ito dahil sa makailang ulit narin siyang nagrereport sa mga ito,subalit wala kasi siyang matibay na ebedensiya upang mapatunayan nga na may pumapsok o gustong pumasok sa kanyang unit. Sa pangyayaring yun lalo siyang naging alerto at nagibg mapanuri sa mga bagay bagay. Kaya naman nung minsan ay nagtanong siya sa isa sa mga tao ng nasabing gusali upang makita ang CCTV footage ng araw na yun,ngunit dahil narin sa kakapusan ng oras ay hindi niya ito nakita at sinabi niya sa tao na sa susunod na lamang niya titingnan. Habang siya ay nagtatrabhao sa banko may isang lalaki dun na may numerong 119,balak sana ng isa sa kanyang katrabaho na agawin ang lalaki (yung katrabaho niyang yun ay ganun lagi ang ginagawa sa kanya,lagi siyang inaagawan ng client) ngunit talagang nagmatigas na si Cho Kyung Min at pinagdidikan ang numero 119. Kaya naman na mis interpret it yun ng lalaki,akala niya ay piniflirt siya nito. Kaya naman matapos ang paguusap about sa trabaho ay niyaya niya itong magkape sa labas ngunit ayaw ni Cho Kyung Min kaya nagalit ang lalaki,Buti na lamang nandun ang supervisor nilang si Mr. Kim at pinangtanggol siya nito. Ganun pa man ay nagbanta ang lalaki kay Cho Kyung Min ng mga sandaling yun. Nang umuwi na si Cho Kyung Min may package siyang kinuha,binigay ito nung lalaki na nagtatrabaho sa unit. Yung lalaking yun ay feeling close sa kanya pero syempre likas na kay Cho Kyung Min na hindi maging malapit sa kahit na sinong lalaki,kinakausap niya lamang ang mga ito kapag may kailangan siyang itanong o ipatingin tungkol sa unit na tinitirhan niya. Sa labas ng pinto nakita nanaman niya na bukas ang Door Lock ng pinto niya,at napansin niya ang note na iniwan ng kanyang ina roon. Kaya naman agad nuyang tinawagan ang ina at sinabihan na kapag pupunta doon ay magsasabi upang hindi masayang ang biniyahe niya,tiannong niya rin kung iniwang bukas ang door lock ngunit hindi naman pinakealaman ng ina ang door lock ng pinto. Batid naman ni Cho Kyung Min na may kakaibang nangyayari sa kanya,ngunit hindi niya talaga maunawaan kung ano nga ba iyun. Ngunit sa tuwing sasapit kasi ang gabi,may isang lalaking nakakapasok sa loob nv kanyang unit. Nakikiligo at nakikitulig pa ito sa kanya ng walang saplot na nakayakap pa sa kanya. Sa tuwing mangyayari yun may pinapaamoy ang lalaki kay Cho Kyung Min kaya naman mahimbing na mahimbing ang kanyang tulog. Inaayos din nung lalaki ang lahat ng pinaggamitan niya,at unang nagigising kay Cho Kyung Min upang hindi siya mabisto nito. Isang araw nahulibg umuwi galing trabaho si Cho Kyung Min,at nung papauwi na siya'y may nakaabang pala sa kanya. Yun yung lalaki na nagyaya sa kanya magkape,buti na lamang ay nandun ulit si Mr. Kim para tulungan siya at ihatid sa kanyang apartment. Ngunit nagulat si Cho Kyjng Min ng may kumakatok sa labas ng unit niya kaya naman hindi niya agad ito pinapasok at siniguro kung sino yung nasa labas. Nung sinabi ni Mr. Kim na siya yun at nalimutan niya yung Wallet niya sa sasakyan at pinagbukasan niya na ito. Ngunit talagang nagtataka siya bakit nalaman ni Mr. Kim ang numero ng Unit niya gayung hindi niya ito sinasabi dito,yun ang nga nasa isip ni Cho Kyung Min ng mga sandaling yun. Kaya naman inalok niya ng kape ito,at nagsabing aalis upang bumili ng kape. Subalit hindi kape ang kanyang kinuha bagkus ay nagreport uli siya sa pulis. Kaya lang pagdating nila sa unit niya,laking gulat nila ng makitang wala ng buhay si Mr. Kim sa loob ng unit niya at nakasabit pa ito sa Door knob ng pinto. Sa pangyayaring yun,naging suspect si Cho Kyung Min,ngunit pinakawalan din siya dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya laban sa kanya. Dahil nga lagi rin siyang nagrereport nun sa mga pulis na may nais pumasok sa loob ng unit niya. Ganun pa man sa tingin ng mga katrabaho niya ay suspect na siya,naging dahilan tuloy ito upang mawalan siya ng trabaho. Ngunit meron siyang matalik na kaibigan roon si Oh Hyo Joo,at ito lang ang tanging naniniwala na wala siyang kasalanan. Kaya naman nung umuwi si Cho Kyung Min upang magkinis na sa kanyang unit dahil nagkaroon nga ng pagtatalo roon ay may nakita siyang mallit na bagay na kung saan maaring makapag open ng pinto ng sino man ang nagmamay ari noon. Agad niya itong tinesting sa lahat ng pinto roon at nagulat siya na nabukasan niya ang isang unit number 701 ito ay nasa taas ng kanyang unit. Kinilala niya rin kung sino ang nagmamay ari ng unit at ito ay si Kang Seung Hye. Sa tulong ng kaibigan ay nalaman nila ang lahat ng ginagawa nito,kaya naman inabangan nila ito sa convenience store dahil thwing sasapit ang 1pm ay may binibili itong halagang 3.20$ kaya naman nung may nakita silanv babae na bumili ng same amout at exact time sinundan nila ito. Ang hindi nila alam mas malala pa pala ang matatagpuan nila sa ginawa nila. Sa pagsunod dun sa babae ay naghiwalay ang magkaibigan,napunta si Cho Kyung Min sa isang bahay,at sa bahay na yun ang door lock ay same sa Door lock pin ng kanyang unit. Pagpasok niya roon nakita niya ang isang babae at ang babaeng yun ay si Kang Seung Hye,ngunit ang babae ay nanghihina na at may ilang hiwa sa parte ng mga nito. Ang babae ay nakatali rin ang mga kamay at paa,nagulat siya sa lunos lunos na itsura ng babae. Habang pinagmamasdan niya ito,nagukat siya na may pumasok kaya agad siyang nagtago sa ilalim ng kama. Narinig niya ang mga sinabi nubg lalaki,na mayroon na raw siyang next target kaya naman ididispatcha na niya ito,sinabi rin nung lalaki na ang next target niya ay katapat ng unit nito. Kaya anamn nung umalis yung lalaki nakakuha siya ng tsempo para makalabas pero kitang kita niya ang ginagawa nung lalaki na pag saw sa kamay ng babae. Kaya nagmadali siyang makaalis ngunit nahuli siya ng lalaki,buti nalang ay agad siyang nakatakbo palabas,at hinabol siya ng lalaki. Takot na takot siya noon,lalo na nung nacorner siya nito buti na lang ay dumating ang kanyang kaibigan si Oh Hyo Joo at binalya niya ito ng cart,swerte rin na may rumoronda na mga pulis kaya agad silang natulungan. At nireport nila ang pangyayari pati yung bahay,sa una ay walang natagpuan ang mga pulis ngunit ng nagsiyasat sila ay nakita nilang ang wala ng buhay at putol putol na parte ng kamay ni Kang Seung sa labas ng bahay. Kaya nman sa pangyayaring yun ay naniwala na ang detective na si Mr. Lee sa kanya.Subalit hindi niya talaga matandaan ang igsura ng lalaki,kaya ang naging main suspect nila ay yung lalaki na nasa banko na nagyaya sa kanyang magkape si Mr. Kim Gi Jeong isang karpentero. To make it short.. Nagalit si Mr. Kim Gi Jeong bukod sa tinanggihan at iniiwasan siya ni Cho Kyung Min,siya pa ang naging main suspect sa lahat ng nagyayari sa dalaga kaya naman labis labis ang galit niya rito.Kaya naman simula noon ay lagi niya na itong sinusundan,isang araw may nagpadala ng package kay Cho Kyung Min ito yung cellphone niya na nalaglag nung nasa bahay siya nung kriminal kung san sinagawa ang pagkulong at pagpatay sa ka unit niya noon. Isang tawag ang gumulat sa kanya at sa tawag na yun nakita ang bahay at ang matalik niyang kaibigan. Kaya naman ay agad agad siyang tumakbo papunta dito,hindi niya akalain na may sumusunod sa kanya at ito nga si Mr. Kim Gi Jeong at talaga namang pilit siyang hinihila,samantalang siya ay pilit niyang gustong buksan ang pinto dahil nagaalala siya sa matalik niyang kaibigan na kasama ang suspect. Buti na lamang ay dumating din si Detective Lee,sinundan nila pala si Mr. Kim dahil alam nila ang gagawin nito. Hinuli nila si Mr. Kim at binuksan naman ni Cho Kyung Min ang Pinto para makita ang kaibigan at nagulat siya sa nangyari at agad dinala ang kaibigan sa Hospital upang maagapan ang ginawa ng criminal dahil sa konsensiya at pagaalala hindi siya umalis sa tabi ng kaibigan. Ngunit hindi niya aasahan ang mangayyari sa paguwi niya,dahil nalaman ng suspect ang kanyang bagong tinitirhan. Bago rin yun nakatakas din si Mr. Kim na talagang gustong maghiganti kay Cho Kyung Min. After ng surgery sa kaibigan pansamantala siyang umuwi,at dumaan muna sa convenience store. Sa convenience store nakita niya yung dating tauhan dun sa apartment niya noon,nagkaroon agad siya ng kutob lalo na nung nakita niya kung ano ang binili nito at kung ano2 ang sinabi nito sa kanya. Kaya naman nagmamadali siyang umuwi sa kanyang unit,paguwi niya makanreceive siya ng tawag kay detective lee upang ipaalam na magiingat siya dahil si Mr. Kim Gi Jeong ay natagpuang patay sa tinitirhan nito. After ng paguusap na yun chineck niya ang CCTV na bin8gay ni Detective Lee nagulat siya sa nalaman niya,may lalaki kasing nasa ilalim ng higaan niya at ito ay walang iba kung hindi yung janitor guard sa dati niyang apartment. Nung una ay hindi siya makagalaw sa takot,pero naisip niya rin na tumakbo na papalabas ngunit naabutan siya nito at tuluyang nakuha. Dinala siya nito sa isang tagong gusali at binataan siya na gagawin niya rin ang ginawa niya dun sa nauna kung susubok siyang tumakas,dahil kapag nahuli siya ay hindi ito magdadalawang isip na putulin ang mga paa at braso niya. Ngunti talagang palaban si Cho Kyung Min kaya naman tumakas talaga siya,at hinanap din siya ni Detective Lee. Sa pagtakas niya ay nagtago siya sa isang kwarto muntik na siyang makuha ulit buti dumatjng si Detective Lee at nagpambuno ang dalawa. Sa pagpapambhno nito ay natalo si Detective Lee at nagwagi ang suspect na si Han Doong hoon. Hopeless na si Cho Kyung Min noon lalo nat wala na ang nagiisang tutulong sa kanya,dagdag pa roon ay nakulong sila sa isang aparador na napakalaki. Pero hindi talaga nagpatalo si Cho Kyung Min at lumaban talaga siya at hindi naglaon ay napatay niya ito,dahil sa pagkakauntog nito sa nakalihis na pako. Lesson: Ang aral na matutunan dito ay hindi ka dapat maging mabait o komportable sa lahat ng tao,maging mapagmasid at kilalanin ang mga taong dumidikit sayo kasi hindi mo anmamalayan na may iba palanv intensyon ito. At laging magiingat lalo na kung nagiisa ka lang,always check everything na nasa paligid mo.Hindi masama ang magdoble ingat kaya lagi itong gagawin upang malayo sa kapahamakan.

@irene

"Super Tekla Controversy" Bago ko simulan ang article na ito malamang ay pamilyar na kayo sa pangalan na nasa title page ko. Sino ba naman ang hindi makakakilala lalo na mga Filipino Citizen dahil sa galing niya sa pagpapatawa. Ilang ulit narin siya nagshow sa ibang bansa para makapagpatawa doon ng mga Ofw at mga Filipino Citizen din na nakatira na roon. Nitong nagdaang araw nagkaroon ng controversial ang kanyang buhay pagibig,syempre ang mga unang lumabas ay mga hindi magagandang paguugali o asal niya raw sa kanyang kinakasama na si Michelle Bana ag. Pero bago ko simulan ang controversy na ito kilalanin natin si "Super Tekla". Si Super Tekla o sa tunay niyang pangalan na Romeo Librada,pinanganak noong Enero-13 1982. Isa siyang Actor,Comedian and host sa TBATS (The Boobay and Tekla Show). Una siyang nadiskober sa Wowowin kung saan ay naging Contestants siya sa isa sa mga segment nito,at kalaunan dahil sa taglay niyang pagpapatawa sa mga manonood nito ay kjnuha narin siya para maging Co-Host ng nasabing programa. Super Tekla ang kanyang screen name at nagbibihis babae rin ito sa mga ginagawa niyang pagpapatawa,pero sa totoong buhay ay isang totoong lalaki at may pamilya ito. Nagkaroon din ito noon ng anak na babae sa dati niyang kinakasama,at ngayon na nga ay sa ikalawa niyang kinakasama ay nagkaroon uli siya ng anak na lalaki. https://youtu.be/Q7Rbrb28P0U Marahil ay isa din kayo sa mga nanghusga sa kanya noong unang labas ng controversial na kinakasangkutan niya,dahil puro masasamang detalya ang isiniwalat ng kanyang kinakasama paukol sa kanya. Si Super Tekla daw ay ginugutom sila kapag hindi ito nakakascore sa kanya higit pa dun ay nagmamasterbate daw ito sa harapan ng kanilang anak at pinapatalsik daw ang likido na galing doon. Sobrang sama ng mga akusasyon ni Michelle kay Super Tekla noon kaya naman maraming tao ang nagalit dito,at nagsalita ng mga hindi magagandang salita sa komedyante. Kahit na nga iisang side pa lang ng kwento ang kanilang naririnig, at wala pang salita na lumalabas sa komedyante. Ang controversy ay nailathala sa isa sa mga sumbungan ng Bayan kay Idol Raffy Tulfo. At ang nasabing Controversy ay amabot lang naman ng hanggang anim na parte may bonus pa. Kung napanood niyo ito ay marahil ay nalaman niyo na ang totoong kwento,at kinalabasan ng sumbong na ito. Subalit sa nga hindi nakapanood ay sasabihin ko dito ang mga pangyayari. Part 1 to 6 at yung bonus na parte ng nasabing saumbong. **Part 1** https://youtu.be/Q7Rbrb28P0U Ito ang nasabing part 1 ng nasabing Controversy na nakasangkutan niya panoorin ang tingnan mabuti. Dahil ang video na ginamit ay isa lamang scripted upang mapalabas na masama nga ang komedyante,sabi ng iba ay gawa gawa lamang ito at talagang ginawa ito upang magamit sa nasabing programa. Kahit sino kapag nakapanood ng ganitong video masama na kaagad ang masasabi sa taong nasa video. Peeo sabi nga ng iba "Don't judge the book bi his cover" kaya naman huwag agad agad humusga agad agad dahil baka hindi mo alam nagagamit ka na pala.. Part 2 https://youtu.be/gMHneebnngQ Sa Parteng ito ay to the rescue ang mga kaibigan ni Super Tekla upang siya ay ipagtanggol laban sa sumbong ni Michelle kay Idol Raffy,sa kadahilanang hindi pa nga pwedeng magsalita ang komedyante para sagutin lahat ng mga aligasyon laban sa kanya. Ito ay naayon sa contrata na pinirmahan niya sa network na kinabibilangan na niya ngayon. Part3 https://youtu.be/zjDr7a6vQY4 Maging ang manager ni Super Tekla ay nagsalita narin,at ayun sa kanya ay pilit nilang sinasabihan si super tekla na hiwalayan na si Michelle dahil wala itong magandang dulot sa komedyante. Panoorin ang bawat video!. Part 4 https://youtu.be/vLH19w8b9l8 Sa part na ito ay nagsalita narin maging ang dating kinakasama ni Super Tekla at pinabulaanan niya ang lahat ng aligasyon ni Michelle paukol sa komedyante. Ayon sa kanya ay hindi ito nagawa ni Super Tekla sa kanya noon kaya hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Michelle paukol sa komedyante. Part 5 Dito sa nasabing parte kung saan naghahamon si Michelle na mag padrug test upang malaman kung gumagamit pa siya ng pinagbabawal na gamot,dagdag pa na magpapalie detector test din siya upang malaman kung totoo ang lahat ng aligasyon niya kay super tekla. Pero syempre kasama ang lahat ng pamilya niya na nagsabi upang mapatunayan nga na hindi planted ang video at nagsasabi nga sila ng totoo. Kapalit nun ay ang tulong na iibibigay ni idol Raffy. part 6 https://youtu.be/QaUEbpcKfVY Sa parteng ito nagkaayos na ang bawat panig at napagkasu duan na magbibigay na lamang ng sustento si Super Tekla para sa anak niya. Pero wait their more,dahil sa huling part ng video ay nabuking na ni idol si Michelle. Dahil sa pagtanggi na nito sa Drug test dahil sa mabibinat daw siya,kaya naman nagisa sa sariling mantika si Michelle panoorin Finale https://youtu.be/xNjRoHBzUx8 Narito naman ang lumabas na sagot ni Super Tekla sa lahat ng aligasyon ng kanyang kinakasama. https://youtu.be/-FenltsFAmE Kaya ang masasabi huwag humusga agad agad ng hindi pa nalalaman ang bawat panig,baka isa kana sa nagagamit upang makasira ng pangalan ng iba. At bandang huli lahat ng iyong binitawan na salita ay sayo rin babalik. Para sayo Super Tekla laban lang may nawala man sayo tiyak na may darating din. Huwag manghinayang sa nawala lalo na kung walang magandang naidudulot ito sa buhay mo. Tuloy mo lang ang pagpapasaya sa mga tao,lalo na sa panahon ngayon na sobrang stress na ng mundo mga taong kagaya mo ang kaialngan upang maibsan kahit papano ang stress na aming nararamdaman sa pamamagitan ng pagpapatawa mo. Hanggang dito nalang ang aking artikulo sana ay may napulot kayong aral,ang mga video na nakalagay ay pawang nakuha ko sa you tube channel..sa mga nais ito panoorin pumunta lang o itype ang Raffytulfo inAction mapapanood niyo dun ang lahat ng bawat parte ng video..

@irene

Bakit ganun walang tip kahit unti??hays nakakalungkot naman..ilang araw lang akong hindi nakapagsulat kasi wala talaga akong maiisip,ayoko namn na gumawa ng galing sa copy ng iba kaya naman talagang nagiisip ako ng topic ko kahit unting tip lang ay masaya na ko pero kahit magkano wala..nakaksad lang😥😥😥

@irene

"Kaarawan/Birthday" Ang Kaarawan o Birthday ay isang beses lamang sa isang taon,kaya naman ang iba ay talagang nagcecelebrate nito. Hindi para magyabang na kaya nilang maghanda,kung hindi para magpakita kung gaano sila nagpapasalamat na nabigyan pa sila ng isa pang taon sa kanilang buhay. Batid naman natin na ang ating mga buhay ay sadyang hiram lamang sa panginoon,kaya sobra tayong nagpapasalamat kapag nadudugtungan pa ang ating taon sa mundo.Kaya para sakin ang pagahahanda ng kaarawan o birthday ay nagpapakita na pagpapasalamat sa isa pang taon ng buhay na binigay sayo. Pero aminin natin na may nga taong yabang lang ang tingin dito. Ang mga taong ganun ang pagiisip ay hindi na dapat bigyan pansin at halaga. Kaya ko pala natopic ang Kaarawan ay dahil ngayong araw ay nagdiriwang ang aking bunsong anak ng kanyang ikalawang kaarawan. Siyempre dahil may pandemya,simpleng handa lang ang ginawa namin. Ang mahalaga ay naicelebrate namin ang kaarawan ng aking anak na malusog at masigla siya. Kaya lubos ang pagpapasalamat ko sa panginoon dahil hindi niya pinapabayaan ang aking mga anak. Bukod pa dun nagpapasalamat din ako dahil ibinigay siya sa akin,kaya naman talagang pinaghandaan ko ang araw ng kanyang kaarawan. Nagipon talaga ako para lang kahit papaano ay maipaghanda namin siya. Pero meron din nmang nagdiriwang ng kaarawan niya o birthday sa pamamagitan ng pagsimba. Dahil tulad nga ng sinabi ko,ang ating mga buhay ay hiram lamang sa panginoon kaya naman laking pasasalamat na natin kung madurugtungan pa ito. At pasasalamat narin sa isang taon na hindi ka niya pinabayaan lalo na sa panahon na ito. May mga tao din na nagsisimba tapos kain sa labas kasama ang pamilya. Wala na kasing mas sasaya kung sa pagdiriwang ng iyong kaarawan ay kasama mo at buo kayong magdiriwang nito. Ang buo at masayang pamilya ang isa sa napakasayang regalo na matatanggap mo sa iyong kaarawan o Birthday. Kayo ba? anong pagdiriwang o ginagawa niyo sa inyong espesyal na araw? Sa lahat ng magdiriwang ng kaarawan sa buwan ng Nobyembre, Happy birthday sa inyong lahat and be safe always.. Godbless!

@irene

"Nice to be back" Tagal ko rin hindi nakapagsulat kay readcash,wala kasi talaga akong topic na maisip kung meron man nawawala din agad. Buti nalang inspired ako ngayon magsulat dahil sa mga naalala kong tao sa buwan na ito. Kailangan talaga natin alalahanin ang mga taong mahal natin sa buhay na namayapa na,maging ang mga taong napamahal at hinangaan natin. Marami akong isususlat ngayon sana lang matandaan ng utak ko,pero sa ngayon need ko ng magcharge ng cellphone ko para masimulan ko na ang mga isusulat ko. Sana The RandomRewarder mabigyan mo ko ng malaking tip,😁😁😁para makabili man lang ako ng cake para sa birthday ng bunso ko✌️😊 Kaya inspired ako at nagbabalik dahil kaialangan ko makaipon pangbili kahit mumurahing cake ay siguradong mapapasaya na ang aking munting bunso. Salamat in advance at maligayang pagbabalik sakin dito kay readcash..

@irene

"Our wanna ba kind Barangay Captain" Dahil araw ng mga patay ngayon,may nais lang akong bigyan ng isang natatanging pagkilala gamit ang site na ito. Siya ay isang taong pinagkakautangan ko ng pagkakataon na makapagaral sa kolehiyo,marahil kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakatungtong ng kolehiyo. Kaya lubos ang aking pasasalamat at utang na loob sa kanya. Siya ay walang iba kung hindi ang dati naming Kapitan Zaldy T. Cruz. Kapitan alam ko kung saan ka man naroroon ay masaya kana sa piling ng ating panginoon. Lubos ang aking kalungkutan noong kinuha ka niya agad sa aming mga nangangailangan, wala kang pinapahindian na taong pumupunta sayo kaya mahal ka ng nararami. Ikaw lang ang natatanging Kapitan na nakita ko na hindi naghangad ng pansariling kapakanan. Ultimo sahod mo bilang Kapitan ay naitutulong muna para lang lahat ng tao na lalapit sayo ay matulungan mo. Nakakahanga kang tao,ngayon kasi yung mga pumalit sayo naku po sobrang yayaman na ngayon. Noong kinuha ka ng Lord dagsang tao talaga ang hindi magkamayaw na puntahan at makiramay at talaga namang nagbaha ng luha. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang katulad mo,napakabait niyo pong tao. Mga katulad niyo po talaga ang nararapat na umupo sa pwesto para makapagsilbi sa tao. Hindi katulad ng iba,gusto lang umupo dahil sa pansariling pangangailangan,ang kumita at magnakaw sa kaban ng bayan. Pasensiya na po,alam ko nakikita niyo po ako ngayon na ganito hindi nakatapos ng pagaaral. Sinikap ko naman po talaga makatapos alng alang sa inyo pero hindi po talaga kinaya ng katawan at utak ko na pagsabayin ang pagaaral at pagtatrabaho. Yung pumalit po kasi sa inyo na magpapatuloy sana ng schoolar ko sana, eh wala na raw po. Ilang beses niya kung pinabalik balik sa opisina ng barangay noon kaya naman nagsawa na po ako at minabuting magtrabaho na lamang. Kaya humihingi po ako ng paumanhin kung hindi ko po natapos ang sinimulan niyo sakin. Lubos lubos po ang pasasalamat ko sa inyo Kapitan Zaldy,lagi ko pong iniisip bakit kinuha kayo agad ng Diyos noon. Sa sobrang bait niyo po kasi kaya malamang kailangan niya kayo sa langit para maituwid yung mga matitigas ang ulo roon. Hindi hindi ko po makakalimutan ang tulong at pagasa na binigay niyo sakin noon. At syempre hinding hindi ko po kayo makakalimutan Kapitan Zaldy Cruz kayo po ang iniidolo kong Kapitan at isang tunay na Public Servant na kailangan ng Bayan. Saludo po ako sa kabaitan at serbisyong naibigay niyo sa inyong nasasakupan noong panahon na kayo pa ang Kapitan ng Barangay San Rafael Dito sa Rodriguez Rizal. Wala pong papantay sa inyo Magpakailanman.....

@irene

Long time no write,wala talagaakong maisipna topic at isulat, pero believe ako sa iba na nagnanakaw ng sulat ng iba 😂😂🥳astig kayo!!!huwag ganun pare pareho tayonggustong kumita pero huwag kayong gagawa ng ganyan para lang kumita. Mahiya sana kayo sa mga totoong gumawa ng article na kinopya niyo.😁😁😁 #MemaLang

@irene

"7th birthday ni clong2x" Happy birthday cloe,salamat sa pagkain nabusog mo kami. At dahil narin sa nagkita kita kaming magtotrupa,sa mga ganitong okasyon nalang kami nagkakasama dahil sa pandemic kaya madalang nalang ulit magkita. Pero ngayon birthday mo syempre hindi pwedeng hindi kami pupunta, Happy 7th Birthday sayang kung wala sanang pandemic bonggey sana ang gagawing bday ng mama at papa mo kaso dahil pandemic tama na yung kunting handa basta magkakasama. Sana ay maging masaya ka sa araw na ito,at always kang makikinig sa mama at papa mo.

@irene

"Super Onion" Ang Sibuyas ay hindi bastang panahog lamang maari itong gamitin para sa ikakaganda ng iyong kalusugan at ikakagaling din. Katulad na lamang kapag ikaw ay nilalagnat na hindi bumababa,maghiwa ka lamang ng isang buong sibuyas at hatiin ito sa gitna,pagkatapos ilagay sa iyong talampakan,kailangan dikit na dikit ito pwede mong balutan ng tape at maglagay ng medyas. Kinaumagahan mapapansin mo na wala ka ng lagnat at pinagpapawisan kana. Maari mo rin siyang gamitin panglinis ng hangin sa loob ng iyong kwarto,maghiwa ka lang ng sibuyas at ilagay sa kahit sang sulok ng iyong kwarto o bahay at paniguradong tanggal ang bacteria at iba pang mga hindi mo nakikita na nakakasama sa iyong pangamoy. Bakit ko ba tinawag na super onion ang sibuyas,dahil sa daming benefits na makukuha mo rin dito. Pwede kang makakakuha ng potassium sa sibuyas na maari makatulong sa iyong katawan,hindi lamang sa saging nakukuha pala ito maging ang sibuyas ay meron din. Makakatulong makapagpababa ng highblood pressure,nakakatulong din upang bumababa ang pagkakaroon ng heart disease. Madali lang din isama ang sibuyas sa lahat ng pagkain,at pwede itong kainin ng hilaw o luto. Sa ibang lugar o bansa ang sibuyas ay kinakain nila ng hilaw pero sa pilipinas nakasanayan ng ihalo ito sa lahat ng lutuin.

@irene

"The Maid: Thai Horror Movie" Ang kwentong "The Maid" ay tumutukoy sa isang katulong na kung saan ay madilim ang sinapit sa kamay ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at mga amo. Ito ay may halong seksuwal,karahasan na hindi maaring mapanood ng mga bata o kinakailangan ng paggabay ng mga magulang. May katulong na nagngangalang Ploy siya ay namasukan sa isang mayamang pamilya. Bagama't mayaman ang magasawa makikitang hindi sila masaya sa isa't isa. Hanggang sa pumasok na sa eksena ang katulong na si Ploy, si Ploy ay laging pinapalubag ang loob ng kanyang babaeng amo. Lagi niya itong sinasabihan ng mga magagandang salita,batid kasi ni Ploy na malungkot ito dahil sa kawalan ng oras ng asawa nitong lalake. Kaya naman ang among babae ay napalapit kay Ploy,hindi lamang yun sa sobrang lapit nagkaroon din sila ng relasyon. Sa kabilang banda ang amo rin ni Ploy na lalaki ay nahulog din sa kanya,kaya naman may nangyari din sa kanila at ito ay nagbunga. Sa umpisa ay aaklain mong okay ang lahat,dahil sa tagal na nagsasama ang magasawa hindi pa sila nabibiyayaan ng anak. Kaya naman nung malaman nung among lalaki ay sobrang galak ang naramdaman nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Ploy habang nagaaskiaso ng pampaligo ng kanyang anak. Nadulas siya sa sahig at nauntog ang ulo,nakita ito lahat ni madame ngunit wala siyang ginawa at hinayaan lamang si Ploy. Nang inakala nilang patay na ito,isinilid nila ito sa plastic at binaon sa bakuran ng kanilang mansyon kasabwat ang mga katulong at ang asawa nitong lalaki. Subalit habang inililibing si Ploy ay humihinga pa ito at buhay pa,ngunit binaon nila ito kahit batid ng among lalaki na buhay pa ito. Makalipas ang ilang taon sa bahay ng magasawang mayaman ay may kakaibang nararamdaman ang kanilang katulong sa kadahilang ito ay magresign at humanap sila ng kapalit nito. Dito na papasok si Joy,ngunit sa pagtapak palang din ni Joy sa mansyon at sa kanyang bahay na kanyang tutuluyan ay meron din siyang kakaibang naramdaman. Hindi lang pala si Joy ang nakakaramdaman,maging ang kanyang alaga na si Lady Nid ang anak ng kanyang amo. Iisang babae lang ang nagpapakita sa kanila at ito ay ang hindi matahimik na kaluluwa ni Ploy. Sa kabilang banda si Joy ay naging katulong narin pala ng isang foreigner ngunit ito'y may gagawing masama sa kanya kaya naman siya'y nanlaban at napatay niya ito,maging ang asawa nitong babae na foreigner. Ngunit ang kwento niya ay ang nga ito ay bumalik na sa kanilang bayan at binenta na ang bahay na kanyang pinapasukan. Ang mga lihim na yun ay itinago ni Joy kaya naman natanggap siya sa mansyon kubg saan nagtatrabaho noon si Ploy. Nung una ay hindinpa nila alam na si Ploy nga yun hanggang sa may nakitang picture si Joy sa library ng kanyang amo at sinabi rin ni Lady Nid na Ploy nga ang pangalan ng babaeng maid na nagpaparamdam sa kanya. Naging interesado siya dito at inalam ang nagyari dito,ngunit wala ni isa ang nagsabi ng totoo. Pero sabi nga nila walang sikreto ang hindi nabubunyag kaya napagalamanan din ni Joy ang tunay na nangyari kay Ploy at nabayid din niya ang kaugnayan niya rito. Si Ploy at si Joy ay magkapatid at ang batang kanyang inaalagaan na si Lasy Nid ay anak pala ng kanyang kapatid si Ploy. Kaya isang gabi habang nagdiriqang ang lahat,sinagawa na ni Joy ang kanyang paghihiganti. At ito'y naging madugo lahat ng may kinalaman sa pagkamatay at yung mga bisita ng gabing yun ay nadamay sa kanayang paghihiganti. "Walang lihim na hindi nabubunyag at ang paghihiganti ay walang napupulot na maganda." Sa mga nais manood ng The maid meron siya sa Netflix,. Paalala: huwag manonood ng may kasamang bata,rated spg ang ilang eksena..😁😁

@irene

"Liham para sa aking butihing mga Magulang" Pinakamamahal kong mga magulang; momsie at popsie maraming salamat sa lahat ng ibinibigay niyo,hindi para sa ngayon kung hindi sa bawat pinapadala niyo samin ng mga anak ko. Salamat kasi kahit na may asawa na ko,nandiyan parin kayo para samin,para sakin. Hindi matatawaran ang mga ginagawa niyo para samin,na dapat kami ang gumagawa noon sa inyo. Salamat at kayo ang naging magulang ko,hinding hindi niyo kami pinababayaan ng mga kapatid ko kahit na may mga sarili sarili na kaming pamilya. Imbis na yung pera na kinikita niyo ay para sa inyo na lang dahil matatanda na kayo, na dapat kami ang magbibigay pero nagkabaliktad. Kayo pa ang nagbibigay samin, lubos akong nagpapasalamat na kayo ang naging magulang ko. Napakaswerte namin dahil kayo ang naging magulang namin,hindi man tayo mayaman pero mayaman kami sa pagmamahal niyo. Maraming salamat,lagi kong ipagdarasal na bigyan kayo ng ating panginoon ng malakas na pangangatawan at huwag magkakasakit. Mahal na mahal ko po kayo,lagi kayong magiingat. Makakabawi rin ako sa lahat ng pagsasakripisyo niyo.. Nagmamahal ang inyong anak; Irene

@irene

" The normal body temperature range" I checked my little son temperature and its 37.3 °c so i thought it isn't normal because i know the normal temperature of our body is 37.°c only. So i decided to check and search for it, and then this is what I've found.. Normal body temperatures vary depending on many factors, including a person’s age, sex, and activity levels. The normal body temperature for an adult is around 98.6°F (37°C), but every person’s baseline body temperature is slightly different, and may consistently be a little higher or lower. In this article, we discuss the normal ranges of temperature for adults, children, and babies. We also consider factors affecting body temperature, and when to call a doctor. **Normal Body Temperature Chart** Body temperature readings vary depending on where on the body a person takes the measurements. Rectal readings are higher than oral readings, while armpit readings tend to be lower. The table below gives the normal ranges of body temperature for adults and children according to a thermometer manufacturer: **Type of reading**; **Oral** 0-2 years 95.9–99.5°F (35.5–37.5°C) 3-10 years 95.9–99.5°F (35.5–37.5°C) 11 -65 yrs. 97.6–99.6°F (36.4–37.6°C) Over 65 yrs 96.4–98.5°F (35.8–36.9°C) **Rectal** 0-2 years. 97.9–100.4°F (36.6–38°C) 3-10 yrs 97.9–100.4°F (36.6–38°C) 11-65 yrs. 98.6–100.6°F (37.0–38.1°C) Over 65 yrs. 97.1–99.2°F (36.2–37.3°C) **Armpit** 0-2 years. 94.5–99.1°F (34.7–37.3°C) 3-10 yrs. 96.6–98.0°F (35.9–36.7°C) 11-65 yrs 95.3–98.4°F (35.2–36.9°C) Over 65 yrs. 96.0–97.4°F (35.6–36.3°C) **Ear** 0-2 years 97.5–100.4°F (36.4–38°C) 3-10 years. 97.0–100.0°F (36.1–37.8°C) 11-65 yrs. 96.6–99.7°F (35.9–37.6°C) Over 65 years 96.4–99.5°F (35.8–37.5°C) Normal body temperature readings will vary within these ranges depending on the following factors: a person’s age and sex the time of day, typically being lowest in the early morning and highest in the late afternoon high or low activity levels food and fluid intake for females, the stage in their monthly menstrual cycle the method of measurement, such as oral **(mouth), rectal (bottom), or armpit readings** **Normal temperature in adults** A normal adult body temperature, when taken orally, can range from 97.6–99.6°F, though different sources may give slightly different figures. In adults, the following temperatures suggest that someone has a fever: at least 100.4°F (38°C) is a fever above 103.1°F (39.5°C) is a high fever above 105.8°F (41°C) is a very high fever Researchers have looked into the individual differences between people’s normal body temperatures. A study looking at almost 35,500 people found that older adults had the lowest temperatures, and African-American women had higher temperatures than white men. They also found that certain medical conditions can affect a person’s body temperature. For example, people with an underactive thyroid (hypothyroidism) tended to have lower temperatures, while people with cancer had higher temperatures. **Normal temperature in children** A normal body temperature for children aged 3–10 ranges from 95.9–99.5°F when taken orally. Children tend to have similar body temperatures to adults. **Normal temperature in babies** Sometimes, babies and young children have higher body temperature ranges than adults for armpit and ear measurements. A normal body temperature for infants aged 0–2 years ranges from 97.9–100.4°F when taken rectally. Body temperature may rise a little when a baby is teething. The average body temperature of a newborn is 99.5°F. A baby’s temperature is higher because they have a larger body surface area relative to their body weight. Their bodies are also more metabolically active, which generates heat. Babies’ bodies do not regulate temperature as well as adults’ bodies. They sweat less when it is warm, meaning that their bodies retain more heat. It may also be more difficult for them to cool them down during a fever. **When to see a doctor** A dangerous body temperature depends on a person’s age: **Adults** A temperature of 100.4–104°F caused by short-term illnesses should not cause significant harm in otherwise healthy adults. However, a moderate fever can be more worrying for a person with existing heart or lung problems. Call a doctor for temperatures above 104°F or lower than 95° F, especially if there are other warning signs, such as confusion, headaches, or shortness of breath. Temperatures of over 105.8°F can cause organ failure. Doctors define hypothermia as a temperature dropping below 95°F. Hypothermia can be dangerous if not treated quickly. **Children** Children aged between 3 months and 3 years old who have a fever but a temperature of lower than 102°F do not always need medicine. Call your doctor if a child has a temperature of over 102.2°F, or has a lower temperature but is experiencing dehydration, vomiting, or diarrhea. **Babies** If an infant of 3 months or younger has a rectal temperature of 100.4°F or above, seek emergency medical attention. In very young babies, a slight fever can signal a serious infection. How to take your temperature There are many types of thermometers available, and the best method depends on a person’s age: **Age** **Best method** 0 to 3 months Rectal 3 months to 3 years Rectal, ear, or armpit 4 to 5 years Oral, rectal, ear, or armpit 5 years to adult Oral, ear, or armpit Follow the instructions on the thermometer package. If a temperature reading is unusually high or low, take another reading after about 5 to 10 minutes. If someone is unsure the reading is correct, they can take another reading with a different thermometer. **What causes body temperature to change?** An area of the brain called the hypothalamus regulates body temperature. If body temperature rises above or dips below the 37°F mark, the hypothalamus kicks in to regulate the temperature. If the body is too cold, the hypothalamus sends signals to make the body shiver, which warms the body up. If the body is too hot, it sends messages to begin sweating, which lets heat leave the body. Infections cause most fevers. A fever develops as the body’s natural way of reacting to and fighting infection. **Symptoms of a fever** Doctors consider a fever to be a body temperature that reaches or exceeds 100.4°F. Other symptoms include: appetite loss chills a headache irritability muscle aches shivering sweating weakness **Summary** The ideal body **temperature** in adults is around 98.6°F, but this varies based on age, sex, physical activity, and health. Body temperature changes throughout the day. A temperature of above 100.4°F signals a fever. Babies may have higher body temperatures than adults, but even a slight fever in babies can signal a severe infection. Temperature readings taken from different body parts give a range of body temperatures that doctors consider normal. Rectal readings are higher than oral readings, and armpit readings tend to be lower. If a person has an unusually high or low temperature, they should seek medical attention immediately. I hope this article will helps you on how to check the normal temperature,and what body parts you need to check. **This article is credited to the rightful owner..**

@irene

"Sino nga ba si Reina Mae Nasino?" https://youtu.be/2L3LmmCM6Wk Maging ako ay naintriga narin dito kay Reina Mae Nasino,bakit naman hindi siya lang naman ang laging laman ng balita dito sa Pilipinas. Ayon sa balita na aking napapanood itong si Reina Mae Nasino o sa may kilalang "Ina" ay isang aktibista na kung saan tumutuligsa sa gobyerno o yung tinatawag na NPA daw? at nahulihan pa nga ito ng mga pampasabog di umano,ngunit sa napanood ng video si Ina ay isa lamang aktibista na kung saan tumutulong lamang sa mga mahihirap. At ang nahuling pampasabog ay gawa gawa lamang ng mga kapulisan na humuli sa kanya at sa kanyang dalawa pang kasamahan noong Nobyembre 5, 2019 sa kanilang opisina sa Tondo, Manila. Si ina noon ay walong (8) buwang buntis sa kanyang anak na si Baby River. Si Reina Mae Nasino o mas kilalang "Ina" ay kasalukuyang student leader in Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), a public college in Sta. Mesa, Manila kung saan siya kumukuha ng avocational course under the Special Opportunity Program. Nang mga panahong siya ay nahuli ay 22 taong gulang lamang ito at (8) walong buwang buntis din noon. Sa katunayan doon narin inabot ng panganganak si "Ina" sa loob ng kulungan,at humihingi na makasama niya pa ang kanyang isinilang na supling noon. Ngunit sa kinakaharap na pandemia ay hindi ito pinayagan dahil inaalala lamang din nila ang kalusugan ng supling. Kaya naman ang supling ay ibinigay sa nanay ni Ina,ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ilang buwan pa lamang ng inilayo ang sanggol ay binawian ito ng buhay dahil sa sakit na Acute Respiratory Distress Syndrome noong Octobre 9 2020 nitong taon. Naging laman ng balita si "Ina" dahil sa kontrobersiyang nangyari sa mismong burol ng kanyang anak na si Baby River kung saan (40) apat napu ang nagbabantay dito ng mga panahon na iyon,at ang tamang oras na pinagkaloob na bisita nito sa anak ay hindi pa natatapos ay gusto na siyang ibalik ng mga ito sa bilangguan,kaya naman nagkaroon ng gulo sa mismong lamay ng anak nito. Kahapon October 16,2020 ay inilibing na si Baby River ay ayon din sa balita (20) dalawampung pulis ang nagbabantay na sa labas kung saan nakaburol ang bata. At ito rin ang sumama upang magbantay kay "Ina", nang araw din yun kabi kabila ang protista na naganap at humihingi ng katarungan sa nangyari kay "Ina" at kay baby River. Ikaw sa tingin mo bakit nga ba humantong sa ganito ang sitwasyon ni Reina Mae Nasino o "Ina" ?. Totoo nga ba na isa siyang miyembro ng kalaban ng mga awtoridad(NPA) o simpleng aktibista na naglalayon ipaglaban ang karapatan ng mahihirap.

@irene

"My Homemade Maruya" Dahil hindi dumating yung suki ko ng meryenda ngayon,gumawa nalang ako ng meryenda namin. Sakto may saging na saba dito at yung ibang ingredients na kailangan kaya nakagawa ako. Ingredients; 1 cup All purpose flour(harina) 1tsp of Baking Powder 1tsp of salt sugar for garnishing 10 pcs of saging na saba 1cup of water Procedure; First mix all the dry ingredients. After mixing the dry ingredients add the wet ingredients which is water. After mixing all the ingredients,add the saging na saba into mixture. Then set a side and ready the pan and some oil to fry. When the oil is hot then put the mixture and fry it until golden brown. When the maruya is golden brown put in into plate and garnish some sugar. I used washed sugar but you can also use white it depends on you what you want. when you asking why i add salt,because i want my mixture to be a little bit salty so that it can't be nakakaumay😂😂 because the saging na saba is sweet na and i add naman the sugar on top si that it will perpect to your taste if its not to sweet. But if you want to be sweet so its your decision.. So yummy and delicious meryenda for us..Medyo napabayaan pang ng konti kasi nagtimpla ako ng juice to make it perpect..😁😅 Happy Eating😋😋

@irene

kailangan kaya ako makakaexperience ng 1$ pataas na tip..😂😂😂😂gusto ko din makaexperience ng ganun,kaso wala talaga akong maisip na article na worth para dun🙄😥 sa english naman tagilid din ako😂😂 hays irene makuntento kana lang sa mga tip mo atleast may tip..✌️😁😁😁 #Baliw

@irene

"How to make an article": My Version So ito na nga ang aking unang topic ngayong araw,paanonga ba gumawa ng isang article?. Syempre bago ka makagawa ng isang article,kailangan may topic kang tatalakayin. Kasi paano ka gagawa kong wala kang topic diba!? ang topic naman ay madali lang hanapin,maari kasing mga pangyayari ito sa lugar,bagay o sayo. Pwede rin namang mga napapanahon o (trending na issue),pwede ring sarili mong kwento, experience o mga karanasan ng nasa paligid mo. Maraming topic na pwedeng gawin,sa pagdedeliver lang talaga nito ang mahirap. Syempre kapag may topic kana,need mo namang gawan ng Title ( Pamagat). Sa paggawa ng pamagat o title dapat ay tugma sa topic na gagawin mo. Hindi pwedeng basta title lang,tsaka dapat yung nakakaakit basahin. Yung tipong pamagat pa lang nakakaexcite ng basahin😁😁. Kapag may topic at pamagat (title) kana diyan na papasok yung paano mo siya sisimulan?. Kala niyo madali no!, yan ang unang nagpapahirap sakin sa paggawa ng article yung introduction 😂😂. Pero base naman sa mga nakikita ko,yung iba may pagbati sa unang talata, yung iba naman sinisimulan sa tanong at yung iba direct na sa topic. Bahala kayo kung saan kayo komportable at kung ano sa tingin niyong ikakaganda ng simula niyo. Kapag may topic,title at intro kana sa tingin ko tuloy tuloy na ang topic mo. Basta huwag ka lang maliligaw sa mismong topic at title para hindi malito yung nagbabasa. Syempre need din pala ng mga facts o yung mga bagay na may matutunan yung tagabasa mo. Mahirap kasi yung wala silang matutunan,hindi na sila uulit magbasa ng article mo😂😂(parang mga article ko lang,ayaw nilang basahin😅😅). Lastly is paano mo siya tatapusin,kala ng iba ay madali ang parteng ito,kasi patapos na nagkakamali sila. Kasi yung katapusan ng kwento o artikulo yan ang mahirap gawin para sakin syempre. Peroparasa iba siguro hindi,sa katapusan ng article kasi need mong ipakita dun yung kabuuan ng topic mo. At hindi dapat mawala yung pinaka essence nung tinatalakay mo. Oh diba madali lang gumawa ng article, topic,title,intro,content and last but not the list is yung end remark ng article na gagawin mo. Hindi ko alam kung nakatulong yung mga sinasabi ko,pero sana oo.😅✌️Sa paggawa din pala ng article hindi kailangan ng emoji tanging ako lang ang gumagawa niyan. Pero sa totoo hindi dapat talaga,kaya siguro maliit lang tip ko. Sa paggawa rin ng article hindi naman kinakailangan English,kung saan ka komportable yun ang gawin mo. Kasi mas maipapaliwanag mo at maeexpress mo lahat ng gustom9ng sabihin. Malaki lang talaga ang naitutulong kung English ang article kasi mas marami ang makakaintindi lalo na kung may mga ibang lahi ang magbabasa nito. Pero kung Pilipino lang din naman ang target viewer's mo pwede namang tagalog,para mas maraming pilipino ang makaintindi nito. Yun lamang at mabuhay ang lahat ng miyembro ng read.cash nawa'y lahat tayo ay mabigyan ng masaganang tip..

@irene

"Bitcoin Pop" Share ko lang yung nilalaro ko habang nagiisip ng maisusulat ko dito kay read.cash. Bagong bagong laro ni Bling ang Bitcoin Pop nakakatuwa lang siya kasi yung avatar dito na siyang may hawak ng ball ay isa lamang unicorn.. Unicorn ang paborito ng aking anak,kaya naman nung makita niya itong new game ko,natuwa rin siya. Simple lang naman siyang laruin need mo lang ipares pares yung mga color niya then magpop na siya,need ng 3 same color para magpop siya. Bukod sa nalilibang kana sa kanya,pwede ka rin kumita ng bling points. Bling points ang tawag sa points niya na maexchange into btc. Need mo lang ng coinbase account dahil dun lang siya papasok,walang ibang wallet kung hindi coinbase lang po. Para makapagregister naman need lang ng valid email na nakakonek sa coinbase mo,hindi pwedeng ibang email dapat yung email na yun,yun din ang nasa coinbase. Kaya sa mga gustong maglaro din nito open po siya sa playstore hanapin lamang ang "Bitcoin Pop " tiyak natutuwa kana,kikita kapa hindi nga lang ganun kalaki pero legit siya..😉😊👍

@irene

"ATM" Bago ko simulan ang topic kung ito pagusapan muna natin ang ibigsabihin at ATM at sino ba ang naginvento nito. automated teller machine (ATM) An automated teller machine (ATM) is an electronic banking outlet that allows customers to complete basic transactions without the aid of a branch representative or teller. Anyone with a credit card or debit card can access cash at most ATMs. Who invented ATM? John Shepherd-Barron Donald Wetzel Do Duc Cuong Automated teller machine/Inventors Sina John Shepherd- Barron, Donald Wetzel at Do Duc Cuong pala ang mga nagimbento ng ATM. Kaya ko pala naisipan ito talakayin kasi kanina inutusan lang naman ako ng asawa kong magaling magwithdraw,so ayun ang lola niyo pumunta ako sa isa sa malapit na ATM dito samin. Pero grabe ang haba ng pila,para kang pumipila ng NFA na bigas😂😂 nagtataka lang ako bakit yung iba napaka tagal magwithdraw o magpindot sa ATM?🙄Hindi ba nila alam na may mga kasunod sila,at yung mga kasunod nila eh may mga oras din namang binabantayan. Kanina maikwento ko lang ah,hindi sa tsismosa ako peeo ichichika ko narin. Yung kasunod ko sa ATM is almost 15mins to 20 mins ata siya bago natapos, napaka laking oras na nasayang gayong ang dami naming nakapila. Alam ko sasabihin ng iba baka maraming atm card na dala pero kahit na ganun,hindi naman siguro tatagal ng ganun hindi ba? Ang ATM ginawa yan para sa mga taong nagmamadali,kasi kapag nga naman nasa bank kapa at haharap sa teller para kumuha ng pera,marami pang hanes( process) kaya nagimbento ng ATM para sa mga nagmamadali na makakuha ng pera,easy to cash out. Pero bakit yung iba is tumatagal ng ilang minuto na kung tutuusin is saglitan lang naman. Hindi ko naman nilalahat yung mga gumagamit ng atm ah,pero kunding konsidera rin sana sa oras ng iba. Okay lang magdouble check if tama or maghintay ng cash,pero hindi din naman matagal lumabas ang cash ang magwithdraw ka. wala pang 5mins lumalabas naman na ang cash pwera nalang kung sira yung machine at nagloloko. Yun lamang hahaha😂😂peace po sa mga nag ATM pero true po talaga,minsan nakakainis yung mga taong sobrang tagal matapos sa ATM. Kung hindi marunong pwede naman humingi ng tulong basta huwag mong ibibigay yung password ng atm card mo,kung marami namang chinicheck dahil yayamanin okay lang din pero sana isipin mo na may naghihintay din. Hindi mo pagaari ang atm para tambayan ng napaka tagal. Lagi kasi akong nakakatsempo ng mga ganyang tao,isa lang ang atm card,marunong din naman pero napaka tagal. Parang walang naghihintay sa likod niya,kung tutuusin ginawa na ngang madali yan eh pero bakit ganun. Hindi ko ginawa ang article na ito para magpatama,kung may tinamaan sorry..!!Pero im telling the truth sabi nga nila time is gold so sana kung para sayo ay mahalga ang oras mo ganun din sa ibang tao. Hindi lang ikaw ang gagamit ng ATM so please lang kung tapos na tapos na. kung may tanong sa bank na mismo ng atm card magtanong kasi hindi naman yan masasagot ng ATM Machine. Thank you..🙄✌️

@irene

"How to make pastillas with hugot" Syempre una prepare mo muna yung mga ingredients,siguraduhin kumpleto para hindi matulad sa pagibig niyang kinulang dahil nalingat ka lang at hindi naicheck kung tama,napunta na sa iba. Mga ingredients: 3 cups of Powder milk Kahit anong powder milk,depende sa lasa at type mo, pero kung hindi ka type huwag mo ng piliin masasaktan ka lang.😅😁 1 Can of Condensed milk Kailangan yung malapot ah,hindi yung malabnaw para hindi lumabnaw yung pagmamahal niya sayo..😁😅 1/4 white Sugar Pang last itong gagamitin,pang coated sa magagawa mo. Hindi kailangan damihan ang sugar yung 1/4 na yan marami pang tira, kasi minsan ang sobra ay nakakasama rin. Pang balot(kung pangbenta) pero kjng pangkain lang,pwede na kahit wala😁😁 Procedure: -Paghahakuin mo lang yung 3 cup ng powder milk at 1 can condensed milk,dapat yung halong halo ah,para hindi maghiwalay katulad nalang ng pagmamahal niya sayo..😥😅 -Kapag nahalo muna pwede ka ng magshape depende kung bilog ang gusto mo,total bilog na bilog ka na sa mga sinasabi niya.😅😥 -Kapag may naishape muna ihanda muna yung asukal,pang coated sa nagawa mo para matakpan yung mga dapat takpan katulad ng mga pangako niya sayo.😅😥 boomm Then pwede mo ng kainin ang pinaghirapan mong gawin,kasi baka iba pa makinabang sa huli.. Pwede siyang pang negosyo,sa mga nais kumita ngayon pandemic.. Pastillas na may hugot..😂😂🤦

@irene

"Asih" This is movie is all about a girl who has a baby by the wedlock, in tagalog nagkaroon ng anak ng hindi kasal or mas madaling sabi is naanakan. Kaya naman itinakwil siya ng kanyang sariling mga magulang,maging ang mga tao sa kanilang lugar ay ganun din ang ginawa sa kanya. Kaya naman sa sobrang depresyon na kanyang naramdaman,maging ang sarili niyang anak ay kinitlan niya ng sariling buhay. Pagkatapos nito ay siya naman ang sumunod,nagpakamatay siya gamit ang suklay nanpagmamayari niya. Itinutok niya ito sa kanyang pulso at sinimulang hiwain hanggang sa siya ay mamatay. Siguro nagtataka kayo kung bakit siya namatay gamit ang suklay,yung suklay niya kasi is metal yung pinaka panuklay.Kaya kung susumaan eh kung ididiin mo ito maari talagang makagawa ng sugat, yung sugat niya na kung saan nanalantay yung dugo niya. Alam naman natin na kapag naubusan ka ng dugo ay maari mo rin itong ikamatay. Sa kabilang dako ay mayroong magasawa na,naghihintay ng kanilang magigibg supling. Magsisilang noon si Ita (pangalan ng babae sa palabas) ngunit sa kanyang pagsilang ay nakasama na pala nila si Asih ( ang multong hindi matahimik). Hindi naglaon naisilang na nga ni Ita si Amelia(pangalan nung bata) ngunit kulang ito sa buwan kaya kailangan ng matinding pagaalga dito. Doon narin nagsimula ang panggugulo ni Asih sa buong angkan. Nung una sa biyenan lang ni Ita ito nagpaparamdam,hanggang sa unti unti narin itong nagparamdam kay Ita. Hanggang sa takaga namang guluhin na sila nito maging ang kanyang anak na si Amelia. Hindi lang pala sa Pilipinas maraming superstitious belief maging sa thailand,naniniwala rin sila na kailangan mong ibaon ang placenta ng sanggol upang magkaroon ito ng magandang kalusugan at hinaharap. Ang ama ni Amelia na asawa ni Ita ay ibinaon ang placenta sa may likuran ng kanilang bahay,ng mga araw na yun kasalukuyang may sakit si Amelia kaya napilitan ang ama nito na ibaon iyon. Hindi naglaon naging mas grabe ang pagpaparamdam ni Asih sa kanilang pamilya,hindi na lamang kay Ita at sa biyenan ito nagpapakita maging sa asawa narin nito na si Andi. Kaya naman napaniwala niya rin ito na may hindi magandang nangyayari sa kanilang bahay. Nung una kasi inisip ni Andi na napaparanoid lamang si Ita at baka dala lamang ito ng kanyang Postpartum ngunit ng masaksihan din ni Andi ang nangyari sa placenta ng kanyang anak at makuta si Asih dun lamang niya nasabi na totoo nga ang sinasabi ni Ita. Hanggang sa lumakas ng lumakas ang espirito nitoat magibg si Amelia ay nakuha nito. Laging sinasabi ni Asih na anak niya si Amelia,dahil ang kanyang anak noon ay isa ring sanggol na babae. Ngunit dahil nga sa depression ay napatay niya ito,na akala niya ay lagi niyang dala dala. Nung makuha ni Asih si Amelia tsaka sila humingi ng yulong sa isang lalaki,na nakakaalam ng lahat patungkol kay Asih(albularyo sa pilipinas). Nagtagumpay naman sila ngunit si Ita naman ang sinapian ni Asih at talagang iginigiit na anak niya si Amelia,kung ano ang ginawa niya sa kanyang anak ganun din sana ang balak niyang gawin kay Amelia( lunurin ang sanggol sa isang punong batya) ngunit malakas si Ita at maging ang pananampalataya ng albularyo at ng biyenan at asawa niya kaya nagtagumpay sila laban sa pananakop ni Asih sa katawan ni Ita, nailigtas nga nila ang sanggol na si Amelia. Lesson for me: Kung sana ay tinanggap na lamang siguro nila si Asih ay hindi ito mangyayari sa magina, ang matinding kalungkutan ay nauuwi sa hindi magandang pangyayari. Katulad ng nangyari kay Asih itinakwil siya ng dahil sa nagkaroon lamang siya ng anak na hindi pa naikakasal,kaya humatong sa kamatayan ng bata at ni Asih. Yung panahon pala nila is panahon pa ng 1980 kung saan kahigpitan talaga patungkol sa pagkakaroon ng anak. Si Asih ay pinagsamantalahan ng kanyang naging amo ng nga panahon na yun. Now: Maswerte pa talaga sa panahon ngayon,kasi kahit na nagkaroon ka na ng anak kahit hindi kapa kasal hindi ka itatakwil o mamaltratuhin ng hindi maganda. Salamat at hindi ako namulat ng mga panahon na kahigpitan tulad noon.

@irene

"Gawain ng Isang Ina" Sigurado ako kakaunti lang makakarelate nito kasi iilan lang ata kaming magulang na rito. Ang mga gawain ng isang ay hindi madali at walang katapusan. Bakit ka niyo? habang ang iba ay nagpapahinga na ang ina ay sinisigurado muna na malinis at maayos na ang lahat. Kaya ko nasabing mahirap ang gawain ng isang ina ay ganito yun, Ang isang Ina ay magsisimula ang araw niyan ng maaga,nandiyan yung ipaghahanda niya ng almusal ang asawang lalaki na papasok sa trabaho maging ang mga anak nito na papasok rin sa eskwela. Kahit na antok na antok pa yan kailangan niya talagang gumising ng umaga para gawin ang mga gawaing nakasanayan na. Pagkatapos niyan,nandiyan pa yung maglilinis ng bahay,maghuhugas ng pinggan at magaalaga ng bata kapag may maliit pa. Kailangan din niyang paliguan ang mga batang anak na hindi pa kayang maligo ng maayos ng sa sarili nila,may mga bata kasi na ginagawang palaruan pa ang pagliligo at nagsasayang na ng tubig. Hindi lang yan,magaasikaso pa yan ng mga pinagbihisan at ibibihis,may nga anak at asawa kasi na minsan sige lang ang bihis tapos yung pinagbihisan kung san san lang nilalagay. Ina parin ang magaayos nun. Bago magtanghalian mamimili pa yan sa palengke para lang may ilutong pang tanghalian at hapunan narin. Kapag uwi pa niyan galing sa palengke kailangan pang magasikaso ng paglalaba, Ang paglalaba ay minsan pwedeng pang isang linggo pero sa iba na maraming miyembro ng pamilya kailangang araw araw para hindi matambakan lalo na kung walang washing machine na magagamit at pakusot lang ang gagawin. Kapag katapos ng labahain nandiyan yung magsasampay pa ng mga nilabhan na damit. Kailangan din bago makapag laba ay magluluto muna yan ng pananghalian ng mga anak niya,tapos yung mga anak na gakibg sa eskwela may mga assignment o homework pa yan. Syempre bilang ina kailangan gabayan at subaybayan din ang mga ginagawa ng anak sa mga homework. May mga bata na sa nanay ipapagawa at talagang magpapatulong pa. Minsan hindi pa maasikaso ng ina agad kaya sa gabi na niya ito nagagawa na dapat ay pahinga narin niya. Sa hapon naman nandiyan yung maglilinis at maghuhugas ka ulit ng nga pinagkainan,symlempre dahil maggagabi na kailangan mo nanaman magisip ng ilulutong ulam para sa pang hapunan. Sa Gabi nandiyan yung maghahain ka pa,darating ang asawang lalaki at aasikasuhin mo pa ito. Pagkatapos yung mga anak mo rin, ay kailangan asikasuhin bago matulog. Dahil bilang ina ayaw mo rin na matulog ang mga anak mo ng marumi nandiyan yung lilinisan mo pa sila bago matulog,ililigpit ang mga kinalat na laruan,titingnan ang mga home work kung tama. Ang ina rin ang taga budget ng sahod ng asawang lalaki,kung kulang man ang ibibigay nito ina parin ang gagawa ng paraan para magkasiya at mapunan ang kulang. Kaya napaka hirap maging isang ina,swerte ng mga babae na makakapagasawa ng mayaman o maganda ang trabaho ng asawa. Pero para sa ibang sumasahod ng minimum lang hindi kayang kumuha ng katulong, Ina talaga ang gagawa ng gawain lahat. Ang masayang parte lang ng pagiging ina ay makikita mo na yung mga anak mo ay lumalakibg maayos,malusog at masasayahing bata. Kaya naman sa mga babae na katulad ko, magisip ng mabuti bago pasukin ang pagaasawa. Hindi lang dapat pagmamahal ang pairalin kailangan din ng utak bago magdesisyon na pasukin ito. Dahil hindi ito isang kanin na pwede mong iluwa kapaga napaso ka.!😁👍 Ang article na ito ay hindi panakot sa mga kababaihan sadyang ito lang ang realidad bilang isang babae,bilang isang ina na magsisilbing ilaw ng tahanan. Kaya saludo ako sa mga ina na kayang gawin ang lahat para sa kanilang pamilya,lalo na sa nanay ko rin na tiniis ang lahat para saming pito niyang mga anak para lang mapalaki ng maayos. Yung ultimong kakainin nalang niya ay ibibigay pa niya sa amin. Kaya dapat mahalin at igalang ang lahat ng ina sa mundo dahil hindi biro ang kanilang mga gawain para lang masiguradong maayos ang lahat ng miyembro ng pamilya at maasikaso niya lahat ng ito. Proud to be mom of two..👍😊 Mahihirapan pero hindi susuko!!!

@irene

"Nagmumurang Kamatis" Ano nga ba ang salitang nagmumurang kamatis?. Ito ay isang malalim na salita ng matatanda na kung saan ay kapag mayroon silang nakikitang kapwa nila matanda na hindi umaakma sa edad nito. Sa madaling sabi ay isang matandang nagiisip dalaga or Matandang kumikilos bata. 😁😁🤦 Yung tipong matanda kana pero hindi naayon ang kinikilos mo sa edad mo. Kadalasan ko yan marinig doon sa lugar namin sa San Rafael, meron kasing babae dun na kala mo dalaga pa at walang asawa kung gumayak at pumorma. Pero sa tingin ko naman ay walang masama sa pagaayos ngunit nalalagyan kasi ng kulay ng iba. Kaya naman kung ayaw niyong mapagsabihan na nagmumurang kamatis, eh umayos nalang sa nararapat. May nga tao kasi talaga na kunting ayos mo lang,kunting purma porket matanda kana ang iisipin eh ganun kana..😂😂 Payo ko lang kung ano ang nasa puso mo sundin mo😉😊dahil hindi mo naman sa kanila kukunin ang ipang aayos at ipang poporma mo..😂 Ang topic na ito ay sadyang naisip ko lang at wala akong nais patamaan..

@irene

"My Childhood Friends😭💔" Mayroon akong dalawang matalik na kaibigan noon,siguro 15 na kami nung talagang maging close na close sa isa't isa. Kasi nung talagang mga bata bata pa kami ay hindi gaano kami nagkakasama,palibhasa ay mga abala sa pagaaral at sabado at linggo lang ang pinaka bonding. Kahit nung naghigh school kami hindi rin kami nagkakasama dahil iba iba ng section, sa bahay nalang talaga kami nagkikita kita. Kaya naman tuwing summer doon namin sinusulit ang mga panahon. Nung bata pa kami natatandaan ko naglalaro pa kami ng manika manikaan na papel,kanya kanyang gawa ng bahay. Meron yung gawa sa lupa at mga bato na may hugis ang mga magiging gamit. Yung iba naman yung Kahon ng sapatos tsaka puro mga gawa sa kahon ang gamit. Nandiyan din yung maglalaro kami ng holen,tapos pagaling sa pagsapol at pagpuntirya ng isa pang holen. Pagalingan din magsargo ng taya sa gitna. Sipa is the Philippines' traditional native sport which predates Spanish rule. The game is related to Sepak Takraw. Similar games include Footbag net, Footvolley, Bossaball and Jianzi. The game is both played by two teams, indoors or outdoors, on a court that is about the size of a tennis court. Naglalaro din kami ng sipa,kung saan yung bitsingko ay bubutasan namin tapos lalagyan namin ng balat ng candy sa butas. Pagalingan pa nga kami kaso lagi akong natatalo kasi ang hirap talaga makarami hanggang 5 lang kaya ko hahaha😂😂 Tumbang preso, also known as tumba lata or bato lata, is a traditional Filipino children's game. It is usually played in backyards, parks, or in streets when there is little traffic in an area. Naglalaro din kami ng tumbang preso,kung saan papatumbahin mo yung lata sa papamagitan ng tsinalas tapos kapag natumba na ito kailangan hindi ka matataya kasi kung hindi ikaw ang next na taya. Naglalaro din kami ng tagu taguan(hide en seek) pagdating diyan naku walang makatalo sakin,dahil sa maiitim ako dun talaga ako nagtatago sa pinaka madilim na sulok tapos inaantay ko na umalis yung kaibigan ko na siyang taya para makaisave ko ang sarili ko. Napakarami naming laro noon,at sobrang saya namin. Panangalanan pa nga namin ang aming grupo. ION na ang ibig sabihin ay.... I - Irene O- Ompong N- Nene Napakasaya ng aming teenage life,nandiyan yung tatakas namin yung mga bike nila ompong para makapag bike sa gabi. Tapos yung mga taong makakita samin ay tatawagin kaming bikers😁😁nakakamis.. Nangarap din kami na magkaroon ng isang bahay na malaki kung saan doon kami titirang tatlo. At kung sino man ang unang magasawa siyang magpapatayo ng bahay. Kasamaan palad na una nga akong makapag asawa sa kanilang dalawa ngunit ang dating masasayang childhood and teenage friends ay nagbago na. Si Ompong ay naging busy sa pagaaral,hanggang siya ay maging isang guro na,ngunit kalaunan ay maaga din kaming iniwan. Si Nene naman ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng dahil sa textmate pa noon,yung katext niya kasi noon ay naging katext ko. Tapos pareho pala kaming nililigawan,ngunit hindi ko type yung lalaki at talaga namang sinabi ko na sa kanya yun una palang,ngunit nagkaroon pala ng ibang ibigsabihin ito kay nene kaya naging malabo ang aming pagkakaibigan. Ang dating masayang pagkakaibigan ay nauwi sa parang hindi na magkakakilala although kami ni Ompong nung nabubuhay pa siya ay naguusap at nagkikita parin kami naging ninong pa nga siya ng aking panganay na anak,one time nga niyaya pa niya ako sa school reunion namin,kaso hindi ako nakapunta dahil sa strict ang asawa ko sa mga ganyan ganyan. Ngunit si Nene ay hindi na,pero nitong nagkaasawa narin siya medyo nagkakakibuan pero hindi na tulad ng dati. Kung ibabalik ko lang sana ang panahon na kung saan ay masaya kami at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ni nene,gagawin ko ang lahat upang hindi na namin makilala yung taong naging dahilan ng pagkakasira ng aming samahan. Grabe ang naging luha ko noon nung nalaman ko na ayaw na ko makasama ni nene sa lahat ng bagay,iniisip niya kasi na aagawin ko lahat ng atensyon na siya anmang sinabi rin na dahilan ni Ompong sakin noon kaya ayaw na daw akong isama ni Nene sa lahat ng lakad. Simula nung mangyari yun naging taong bahay nalang ako,lagi nalang akong nasa loob ng bahay at lalabas lamang kapag bibili ng mga kailangan,wala ng kinaibigan pa. May mga naging kaibigan man pero hindi na best friend ang turing ko. Natakot na kasi akong muling masaktan ng mga kaibigan na ituturing ko ngunit karibal pala ang turing sakin. Pero sa pangyayaring yun naging matatag ako,kaya nagpapasalamat parin ako sa kanila lalo na kay Ompong na talaga namang naging tunay parin akong kaibigan,sa kabila ng pagsama niya kay nene noon.. Salamat Ompong sana ay masaya kana kung nasaan ka man naroroon,ang mga masasayang araw na kasama kita ay matataling masaya sa puso't isipan ko. Kayo anong kwento ng childhood friend niyo..? Ang ibang picture na ginamit ay nakuha lamang sa Google.. Wala pa kasing camera noon kaya hindi kami nakapagpapicture..✌️😊😉

+5 more

@irene

"Fantasy Island" Pang number 3 sa Netflix ang movie na ito,this movie is all about the revenge of one person. This person was bullied in her high school life,kaya naman na niniwala siya na walang lalaki o sino man ang maaring magmahal sa kanya. Until he met Nick, What does bully bully mean? 1a : a blustering, browbeating person especially : one who is habitually cruel, insulting, or threatening to others who are weaker, smaller, or in some way vulnerable tormented by the neighborhood bully. b : pimp. 2 : a hired ruffian. 3 archaic What are the effects of bullying essay? Bullying can lead to such psychological effects as low self-esteem, loneliness, and increased potential to lapse into illness. These issues may persist into adulthood. It should be recognized that these mental impacts do not stop at the bullied, they also extended to the bullies. Pero nung araw na dapat ay magkikita sila ni Nick,ay hindi ito sumipot. Hanggang sa nabalitaan niya na may nangyaring sunog sa hotel na tinitirhan nito, at ito ay nasawi sa pangyayaring iyon. Later on nakilala niya ang mga taong inaakala niya na may kagagawan sa nangyari kay Nick. Ito yung mga kapit bahay niya o kalapit sa unit na tinitirhan nito. Hanggang sa nakabuo siya ng plano, nagawa niyang pagsama samahin ang mga ito sa iisang lugar, at ito nga ang " Fantasy Island". Fantasy Island 🏝️ Ang tawag sa isla dahil maaring matupad ang ninanais mong mangyri,sa paanong paraan yung namamahala lang ang nakakaalam.😁😁 Nung araw ding iyon,pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong kanilang sinasakayan ay sinalubong sila ng staff ng isla. Fast forward... Hanggang sa nagsimula na ang kani kanilang fantasy, Si Brax at J.D ay magkapatid na happy go lucky,ngunit hindi mo sila mapagkakamalang magkapatid dahil sa pagkakaiba ng itsura nito. Kaya ang kanilang fantasy at patungkol sa kasiyahan,walang sawang kasiyahan. Si Gwen naman ay magkaroon ng anak na babae,ngunit hindi pa talaga siya sigurado kung ano ba talaga ang gusto niya,kaya naman tinulukan na siya ni Mr.Roarke. Ibinalik siya sa isang scenario na kung saan nagpropose ang kanyang kasintahan ngunit "nung unang mangyari ito ay humindi siya" kaya naman ibinalik ulit ang pangyayari at sa pangalawa ay umoo na siya. Ngunit napaka bilis ng pangyayari kasi kinaumagahan ay bigla nalang may batang babae na sumulpot at ito nga ang kanilang anak. Kaya naman si Gwen ay bumalik kay Mr. Roarke upang palitan ang kanyang Fantasy ngunit may rule ang Fantasy Island na isang fantasy lamang sa kada isang tao,kaya hindi ito napagbigyan sa simula ni Mr. Roarke ngunit kalaunan ay napapayag din ito. Bumalik si Gwen kung saan nasusunog ang kanyang unit hanggang sa nadamay ang katabing unit. Nagsimula ito dahil sa nakalimutang tsaa,na kanyang pinakukuluaan hanggang sa nagsimula ng apoy. Kalaunan ay kumalat na sa kalapit na unit niya, Sa kalapit na unit nandun si Nick at si Nick ang naging biktima ng sunog na yun. Nais sanang iligtas ni Gwen si Nick ngunit hindi na talaga kinaya,sa pagbalik niya nakita niya sina brax,J.d at patrick. Humingi pa siya ng tulong kay Patrick ngunit hindi siya nito tinulungan dahil sa delikado narin ang sitwasyon,kaya naman pumasok ulit si Gwen para sagipin si Nick ngunit wala talaga masiyado ng malaki ang apoy. Muntik na siyang masama sa sunog na yun buti nalang at niligtas siya ng isa sa staff ni mr. roarke,kaya siya nakalabas sa fantasy na yun. Si Melanie ang kanyang Fantasy ay magrevenge sa isang babae si sloane ito yung babaeng nagpahirap sa kanya at nangbully sa kanya nung high school,kaya naman nais niya itong pag higantihan. Ngunit sa kalagitnaan ng mga pangyayari ay naawa siya kay sloane kaya tinulungan niya ito bandang huli. At pareho silang umalis sa kwarto na yun,nagtaka si sloane kay melanie bakit sila nandun hanggang sa sinabi rin ni melanie na kinidnap din daw siya kaya sila pareho nandun. Sa paglalakad ng dalawa nakilala nila nag isang matanda na naging biktima rin ng isla at dinala sila kung saan ang pinanggagalingan ng hiwaga ng isla. Ngunit paglabas nila dito hindi parin sila tinantanan ni mr. Devil face kung saan ito yung magsasagawa ng pagtotorture kay sloane buti nalang kasama nila si Damon yung matanda na nakakalam ng mg pangyayari sa isla,ngunit sa kasawiang palad ay pumanaw din ito para mailigtas ang dalawang babae mula kay devil face. Si Patrick ang kanyang fantasy ay bumalik sa panahon kung saan naging bayani ang kanyang ama,ang ama niya ay nasawi sa kabayanihan noon at hindi niya ito nakasama,kaya naman yun ang kanyang fantasy ang makasama ang kanyang iniidolong ama sa kabayanihan nito. Sa una ay inakala nilang spy si patrick kaya nakatali ito nung una hanggang sa napagalaman na hindi kaya naman tinanggal din nila ang pagkakatali dito. Balak na rin sana siyang iuwi ng kanyang ama noon " pero hindi nito alam pa na si patrick pala ang batang naiwan niya" ngunit hindi pumayag si patrick dahil mauuwi sa wala yung pagiging bayani ng kanyang ama na yun naman ang totoong pangyayari kaya hindi niya ito pinyagan umuwi. Nagtalo sila,nagpambuno hanggang sa nakuha ni patrick ang baril at tinutok sa kanyang ama, at sinabi na paano ang mga kasamahan niya na iniwan kung aalis siya,sino ang magliligtas sa kanila. Di naglaon ay napabalik din ni Patrick ang ama,at nagsimula na sila sa kanilng mission. Sa kanilang mission ay maililigtas nila ang dalawang magkapatid sina jd at brax,na noo'y hawak ng mga armadong tao. Ngunit ng akala nila ay ligtas na ang lahat,ang mga armadong lalaki ay muling nabuhay sa pagkakamatay. Dahil nga nasa fantasy island sila kaya lahat ay maaring mangyari,magibg ang pagkabuhay ng mga kalaban nila. Sa inkwentro yun ay nasawi si jd ang ama ni patrick at ang mga kasamahan nilang sundalo. Sa hindi sinasadya ay nagkita sina sloane,melanie Patrick at brax sa fantasy ni melanie. At sabay sabay silang umalis sa kwarto para hanapin ang iba,sa pagbabalik nila si gwen naman ang nakita nila hanggang sa magsama sama na sila.Tinanong nila si mr. roarke kung ano ang magiging ending ng fantasy na yun,ngunit hindi ito sumagot ng diretso hanggang sa nagtakbuhan sila palabas. Akala nila ay ligtas na sila dahil sa eroplano na tutulong sana sa kanila,ang eroplano na yun ay nahingan nila ng tulong sa tulong ng asawa ni sloane na nakontak nila at ni mr. damon ito sana ang tatawagan ni mr. damon para makaalis sa isla ngunit hindi niya magawang makakonek sa labas ng isla. Ngunit ang eroplano ay pinasabog ng mga armadong tao,kaya naman isa isa silang nagtakbuhan. Nakaisip ng paraan si melanie at ikinuwento ang tungkol sa puso ng isla kung saan makikita mo ang iyong fantasy. Kailangan nilang pasabog yun upang matapos na ang nangyayari ngunit isang sikreto ang hindi nila alam at lalantad sa kung sino ang may fantasy para ubusin sila. Akala nila nung una ay yung assistant ni mr. roarke ang may fantasy ngunit sabi ni gwen ay nilagtas siya nito,kaya sino ang gagawa sa kanila. Hindi naglaon ang lumalabas na may kagagawan ng lahat ay si melanie,siya ang nagplano ng lahat upang ipaghiganti ang nangyari kay Nick sa apartment kung saan naninirahan din ang tatlo at si Patrick bilang pulis na nagrespunde ngunit walang ginawa. Nung una magtatagumpay na si melanie ngunit,bumalik si mr. roarke at pinaalala na ang lahat ay pwedeng magkaroon ng fantasy. Si sloane lamang ang hindi pa nagkakaroon ng kanyang fantasy kaya naman ang kanyang fantasy ay magkasama si Nick at melanie at yun nga ang nagyari. Natapos ang Fantasy na paghihiganti ni melanie,ngunit ang bomba na dapat ipapasabog nila sa puso ng isla ay nakawala sa kamay ni melanie at ito ay tinalunan ni patrick upang mailigtas ang lahat. Kaya naman si patrick ay isa naring hero para sa kanila katulad ng kanyang ama. Pauwi na sila sloane,gwen at brax ngunit nagpaiwan si brax dahil gusto niyang buhayin ang kanyang kapatid na si J.D para mangyari yun ay kailangan niyang manatili sa isla. Upang habang buhay niyang makakasama ang kanyang kapatid,magtatrabaho siya dito bilang si mr. tattoo.. The End... Kayo ano ang inyong Fantasy sa buhay..comment down below malay niyo may isla rin dito sa Pilipinas na tutupad ng ating Fantasy..👇👇👇👇

@irene

71.6 down to 68 hahha 1 week saya saya lang may napapala pala ako sa pagfafasting ko..20:4 mahirap pero hindi susuko💪😁😁😁laban lang para sa katawang inaasam..

@irene

Salamat sa nagiisang sponsor ko na natitira sa aking sponsor blocked. Marahil kaya umalis yung iba ay nitong nagdaang araw ay hindi talaga ako naging active sapagkat ako ay may pinagdadaanan,buti nalang dumaan lang ang problema at hindi ako tinambayan😂😂 Kaya sa nagiisiang nagtitiwala sakin ,maraming salamat hindi ka bumitiw kahit na matagal akong hindi nakapagsulat at naging active. More Blessing to us..More tips to us.. 😉😊💪

@irene

"Mga Batang sa Murang Edad ay Nakapatay Na" My Topic for today is all about the kid who commit crime in their early age. They are saying the children is our future, but how this kid are going to jail at the early age. How they do that?What they are thinking before they decided to kill? Kilalanin ang ilang kabataan na sa murang edad ay nakagawa na ng serious crime. Na hindi niyo aakalain na magagawa ng isang bata,pero ito at nagawa nila. Maraming katanungan kung bakit nila nagawa ito pero sino nga ba ang makakapagsabi kung ano ang nasa utak ng mga batang ito,nang nga panahon na iyon.! 1.) Cristian Fernandez: In 2011, Fernandez was only 12-years of age when he was left with his 2-year-old sibling. While his mom was away, Fernandez beat the little child to death. Confirmation later surfaced that he had improperly manhandled his sibling and slaughtered a little cat previously. After confirmation demonstrated that Fernandez had experienced a loathsome adolescence including wrong manhandle and watching his progression father's suicide, he was given a request of homicide and exasperated battery. Cristian went to jail until he was nineteen years old. 2.) Jordan Brown: When Brown was 11, he started to get jelous with his fathers girlfriend pregnancy. While she was resting, Brown shot her in the back of the head with a .20-gage shotgun, murdering both her and her unborn baby. Darker was the focal point of a contention about whether or not he ought to be attempted as a grown-up, inevitably settled with a jail sentence until his 21st birthday. He'll be discharged in August of 2018. 3.) Young lady A: In 2004, a young lady from Japan (whose name was not discharged because of her age) tricked a colleague into another classroom and started opening her throat and arms with a container cutter. The young lady at that point came back to class with her garments shrouded in blood. The murdering known as the "Sasebo Slashing" started banter over the period of criminal obligation in Japan which had just been brought down in 2000. 4.) Bever Brothers: In 2015, a standout amongst the most frightful adolescent murders ever happened in Broken Arrow, Oklahoma. Robert and Michael Bevers attempted to execute their whole family, including their folks and four kin. The 16 and 18-year old young men figured out how to wound and slaughter five individuals, with their 13-year-old sister making due subsequent to being hurried to healing center. They were given five continuous life sentences without the capacity of parole. 5.) Jasmine Richardson: 12 year old Jasmine had examined killing her family with her 23 year old boyfriend in numerous circumstances. They went into her home in Medicine Hat, Canada in 2006 and slaughtered her folks and 8 year old sibling. The sweetheart, Jeremy Steinke had told companions he thought he was a 300-year-old werewolf who devoured blood. Both were indicted three checks of first degree kill, however Richardson must be condemned to a most extreme of 10 years. 6.) Jon Venables & Robert Thompson: Two 10 year old young men tricked a little child far from his family in 1993, murdered him and left his disfigured body on an arrangement of prepare tracks. The two were spotted by a surveillance camera calmly watching different children previously settling on 2 year old James Bulger. The young men were detained until the point when they turned 18. In 2010, Venables came back to jail for damaging piece of his permit. 7.) Keith Randulich: In a chilling case of a high school executing, Randulich inquired as to whether he could purchase a weapon to stop a relative that was manhandling his child sister. After his mom said no, whenever she went out Randulich executed his sister by cutting her throat. Indeed, even at his barrier, Randulich kept up that he had done it to secure her, however no proof of manhandle had been found. He was condemned to 40 years in jail in 2011. 8.) Eric Smith: In 1993, Smith was tired of being tormented at school and chose to take it out on a 4 year old kid who was going to that day camp. He murdered him by dropping a rock on his head. Smith was sentenced second-degree kill in 1994 is still detained. He has been denied parole eight times, with his folks notwithstanding contradicting his discharge. Kaya payo ko sa mga magulang na kung napapansin na kayong kakaiba sa inyong mga anak ay huwag ipagwalang bahala,dahil baka ito ay maging sanhi ng kanilang paggawa ng masama. Ugaliin na makipagusap at magkaroon ng time sa inyong mga anak,at laging ipadama kung gaano niyo sila kamahal. Kung kayo naman ay maraming anak,siguraduhin na pantay pantay ang pagmamahal na ibibigay niyo upang hindi maging dahilan ng pagtatalo at pagiingitan sa isa't isa. Tandaan na sa bahay nabubuo ang pagiisip ng isang bata kaya naman dapat magandang kapaligiran at maayos ang kanilang kagigisnan. Be a good model to your child so that they grow up better and good people as well.

+7 more

@irene

"4th Day of New Normal Class" Its been a 4th day since nagstart ang class 2020-2021 this year. Grabe ang hirap pala maging teacher talaga,kahit na teacher ang course ko nung nagaaral ako pero hindi ko akalain na ganito siya kahirap,lalo na sarili kong anak ang tinuturuan ko. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensiya para lang matapos niya lahat ng kailangan matapos sa araw na yun. Tapos sabayan pa ng mga malalalim na salita na nakalagay sa activity sheet,mapakamot eh at ilang ulit mong uulitin kung ano ba yung sinasabi ng panuto.😂😂 Sabayan pa ng isa pang makulit na bata na sasabay kapag nagsasagot na kayo ng activity. Hindi lang pasensiya ang kailangan talaga sa panahon ngayon kung hindi mahabang pangunawa. Dahil kapag wala itong dalawa sayo naku,takbo sa labas ang abot.😂😅 Pero laban lang kayo ko to! kaya namin to ng anak ko. Sana lang maging maayos na ang lahat bago matuyo utak ko.😂😂 Ilang taon din akong hindi nakahawak ng mga activity na yan,ang lagi kong hawak,sandok,kawali,walis tambo at nga labahin. Kaya sobrang challenge talaga ito,para sa mga ina na katulad ko. Goodnight na,maaga pa kami bukas dahil magflag ceremony pa kami😂😂