read.cash Log in

@irene

Joined 13 June 2020 · 262 posts

Hi๐Ÿ–๏ธplease visit my article and subcribe thanks๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜‰..!!The person who is positive in life has a bright future.

120 KT

0 KT ยท 21ยข received · 0 KT ยท 9ยข given

Posts

@irene

"My First Pay after the points was totally gone" Masaya lang akong ibahagi yung maliit na kita ko dito sa readcash kasi alam ko naman na malalaki na ang kita ng iba sa inyo,pero ako kasi masaya na ko kahit maliit lang ang mahalaga lang sakin ay kumikita ako pandagdag sa iniipon kong pera para pangregalo sa mudra ko. 0.75$ alam ko maliit kumpara sa mga tip na nakukuha ng iba sa ngayon,pero thankful parin ako sa kita kong ito kasi alam kong pinaghirapan ko itong makuha. Nagpapasalamat din ako kay therandomrewarder sa pagbibigay niya ng tip sakin. Maraming maraming salamat therandomrewarder hindi mo alam na malaking tulong sakin ang mga tip na binibigay mo kay super thankful po ako. Higit sa lahat isang araw ko lang nakuha yan,dati kasi nung point system mga 1 week bago ako makakuha ng ganyan dahil nga sa wala akong gaanong viewer at subcriber. Kaya ang liit talaga ng mga points ko noon,kaya thank you talaga at nakikita mo po ang mga ginagawa kong pagsisikap na magkaroon ng artikulo. Kaya sana sa iba na nagsasabi na bakit si ganyan ang laki ng ganito,bakit ako wala ganyan. Lahat po tayo na gumagawa ng artikulo dito ay deserving naman magkaroon ng tip,dahil lahat tayo ay naghihirap na gumawa ng article. Kaya huwag niyo po sanang pintasan ang gawa ng iba,maling mali po yun. Magpasalamat nalang kung may tip kung wala thank you parin,. Tulad nitong gawa ko simple lang at walang mga facts at wala kayong matutunan pero sigurado akong gawa ko ito at galing sakin ito๐Ÿ˜๐Ÿ˜Tagalog lang talaga ang ginagawa ko kasi ayokong mag mukhang tanga kakatry magenglish. Kahinaan ko yun,hindi kasi ako magaling sa english pero nakakaintindi naman ako. Ewan ko ba bakit hindi ko maexplain o maipaliwanag ang guzto kong sabihin kapag sa english. Sa tagalog kasi kampante ako na alam ko mga sinasabi ko๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚ Kaya muli salamat readcash sa pagasa at sa kita na binibigay ng site na ito hangad ko na mas lumago at mas tumagal pa itong site na ito dahil marami kayong natutulungan๐Ÿ˜‰๐Ÿ˜Š TheRandomRewarder..Thankyou very much๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜Š

@irene

"My Mother 65'th Birthday" Una sa lahat nagpapasalamat ako sa panginoon sa araw na ito dahil lagi niyang dinidinig ang dasal ko na lagi kayong pangangalagaan at ilalayo sa lahat ng klase ng kapahamakan at karamdaman. Alam ko na sa edad na yan,dapat ay nagrerelax relax nalang kayo za bahay. Pero hindi niyo magawa dahil wala kayong mga anak na maasahan na magsusustento sa inyo sa ngayon. Lahat kasi kami ay saktuhan lang ang pera para sa sarili naming mga pamilya. Ganun pa man kahit nagkukulang kami bilang mga anak niyo,nandiyan parin kayo para suportahan ang iba kung kapatid na naligaw ng landas,(iniwan ng asawa) kayo na ang kanilang sinasandalan maging ang mga apo niyo dito. Kaya naman saludo po ako sa inyo,hindi lang sayo aking mahal na ina kung hindi pati rin kay tatay pero dahil araw mo ito ikaw ang bida sa aking artikulo. Maraming maraming salamat nanay kasi kahit may mga asawa na kami nandiyan kapa rin,kapag kinakapos ako binibigyan mo ko kahit hindi ako humihingi naging sa mga kapatid ko ay ganun ka rin. Kaya super bless kami at ikaw ang naging nanay namin,may kaingayan ka nga lang dati at mabunganga pero now nauunawaan ko na bakit ka nagiging ganun dahil isa narin akong ina. Sana sa araw na ito ay naging masaya ka sa simpleng handa na ginawa ng mga kapatid ko. Syempre wala nanaman ako sa eksina kasi nga may covid pa at natatakot din akong maglalabas,takot hindi para sakin kung hindi para sa mga anak ko. Kaya patawarin mo ko kung wala ako sa eksina ngayon,dama ko naman na nagtatampo ka sakin. Sabi mo nga may kulang dahil wala ako diyan,pero ganun pa man babawi ako sayo pangako yan. Yung matagal mo ng gusto na magkaroon ka,unti unti kong pagiipunan para magkaroon ka. Alam ko na hindi ako perpektong anak dahil kapos pa ko sa finacial at wala pa talagang say kaya ipon ipon lang muna ang peg. Hindi ko kasi kaya yung agad agad eh,hehehe patawad kasi ako yung naging anak mo sana naging mayaman nalang ako,kasi kung naging mayaman ako aba magiging donia at donio kayo ni tatay..๐Ÿ˜๐Ÿ˜Mahal na Mahal ko kayong dalawa ni tatay,kayo yung inspirasyon ko kung bakit ako nagpapakatatag sa buhay may asawa. Kayo yung role model ko,kasi sa kabila ng pito kaming magkakapatid ni isa sa amin wala kayong sinukuan. Wala kayong pinaampon kahit na may gustong umampon sakin nun hindi niyo parin ginawa. Ika niyo nga bakit namin kayo papaampon kaya naman namin kayong buhayin. Mga panahon na maraming nangungutya sa inyo dahil pareho kayong hindi nakatapos ng pagaaral,pero pinilit niyo talagang buhayin ang inyong pitong mga anak kahit mahirap ang buhay. Saludo po ako sa inyong dalawa,at sobrang mahal na mahal ko kayo. Muli happy birthday mudra alam kong hindi niyo ito mababasa pero ganun pa man alam niyo rin naman kung gaano ko kayo kamahal๐Ÿ˜˜Wait niyo lang po gift ko kapag nakaipon na ko promise sususrprise ko rin kayo kagaya ng ginawa ko kay pudra.

@irene

"Intermittent Fasting" This is it pansit ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Paano nga ba ako pumayat na mula sa 80 kilos ay naging 71.6 kilos nalamang ito po kasi anv aking ginawa intermittent fasting,yes opo ako ay nagfasting. Ano ba ang intermittent fasting? Intermittent fasting (IF) is an eating pattern that cycles between periods of fasting and eating. It doesn't specify which foods you should eat but rather when you should eat them. In this respect, it's not a diet in the conventional sense but more accurately described as an eating pattern. How do you do intermittent fasting? There are multiple ways to โ€œdoโ€ an Intermittent Fasting Plan: Fast and feast regularly: Fast for a certain number of hours, then consume all calories within a certain number of hours. Eat normally, then fast 1-2x a week: Consume your normal meals every day, then pick one or two days a week where you fast for 24 hours Ang pattern ko po ay 20:4 meaning po 20 hrs fasting hours and 4 hours feasting time. Sa loob ng 20 oras hindi po ako kakain niyan ng kahit anong solid food tanging water,black coffe at tea ang maari kong intake. Then yung 4Hours time na feasting yan yung fiesta na๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚diyan na ko kakain,sa loob ng 4 na oras kahit anong food pwede mong kainin pero syempre in moderation parin dahil mababalewala yung gaingawa mo kung hindi karin naman madidisiplina sa pagkain. Pero syempre bago po ako nag 20:4 nagstart ako sa 16:8 kung saan yung 16 hours fasting ang 8 hours feasting. Yan po talaga ang advice ng mga dalubhasa kung aggawin mo ang intermittent fasting pero dahil sa kagustuhan kong mabilis pumayat nag go na ko sa 20:4 para balik alindog agad..๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ Then nagstart na ko magwork out,nanonood ako ng mga video patungkol sa mga work out. At dahil yung tiyan ko talaga yung malaki nagfocus ako sa belly ko,kaya puro mga pangtanggal ng bellyfat ang ginagawa ko. Kaya sa nga nais po na gumawa ng intermittent fasting doon muna kayo sa kaya ng katawan niyo,huwag niyo pong bibiglain at baka imbis na sumeksi kayo eh hospital ang abot niyo. Sa una mahirap talaga,pero kung makikuta mo na yung result ng pinaghirapan mo mawawala ang pagod at gutom mo.๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Hindi ko muna ipapakita ang body shape ko kasi masyadong mataba pa haha,dahil nga nanay na ko at dalawa na ang nailagay sa tummy ko kaya medyo lumubo talaga ang aking tiyan. Tsaka wala talaga akong disiplina noon sa pagkain at napabayaan ang aking sarili. Pero ngayon mamahalin ko na siya at iingatan kasi wala namang magmamahal sayo ng 100% kung hindi sarili mo lamang at hindi ka rin naman mamahalin ng iba kung hindi mo mamahalin ang sarili mo. then after niyan no solid food na puro water or tea na ang intake ko. Hindi pa ko nakakapagtimbang mula nung huli pero sana may nagbago na ulit sa aking timbang update ko kayo para ganahan din kayong magbalik alindog bago matapos ang 2020. Be healthy and sexy..๐Ÿ˜‰๐Ÿ˜ŠโœŒ๏ธ

@irene

"How could a mother kill her own children's?" Nakakalungkot na article ito para sakin,dahil ako ay isa ring ina. Kaya naman naintriga nanaman ako sa video na ito,Paano nga ba magagawa ng isang Ina na kitlin ang sarili niyang mga anak?. Hindi pa man ako nakakaget over sa American Murder Family ito nanaman.๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ขnakakalungkot isipin na may mga magulang na magagawa ito sa sarili nilang mga dugo at laman. Itong artikulo na ito ay matagal na at napanood ko lang siya ngayon ngayon lang,sa mga gusto rin mapanood ito nandiyan sa baba ang link para mapanood niyo rin po. https://www.facebook.com/109053594066601/posts/153480936290533/ Ang pangalan ng ina ay Susan Smith nakatira sa caloriana U.S.A ,may dalawang anak. Isang 3 yeras old at isang 16 months old,nakakaawa ang sinapit ng mga bata sa sarili nilang ina. Bago ang lahat itong si Susan Smith ay hindi lumaki sa isang maayos na pamilya,ang ama nito ay nagpakamatay at ang ina naman ay nagasawa ng iba. At yung naging asawa ng ina niya ay lagi siyang minumulestiya. Ano ba ang molestiya? Molestiya o Molestia Ito ay paghawak sa ibat ibang bahagi ng katawan ng isang tao ng isa pang tao. Kung baga hinihipuan ka sa masisilang parte ng katawan mo. Si Susan din ay naging suicidal ng makailang ulit. Suicidal? Ito ay pagtangkang pagkitil ng sarili mong buhay. Pano ba ito nangyayari sa isang tao? Isa sa dahilan nito ay depression. What is a simple definition of depression? Depression is a mood disorder that causes a persistent feeling of sadness and loss of interest. Also called major depressive disorder or clinical depression, it affects how you feel, think and behave and can lead to a variety of emotional and physical problems. Si Susan ay naranasan ito sa puder ng kanyang step father,kung kaya't sa maagang edad palang ay nakapagasawa narin ito. Biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki,ngunit hindi rin naging maganda ang pagsasama nila ng kanyang asawa kaya naman nauwi rin sa hiwalayan. Kaya nung siya ay nakapagtrabaho meron siyang nakilalang lalaki,ito ay anak ng may ari ng kompanyang kanyang pinapasukan. Ngunit kalaunan ay nakipaghiwalay din ito sa kanya,ang dahilan ng lalaki ay ayaw niya sa dalawang anak ni Susan? Kaya siguro naisip ni Susan na gawin iyon sa kanyang mga anak,sa sobrang pagnanais niya na makipagbalikan sa kanyan karelasiyon yun ang naisip niyang paraan. Bagama't sinabi rin niya na gusto niya rin magpakamatay yun nga lang biglang nagbago ang kanyang isip ngunit huli na ang lahat,. Sa mga Ina na katulad ko ang tanging masasabi ko lang sa inyo. Iwan man kayo ng mga asawa niyo,magiging okay parin kayo as long as nasa tabi niyo ang mga anak niyo. Ang asawa ay madaling palitan,ngunit ang mga anak kailan man hinding hindi mo mapapalitan yan. Dugo at laman mo yan,kaya huwag na huwag niyong iisipin na gawan ng masama ang mga anak niyo!!. Huwag kayong gagaya kay Susan Smith na inunan ang sariling kaligayahan bago ang mga anak. Ngunit bigo siya ay nahantungan ang dapat niyang kahantungan.Kawawa naman ang mga batang walang kamuang muang na nadamay sa kanyang pangarap.Wala ng mas importanteng tao na tunay na magmamahal sayo kung hindi ang sarili mong dugo at laman. Hanggang dito nalamang ang aking artikulo,lagi niyong iisipin na walang matinding problema ang hindi kayang lagpasan basta magdasal ka lamang๐Ÿ™Walang imposible sa Panginoon.. Amen

@irene

"Umpisa ng Klase as New Normal" October 5 2020 nagsimula na ang paunang klase para sa taong ito,sa kabila ng pandemia na kinakaharap ng buong mundo. Pero sabi nga nila Ang Edukasyon ay mahalaga,dahil ang Edukasyon lamang ang tanging kayamanan na kailanman ay hinding hindi maagaw ng sino man mula sayo.Kapag meron ka nito mas malawak at mas malayo ang mararating mo,kaya kahit na may kinakaharap na pagsubok ang buong bansa o ang Pilipinas tuloy ang klase. Pero hindi ito yung klase na nakasanayan na natin lahat,ito ay kakaiba at talaga naman mapapanganga ka. Bakit? kasi dito sa new normal back to school ay mga magulang na ang susubaybay sa pagkatuto ng kani kanilang mga anak. Tama mga magulang na bale ang magiging teacher o guro ng sarisarili nilang mga anak. Paano kung may trabaho ang nanay at magisa ang bata? No choice ang bata kung hindi matuto ng sarili niya or pumunta sa kakilala niya hal. ( tito,tita,lolo at lola kung kaya pang magturo) Paano kung hindi nakapagaral ang nanay at walang alam sa pagtuturo? Kailangan humingi ng tulong ang ina hanggat maari ay mag online class ang pilian na kung saan tuturuan parin ito ng gusro sa pamamagitan ng communication gamit ang cellphone,laptop or mga gadget na meron ka and wifi also. Ano ba ang online class at modular? Online class Kung saan gagamit kayo ng gadget at stable intertnet para makaroon ng communication sa guro sa kabilang linya. Kaya dapat stable at maayos ang connection ng wifi or data sa bahay. Para hindi maiinterrupt ang pagtuturo ng guro at makakasunod ang bata sa aralin sa araw na yun. Modular Distancing learning Ito naman ay gagamit kayo ng module,nandun lahat ng aralin na kailangan aralin ng iyong anak. Ngunit kailangan ng guide ng magulang para masiguradong tama at wasto ang kanyang matutunan. Kaya para sa taong ito ay malaking hamon para sa magulang maging sa mga guro ang kalse ng pagtuturo na ito. Isa na ko sa magulang na yun, although nakatungtong ako ng college at may alam kahit papano,paano ko malalaman kung natututo yung anak ko?Isa talaga itong hamon para sa mga ina na katulad ko,lalo na kung hindi makikinig sayo ang anak mo at pipilosopihin kapa .๐Ÿ™„๐ŸคฆAlam ko na hindi rin ito gusto ng mga guro dahil mas okay talaga na kasama mo ang tinuturuan mo lalo na kung ang dami nila. Sa oublic school nasa 50 plus ang mga studyante tapos hindi mo mahandle tanging sa module activity nalang talaga sila magbase ng grade. Na kung tutuusin pwedeng magulang ang magsagot para hindi na sila mahirapan pa๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚hays Goodluck talaga para sa ngayong taon. Pangilan ba ang Pilipinas sa Education Ranking sa Buong mundo. ranked 46th in the first edition of the QS Higher Education System Strength Rankings. How bad is the education system in the Philippines? The Philippines ranks as the 25 th in the list of countries with the worst education system. Our government uses only 2.7% of the country's GDPwhich is, at an estimate, eight from 304 billion pesos which is not enough to sustain an effective education system. Which country is #1 in education? Canada Number 1: Canada. This country tops the list as the most educated in the world, with 56.27 percent of adults having earned some kind of higher education. Kaya Goodluck sana ay hindi bumaba sa 46 rank ang Pilipinas dahil sa sitwasyon ngayon. Laban Pilipanas..๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช Always be safe alalahanin natin na hindi pa tapos ang Covid19 kaya sundin ang mga payo ng mga doctor at panatilihin ang safety protocol.๐Ÿ–๏ธ

@irene

"Crazy Mind" Minsan ba ay nagkakaroon kayo ng mala baliw na pagiisip? naransan niyo naba ito? yung tipong sa isip niyo kaya niyo ng pumatay ng tao? kaya niyo rin manakit pero sa isip niyo lang? yung tipong naiisip niyo narin magpakamatay? Ako kasi oo, hindi naman ako ganito noon pero iba pala talaga kapag nagkaasawa kana. Yung ikaw na nagiisip ng lahat ng gagawin at mga kailangan,lalo na pagdating sa mga anak. Pakiramdam ko nagiisa lang akong nagaalaga at nagaasikaso sa lahat ng gawaing bahay which is yun naman talaga ang nangyayari. Yung ama kasi ng mga anak ko,trabaho lang ang ginagawa take note hindi po mabigat ang trabaho niya. Na kung gusto niya ay pwedeng pwede niya naman akong tulungan,peeo sa tingin ko ay ayaw niyang gawin. Ang hirap kapag ikaw lang ng ikaw ang gumagawa ng lahat,nakapisan pa kami sa pamilya niya. Wala pa kaming sariling bahay,kaya kailangan talagang makisama ka. Kahit na nga isang linggo lang ang nakakalipas noon nung mananak ako sa bunso ko kumikilos na ko,naglalaba,nagluluto at lumalabas na ko ng bahay kahit umulan para lang bumili ng kakainin namin. Na kung tutuusin ay hindi pa dapat dahil baka mabinat ako,pero sa awa ng diyos hindi niya kami pinapabayaan lalo na ko nung mga panahon na yun. Ngayon ganun parin,kaya naiisip ko ng iwanan na sila at lumayas nalang dito,at umuwi na samin ( bahay ng magulang ko) Napapagod na kasi ako yung tipong hindi niya ko maintindihan na tao lang din naman ako may kapaguran din. Ganito kasi yun nagtalo kami sa isang bagay na gamit naman ng anak namin. Nakalimutan konkasing itapon at naiwan sa loob ng C.R pero hindi naman intensyon na kalimutan yun. Twice na kaming nagtalo ng dahil doon pero ito nabtalaga yung tipong suko na ko. Nasabi ko sa sarili ko talaga na suko na ko.! Habang nagprepare ako ng makakain namin,sinesermunan niya ko na ito nanaman daw ako iniwan ko annaman ang pinaggamitan ng anak namin sa C.R napaka baboy daw ng ganung paguugali. Syempre ako hindi naman ako pumayag at nagpantig yung tenga ko sa salitangsinabi niya kaya sumagot ako.! Maayos ang pagkakalagay ko nun sa C.R hindi nakatiwang wang,balak ko talagang balikan yun pero dahil sa kailangan ko ng magluto kaya nakalimutan ko pero hindi ko sinasadyang makalimutan yun,talagang may mga abagay akong nakakalimutan. Siguro dahil narin sa gamit kong contraceptive kaya nagiging malilimutin ako. Simula nun lagi ng magulo utak ko,gusto ko na siyang layasan kaso pano mga anak ko. Ayoko naman na maiwan sila kasama yung papa nila na sa tingin ko ay hindi rin niya kayang alagaan. Minsan naman naiisip ko magpakamatay nalang dahil sa hirap ng kalooban na nararamadaman ko,hirap na nga yung pisikal ko pati emosyonal hirap narin. Kaya ito sa tibgin ko nababaliw na ko,may times na nasasaktan ko na nga yung anak kong panganay pero kapag nagyayari yun parang gusto ko ng magpakamatay dahil wala akong silbing ina tapos sinasaktan ko pa anak ko. Ang hirap ang gulo ng utak ko,ang dami kong naiisip na mga bagay. Feeling ko masisiraan na ko ng ulo..๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข May times na kinakausap ko na nga ang sarili ko,minsan naman bigla nalang akong tatawa tapos ang bilis kong magalit. Wala rin akong mapagsabihan ng mga sama ng loob ko kasi alam ko huhusgahan ka ng tao. Minsan napapaiyak nalang ako at tutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Ang hirap minsan naiisip ko sana bata nalang ulit ako atbumalik ako sa panahon kung saan masaya lang akong naglalaro at walang iniisip na mga problema. Ang hirap pala maging matanda,nung bata ako gusto kong tumanda para magawa ko yung mga ginagawa nila. Yun pala ang hirap maging matanda,kailangan lahat ng problema na darating sayo kaya mong lagpasan. Minsan din napapatanong ako kay Lord bakit ganito nangyayari sakin,?pero minsan ako din sumasagot. sinasabi ko na yan kasi nagaaral ka inuna pa lumandi kala mo masarap๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ฅpuro hirap lang pala. Oo masarap kapg may anak ka,sila yung magiging happiness at stress mo rin minsan pero grabe din ang saya mararamdaman kapag nakikita mong masaya at malulusog ang mga anak mo. Pero yung magkaroon ka ng partner na makasarili yun ang napakahirap,yung tipong nakikita niya lang yung ginagawa niya pero hindi yubg ginagawa mo. Akala niya kasi porket nasa bahay lang ako wala na kong ginagawa,hindi ako nagtatrabaho. Pero mas grabe pa nga yung mga trabaho ko kesa sa kanya. Akala mo ang laki ng perang binibigay pero sa pagkain lang naman napupunta lahat,wala naman akong napapala sa sarili ko. Kaya nga napapabayaan ko na sarili ko,my times na gusto kong magdiet pero hindi ko magawa kasi nanghibinayang ako sa natitirang pagkain baka masayang lang buti kung may refrigerator eh wala naman. Kaya minsan naiisip ko sana magpalit kami ng katauhan eh,ng malaman niya hirap na ginagawa ko. Hanggang ngayon hindi ko talaga siya kinikibo,at buo na talaga sa isip ko na layasan siya at isama yung mga bata. Kaso may covid19 pa ngayon kaya hanggang kaya pa ng utak ko at ng isip ko makisama sa kanya gagawin ko. Sana lang hindi ako magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang mga naiisip ko. Ayoko din naman iwanan mga anak ko,dahil kahit napapalo ko man sila at napapagalitan mahal na mahal ko ang mga anak ko. No to bash po sana,and sana ay walang lumabas nito dahil dito lang ako nakakapaglabas ng mga sama ng loob ko. Ilang araw narin kasi nangyari yung pagattalo na yun at hanggang ngayon hindi ako okay kaya sinulat ko nalang siya para naman kahit papano maibsan yung lungkot at kabaliwan ng utak ko. Salamat readcash kasi ng dahil sayo nagkaroon ako ng kaibigan na masasabihan ng problema at sama ng loob kahit papano sa pamamagitan ng pagsusulat nalalabas ko yung emotion ko na tinatago ko sa iba. Pangiti ngiti lang ako pero malungkot ako sa loob,patawa tawa ako pero umiiyak pala ang kalooban ko. Minsan naiisp ko baka may bi polar na ko,kasi ang bilis magbago ng moods ko. At sobrang hindi na tama yung mga nasa isip ko,kaya sana walang mangbash sa halip ay ihug at comfort po ang kailangan ko. Maraming salamat..!!!

@irene

"American Murder Family" Sa palagay ko alam niyo na yan,pero syempre dahil wala akong topic siya ang itotopic ko. Number one siya sa Netflix ngayon na talagang pinanonod ng nakakarami. Bakit kaya? kasi ito lang naman ay isang tungkol sa isang pamilya na kung saan ay yung padre de pamilya mismo ang pumatay. You hear it right,mismong tatay ang pumaslang sa apat na miyembro ng pamilya niya kasama ang batang nasa sinapupunan ng kanyang asawa na papangalanan sana na nico. Pero hindi na niya masisilayan ang mundo,dahil sa sakim na pagiisip ng kanyang sariling ama. Marahil kaya siya naginv number one kasi naintriga silang lahat,matagal ko narin kasing napanood ito at talagang sinubaybayan ko ang mga pangyayari. Para sa isang katulad ko na pamilyadong tao narin kaya naman yung mga ganitong pangyayari o mga palabas ay talagang hindi ko pinalalagpas. Kaya naman ikwekwento ko na sa inyo,ang mga ilang nalalaman ko about sa istorya na ito. Sorry talaga wala kasi akong maitocpic kaya naman ito ang napili kong artikulo โœŒ๏ธโœŒ๏ธ peace po sa mga gustong mateaser ng palabas na ito. American Murder Family Ang name ng family na ito ay Watts Family,nakatira sila sa Colorado U.S.A..May dalawa silang anak sina Bella Watts at Cece Watts,by the way magiging tatlo na sana kasi pinagbubuntis ni Shannan Watts ang ikatlo nilang anak na papangalanan sanang Nico Watts. Maligaya naman ang kanilang pagsasama bago nangyari ang krimen. Ikinukwento ni Shannan kung paano dumating sa buhay niya si Chris Watts, at bless daw siya sa pagdating nito sa kanyang buhay. Batid din ni Chris na may sakit si Shannan na Lupus kaya naman doon palang ay talaga naman bless siya kasi tanggap siya nito. Ano ba ang lupus? Lupus is a systemic autoimmune disease that occurs when your body's immune system attacks your own tissues and organs. Inflammation caused by lupus can affect many different body systems including your joints, skin, kidneys, blood cells, brain, heart and lungs. How serious is lupus? In severe cases, organs damage and failure can occur. Over 90 percent of people with lupus are women between the ages of 15 and 45. Historically, lupus caused people to die young, primarily from kidney failure. Today, with careful treatment, 80 to 90 percent of people with lupus can expect to live a normal lifespan. Ikinisal sila noong 2012 if I'm not mistaken,Sa kinasal na nangyari wala doon ang pamilya ng lalaki. Bakit nanaman? Kasi base sa mga ito at sa panayam kay Chris, ayaw daw ng mga ito kay Shannan dahil ilalayo nito si Chris sa kanila. Para sakin kung ako yun napakasakit diba,,?ikakasal sa lalaking mahal mo pero againts yung parents niya,what the heck๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ก Balik tayo sa kwento so ayun na nga nagbunga ang kanilang pagsasama,sina Bella Watts ang panganay at Cece Watts ang bunso. Si Shannan ay isa rin vlogger sa tingin ko kasi naman lahat ng pangayyari sa life nila o mga gingawa niya pinopost at kinukunan niya ng video which is siguro para narin sa memories nila. Nagpopost siya sa Social Media kaya naman talagang kilala din ito doon. Base sa mga video masaya at talagang namang masasabing husband material talaga si Chris. Hindi mo aakalain na magagawa niya sa pamilya niya ang ganung klaseng karahasan. Demonyo o Monster lang makakagawa nun. Bakit nga ba humantong sa ganun? Si Chris Watts ay meron palang Girlfriend ang name is Nickol. Si Nickol ay katrabaho nito at kaibigan daw noong una hanggang sa nagkadevelopan. Habang nagbabakasyon pala sila Shannan kasama ang kanilang anak sa North America ng ilang linggo,may iba na palang tinatrabaho si Chris nv mga panahon na yun. Or maybe hindi lang ng mga panahon na wala sila Shannan. Nagbakasyon pala sila sa magulang ni Chris. Yun nga lang something happen na ikinagalit ni Shannan sa in laws dahil pinakain si Cece ng Ice cream which is may allergy pala ang bata. Sa galit ni Shannan nagtalo sila ng kanyang inlaws at sinabi niya ito kay Chris peeo itong si Chrsi ay hindi pala nasasabi na may allergy si Cece sa Ice cream na dapat naman bilang magulang ay alam mo at dapat sabihin mo rin sa angkan mo upang maiwasan ang pagtatalo tama diba.? Kaya umalis sila Shannan dun at dun nalang pumanta sa pamilya niya sa North America parin.Bawat pangayayri ay may video,ultimo yung pagsunod ni Chris sa kanila nung last of july 2018. Ngunit batid narin ni Shannan na may pagbabago na kay Chris! pero laging sinasabi ni Chris na wala yun ayos lang. Pero syempre ang nga babae malakas talaga ang instinct niyan,(kutob) at lahat naman ng kutob kadalasan ay totoo lalo na kung talagang may makikita kang kakaiba na hindi naman niya ginagawa noon. Biruin niyo ah, limang linggong hindi sila nagkitang magasawa at walang ano(alam niyo na yun) pero that night wala talaga as in naligo na nga si Shannan na alam naman daw ni Chris ano ibigsabihin nun pero walang ganap Teh.. Syempre para sa mga babae masakit yun,at talaga naman kukutuban ka nun lalo na kung hindi naman ugali ng asawa mo na hindi ka sipingan diba.? Kaya naisip talaga ni Shannan na may kakaiba kasi hindi ganun si Chris, at napapaiyak nalang siya sa isang sulok sa mga pangyayari an yun. Lahat ng yan ay aniksekwento niya sa kanyang Best friend na siya rin ang dahilan kung bakit agaran na nabalita ang pagkawala ng magiina. Past forward na tayo Galing si Shannan Watts sa isang training kasama ang kanyang Best friend,hinatid pa siya nito bangdang 1 am in the morning not exactly nakalimutan ko yung exact time basta 1am yun noong Aug. 13 2018. Nang araw na yun pala at ng mga oras narin na yun ang huling pagsasama ng magkaibigan. Panay text ng best friend ni Shannan sa kanya pero walang message back man lang kaya naman nagaalala na siya para sa kaibagan na may appointment that time sa doctor ng 9am kaya naman agad tumawag ng tulong ang kaibigan sa mga pulis. Ngunit dahil wala ngang consent ng may ari sinabihan niya ang kaibagan ni Shanan na huwag pwersahin buksan ang bahay at hintayin nalamang ang kanilang pagdating. So ayun na nga dumating na ang mga pulis,at kinatok ng makaialang ulit ang bahay ngunit walang sign na may tao doon. Kaya naman tinawagan narin nila si Chris Watts para mabukasan ang pinto. Habang nagsesearch sila sa bahay wala naman something different nangyari walang sign of na may pumasok at nanggulo doon dahil ang linis at nakaayos ang mga gamit sa bahay.Nandun din ang mga personal na gamit ni Shanan,cellphone bag at yunv gamot nito ang tanging nawawala ay yung blanket ng mga bata. Lalong kinabahan ang kaibigan ni Shannan dahil hindi naman daw ganun ang ugali ni Shanan na basta basta nalang aalis na walang sinasabihan at iiwanan pa yung gamot niya. Tiannong din ng mga pulis si Chris ngunit ang sabi lang nito ay umalis raw siya ng umaga para pumunta sa trabhao at iniwanan niya ang magiina sa bahay kaya wala daw siyang idea kung saan pupunta o kung nasaan man ang mga ito. Ngunit sabi nga nila walang sikreto ang hindi nabubunyag. Sa kabilang kapitbahay nakunan ng kanilang CCTV ang isang sasakyan,sasakyan pala ito ni Chris. Nang sa mga panahon na yun ay sinsabi niya na niallagay daw niya yung mga gamit niya sa trabaho niya,yun pala sina Shanan at yung dalawang anak niya na pala ang nakasakay doon. Habang pinapanood niya ito,balisa na siya na naging dahilan para maghinala ang kanyang kapitbahay. Lalo na nung umalis siya na paika ika ang lakad. Sabi ng kapitbahay sa mga pulis kakaiba nga daw ang kinikilos ni Chris at muling ipinanood ang CCTV sa mga ito na kung saan wala silang nakita na naglagay nga ng gamit si Chris sa likod ng truck. Huli!!๐Ÿ™„๐Ÿ™„ Kaya naman base sa sinabi ng kapitbahay ay inanyayahan si Chris Watts na sumailalim sa Lie detector test para malaman kung nagsasabi nga ba siya ng totoo. At Boom nasiwalat na nga na hindi dahil bumagsak siya test. Kaya naman muli siyang kinausap ng imbestigador kung nasaan ang magiina. Ngunit panay parin siya palusot na hindi niya daw alam blahblah.... Pero sa huli siguro ay nakonsensiya na siya kaya naman pinatawag niya ang kanyang ama si Ronnie Watts kung saan dito siya nagsabi ng mga nangyari. Ang sabi niya napatay niya si Shannan dahil pinatay daw ni Shannan ang kanilang mga anak kaya nagawa niya rin ito sa asawa which is alam naman niya na buntis. (double kill) kawawa naman si Nico Watts๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ข Nung umamin na siya,tsaka naman tinanong ng mga nagiimbistiga kung nasaan ang katawan ng mga ito. At yun nga ang dalawang bata ay inilagay niya sa tank oil at si Shannan ay inilibing niya malapit din sa site kung saan siya nagtatrabaho. Dahil sa pahayag ni Chris na si Shannan ang pumatay sa mga bata,kaya naman ang mga tao na nakakapanood ng post niya ay masama ang turing na sa kanya bilang isang ina,maging ang pamilya ni Shannan ay iniintriga na ng mga ito. Kaya naman nagpainteview ang ama ni Shannan at tigilan na sana sila at asikasuhin nalang ang mga sarili nilang buhay. Ngunit may mga tao parin na nanniniwala kay Shannan isa na yung best Friend niya. Alam niya na hindi magagawa ito ni Shannan sa mga bata dahil sobra niyang mahal ang mga ito. Kaya sa muling pagiimbistiga sumambulat ang kagimbal gimbal na nangyari sa dalawang bata. *Ang tunay na pangyayari ng araw na yun. Nang madaling araw na iyun paguwi ni Shannan galing sa training,may nangyari sa kanilang dalawa syempre magasawa sila kaya natural lang pero dun narin sinabi ni Chris na gusto na niya ng divorce kaya naman nagtalo sila. Ang gulo diba? may nangyari tapos biglang makikipaghiwalay,syempre ayaw pumayag ni Shanan kaya naman sinabihan niya si Chris na hindi na nito makikita ang dalawang bata. Kaya the next happen is yun na nasakal niya si Shannan at saktobg pumunta si Bella,tinanong pa niya ang ama kung ano daw nangyari sa mommy niya? kung okay lang ba ito. Ang sumunod na nangyari ay sinakay na ni Chris sina Bella Watts Cece Watts at Shannan Watts sa kanyang sasakyan kung saan nagtanong ulit ang bata kung okay lang daw ba ang mommy niya? ang sagot ulit ni Chris mommy is gonna be okay!. Nung nandun na sila sa site tsaka niya ginawa ang hindi mo maiimagine na magagawa ng isang tunay na ama sa kanyang anak. Inuna niya si Cece tinakluban niya ito ng blanket sa ulo at yun na, nakita ito ni bella kaya nagtanong siya kung yung nangyari kay cece ay gagawin din ba sa kanya? kaya naman sabi niya daddy no hanggang sa wala na..hinulog na sila sa loob ng isang tangke ng langis. May nagsasabi na buhay pa raw yung mga bata nubg hinagis siguro oo pero pwede ring hindi dahil kapag ang bata ay sinaluban mo ng blanket tapos talagang yung tipong hindi na sila makakahinga malamang patay na yun,plus hinagis pa sa tangke ng langis. Napaka walang puso ng gagawa nun. Nalaman din ng pulis na kinausap na pala ni Chris ang school ng mga bata na hindi na sila mageenrol pati naghanap na siya ng bibili ng bahay. Kaya masasabing talagang planado ni Chris ang gagawin,gusto niya ng bagong buhay kasama ang kanyang new girlfriend at para masakatuparan ito kailangan mawala ang kanyang old life which is yung magiina niya. Naging sikat ito sa America at takagang pinaguusapan,dahil sa kagimbal gimbal na ginawa ng isang padre de pamilya sa sarili niyang pamilya. Sa ngayon ay nakakulong na si Chris Watts at pinagbabayaran ang kanyang ginawa sa kanyang magiina nag panghabang buhag na pagkakakulong( life imprisonment) Tama lang yun kung ako nga baka bitay pa pinataw kung parusa, kakaloka sana dinivorce niya nalang at hindi niya ginawa yun dinamay pa niya yung mga batang walang kamuang muang. At kahit na wala ka nang nararamadaman na (spark)sa pagsasama niyong magasawa wala kang karapatan para kitlin ang buhay nito. Nasasabi lang naman ng mga tao ang wala ng spark sa isang relasyon kapag may iba na silang nilalandi or may kalandian na sila.. Para sakin hindi deserve sa magiina ang nangyari sa kanila,nakakalungkot kasi may mga batang nadamay maging yung batang nasa sinapupunan niya.๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ฅ Kayo anong reaction niyo dito?Comment down below especially yung mga pamilyadong tao katulad ko? Dapat bang Life imprisonment lang ang pinataw sa kanya? Diba dapat kapag buahy ang inutang buhay din ang kapalit?

@irene

"Blue Rock Lagoon" Hanap mo ba ay refreshing na lugar? kung saan gagaan ang iyong pakiramdam. Nature lover kaba? at mahilig magexplore? Ngayon panahon ng pandemic lahat tayo ay stress at nangangailangan magunwind paminsan minsan. Kaya tara na samahan niyo ko sa Bayan ng Rodriguez Montalban Rizal kung saan makakasama natin si inang kalikasan sa pagrerelax. Pero dahil pandemic nga need mo magpakita ng medical certificate na nagsasabibg ikaw ay healthy at hindi makakapagdala ng problema sa lugar. Need din ng valod ID ng iyong pagkakakilanlan para kung sakali man may makalusot alam niyo na๐Ÿ˜๐Ÿ˜madali ka lang makokontak๐Ÿ˜‰. 15 pesos lamang ang adult at 5 pesos ang kid's oh diba ang mura๐Ÿ˜๐Ÿ˜.Sa cottage naman 150 to 200 lang kasiya na buong pamilya mo.๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Tandaan ang lugar ay napaka ganda,napakalinis ng tubig kaya naman pinapaalalahanan na bawat pagkain o dalahin na inyong dala,ay sana kasama niyo rin dadalhin sa inyong paguwi. Upang mapanatili ang ganda at kalinisan ng lugar. Kaya tara na at mamasyal sa Blue Rock lagoon dito sa bayang aking sinilangan. Upang makarating dito kung saan ka man,tandaan lamang ang sasakyan o jeep na papunta sa Montalban,then baba sa may total or kahit sabihin sa driver na pa san isidro alam na nila yun..๐Ÿ˜๐Ÿ˜then kapag nakarating na sa san isidro kung san siya nakalocate pwede kang mag tricycle or pwede mo din lakarin para mafeel mo si inang kalikasan.๐Ÿ˜๐Ÿ‘ nakapagexcercise kana,natuwa kapa sa magandang tanawin na madadaanan mo. Hanggang dito nalang muna,๐Ÿ–๏ธ๐Ÿ–๏ธ Salamat sa pagbabasa..

+4 more

@irene

Giving up it doesn't mean you are weak.!๐Ÿ’” Sometimes you need to give up, to make you stronger.!๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช

@irene

Ang dami kong naiisip isulat,pero kapag handa na ko isulat nawawala na lahat ng topic ko. what the heck kaasar๐Ÿ™„ imbis na magakakarticle para may chance na matip an waley..๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ฅSino kagaya ko dito??

@irene

Nung nagwork ako sa isang fastfood chain noon may nasabi pala akong hindi nagustuhan ng customer na para sakin is okay lang pero iba pala meaning nun sa kanya. Nireport niya ko that time although hindi naman naka apekto sa pagwowork ko nun dun dahil alam din naman ng manager ko na wala naman masama sa sinabi ko,pero pinagsabihan niya parin ako that time na huwag ko na daw uulitin. Sinabihan ko siya nun na "wow ang sarap niyo kumain sir" nakailang unli rice kasi siya nun kala niya tinutuya ko siya. Pero hindi naman yun ang ibig kong kahuligan dun. Kaya huwag basta basta magbibitiw ng salita dahil hindi niyo namamalayan nakakagawa na pala kayo ng mali sa iba.

@irene

Misunderstanding leads for more problem.! all korean drama I've watched,i noticed that all the difficulties that the lead actor/actress their,are came from misunderstanding or miscommunication. Kaya mas mabuting makinig at magkaroon ng communication sa isat isa para maiwasan ito. Hindi lang naman sa korean drama or sa ibang teledrama ito makikita maging sa tunay na buhay. ๐Ÿ’ชBye na muna wala pa kong maisip na ibang isusulat eh๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚nood lang ako ng Korean drama๐Ÿ–๏ธ๐Ÿ–๏ธ

@irene

Sali naman kayo sa make your own story community sa ngayon kasi ako palang naka join..๐Ÿ™๐Ÿ™Gustuhkn ko man na dun na maglagay kaso ako lang din makakabasa..hahaha Pwede po kayo gumawa ng sarili nuyong story dun malay niyo may director tayong kasali dito maging teleserye ang gagawin niyo..๐Ÿ˜Š Sali na po!. "Make your own story community"

@irene

"80kg noon 71.6 kg na ngayon" Natutuwa ako sa kinalabasan ng paghihirap ko nitong nagdaang linggo. Kala ko hindi ko magagawa na pababain ulit yung timbang ko,pero naging success siya. Sa totoo lang talaga kung hindi pa ko sabihan ng ang laki mo,ang bigat mo naku hindi nanaman sasagi sa isip ko ang magbawas ng timbang. Bago maglockdown nasa 68kg nalang talaga ako kasi nagdiet talaga ako nun. Dahil narin sa asaran na ang laki laki ko na,totoo naman malaki din kasi akong babae. Kaso nung naglockdown ayun sige ang kain ko nanaman hanggang nung pumunta ako sa center dito malapit samin para magpainject,syempre bago ka turukan icheck muna yung timbang at blood pressure mo. So ayun na nga naging 80kg ako sinabihan nanaman ako nung staff sa center na ay ang bigat ko raw. ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜… Kaya nahiya nanaman ako sa sarili ko nun after nun sabi ko magdiet ulit ako kasi hindi pwede na ganun nanaman timbang ko. Pero nito lang ako nakapagbawas ng timbang, yung dalawang linggo kong pinaghirapan yun ang naging dahilan para bumababa ulit ang aking timbang. Kaya nung pagpunta ko sa center ulit nitong miyerkules para magpainject ulit,nagulat yung staff ng center ang laki daw ng binababa ng timbang ko.๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜… So si ako proud naman ako kasi nagawa ko nanaman,kaya ngayon yung goal ko na pababain pa yubg timbang ko na maging 55kg nalang which is normal weight ko dapat dahil 5'5" ang height ko. Super happy ako sa kinalabasan,huwag niyo ng tanungin kong ano po ginawa ko kasi isusulat ko po yun dito..hahha para naman may maisulat ulit ako. Sa mga matataba na katulad ko kung nakaya ko,kaya niyo rin yan. Gawin niyong motivation yung mga masasakit na naririnig niyo. At ipakita niyo na kaya niyo rin pumayat!. Kung nung mataba ka maganda ka ano pa kapag sumeksi ka๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚just kidding.. Bye bye na po๐Ÿ–๏ธsa next article ko nalang ilalagay mga ginawa ko para maachieve ko yung 9kg na bawas in just two weeks..๐Ÿ˜ฒ๐Ÿ˜Š

@irene

Watching Raffy Tulfo in Action.. Kapag talaga kay raffy ka lumapit action agad,lalo na kung mahirap ka tapos lumapit ka kay sir raffy naku ang bilis ng aksyon walang ano2 talaga. Plus siya pa gagastos ng mga kailangan asikasuhin,kaya hindi ako nagskip ng ads niya eh..nakakabelib talaga.!

@irene

Alam niyo na siguro ang balita.! No more points na sa mga article,ang mangyayari ay tip system na kung saan automated robot na mula kay read.cash ang magbibigay sa mga article or short article na gagawin natin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa balita na to kasi sa totoo lang madalang lang ako tumambay sa site na ito,sa kadahilanang hirap ako kjng anong article ang gagawin ko!. Pero sa kabilang banda ay okay narin kasi magiging fair naman siguro siya sa pagbibigay ng tips,at makikita talaga yung mga article na maganda. Sana lang huwag siyang magbase sa views bagkus talagang sa article siya magbase ng pagbibigay. At sana rin kahit tagalog na article ay mabigyan niya rin ng tips,mahirap gumawa ng article lalo na kubg pure english. Wala ng magrereklamo kung bakit walang points na nakukuha,Maging mabait sana ang robot sa lahat..

@irene

"My 3months in Readcash" Sa totoo lang hindi ko gaanong dama ang pagiging member ko sa readcash,siguro marahil ay bibihira lang ako dito. Nung nakaraan naencourage talaga ako na paghusayan ko ang pagsusulat pero kahit anong gawin ko nandun talaga yung mawawalan ka ng gana,kasi wala namang pumapansin sa mga gawa mo. Ultimo si readcash parang hindi ka maapreciate ๐Ÿ˜ฅ ang sad. Pero marami rin akong natutunan kahit saglit saglit lang ako dito. nandiyan yung gumawa ng logo,power director para mas maging maganda ang gingawa ko. Ngunig hindi talaga maiiwasan na maglay low ulit kasi parang walang nangyayari. Sa tagal ki na dito 45 subcriber palang ang meron ako,Salamat sa inyo๐Ÿ˜Š๐Ÿ™ kasi nagtiyatiyaga kayo sa mga article ko.! Kumita din naman ako kahit papano dito hindi nga labg sin laki ng kita bg iba. Pero happy ako kay readcash kasi kumikita ako at d same time nakakapagsulat ako ng mga gusto kong sulat at nagkakaron ako ng mga bagong kaibigan. I'll try na gumawa at mawala ang pagiging kawalan ng pagasa,kapag laging 0 points ako laging spam at kung ano2 pa..๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… Sana hindj masayang ang effort ko readcash at kahit papano ay bigyan mo ko nv pojnts dito. Dati kasi basta mahaba ang ginawa mo or sinulat may points ka. Ngayon hindi na dapat pala noon palang ginanahan na ko. Kaso kasi kapag nakakaisip ako ng isusulat,nawawala eh. Oh siya tulog na ko,Salamat readcash sa tatlong buwan na narito ako sa iyo. Hindi man ako ganung kalaki kumita pero dahil sayo nagkaroon ako ng mga bagong kakilala.๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜˜ Salamat Readcash..๐Ÿ˜˜

@irene

"Make your own story community" Hi Guys baka gusto niyo lang pong magjoin sa community na ginawa ko. Para sating lahat to na hirap magenglish hehe at mahirap gumawa ng article. Sa community na ito pwede niyong ibahagi ang mga naranasan niyo,or kahit yung mga kwento na gusto niyong gawing teledrama๐Ÿ˜๐Ÿ˜ malay niyo may director tayong kamember dito at maging instant writter kayo diba ng mga teleserye..๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Sa nga want po sali na na,sa mga ayaw naman okay lang. Isa lang ang rules niyan huwag mong kopyahin ang gawa ng iba. Tagalog lang din ang langguage na pinili ko para sa nga katulad ko na hirap maggawa ng English article.. Kaya tara na sali na at ibalita sa iba,baka isa rin kayo sa kagaya ko na hirap makagawa ng article ito na ang para sa inyo. Any idea ay pwede basta sarili niyong kwento or experience niyo. Huwag lang kokopya sa iba bad po yun. Oh siya napahaba na ang sinabi ko, sa mga gustong sumali nandiyan po sa picture pakihanap nalang salamat..

@irene

Bumaba ang readcash fund ah..๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚kaya nagkukunat na siguro..sa dami ng user ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜please be good to me naman readcash..Good mommy and good girl naman ako๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚hindi nga lang good writer wala talaga akong maisip na article na maraming magkakagusto eh..๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚spg kaya isulat ko๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚baka marami magkainterest๐Ÿ˜œ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜…๐Ÿ˜€

@irene

Hindi na talaga sa article nagbase si readcash,sa views na ang saklap pano kubg walang magview sa article mo wala rin..sana bumalik nalang sa dati na sa article nagbabase hahaha mas okaybpa dati kasi alam mo magkakapoints ka ngayon naku po napakahirap..๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ฅmasasayang lang ginawa kahit na maganda pabyan exc pa yan kung walang magview nganga!!!!!! ๐Ÿ™„๐Ÿ™„๐Ÿ™„

@irene

"Power Director" Annyeong sa inyong lahat..muling nagbabalik ang mommy na makulit..๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Musta na miss niyo ba ko malamang hindi๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚the feeling i mutual joke.. So ayun na nga kwento ko lang tong pinaggagwa ko ng nawala ako pansamantala dito. Naggawa lang naman ako ng ganyan kemi pero sa tingin ko ang liit at hindi pa gaanong kaayos,pagpasensiyahan niyo na ang lola niyo wala talaga akong kaalam alam sa mga ganyan. Dito ko lang sa read.cash nakahiligan yan. Kahit nung nagaaral ako nung college mga classmate ko nagaasikaso niyan. Bukod kasi sa sumasakit mata ko kapag nakakababad sa monitor eh naku wala akong hilig sa art. Dito lang talaga sa readcash ako nagkaroon ng hilig dahil sa mga game o pa games na sinasalihan ko dito. Ay siya wala naman kwenta pinagsasabi ko,at malamang wala rin akong makukuhang points mula rito dahil kakaunti lang ang magbabasa at makakakita..yung iba ignore..๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ Power director bga pala ginamit kong apps tsaka yung sa logo maker. Next time aayusin ko pa sa ngayon kasi sakit ng mata ko talaga at ulo ko kaya babush na muna mga madlang repa.. Time check its already 2:37 am.. Goodnight

@irene

kamusta...โœŒ๏ธโœŒ๏ธtagal ko din hindi nakabisita dito..hahhaa๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…hindi kasi umuusad yung points ko kaya minabuti kong magpahinga. .balita dito? okay lang ba kayo diyan..๐Ÿ˜๐Ÿ˜

@irene

Goodmorning ๐Ÿ˜Š๐Ÿ–๏ธ Sino po dito ang may alam pano makapaglagay ng video sa article?. May ginawa kasi akong video na balak ko sana ilagay sa top or ilalim ng article ko kaso ayaw. Ang gamit ko ay Power Director App pero hindi ko siya mailagay. Baka po alam niyo,pwede po paturo? Or suggest kayo na pwedeng gamitin? Salamat..

@irene

"How To Get Rid Of Dark Underarms?" Baking Soda And Lemon For The Rescue Mix 1 tablespoon of baking soda and lemon each to make a paste. Scrub it over your underarms for about 5 minutes, wash it off using lukewarm water, and finish up by moisturising your skin. Repeat this method 3 or 4 times a week for effective results. Why do underarms get dark? Dark underarms usually aren't a sign of anything serious, but some people may find them embarrassing, especially during tank top and swimsuit season. Darkening is often due to a skin condition called acanthosis nigricans (AN). It causes skin to thicken and darken in folds around the body. This is also my problem before but when i try lemon and baking soda my armpit are change. I think its effective to me though all of us has different type of skin. Maybe it is effective to me but not for you, but if you have a problem in your armpit too you should try it also, beside it is not expensive just like when you are going to dermatologist you spend so much money. I hope you like it..!!! and you should try it...๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

@irene

Stock ka nanaman..kota kana sakin..๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…yaan mo magiisip talaga ako ng magandang article para hindi muna ko laging inistock ng points..๐Ÿ˜…๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ mababa na nga points na stock pa..๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…๐Ÿ™„

@irene

"Make your own Logo entry#2" hindi ako marunong magexplain ng mga gawa ko pero sana maunawaan niyo yung ibigsabihan niya..yung R kasi sa unahan binaliktad ko siya then C ..meaning Readcash hehehe๐Ÿ˜๐Ÿ˜ basta yan na po ang aking pangalawang entry.. Hindi pa talaga ako ganoon kagaling magexplain ng gawa ko pagdating sa art,ako kasi si gawa lang kaya bahala na po kayo magjudge.! Libre lang lait pero huwag gaanong harsh.๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Nga pala ginawa ko ito para sa second entry ko sa event ni ms. @Dolores ..๐Ÿ˜Š sabi nga nila more entry more chance of winning,pero sa galing ng mga kasali aasa pa ba me..๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜ Hope you like it Guys..๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜‰ Quote for this week.. please subscribe like and comments..๐Ÿ˜‰๐Ÿ˜Š

+1 more

@irene

"Motivational Qute for the Day" Para talaga sakin yan eh,haha dahil ngayong araw sumali ako sa isang bagay na hindi ko talaga aakalain na magagawa ko.๐Ÿ˜ Salamat sa mga taong nagtiwala at nagpush sakin na gawin yun kahit na limitado lang talaga ang kakayanan ko. Go go fighting!!๐Ÿ’ช ๐Ÿ˜Š Goodnight mga kareadcasher ๐Ÿ˜ด๐Ÿ˜ด

@irene

i love editing and making logo๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜Šthanks mga kareadcasher๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜‰

@irene

"Logo making event Entry#1" Magandang araw sa ating lahat.!๐Ÿ–๏ธ Gumawa ako ng Logo para sa event ni ms. @Dolores ewan ko kung dapat ba kong sumali kasi hindi talaga ako marunong pero gusto ko lang din itry..hindi ko lang din alam kung pano gawin yung jpeg. peg ba yun๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚pacheck nalang po..salamat๐Ÿ˜Š Sa mga gustong sumali pwede niyo po bisitahin ang page ni ms. @Dolores .๐Ÿ‘‡๐Ÿ‘‡link below https://read.cash/@Dolores/make-your-own-logo-event-82d8bc0e First Entry:

@irene

Sana ako rin makagawa ng event at makapag paprize heheh๐Ÿ˜๐Ÿ˜Sa ngayon sasali muna ako sa mga pagames niyo mga kareadcasher..๐Ÿ–๏ธ๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜‰