Antok dalawin mo naman ako
Heto nanaman ako,anong oras na pero mulatna mulat pa. Gusto ko ng mayulig pero yung mga mata ko dilat na dilat pa,hindi naman ako naka- alam niyo na hehehe. Ito talaga yung problema ko simula dati pa,yubg tipong kapag antok na antok ako dapat ko talaga siyang itulog kasi kung hindi,hindi na talaga ako sadalawin ng antok. Hays ang hirap ng ganito tapos kubg kelan may gagawin ka dun ka naman aatakihin ng antok,hahah kakaloka talaga!! Parang itong si antok yung crush mo, yung tipong kapag tinignan mo hindi titingin. Pero san ka kapag hindi ka nakatingin,nakatitig pala sayo hahah char lang.. Pero ang hirap talaga gusto ko na po talaga matulog eh,kaso yung mga mata ko ayaw pumikit. Kaya mahal kong antok dalawin muna ako pakiusap lang kasi bukas o mamaya madami na namang trabaho ang naghihintay sakin. Katulong lang ang peg ko rito eh char!. Basta antok dalawin muna ako ng makapagpahinva na ko,tatapusin ko na tong sinusulat ko para madalaw muna ko. Huwag ka ng mahiya kasi tayo lang naman nandito,walang nagbabasa nito o nakikinig sakin. Kaya pakibilis dalawin muna ako at nasusura na yung mga nagbabasa nito..hehhehe Nagmamahal, Ako
1 comment
Ako nga po heto kakagising lang kasi maaga nanaman ako nagising kanina para samahan sawa ko hehe.