"HULA"
Ibabahagi ko lang yung hinula sakin noon ng dalawang aita na napadaan sa lugar namin. Nagbabahay bahay talaga sila at may bitbit na mga pangontra sa usog,mga langis at ayun nga nanghuhula rin sila sa mga gustong magpahula. Hindi ako yung tipong mapaniwalain talaga sa hula,kasi para sakin tayo ang gagawa ng tadhana natin. At kung ano ang makakasama at makakabuti para satin. Kaya hindi talaga ako nagpahula,isa pa kakagaling ko lang din nun sa panganganak so wala akong balak magpahula dahil baka isip isipin ko lang makadagdag pa ng isipin ko.Hindi naman kasi lingid satin lahat na bawal ma stress ang mga bagong panganak dahil may tinatawag na Postpartum Depression o PPD. So ayun na nga napadaan sila samin at huminto sa harapan ng tindahan ko,ako naman kassi nakita ko yung porselas na pangiwas usog para sa mga bata. Yun naniniwala ako sa ganun kasi syempre wala namang nanay ang hindi kayang paniwalaan para sa ikakabuti ng anak. Kaya tinawag ko sila para bumili nung porselas na yun,yung anak ko kasi napaka taba kaya laging napapansin o napupuna so syempre para maiwasan na mausog yung anak ko bumili ako nun. Di yun nga bumili ako habang bumibili ako tinanong ako nubg isang babae" baka daw gusto kong magpahula" so sabi ko " naku teh hindi na po," sabay todo iling talaga kaso yubg isang babae hinawakan yung kamay ko at binasa yung nasa palad ko. Ayun na nga eh di binasa na nila yung nasa palad ko raw,yung sinasabi daw ng guhit ng palad ko. Ang sabi sa palad ko " Marami raw akong mahahawakan na pera ngunit ito ay mabilis din nauubos, at magkapareho daw kami ng kapalaran ng nanay ko. At yung pinaka mabigat na hula sakin eh yung mahihiwalay daw ako sa asawa ko at dadami daw ang asawa ko.?!hehehe Pagkatapos ng hula na yun,tinanong ako nung babae kung gusto ko daw kontrahin sa halagang 200 daw. So ako naman syempre hindi naniniwala kaya hindi ako pumayag na kontrahin at nagpasalamat nalang ako sa ginawa nila at bumili ako nung dala nila. Ewan ko ba pero parang may impact talaga sakin yung hula na yun,kasi nagkakapera ako pero hindi ganun karami ah kaso parang ang bilis talaga maubos yubg tipong may hawak ka lang ng isang libo peeo kapag nabaryahan na siya hindi muna alam kung nasan na..hahaha Tsaka yung tungkol naman sa kapareho kami ng nanay ko,yung tatay ko kasi talaga dati kontra sa lahat ng desisyon ng nanay ko noon. Pero dati yun ngayon ok naman na kasi pareho na silang may trabaho. Same siya ngayon ng mister ko, napaka lahat nalang ng ginagawa ko kontra talaga minsan pa nga hindi nalang ako nagsasabi sa kanya eh kasi kokontra lang. Ang daming sasabihin kesyo ganito ganyan kakasura, ayun nga so naisip ko baka nga totoo yung hula sakin nung dalawang babae. Siguro dumaan ang isang buwan nun sinabi ko yun sa mister ko, sabi ko " pa hinulaan ako at magkakahiwalay daw tayo" So sabi nubg mister "sus naniniwala ka dun kaya nga hula ang tawag dun eh kasi hindi sigurado,walang basehan" Pero nagkahiwalay kami ng mister ko mga ilang weeks din siguro yun, kaya nung araw na yun nasabi ko na siguro ttotoo nga yubg hula sakin. Grabe talaga yung pagiisip ko dahil sa hula na yun. Kayo ba naniniwala ba kayo sa hula? Yung mga gumagawa ba nun eh talagang alam nila sinasabi nila? Hays yun nalang muna, sa ngaun talaga kahit na magkasama parin kami ng mister ko andun parin yungpagiisip ko dun sa hula na yun kaya lagi akong nagpray,kasi hindi ko talaga pinangarap na maranasan ng mga anak ko yung broken family kasi hindi naman ako ganun. Kahit na magkaiba ang ugali ng parents ko tuloy parin ang kapit ni nanay kay tatay noon kaya siguro yung about dun sa hula na yun masasabi kong totoo hahha. Matiisin kasi ang nanay ko hanggang kaya nuyang gawan ng paraan,gagawa siya ng paraan para hindi sila magaway ng tatay ko. Salamat po sa pagbabasa!!!
29 comments
ako sis may nabasa about sa mga zodiac sign pero diko alam kung totoo kasi iba iba naman yon, tapos parang nagkatotoo nung shinare ko hehe
kaya nga sis eh,may times kasi na parang totoo. Kaya hindi mo talaga maiwasan na hindi maniwala,pero ano nga ba talaga ang dapat gawin sa mga ganyan noh? lalo na kung may negative na hula sayo.
yung lola ko nga po alam ang future ko kung ilan taon ako magkaka asawa at anak grabe totoo
wow naman ang galing ng lola mo sis,kaso pano kung negative hula? pano gagawin kapag ganun?
nakakatakot pag ganon sis, ang alam ko kapag negative hindi sinasabi eh kasi baka ano isipin nung hinulaan.
kapag ganun ang hula sis,ano dapat gawin nubg hinulaan?
kung maa avoid mangyari edi iwasan, pero hindi ko alam eh kasi negative yon nakakatakot naman sabihin.
ahh..alam mo sis yubg pinasn ko hinulaan dun sa may quaipo at ang sabi d na nga raw siya aabutin ng 25 yrs old, hindi ko alam kung dahil sa hula at totoo bga o dinibdib ng pinsan ko..nalaman lang namin yun na nahulaan siya nung sinabi nubg kapatid niya samin.
ano na pong nangyare sa kapatid niyo ngayon? grabe naman. ang alam ko po hindi totoo ang hula eh lalo na sa quiapo
yung pinsan ko sis, ayun hindi nga siya umabot ng 25 yrs old. iniwan niya na kami, parang dinibdib niya ata yung hula na yun kaya nagtodo todo trabaho,napabayaan ang sarili. kaya ayoko talaga magpahula eh kasi parang nilalagay mo yung isip mo sa ganung sitwasyon..yung hula nga sakin nung dalawa till now iniisip ko pa eh,ewan ko ba nakakaasar . Hindi ako naniniwala pero napapaisip ka talaga.
hala!! grabe naman po. dapat po kasi hindi nagpapa hula eh kasi alam ko masama po yon.
Hindi naman din daw gusto nung pinsan ko yun basta nung napaadaan daw sila banda dun sa mga nanghuhula ayun hinulaan daw siya,. Wala kasi siyang pinagsabihan samin kung hindi yung kapatid niya lang tapos itong kapatid niya nito lang din sinabi nung naratay na siya. Ang lungkot talaga
nakakatakot naman sis, dapat hindi sila gamon eh mga manghuhula parang nang pipilit sila manghula talaga.
oo sis yun nga din sa tingin ko,tapos sasabihin nila bayaran sila ng ganito para kokontrahin nila yubg hula sa kanila or yung negative na hula. kaya kapag nappadaan kami dati sa quaipo hindi talaga ako dun sa may mga nanghuhula baka kasi mamaya manghila nanaman tapos hulaan ka ng labag naman sa loob mo. Ang mangyayari pa niyan yung hula sayo dadamdamin mo lalo na kubg negative.
grabe naman sis nagka totoo, akala kasi ng pinsan mo totoo eh dinamdam tuloy kaya dapat hindi na kayo mag papahula pa ulit lalo na sa quiapo
oo sis,naging aral na talaga samin yang pangyayari na yan. Kaya never na talaga kami magpapahula dibale ng hindi malaman yubg mangyayari sa hinaharap kasi tayo lang naman talaga ang gagawa nun..at ang panginoon lang ang may guife satin para yung landas na tatahakin natin ay hindi maling daan..kaya naishare ko takaga yang hula na yan dahil nga din nung hinulaan ako na mahihiwalay ako sa mister ko at marami raw akong magiging asawa,hahah kakaloka talaga.
ano pong nangyari sa hula? nag hiwalay po ba kayo? hehe marami ka po ba asawa ngayon
hindi sis,hehehe naghiwalay kami minsan pero 2 weeks lang tapos ok na ulit kami..hahaha kaya nga ewan ko ba,pero yung hula na yan talaga sakin is iniiisp isip ko rin. siguro nalalabanan ko kung ano man yun dahil sa kagustuhan ko rin kasi na kompletong pamilya para sa mga anak ko.Peeo minsan kapag sobrang galit ko sa miater ko naiisip ko rin baka tama yung hula hahaha yung tipong surang sura ka talaga kaya masasabi mong baka magkatotoo. Pero good term naman kami sa ngayon hahha
oo sis buti nalalabanan mo, hindi mo iniisip na totoo kasi mahirap na baka ano pa mangyare
korak sis,hays kaya tayo talaga ang gagawa ng mangyayari satin hindi yung hula hula na yan..hehe
natatakot nga po ako sa mga matatanda eh hahaha feeling ko kasi sila lahat may powers.
hahaha mga magagaling manghula ba sis? yjng tioong kapag may nakitang buntis alam na nils agad kung boy o girl..hahah
may ganon sis hahaha ganon kaibigan ng ate ko eh hinulaan ako ang astig nga
ganun din sila sakin nung buntis ako sis..hahah may mga nalalamn kasi sila na kapag hugis daw ng tiyan mo,kapag pumapangit ka nagiuyiman yung mga singit singit mo. tsaka kapag nagblooming ka mga ganyan.huhulaan nila kung ano magiging anak mo.hehehe
oo sis totoo daw yon hahaha ako nga heto nangingitim lahat ng mga singit singitan ko sabi nila lalaki daw anak ko haha tama sila
ako naman sis nung lalaki baby ko sa hugis naman nila chineck kasi hindi nila maconfirm kaya sa tiyan nila tiningnan mejo nakausli yung pusod ko kaya sabi lalaki daw yun nga lalki nga yung bunso ko..hehehe ang gagaling noh kays minsan sa kakilala ko tinatry ko rin eh haha
ako din sis naka labas pusod ko yung parang halata siya taoos ayon sabi rin. ila lalaki daw anak ko hahaha mga matatanda talaga
oo sis,ang gagaling nila manghula.sana lang nih pati yjng matatamaan sa loito kayang hulaan hehehe bibihira lang akasi ata yung may ganung ability eh..
Ayun ang mahirap sis hahaha kung pwede lang talaga nagpa hula nako eh...