Laugh trip munaππππ May kumausap sa akin sa aming baranggay at pinapapili ako kung anong gusto ko, 4k o 8k. Sa pagkakaakala ko ay ayuda. So naging excited ako, di ko na binasa kung anong nakasulat sa listahan. Siyempre pinili ko ung 8kπ sabay pirma ng pangalan ko. Tinanong ko pa kung kailan makukuha. Sagot ng baranggay, bukas ng 5am. Napaisip ako, wala namang office na bukas sa 5 am. Tinanong ko na ung baranggay... Me: Ano po ba ung pinirmahan ko? Baranggay: Meron tayong fun run bukas, pwede kang manalo ng 4k o 8k.ππππ
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet