read.cash Log in
@grey23espartinas

Happy Halloween everyone! Hehe , yan ang set up sa bahay ng ate ko at the moment . Naglunch habang lubog ang paa sa tubig. Magkatabi lang ang bahay namin though medyo mataas ang flooring ng house ko kaya walang tubig pero ang bakuran meron. May second floor naman sila kaya keri lang, yun nga lang ang hirap kasi yung ibang gamit kung saan saan na nakalagay. Hindi rin kami nakapasyal sa sementeryo pero alam ko namang naiintindihan ng mama ko yun, hehe! alam nyang bahain ang lugar namin. Sila na lang daw nila ng lola at lolo ko ang dadalaw sa amin, hahaha! bet ko yun, lol! Mas katakot ang leptospirosis kesa sa anong multo para sakin, hahaha! Happy Halloween;

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.