read.cash Log in
@erikapmtn

Ulan

***"Heto ako ngayon, nag-iisa*** ***Naglalakbay sa gitna ng dilim*** ***Lagi na lang akong nadarapa*** ***Ngunit heto, bumabangon pa rin"*** Basang basa sa ulan by Aegis, isa sa mga kantang kinakanta ko kaduet si Papa nung bata pa ako. Sobrang fan kami ng Aegis. Lahat ng kanta nila, ay kinakanta namin. Nung lumaki ako..... ***"Heto ako, basang-basa sa ulan*** ***Walang masisilungan, walang malalapitan*** ***Sana may luha pa akong mailuluha*** ***At nang mabawasan ang aking kalungkutan"*** Ansarap pala umiyak habang naliligo sa ulan. Naranasan nyo na ba yon? Yung dere deretsong napatak ang luha mo ng walang sinumang nakakapansin sayo. Angsarap maglabas ng hinanakit at sama ng loob sa ilalim ng ulan. "Basang basa sa Ulan" by Aegis, tila ba nung bata ako ay walang ibang ibig sabihin sakin. Ngunit nung lumaki na ako at nagkaisip, don ko lang nalaman ang malalim na kahulugan nito. Tag-ulan na, natitiyak kong marami ring tao na ginagawang sandalan ang ulan. Hayaan mo kaibigan, handa kitang pakinggan. -@erikapmtn ♡

15 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.