read.cash Log in

@epicroxas

Joined 9 June 2020 · 51 posts

Computer is my life..

120 KT

0 KT · 17¢ received · 0 KT given

Posts

@epicroxas

My Life Before i start, let me tell you this . Ang ganda talaga dito sa ReadCash, sa mga articles mo ay merong nakaka appreciate, unlike in real life nobody give a ****, you know what i mean. It feels good someone appreciated your work and your story, giving you advise, and respect, na kailangang kailangan mo lalo na kapag down na down ka. Actually hindi ko na napapansin points ko, naka focus ako kung anu ang mga susunod na artikolo ko, naka focus ako sa paglalathala ng mga pangyayari, mga nakikita at karanasan ko sa buhay. At gusto ko i share ang isa pang karanasan ko na hindi ko pa naibabahagi sa mga artikolo ko. Inspired by this article ( https://read.cash/@Savel.24/mans-precious-commodity-072d3843 ). So go ahead and visit her articles and subscribe. Sa mga nakwento ko sa ibang mga articles ko ay isa rin ako sa biktima ng bullying, at ang dahilan ay ang pagigi kong PWD, lagi akong tinatawanan the way i move, para kang nasa peryahan at pinapanood ka, para akong nasa freak show, hindi madali sakin tanggapin lahat ng yun kahit anong payo pa sakin ng aking mga magulang, araw araw ako nakikipag digmaan sa sitwasyon ko. Ayaw kong mag paka plastic at sabihing everything is gonna be ok! well its not. Kadalasan umiiyak ako ng madaling araw para sure ako na walang makakakita or makakarinig sakin. Ang masakit nun hindi ko alam kung sinung dadaingan ko o tatawagin ko.. sa puntong iyon pati sa dyos ay masama na ang loob ko, bata pa po ako nun kaya medyo makitid pa utak. After i graduated highschool dito na akong mag simulang magkulong.. kung mababasa nyo articles ko kasabay narin neto ang pag hihirap ng aking pamilya. Nag abroad na si mama at nabyahe naman noon si papa, mga kapatid ko nag aaral sa malalayong eskwelahan. Meaning mag isa na lalo ako, ang tatay ko kung umuwi man ay madalas lasing. So kelangan ko alagaan ang aking sarili ng mag isa, as a PWD its not that easy. So mas pinili kong manatili sa loob ng bahay for almost 2 years ng walang labas labas, malamang yung iba dyan hindi maniniwala, pero ok lang po. Kahit panu naman magaan po kalooban ko kahit mag isa lang ako, may kasama nga po pala akong aso. Sa mga lumipas na buwa ay ok naman kahit mag isa. Kahit limitado pag kain ok lang, mas nahihirapan pa nga ako lumudin mga pang lalait ng iba kesa sa kanin. After a few months eto na. Naputulan na kami ng catv, and the next day kuryente naman. Pero ok lang basta ayaw ko lumabas. Ang libangan ko ay mag drawing, mag basa basa, at mag laro ng aso. Thats it.. kuntento na ako. Namuti ako sa loob ng bahay, humaba buhok ko, ng hindi ko napapansin. Ganun lang gawa ko in the past two years, almost two years. One day dumating ang lolo ko, by the way he is rich guy and ex.mayor ng aming probinsya for almost 21 years.. wala pa pong limit pagiging mayor nung panahon nya. Tanong bakit hindi kami lumapit sa lolo ko? Kasi may pride po ang erpat ko. Na hinding hindi lalapit sa lolo ko, pero nung dumating si lolo sa bahay ay hinahanap ako. Lumapit ako at nag mano, akala ng lolo nag aaral ako kaya hindi nya ako makita. Ngaun gusto nya ako isama sa bahay nya at dun patirahin kasi pag aaralin nya ako. Dun nabago ang buhay ko. At i kukwento ko sa sunod na article ko ang tungkol sa lolo ko kasi he deserve it. Nag uunti unting magkakulay ang buhay ko sa mga darating pang taon noon. Pero may mga dinaanan parin akong pag subok na parang sinasadya nalang ng panahon para palakasin ako. Sa mga PWD dyan wag po kayo gagaya sakin na mahina ang loob. Madaling masaktan at mahiyain. Salamat po sa pag babasa. Gusto ko po sana tuloy tuloy pa kaso mag sasaing pa po ako.. maraming salamat po at may mga sudunod pa po akong artikolo.. Please like and comment and subscribed Godbless us all..

@epicroxas

Talentong nalipasan ng panahon May mga pangarap akong gustong gusto noong ako ay bata pa. Ang isa dito ay ang pag guhit. Noong ako ay elementarya palang ay hilig ko na ang gumuhit. Lumalahok ako sa mga pa contest, ang drawing contest na kung saan ako ay nakaka top 3 lang, kasi magagaling kalaban. Pero hindi nasira ang aking pangarap kasi hindi ako maka first place man lang. Bagkos ako ay nag insayo ng nag insayo. Bago ako makatapak ng higschool ay pinag aral ako ng aking mga magulang sa isang paaralan na kung saan ay pwedeng sa bahay ka lang at sila ang mag de deliver ng mga materyales na aking kailangan para sa pag guhit. Eto ay ang "**International Correspondence School**". Marami akong natutonan sa school na eto at nakadagdag sa aking kaalaman sa pag guhit. Pero sa kasamaang palad dumating ang unos sa aming buhay at bumagsak ang mga negosyo ng aking mga magulang, at nahinto ang aking pag aaral. Sa kabila ng lahat ay itinuloy ko ang aking paguhit, araw araw akong gumuguhit. Kapag nahihirapan ako sa isang anggulo ay inuulit ulit ko eto hanggang eto ay aking makuha. Napakasaya ng gumuguhit ka. Yung kaya mo iguhit halos lahat ng iyong nakikita at iyong na iimagine. Pero noong ako ay nag highschool na ay dumalang ang aking pag guhit at nag focus ako sa aking pag aaral. Halos 2x a day nalang ako mag ensayo minsan wala pa. Dahil narin siguro sa kalagayan ko bilang **PWD** o *person with disabilities*. Naisulat ko na po ang about dito, visit nyo lang po ang mga articles ko dito ( https://read.cash/@epicroxas/buhay-ko-bilang-persons-with-disabilities-or-pwd-f62328b0). Mas gusto ko pa po mag pahinga minsan o umidlip pag ka galing sa eskwelahan kesa gumuhit dahil sa sobrang pagod. Noong ako ay nag vocational na after ng highschool ay halos wala na akong ganang gumuhit. Pero nag focus ako sa kinuha kong course which is computer technician. Dito nabago ang lahat. Nag focus ako dito at unti unti ko pang natutunan ang ibang field pa ng computer like encoder, programming, photo editor, proper typing, at iba pang skills.. na sulat ko narin po eto. Pa visit narin po dito ( https://read.cash/@epicroxas). Pero kahit natigil ako sa pag guhit, ang pagiging artist ko ay nagamit ko o na i apply ko sa pagiging photo editor. Kaya ko ng mag design ng kahit anong design ng mga okasyon like wedding invitation, birthday, baptism, tapaulin, etc. At photo manipulation. Ang point ko i never stop dreaming. Kahit hindi ako naging matagumpay na drawing artist, nagamit ko naman eto para ma i apply sa kasalukuyang trabaho ko.. salamat po sa pag babasa.. Godbless us all... Please like.. comment or upvote😊 Subscribed: epicroxas

@epicroxas

Good morning ka readCash.. hope you have a nice day.. yeahhb its raining.. Gods bless us.. keep inspiring people.. keep writing quality article for us to learn and enjoy.. take care always guys.. Please visit my articles.. like comment.. upvote.. and subribed My link: https://read.cash/@epicroxas

@epicroxas

Reyalidad ng buhay **H**abang tayo ay umi edad tayo ay nag ma matured na.. lalong lumalawak ang ating pang unawa at pag intindi sa mga bagay bagay na hindi natin naiintindihan noong tayo ay bata pa.. natototo tayong magpatawad.. humingi ng tawad.. lumugar ng ating mga ugali.. at mag mahal ng kapwa tao.. hindi lahat ng oras tayo ang pag bibigyan tayo ang iintindihin.. darating din talaga ang panahon na tayo naman ang uunawa.. may mga nakikita na tayong angulo ng buhay na hindi natin tinitingnan noon.. eto ang mga bagay na alam ko na sinyales ng pagiging matured. 1. *****Pag unawa***** - minsan tayo ay nahuhusgahan ng iba.. kilala ka man or hindi ng isang tao.. at syempre eto ay ating ikagagalit at ikakasama ng loob. Pero look at the bright side.. tayo nga ba ang luge o ang mga taong mapanghusga.. sila ang napapagod kakahusga sayo.. sila ang nababaon sa kasalanan kakahusga sayo.. sila ang nakakaawa.. sila dapat ang intindihin imbis na tayo ay magalit.. kapag ang tao ay punong puno ng inggit sa katawan ay saka ka lamang nila makikitaan ng sa tingin nila ay mali.. sila ang nangangailangan ng matinding pang unawa.. kapag tayo ay nasa tamang edad na at tayo ay nakakaunawa na.. pinalalampas nalang natin madalas ang mga bagay na ganyan at mas magandang intindihin na lamang ang ating sariling problema kesa intindihin natin ang iniisip ng iba.. 2. *****Mapagbigay***** - habang tayo ay tumatanda.. tayo ay natototong magparaya.. magbigay.. isa sa mga natotonan ko sa buhay ang pagiging mapag bigay sa lahat ng bagay.. pero syempre may limitasyon at depende sa sitwasyon.. halimbawa.. sa isang relasyon.. mag asawa man or mag jowa.. importante ang matotong mag bigay.. kung ang babae ay nagagalit sa inyo sa kung ano mang bagay yan.. matoto tayong umintindi o pagbigyan natin sila.. wag nating mga lalaki basta basta papatulan ang mga babae.. at syempre sa mga babae ganun din sana.. at kung kayo ay niloloko.. babae man or lalaki.. tulad ng sabi ko.. pag bigyan nyo na at hayaan mo na sya kung dun sya masaya.. ibig sabihin nyan hindi sya para sa inyo.. tandaan nyo na kapag nag loko ang isang tao ay ipagpasalamat nyo pa.. kasi mawawalan kayo ng taong nag papabigat sa puso at isipan nyo.. ang pag bibigay ay hindi masama.. para kang masaya kapag nagbibigay ka.. pangako lagi ka nakangiti kapag mapag bigay ka sa iyong kapwa.. at balang araw may magandang kapalit yan na para sayo.. hilingin mo man sa Dyos o hindi.. laging may para sa inyo.. 3. *****Pag titipid***** - sa buhay natin kapag tayo at tumatanda na.. lalo tayong natototong mag tipid.. lalo na kung tayo ay may pamilya na.. natototo tayong tipirin ang isang bagay para sa ikakapakinabang ng ating mga mahal sa buhay.. hindi lang sa pag titipid tayo ng pera.. pag titipid rin ng mga kinukunsomo sa ating mga bahay.. at pag titipid sa salita.. halimbawa may mga bagay na hindi na dapat palakihin.. tulad ng away mag asawa or isang mag ka relasyon.. hindi na kailangang mag daldalan pa.. kung hindi naman nag lokoko ang isa sa inyo.. magkapatawaran nalang at ng maayos na agad lahat.. hindi na kayo mag sasayang ng laway pa at ng hindi na ninyo mabanggit ang mga masasamang salita sa isat isa na pwedeng mauwi sa sakitan o hiwalayan.. 4. *****Pagiging tapat***** - Tayo rin ay matototong maging tapat sa ano mang bagay.. tapat sa asawa o karelasyon.. at lalong lalong maging tapat sa iyong sarili.. ang pagiging tapat sa inyong sarili ang magbubuhat sa inyo sa pagiging tapat nyo sa inyong kapwa.. maging tapat tayo sa lahat ng bagay.. kung tayo ay may kasalanan o nagawang hindi maganda sa inyong kapwa ay ating aminin at maging matured ka at harapin mo ang iyong pagkakasala.. ng sa ganun ay hindi na eto tumagal pa o marinig pa sa ibang tao.. harapin.. panindigan at wag tatalikuran o tatakasan.. hindi ang pagtakas ang sagot sa lahat ng ating dinadala o nararanasan sa buhay.. bagkos eto ay ating harapin at panindigan! Kung ikaw ay tapat sa kapwa tao mo ay mabilis mong ma reresolna ang problema.. at hindi eto tatagal kasi mabigat sa kalooban ang hindi pagiging tapat.. 5. *****Pagpapahalaga***** - Pahalahagahan mo ang lahat ng bagay na dumarating sa buhay mo.. wag nating hayaan maging huli na ang lahat para satin kung hindi natin papahalagahan ang mga magagandang bagay o pangyayari na dumarating sa ating buhay.. halimbawa.. magandang trabaho.. mapagmahal na asawa.. oportunidad.. mga anak.. mapagmahal na mga magulang.. at mga kaibigan o tropa.. kapag hindi natin pinahalagahan lahat yan ay maaari sating mawala at pagsisihan kung kelan huli na ang lahat.. be matured enough... =============================== **REYALIDAD**: (*reality check*) Ang katotohanan ay hindi lahat ng mga nabanggit ko ay ginagawa ng bawat isa satin.. bagkos eto ay kabaliktaran ng lahat.. sa edad kong eto ay nakita ko na na may mga taong walang ugali.. tamang asal.. at bastos sa kapwa.. kahit nasa tamang edad na ay wala paring pahalaga o respeto man lang sa ibang tao.. **PAG-UNAWA**? ang katotohanan ay may mga taong hindi marunong umunawa at at mas iniisip nila na sila ang tama at hindi marunong tumingin sa sarili nilang pagkakamali.. mga taong mababaw ang pang unawa na kung saan ay mas gusto pa na sila ang unawain kesa sila ang umunawa.. mga taong sila na ang mali o may kasalanan.. pero sila pa ang pa biktima.. hindi ko pong sinasabing lahat.. pero karamihan po ganyan.. at alam kong alam nyo rin yan.. **MAPAGBIGAY** - Its a big NO! Kadalasan sa mga tao ngayon lalo na ang mga nasa tamang edad ay hindi marunong magbigay o hindi mapag bigay.. mas iniisip nila ang sarili nilang kapakanan kesa sa iba.. hahayaan kang mapahamak kesa madamay sila.. sa mga mag kakapamilya nangyayari yan.. kadalasan mas makakatulong pa sayo ang ibang tao kesa sa kapamilya mo na sarili mong dugo.. tama po ba ako? Sa mag kakaibigan nangyayari rin yan.. ang bibilis nila lumapit sa iyo kapag may kailanan sila lalo na sa pera.. kapag naibigay mo kailangan nila.. hindi kana nila kailangan.. subukan mong ikaw naman ang humingi ng favor.. tatanggihan ka nila at magagalit pa sayo kapag siningil mo sa hiniram nila.. uulitin ko po.. hindi naman po lahat... **PAGTITIPID**? Tandaan po natin.. na mas madaling tipirin ang konting pera kesa sa malalaking pera.. bakit? Sa lifestyle ng buhay natin.. masyado tayong magastos ngayong panahon.. masyado tayong pasikat sa iba.. ayaw mag pahuli sa uso.. maging sa gadgets.. pagkain.. at kung ano ano pa.. kung ano ang meron sa iba gusto natin meron din tayo.. kahit alam nating mahirap ang buhay lalo na ngayong pandemic.. order online.. lazada.. shopee at sa mga online seller.. ni hindi naman talaga natin kelangan yung ibang binibili online.. mas nag mukha pang ma pepera ang mga tao ngayong pandemic kesa wala o normal na panahon.. pansin nyo ba.. kasi nakikisabay sa uso.. nawala na pag titipid.. at kapag konti nalang tira nating pera.. ayun saka napasok ang salitang pag titipid.. sabi nga.. mas madaling tipirin ang 500 pesos kesa sa 10k pesos.. totoo ba? Hindi naman po lahat ganito.. pero marami sila.. realtalk!!! **PAGIGING TAPAT**? Kasinungalingan!! Alam nating lahat na konti lang ang tapat sa panahon ngayon.. sa *relasyon*.. *pera*... pag ibig... at sa *kapwa tao.*. wag tayo plastic.. sa relasyon? Babae man o lalake kadalasan mga nag lolokohan.. hindi dahil mabait ka.. hindi sapat yan.. kelangan pogi o maganda ka.. lalong lalo na kung ma pera ka.. iiwanan ka kapag nasilaw na.. minsan nga kahit may pera ka itatapat ka sa gwapo o maganda kaya pang mawala sya sayo.. but syempre you deserve better.. may point is.. mas tumitingin ang mga tao ngayon sa pisikal na kaanyuan.. kesa sa tunay na nararamdaman.. hindi naman po lahat ganun.. pero karamihan.. d po ba? **PAGPAPAHALAGA**? Kadalasan binabaliwala na ng mga tao ang mga bagay na dapat iniingatan.. sa sobrang kawalan ng respeto at pag papahalaga ay nawawala ang mga bagay o tao na dapat binigyan mo ng halaga noon pa.. wala kang kwentang tao kung hindi ka marunong magpahalaga.. minahal ka.. binaliwala mo... may mga gamit kang mamahalin sa una mo lng iniingatan.. pag dating ng oras binabaliwala mo na.. may opportunity na magandang dumating sa buhay mo binaliwala mo kesyo marami pang darating.. hindi po maganda ang ganung ugali.. at pagsisisihan natin eto sa bandang huli.. *Eto pong aking mga nabanggit at sarili ko pong opinyon.. eto po ay ayun lang sa aking mga nakikita at nararanasan.. hindi ko po nilalahat.. alam ko pong may mga taong mabubuti pa sa panahon ngayon.. Godbless us all!!! Salamat po..* Please **like** and **comment** kung naka relate po.. sucribed at: **epicroxas** **Upvote me**☺

@epicroxas

Proteksyon para sa ating mga online accounts or facebook *Sana po magustuhan nyo ang konting tutorial ko para ma-proteksyonan atin ang ating online accounts or facebook. Enjoy* Sa mga hindi pa nakakaalam kung panu tibayan ang proteksyon nyo sa mga hackers.. Dito gagamitin kong sample ang facebook... direct to the point napo.. read it all.. **1st** Kapag naka login kana. Punta ka sa ****settings****. **2nd** Scroll down at hanapin ****Security****, at piliin ang ****Security and Login****. **3rd** Scroll down and select ****Use two-factor authentication.**** **4th** The two option will appear. Mamili sa dalawa at sundan ang procedure neto kung paano. Sunod ay ang ****Choose 3 to 5 friends to contact if you get locked out****. Dito ay mamimili ka ng trusted mong friends na kung halimbawang na hack facebook mo or nakalimutan mo password mo ay makokontak mo mga nilagay mong tatlo o limang trusted friends mo at magsesend sayo ng code para ma unlock mo ulit ang fb account mo. At kapag napasok mo na ang option na eto just follow steps nalang po. *****Panu ma protektahan ang inyong online accounts.. my clear version..***** 1. Kapag sa computer shop ka gagamit ng pc para mag online, mag ingat sa mga taong nakatambay sa shop na pwedeng makita ang inyong pag input ng username at password sa keyboard ng inyong online accounts. Laging maging alerto. 2. Sa ibang computer shop or personal na computer mag ingat po tayo sa keylogger. Eto ay isang uri ng program na kung saan pwedeng ma kuha ang bawat tina type mo sa inyong keyboard at kahit mouse click ay kaya netong makita or mga website na inyong binuksan. Isa sa paraan na pwede ko i share sa inyo ang pag check sa task manager ng inyong ginagamit na computer. - press control+alt+delete Lalabas ang task manager.. - select processes at tingnan mabuti ang mga kakaibang program na nag ra run sa inyong computer at i stop process nyo eto, nasa picture ang isa sa mga keylogger na nag ra run ng tago sa inyong computer. 3. Ang maiwang nakalogin sa computer ang inyong accounts. Tandaan lagi na kelangang i logout ang inyong mga online accounts sa computer na ni rerentahan nyo bago kayo umalis para hindi gawan ng masama ng mga susunod sayong gagamit ng pc. Please subscribed: @epicroxas Like and comment...

+5 more

@epicroxas

Good afternoon guys. Please subscribed @epicroxas Happy earning and writing to all.. more power to read.cash!!!

@epicroxas

Kabataan ngayon at noon ****Noon****: *Ang mga bata noon ay madalas mag laro sa labas ng bahay, mga larong halos hindi na natin makita na nilalaro ng mga kabataan ngayon. Tulad ng tumbang preso, luksong tinik, piko, tagu-taguan, patintero kung tawagin at tubigan at iba pang mga laro noon. At kapag hinahapon na sa laruan ang mga bata ay kadalasang nasusundo ng kanilang mga magulang na kung minsan ay may dala pang pamalo para lang sindakin para umuwi na sa kani kanilang mga pamamahay. Hindi pa open ang kanilang mga isipan sa teknolohiya kaya mas maraming oras silang nakakatulong sa kanilang mga magulang sa mga gawaing bahay, at nakakapag focus pa sa kanilang pag aaral kahit payak ang kanilang pamumuhay. Napakasarap balikan ang mga alaala noong tayo ay bata pa. Malaya sa anu mang karumihan sa mundo at walang problemang iniisip kahit mahirap ang buhay. Masarap langhapin ang napakalinis na hangin lalong lalo na sa mga probinsya. Malinis na ilog at dagat, masusustansyang mga pag kain, at kuntento na kung anung meron sa kanila tulad ng mga laruang baril barilan na yari lamang sa kahoy, lastiko, text, jolen at kung anu anu pang mumurahing laruan noong panahon. Maayos ang mga trabaho ng mga magulang at masaya ang pag sasama ng isang pamilya. Kumain lang ng tatlong beses sa isang araw ay kuntento na ang isang pamilya at laging may oras para mag bonding tuwing umaga sa almusal, tanghali at bago matulog sa gabi, nagagawa nilang mag kumustahan kung anong naganap buong maghapon ng buhay nila. At kapag may hiniling ang anak sa magulang at eto ay hindi kayang bilhin ay kadalasang naiintindihan ng mga anak eto at natutotong mag hintay para sila ay mag karoon ng kanilang gusto. Nakakapag dasal pa araw araw at lalo na bago sila matulog. Hindi ko man naihayag lahat ng naranasan ko nung bata ako ay siguradong alam nyo na yung iba*. ****Ngayon****: *Ang mga kabataan ngayon ay malaki na ang pinagbago keysa noon. Ngayon hindi mo na sila basta basta pwedeng galitan lalo nat paluin, dahil ang iba ay hindi na naiintindihan ang salitang disiplina. Malamang eto ay dahilan narin ng kanilang uri ng pag laki, dahil sa kapaligiran, kanilang nababarkada, mga nakikita sa social media, youtube. Kadalasang lumalaki sila ng may gadgets tulad ng cellphone, computers. At ang iba naman ay hindi kayang tiisin ang mahirap na pamumuhay kaya nag iiba ang kanilang asal. At dumami ang kaso ng bullying, pagiging batang ina at ama. At minsan hindi narin kinakaya ng mga magulang ang hirap ng buhay kaya yung iba napipilitang mag ofw, minsan hindi maganda ang epekto neto sa mga bata, natuto silang lumaban sa hamon ng buhay sa murang edad dahil sa kakulangan ng gabay ng kanilang mga magulang dahil ang mga eto ay nag ta trabaho malayo sa piling nila. At minsa eto ring pag abroad ang nagiging sanhi ng pag hihiwalay ng mag asawa, na ang tanging biktima ay ang kanilang mga anak. Kaya ang ibang kabataan ay nalololong sa masasamang bisyo tulad ng drugs, alak, sigarilyo, at kadalasan hindi na pumapasok sa eskwelahan dahil laging nasa tambayan or computer shop. Halos nawala na ang bonding ng isang pamilya ngayon dahil sa uri ng kanilang pamumuhay. Madalas ng humingi ang mga bata ng pera at kung anu anung mga gamit na hindi kailangan. At kapag hindi napag bigyan ay nasama agad ang loob neto sa kanilang mga magulang. Ang katotohanan mas matigas na ang ulo ng mga bata ngayon keysa noon, na kung hindi masusupil ng maaga ay maaaring eto ay makakalaban ng mga magulang pag dating ng panahon. Sa kapaligiran naman natin ay masyado ng ma polosyon, halos nawala na ang malinis na hangin sa kapaligiran kahit pa sa mga probinsya. Kaya nakakatakot narin ang mag laro sa labas sa panahon ngayon. Nasa bahay nga ang bata ay tutok naman sa cellphone at hindi na mautusan ng ayos at sumikat na ang salitang "wait".* **Pa like po. Upvote and subscribed** @epicroxas

@epicroxas

Buhay ko bilang persons with disabilities or PWD Ako po mula 1 year old ay nag kasakit ng polio.. noon pong panahon ko mga 1982 to 84 ay wala pa pong bakuna sa polio.. at tinamaan po ako neto.. at mula pagkabata ko nakaranas na ako ng pang bu bully.. sa aking mga kamag aral at kung sinu sinu pang mga tao.. laking pasalamat ko lang at hindi ako pinabayaan ng aking mga magulang na laging nakagabay at nag papalakas ng loob sakin.. pero hindi parin maaalis na kapag wala sila sa tabi ko ay nakakaranas parin ako ng pang bu bully sa mga taong tuwang tuwa akong pag tawanan.. muntik narin akong masiraan ng loob at huwag na pumasok sa eskwelahan dahil sa aking nararanasan. Pero patuloy akong kinukumbinsi ng aking mga magulang para ipagpatuloy ang aking pag-aaral.. kaya kahit hiyang hiya na ako at bigat na bigat na aking kalooban ay ipinag patuloy ko ang aking pag aaral.. kahit naaapektuhan ang aking focus sa pag aaral ay patuloy akong nag aral.. ng nag highschool ako kahit panu nabawasan ang mga bully.. pero hirap naman ako pumasok dahil sa aking kapansanan.. pero inisip ko nalang lalo akong mahihirapan kung hindi ako makakatapos man lang ng highschool.. nag patuloy ako ng pag aaral at nakakilala ako ng mga tunay na kaibigan.. hindi sila marami pero natoto nila akong tanggapin at suportahan.. nag patuloy ako ng pag aaral hanggang makapasok ako ng collage pero vocational lang ang nakuha ko kasi sa hirap ng sitwasyon ko.. natapos ko eto at naging top one sa klase.. at pasalamat ako sa aking mga magulang na hindi nag sawang suportahan ako sa aking mga pangarap..at lalong lalo na sa panginoon... salamat po.. Payo ko lamang.. sa mga katulad ko wag po kayong susuko sa kahit anu mang delobyong dumaan sa inyong buhay.. hindi tayo bibigyan ng dyos ng pagsubok na hindi natin kakayanin.. at sa mga tao namang pinanganak ng normal.. bakit hindi ng iba maayos ang kanilang buhay samantalang sila ang unang pinag pala.. kumpleto kayo sa katawan pero yung iba binabalewala nila kung gaano na sila ka swerte.. yun ang hindi ko maintindihan. Mag pasalamat sa dyos at maging mabuti sa kapwa tao.. at tulad ng nararanasan nating epidemya.. tiwala ako na malalampasan din natin eto lahat.. tiwala lang sa kanya.. Godbless to all.. Subscribed: @epicroxas Like.. comment.. upvote😊

@epicroxas

Hello po.. ako po si epic. Kumusta po sa lahat.. isa po akong simpleng mamamayan ng san francisco quezon.. laking bicolano.. napakagandang oportinidad ang website na eto para sa ating lahat para ma i bahagi natin ang ating mga karanasan at kaalaman.. sana po lumawig pa eto at ng lahit paano kumita tayo sa gitna ng epidemya na ating nararanasan ngayon.. subscribed po kayo sakin at paki basa at like ng aking mga article.. salamat po at Godbless sa lahat @epicroxas

@epicroxas

Covid-19 true story.. Isa pong kababayan sa Riyadh ang nagbahagi ng Kanyang karanasan.... Wag na po tayong mag hintay na maranasan natin Kanyang naranasan - prevention is better than cure -stay home as much as possible -practice the hygiene protocols diligently -augment our immune system -eat the right food -drink lots of fluids -vitamins parade: D, C, Zinc -sleep well -Pray Harder... Ïpaki share po sa lahat ng kakilala nyo baka sakali po malaban ang covid bago pa sya lumala... For info lang po at baka makatulong sa mga mag positive sa covid. dito po ako ksa at nag positive ako sa covid na kasama lahat ng sympton Mga tinake kong meds salabat, dried oregano n malaking tulong s ubo, gatorade, diatabs, paracetamol at azitromycin 500mg Dried oregano pkuluan lang. Mga 1 kutsara s 3/4 n baso ng tubig salain at gawing tsaa Dapat mag imbak kyo ng gatorade s bahay dahil magtatae kyo ng hindi kýo makakain. Manghuhina kyo oag hindi nyo agad naagapan at n dehydrate kyo mtutuluyan n kyo Kung may diatabs drink 1 everyday. Pag nkakakain n kyo mgandang sign n yun n nkkrecover n kyo Sa ubo ginmit ko salabat at oregano. Uubuhin kyo n mgiging fahilan ng hindi nyo pagktulog. Tanging dapa n posisyon ang mkktulog kyo.Kya lang aftet 1 hr mgising kna kc manhid n kmay mo. Dito nman nktulong n ng maiigi sakin ang antibiotic. Kaya make sure lagi n may gatorade, dried oregano, diatabs, paracetamol, at antibiotic kyo lagi s bahay. Ang lagnat for 1 wk hindi nawala. Minsan hot water din iniinom ko pra lumabas ang plema. Kailangan jc mailabas m9 aya pra wag mamuo a loob ng lungs mo. pag mga bata nga pala tinamaan ng covid at nagtatae na at ayaw tanggapin sa hosp, pilitin nyo mapalagyan ng dextrose para hindi ma dehydrate at alagaan nyo ng nebulizer kasi yung paghirap ng paghinga ang mapaka delikado at dehydration. Nklimutan ki banggitin n suob mkktulong ng pagluwag ng pag hinga kapag nhihirapan n kyo huminga. Magpkulo ng tubig at lagyan ng asin at baking soda. Pag kulo n magsaklob ng kumot at inhale ang usok n galing s pinkulong tubig n may asin at baking soda. sana makatulong ang info na binigay ko s inyo para maka survive sa covid. personal ko po yan experience at yan din ang sinsabi ko sa mga kaibigan ko na nagka covid dito at sa awa ng dyos karamihan po sa knila naka survive at nagpapagaling na po now. As of now , si tito po with Gods compassion ay Naka fully recover na... bale 7 po sa kanilang trabaho ang nagkaroon....Hindi pa rin nila malaman kung saan at Papaano sila nahawa ng covid 19.

@epicroxas

Hello guys..my name is michael.. i have a question regarding bch or how to properly earn here.. i have a article written in tagalog languages.. all i do is write some article.. and submit in the community... my question is how do i pay.. i receive payment but i really want to know how it happen.. i have more than 5 article.. and my biggest payment is $1.18.. how does it happen.. i was shock.. thanks for the answers.. i love this site...

@epicroxas

Sa gustong maging tech guy Anu ba ang mga dapat gawin o tandaan para maging technician ng mga computer.. ito ay ayun lamang sa aking karanasan bilang technician since 2001.. Kailangan mo ng mga tools para dito.. tulad ng mga basic tools.. screw driver etc.. 1. Una.. dapat matoto kang gumamit ng computer at alamin ang mga bahagi neto.. tulad ng mouse.. keyboard.. monitor.. cpu.. power supply.. basic muna.. 2. Pangalawa.. kailangang matoto ding gumamit ng computer.. tulad ng pag buhay at ang proper na pag patay neto.. 3. Pangatlo.. kelangang matotong gumamit ng mga software oh program neto.. unang una na ang windows.. kung eto ang inyong operating system.. alamin ang function ng start menu.. pag paalit ng oras.. kung anung silbi ng storage or hardrive or hdd.. at ang bago ngaun ang ssd o solid state drive.. para makita ang capacity ng inyong drive kung eto ay puno na or hindi.. kasi dito napupunta lahat ng inyong mga files.. data.. at mga installed program or software.. at mga anti virus.. na kakailanganin para ma protektahan ang ating mga data.. ang desktop mismo kung saan makikita ang mga icons ng mga naka install sa inyong computer.. 4. Pang apat.. ang solidong kaalaman sa mga importanteng software ng isang computer.. tulad ng microsoft office.. photo editor tulad ng photoshop.. mga installed music player.. video editor.. at kung ano ano pang mga program na kakailanganin sa inyong mga pangangailangan sa pag gamit ng computer.. 5. Pang lima.. kailangang meron kang skill sa typing.. google.. ang typing ay makakatulong mapabilis ang inyong pag se search sa google or pag eencode kung kayo ay isa ding encoder.. dapat proper ka mag type para hindi ka maliyo kakatingin mo sa tina type mo at sa monitor.. at sa pag go google naman dapat may skills ka sa pag hahanap ng iyong mga kailangan.. tulad ng research paper.. at importante ay mga latest drivers ng inyong gagawing computer.. 6. Pang anim.. dapat meron kang magandang connection ng internet.. tulad ng pldt.. smart bro.. at globe.. kayo na bahala mamili sa gusto nyo.. kasi kadalasan hindi available ang magandang connection sa inyong lugar lalo na kung ikaw ay nasa probinsya.. 7. Pang pito.. ngaun kung napag aralan nyo na ang aking mga nabanggit sa taas mula una hanggang anim.. pwede na tayo dumako sa mga hardware.. tandaan na kelangang ma master nyo ang bawat parte ng computer labas at loob neto at mga software na kakailanganin.. * OS or operating system - eto ang windows ng computer.. dito mo makikita ang desktop windows.. mga icons.. eto ang inyong GUI.. o graphical user interface.. dapat matoto kayong mag install neto at mag reinstall.. para sa mga sira ang windows mapa windows 7 man or windows 10.. bagamat may mga paraan pa para ma repair ang isang windows.. kadalasang solosyon ng mga tech guy ay reinstall windows.. * HDD or hard disk drive - eto ang isang parte ng computer na kung saan mapupunta ang inyong mga ilalagay tulad ng Windows.. microsoft office.. mga program.. kung bago ang inyong hdd kelangan mong natoto mag repartition neto.. saka ka mag install ng windows.. ang repartition ng hdd ay ang pag hati neto sa dalawang parte.. halimbawa meron kang hdd na may capacity na 500 gigibytes.. hatiin mo eto sa dalawa at gawing tig 250gb per drive.. para in case na bumigay ang windows mo.. at sa primary drive naman lagi naka save lahat lahat including windows mo.. ay yung mga important files mo hindi maaapektuhan sa kabilang drive.. malaking tulong eto para laging baka backup ang files mo at hindi masira.. * Mobo or motherboard - dito nakasaksak lahat ng mga pyesa ng computer.. et ang daan para mabuhay sila.. tulad ng processor or cpu.. hdd.. memory.. at mga cards tulad ng video card.. dito rin naka saksak ang mouse.. keyboard.. printer at kung anu anu pa.. * Memory or RAM - eto ang isa sa mga importanteng pyesa ng computer.. eto ang nag bibigay daan para gumana ang motherboard.. kung wala neto ay hindi mabubuhay ang computer nyo.. dito sa RAM or random access memory na se save panandalian ang mga data na ginagawa nyo sa computer nyo.. kaya mas marami kang ginagawa kailangan ng memory nato para ma process eto.. * CPU or central processing unit - eto ang pinaka utak ng computer..eto ang nag dadala ng mga instruction ng computer.. eto ay nag pe perform ng arithmetical at logical ng computer.. input and output neto... kailangang malaman din ang mga type ng cpu at mga board na compatible sa isang cpu.. ginagamitan ko eto ng thermal paste para hindi gaanong uminit habang ginagamit ang inyong computer.. * Cards - eto ay ang mga adons cards para isalpak sa mobo or motherboard.. number one na kilala ay ang video card.. kadalasan lalo na sa mga bagong motherboard ngaun ay may built-in video card na.. pero pwede etong gamitin para mas mabilis ang ating computer lalo na kung ikaw ay isang gamer.. * PSU or power supply unit - eto ang bumubuhay naman or nag bibigay kuryente sa bawat pyesa ng computer.. eto rin ang protekta para hindi ma over load ang mobo or motherboard.. * AVR or automatic voltage regulator - eto ang pinaka unang dinadaanan ng kuryente papunta sa PSU at motherboard natin.. kailangan eto para ma protektahan ang ating psu at mobo sa mataas or mababang kuryente.. hindi advisable ang hindi gumamit ng AVR sa computer.. mas ligtas kahit paano sa kuryente ang ating mga computer.. Sa susunod ko idedetalye ang iba pang parts ng computer.. sa ngayon eto po muna.. at tandaan mag ingat po tayo pag nag to troubleshoot ng computer.. laging alerto.. kung may mga hindi pako nabanggit.. its for you to discover... Godbless us all..

@epicroxas

Hello everyone.. my name is Michael Jeffrick Roxas.. and im 38 years old.. divorce.. i have two beautiful daughters.. and they are with me.. im a professional computer expert.. thats my job.. im a programmer also.. a photo editor.. a speed typist.. a computer technician.. encoder.. my oldest daugther is 14 and the younger is 10.. i leave in quezon province.. before i was in bicol but i move here in quezon because of my mothers property to takecare of.. God bless everyone and have a nice day.. Thank you

@epicroxas

Readme!! Eto po ang mga uri ng pang hahack na ating nararanasan at dapat iwasan.. kadalasan po nangyayari eto sa mga computer shop.. (hindi naman po lahat ng computer shop).. minsan po kasi mga costumer narin ang mga gumagawa ng ganitong gawain. Sa shop ko po walang ganito... kaya po mag iingat po tayo sa ating mga online account at wag tayo pabaya.. Eto po ang mga uri ng panghahack na ginagawa ng mga taong walang magawa sa buhay.. -Mataas na uri ng pang hahack na dapat nating malaman at iwasan- 1. Phishing attack - isang uri ng pag ataki na kung saan papadalhan ka ng email na kunwari legit company na nag send n email na kapag binuksan mo ay maaaring manakaw ang iyong mga information tulad ng bank account number.. password at iba pa.. medyo kapanipaniwala ang mga nakasaad sa email kaya minsan mapipilitan kang ibigay ang iyong information sa kanila.. kaya dapat maging maingat sa mga fake email at wag basta basta maniwala.. lalo na kung importante ang iyong mga online account.. 2. Phishing website (spoofed site) - ay isang uri ng pag ataki gamit ang pekeng website na kahawig ng mga website na ginagamit mo.. tulad ng facebook.. yahoo.. google.. online bank account.. etc.. na kapag nakita mo ay kamukhang kamukha ng isang legit na website.. at kapag sinubukan mong mag login dito ay mapupunta sa hacker ang inilagay mong username at password sa kanilang fake login form.. pero kadalasan ma error ang pag login mo.. pero lahat ng keystroke mo or na type mo ay mapupunta na sa hacker.. tandaan na iwasan ang mga fake website.. laging i check ang url neto.. kung tulad ng legit na site na gamit mo.. 3. Keylogger - eto naman ay isa uri ng isang program na kung saan ay na se save ang bawat keystroke mo ng keyboard even mouse click or visited website mo.. kapag nag type ka sa keyboard ay automatic naka save na mga na type mo at makikita na eto ng hacker.. pwedeng i automatic email nila mga keystroke mo sa kanila or meron ang isang computer na naka install at naka hide lang sa background na tanging ung nag lagay or hacker lang may access dito.. karamihan na meron neto ay sa mga shop.. or naka automatic install online kapag may na click kang link or program na hindi familiar sayo.. or itatago nila sa isang picture or fake program na iinstall mo.. -Mga mabababang uri naman ng panghahack na dapat natin iwasan- 1. Mga meron o mga nakatambay sa shop sa likuran ng nga nag cocomputer - eto ay mga taong naka masid lang sa inyong mga likuran.. para abangan ang pag tatype mo sa keyboard at kanilang titingnan mga letrang i tatype mo pag ma login ka sa fb.. or online games.. kapag nakita nila ang ba type mo at nakabisa nila.. maaaru nila etong i hack or nakawin sayo.. maaari nila etong i login sa ibang shop para hindi halata ang mga kolokoy.. kaya magiingat pag mag ta type ng inyong account sa mga computer shop na may mga meron sa likod nyo.. 2. Mga naiiwang account sa shop kung nakalimutang i logout or inabot ng time - eto naman yung mga taong natyempuhang naka login ang inyong account sa isang computer shop.. kapag nakita nilang naka login.. ex.. fb.. ay kanilang gagamitin para mag post ng kung anu anu sa inyong naiwang fb na naka login pa.. pwede nilang babuyin eto.. mag post ng kabastusan or i chat mga friend mo or mag delete ng friend.. kaya tandaan na kapag kayo ay gagamit ng computer sa isang computer shop ay matotong mag logout ng mga online account nyo bago kayo abutan ng time.. or bago kayo mag out kung kayo naman ay naka open time.. para hindi neto mabiktima.. Note: Pwede etong mangyari sa cellphone.. tablet.. doble ingat po sa pagamit.. Be responsible..

@epicroxas

Skills.. Anung skills ang meron ako pag dating sa computer.. 1. Programming - pag dating sa pag poprogram isang computer language lang ang pinag aralan ko.. ang Python 3. Pwede akong mag program sa computer at sa cellphone.. almost 7 years ko ng gamit eto.. pero patigil tigil ako sa kadahilanang madami akong gawa sa shop ko noong 2001.. nagagamit ko eto sa pagawa ng app.. marami narin akong nagawang website na pang sarili.. sa gaming clan na website at website ng shop ko.. noong may friendster pa.. nagamit ko skills nato sa pag momodify ng friendster.. 2. Photo editing - ang ginamit ko noong nag aaral pa ako ay coreldraw.. after 2 years nakilala ko ang photoshop.. at nanatili nako doon.. nag eedit ako ng mga logo.. mga tinatabing artista.. palit ng mukha at kung anu anu pa.. nagamit ko rin ang editing sa pag gawa ng id.. mga tarpaulin ng mga kandidato kapag election.. invitation sa kasal.. birthday.. binyag at kung saan saan pa.. magandang may ganitong background ka na pwede mong pag kakitaan.. halos lahat ng version ng photoshop.. meron din akong portable neto.. 3. Encoding - gumagamit din ako ng ms office.. nag eencode ako sa mga school papers.. sa mga teacher.. sa mga papers ng mga nag aabroad.. ako narin nagrerepair ng printer ko at nag rerefill.. noong 2003 to 2005.. ang speed ko sa typing or wpm ay 90 wpm.. na may accuracy na 90%.. pero habang tumatagal bumibilis pa ako.. naging 12wpm with 100% accuracy.. nagagamit ko eto sa mga costumer na rush mag pagawa.. at kelangan na nilang makuha agad.. kaya maraming nag papa encode sakin.. may mga typing games akong sinalihan para mahasa pa skills ko sa typing. isa dito ay typeracer na almost 20k race nako.. malaking pakinabang sakin ang skills na eto.. 4. Cellphone repair - natoto akong mag repair ng program ng cp dahil napansin kong madali lang eto at d naglalayo sa program ng computer.. marami narin akong na aayos na cp at na reprogram.. hindi napo ako nag balak mag repair ng pyesa neto dahil kulang po ako sa gamit.. 5. Computer technician - eto po ang favorite ko sa lahat ng skills ko.. ang una kong nahawakan ay amd k2.. may dip switch pa sya.. d katulad ngaun.. pinless na.. at naging diskless pa.. pero sabay po ako at updated lagi sa mga pyesa pyesa.. napakanda pong may background na ganito.. ramdam mo ang computer lalo na kung ikaw mismo ang bumuo.. since 2001 pa po ako nag bubuo.. umaayos ng computer.. maraming error akong naayos at natotonan.. na halos d alam ng ibang tech guy.. kung paano ayusin.. hindi lahat ng sirang windows ay reformat or reprogram ang sagot.. may sarili akong technique na natutunan ko sa haba ng panahong pagiging technician ko.. sa ngayon pinasok ko narin ang mundo ng bitcoin para extra income or potential business opportunity in the future.. Eto lamang po muna.. pa upvote po sana.. salamat..

@epicroxas

Mga game console ko noon at ngayon.. Bilag gamer.. eto ang mga console na nahawakan ko simula nung bata pa ako.. hindi po kami mayaman pero kahit paano nabilhan po ako ng mga console ayun sa panahon.. andyan din po ang mga games na nalaro ko noon.. yung iba po limot ko na.. yung mga naaalala ko laang po ang inilagay ko.. Unang console ko ay atari.. noong una po ay pinalalaro lang ako ng aming kapitbahay.. submarine lang po nalalaro ko.. pero binilhan din po ako ng aking mga magulang para hindi napo ako lumabas... ang masakit lang same game din po nabili sakin.. elementary lang po ako nun.. mga 1990 ko na po sya nalaro kasi kpag unang labas ng console ay sobrang mahal.. Console Atari 2600 Release - 1977 Game Seaquest for atari 2600 Pangalawa po ay family computer.. noong panahon po ay eto ang pinakamagandang console.. kasabay ng mga sega saturn.. kaso family computer napili kong ipabili.. nakikipag palitan po ako ng game sa may mga meron neto sa lugar namin.. Console Family Computer Release - 1983 Games 1. Battle City 2. Galaga 3. Excitebike 4. Super mario bros 5. Ice climber 6. Donkey kong 7. Pacman 8. Road fighter Pangatlo pong console ay Playstation.. ngaun ko lang nakita ang 3d game na maganda sa mata.. nung panaho na yun ay eto na ang pinaka magandang graphics na nakita ko sa mga games.. Console Playstation Release - 1994 Games 1. Tekken 3 2. Grand turismo 3. Tenchu stealth assassin 4. Final fantasy 5. Metal gear solid 6. Resident evil 7. Castlevania 8. Tomb rider 2 9. Tony hawk pro skater 2 10. Silent hill Pang apat po ay playstation 2.. eto pong ps2 ay upgrade version ng ps1.. lalong pinaganda ang mga games ay graphics neto.. nag karon narin ako ng mga psp.. slim type at sliding type.. Console Playstation 2 Release - 2000 Games 1. Metal gear solid 2 / 3 2. Resident evil 4 3. Grand turismo 4 4. Silent hill 2 5. Devil may cry 3 6. Tony hawk undetground 8. Star wars battlefront 2 9. Tekken 5 Eto naman pong pang lima ay bigay sakin ng aking bayaw sa australia.. at dahil halos pc na gamit ko.. bihira ko pong magamit ang xbox ko.. Console Xbox 360 Release - 2005 Games 1. NBA Live 09 2. Halo Eto naman pong Playstation 3 ay bigay sakin ng kapatid kong panganay.. na nasa italy.. dito nakakapag wifi nako at sounds.. nood ng offline videos at youtube... naglalaro ako neto tuwing gabi lang bago matulog.. Console Playstation 3 Release - 2006 Games 1. Call of duty black ops 2. Gran turismo 6 3. Killzone 2 4. Naruto shippuden 5. NBA 2k18 Sa ngaun wala pa po akong playstation 4.. 5.. mahal pa po sya.. sa computer lng po ako nag lalaro.. Kayo ba? Anung gaming console na nahawakan nyo.. please like this article.. salamat po at God bless

@epicroxas

Buhay ng computer shop owner P2 Panu ba ang buhay ng isang computer technician.. eto po ay ayun laang sa sarili kong karanasan.. pag katapos kong makatapos ng computer tech sa isang paaralan. Naisipan kong magtayo agad ng negosyo.. ang computer shop.. AMD lang ang mga unit ko kasi alam naman nating medyo may kamahalan ang Intel.. pero ang server ko ay Intel sa dahilang tumatagal eto ng magdamagan.. matibay eto sa patagalan ng pag gamit keysa sa AMD. Eto ay ayun laang din sa aking kaalaman at karanasan.. noong 2001 sa aming lugar ay ako palang ang may ganitong negosyo.. kaya malakas ang gaming nun.. 30 pesos pa per oras.. at wala pa ako internet connection noon kasi hindi pa abot sa aming probinsya.. mga bandang 2003 nagpakabit ako ng internet kaso dial-up palang kasi yun palang ang available na internet connection saming lugar.. eto ang mga offline games at online games ko noong dial-up pa internet connection ko.. OFFLINE GAMES: 1. GTA Vice city 2. GTA San andreas 3. Counter strike 1.3 / 1.5 / 1.6 4. Quake III Arena 5. NBA live 2000 6. Spiderman 7. Harry potter 8. HOLLOW 9. Need for speed underground ONLINE GAMES: 1. Ragnarok Yan lang ang online game ko kasi dial-up pa ang connection ko.. na almost every 30 minutes ay ma reconnect ka.. Dumating ang 2005 nagkaroon na ng smarbro dito sa lugar namin.. at dun ko nalaman na may tatlong shop na pala sa lugar namin..at pang apat ako sa makakabitan.. kaya napilitan akong mag baba ng presyo sa pagpapalaro.. 30 pesos naging 25 at naging 20 pesos.. may pa promo pa.. lumipas ang dalawang taon.. nadagdagan pa mga shop sa lugar namin hanggang pati ang internet ay bumagal.. kasi bukod sa mga computer shop may mga taong nagpakabit din ng smartbro sa kanikanilang pamamahay.. pero eto naman yung part na dumami na ang nag papagawa sakin ng computer.. bukod sa mga taong may sariling computer ay yung may mga shop din na walang background sa pag aayos ng computer.. may encode din po ako.. ngayon dumating ang 2009 nagpalit nako ng connection.. PLDT naman kasi walang limit.. at yun din ung time na nag upgrade nako ng mga pc kasi hindi na kaya yung mga bagong games.. eto na ang mga online games sa computer shop ko.. 1. SF 2. DOTA2 3. Garena 4. ROS 5. LOL 6. Weapons of war Mahirap mag maintain ng shop lalo na at solo ka lang.. pero sa determinasyon ko napatagal ko ang shop ko hanggang 2018.. nag sara ako ng shop dito sa bicol dahil dumalas ang brownout.. at naisipan kong lumipat ng quezon province.. pero nadatnan ko dito na hindi pa abot ang pldt.. kaya nag hihintay ako ng pldt dito para maka pag umpisa ulit.. sa ngaun sideline sideline muna.. repair ng pc at cellphone sa ngayon.. kaya hangang dito po muna.. at maraming salamat po...

@epicroxas

Karanasan ko bilang computer shop owner Nag tayo ako ng computer shop noong year 2001. Meron lang akong limang unit.. ang isa dun ay server ko.. sa server ko may printer.. ang rate ng games nung 2001 hanggang 2009 ay 30 pesos per hour.. ang pinagkakakitaan ko ay pag papalaro.. pag eencode at pag aayos ng mga pc.. ang paborito ko ay mag ayos at mag encode.. ang laro ay libangan ko lang.. habang tumatagal bumababa ang presyo ng pag papalaro sa kadahilanang dumadami ang nagtatayo ng shop.. pero ang napansin ko.. halos lahat ng nagtayo ng computer shop sa lugar namin ay walang alam sa pag aayos neto.. gumamit lang.. kaya ang nangyari ako ang naging tech ng ibang shop.. sa encoding naman.. mabilis ko nagagawa ang trabaho kasi ang bilis ko sa pag ta type ay 120wpm n may 100% accuracy.. sa mga photo editing naman may skill ako sa photoshop at coreldraw.. so hindi mahirap para sakin ang mag edit.. sa pagiging technician naman mas ok dahil yun talaga ang una kung natapos at pinag aralan.. kailangang makisama ka sa mga costume.. kahit anung edad pa yan.. at i download ang mga gusto nilang laro.. para ma maintain mo ang shop mo.. ngayon dumating ang 2013 madami na shop.. naging 10 pesos na ang kada oras.. kailangang lumakas ang repair at encode kasi nahina ang gaming.. dalawang beses lang ako nag upgrade mula 2001 to 2018.. dahil sa kaka repair ko ng mga unit ko sa shop.. ibig sabihin kapag may alam ka sa pag aayos ng computer at matayo ka ng shop mas mainam na may alam ka sa pag aayos neto hindi lang pag gamit.. marami rin akong naranasan sa shop.. tulad ng pag susuntukan ng mga player ko.. mga sinusundo ng mga magulang.. at mga para utang na tropa na wala ng bayad bayad.. sa awa ng dyos napanatili kong buhay ang aking shop na may pangalangang Brainwave computer shop at sa pangalawang upgrade at nag pa BIR na ako ay Fusion computershop.. sa ngayon lumipat nako ng lugar.. at dito naman ako magtatayo ng shop.. isusulat ko dito ang bago kong shop.. eto po muna at maraming salamat.. God bless sa inyo lahat..

@epicroxas

Paalala sa pag iingat ng ating mga gadgets... Gusto ko pong magbigay ng mga paalala kung panu natin maiingatan ang ating mga gamit/gadgets.. Cellphone Wag hayaang naka charge ng magdamag o lumampas sa oras ng tamang oras na nakalaan sa isang cellphone.. Wag gamitin ng naka charge eto habang ginagamit para tumagal pa ang buhay ng isang cellphone.. Alisin ang baterya at ilapat sa pantay na sahig at subukang ikutin.. kapag ito at umikot nangangahulugang lumubo na ng konti ang inyong baterya.. sanhi eto ng sobrang pag charge o pag gamit ng naka charge.. Kung sakaling parang mabilis oh mabagal mag karga ang inyong baterya keysa sa normal na pag charge neto.. nangangahulugang hindi na mabasa ng cellphone ang tamang percentage ng inyong baterya.. at kelangang i calibrate ang inyong telepono.. (Eto ang paraan para ma calibrate nyo ang inyong telepono:: i lowbat ng husto ang telepono.. i charge ng naka patay ang telepono hanggang maging isang daang porsyento.. pag isang daang porsyento na buhayin eto ng hindi binubunot ang charger.. kapag nakabuhay na at nakitang 100% na ang baterya bunutin mo na sa telepono sa charger.. ngaun calibrated na ang inyong baterya.. at magbabasa na ng tama ang inyong telepono kung ilan talagang porsyento ang inyong baterya.. mas magandang gawin eto ng isa hanggang dalawang beses kada linggo) Ang mga nabanggit ay pwedeng gamitin sa tablet.. Laptop Halos ganun din ang dapat gawin tulad ng sa cellphone. Pag ka calibrate lang ang hindi.. Wag gamitin ng naka charge ang laptop.. magiging sanhi eto ng paghina ng baterya ng laptop.. Dapat updated lagi ang inyong anti-virus para maiwasan ang virus.. Wag gamitin habang nakain para hindi malangisan oh madumihan ang keyboard neto na pwedeng maging sanhi ng pag kasira neto.. Wag ipatong sa kama oh kung saan mang pwedeng uminit ang ilalim neto na pwedeng maging sanhi ng pag palya ng mga pyesa neto sa loob.. Gumamit ng cooling pad kung kinakailangan kung eto ay gagamitin ng matagalan.. at kung naaalis ang baterya neto ay mas mainam na alisin nlng habang naka charge ang laptop para hindi maging sanhi ng pagkasira o pag hina ng inyong baterya.. Yan lamang po muna at maraming salamat.. kung may tanong kayo patungkol sa mga teknolohiya ay wag mahiyang mag mensahe sakin.. Salamat

@epicroxas

Nag repair ng mga computer ng isang araw Nag ayos ako ng 6 units na pc in one day. Of course mahirap. Windows error.. power failure.. mobo problem.. keyboard and mouse port problem.. power supply damage.. etc.. so sinimulan kong mag repair mula sa mahirap papunta sa madali.. good thing may mga stocks akong pyesa.. like memory.. processor.. psu.. mouse keyboard.. marami pang iba.. apat sa pitong unit malala ang tama.. so i replace the fault parts.. and of course reintall the whole windows.. im using windows 7.. na nawalan na ng support online.. hindi ko na explain kung bakit.. si ayun.. naayos ko nmn lahat.. using usb with windows.. couple of screwdriver.. and equipped with almost 20 years of experience as a computer technician.. and thats it for today.. thanks for reading this..