read.cash Log in
@ellimacandrea more from that month

Maligayang Araw ng Kalayaan

Maligayang Araw ng Kalayaan. Ngayong araw, Hunyo 12, ay cine-celebrate natin ang araw ng Kalayaan dito sa Pilipinas. Taon-taon natin itong ipinagdiriwang. Ito ang ngsimula ng tayo ay lumaya sa kamay ng Espanya sa taong 1898. Akalain mo, isang daan, dalawampu't dalawang taon na tayong malaya. Maraming mga bayani ang inilaan ang kanilang buhay upang maging malaya at mapanatiling malaya ang ating bansa. Ipinaglaban nila ang ating karapatan at kasarinlan. Sa araw ng kalayaan, marami sa atin ay ginagawa rin itong araw ng pahinga. Marami rin ang patuloy na ngtatrabaho at bayad naman sila ng doble dahil dito. Sa araw ng pahinga ay madalas nila itong ginagamit upang gumawa ng masasayang alaala kasama ang mga mahal sa buhay. Naisip ko lang, kung walang pandemic, marahil ay nanonood ako ng parada o kaya ay tumutulong sa aking mga pamangkin sa paggawa ng watawat ng Pilipinas. Ang watawat ng Pilipinas ay winawagayway tuwing araw ng Kalayaan. Marahil na iginugunita natin ito. Ngunit, tunay nga bang tayo ay malaya na? Malaya ba ang iyong kasalukuyang estado sa buhay? Maging ito ay pinansyal o emosyonal. Nais kong marinig ang inyong opinyon o hinaing.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.