read.cash Log in
@ellimacandrea more from that month

Star City Remembered

Sino dito ang naka-punta na at namasyal sa StarCity? Naaalala ninyo pa ba ang masasayang araw niyo dito? Naalala ko na ang first time kong pagpunta dito ay noong nag-fieldtrip kami ng mga classmate ko kasama ang aming teacher noong ako ay nasa 2nd year high school. Matagal ng panahon iyon at hindi pa uso ang cellphone na may camera. Kaya wala akong remembrance noon. Ang pangalawang bisita ko naman ay noong nakaraang taon pa lamang. August siguro yun at pumunta ako ng Manila. Pumunta na rin kami ng boyfriend ko para mamasyal. Hindi namin akalain na last time na pala yun dahil nagkaroon ng sunog dito ilang buwan pagkatapos namin bumisita. Mula sa Pasay ay nag-Grab na lang kami para mas mabilis ang pagpunta. Naka-kuha ako noon ng mas murang ticket sa Metrodeal kaya nakatipid kami. Una naming sinakyan ay yung Surf Dance ata yun. Nakakatakot dun at hindi na ako umulit.

Gusto sana namin subukan ang Rollercoaster pero pareho kaming duwag kaya hanggang picture na lang ang ginawa ko. 😅 Isa pa ay mahaba ang pila pero maiksi ang aking pasensya. Hindi rin namin nasubukan ang Ferris wheel kasi mahaba din ang pila.

Sinubukan namin yung Pirate Adventure. Dito ay hindi masyadong nakakatakot pero sasakay ka sa parang bangkang pabilog at magtatravel sa man made na ilog sa ilalim ng man made na bundok. Habang nasa loob ng bundok at kinukwento ang story tungkol sa Pirate's of the Carribean.

Isa sa pinakanakaka enjoy na experience din yung Art Gallery ng Star City. Ang daming magagandang painting na parang totoo. Nilibot din namin ito. Pero kailangan dito ay naka medyas ka o kaya ay nakapaa. Bawal ang sapatos.

Pumasok din kami sa Gabi ng Lagim. Pumila sa Vikings pero hindi kami tumuloy dahil natakot ang kasama ko ng makita nyang sobrang taas ng swing ng ship. Sa Merry go round nalang kami sumakay. Enjoy rin naman dito at relax lang.

Ang sarap sana balikan ng lugar na ito. Malapit lang sya sa City kaya pwede mong puntahan kahit wala kang sariling sasakyan. Nakakapanghinayang nga lang na ito ay nasunog na. Sana ay bumalik pa ito ng maibalik pa ang masasayang alaala. :)ellimacandrea

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.