read.cash Log in
@ellimacandrea more from that month

Naranasan mo na ba? **Naranasan mo na ba?** By ellimacandrea Naranasan mo na bang maglakad sa kagubatan? Naranasan mo na bang maghabulan sa ulan? Naranasan mo na bang maligo sa sapa? Naranasan mo na bang sa putik madapa? Naranasan mo na bang tumulay sa pilapil? O kaya nama'y kumuha ng bulaklak ng ipil-ipil? Naranasan mo na bang magpakain sa manok? O kaya nama'y kumain sa niyog na mangkok? Lahat ng iyan ay aking naranasan Nang ako'y tumungo sa bahay sa kabukiran Preskong hangin aking nalalanghap Magandang tanawin aking hinahanap. Luntiang damuhan sa aki'y nakapaligid Matataas na puno at asul na langit. Sari-saring prutas halos lahat ay hinog na, May niyog, may saging, at mga papaya. Habang ako ay nandirito't nagpapahinga Aking napagtanto ang buhay ay maligaya Kulang man sa mga materyal na bagay Matatanaw pa rin ang bukang liwayway. Ang sarap mamuhay sa lugar na tahimik Walang kaguluhan, kahit na maputik Lalo na kung ang kasama'y mahal sa buhay Simpleng buhay na punong-puno ng kulay.

:)ellimacandrea😊❤

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.