read.cash Log in
@deanny07

@deanny07 in October 2022

@deanny07

Todays foodie! Jollibee now, chickens feet lateeer! Hahaeh, masarap din kaya ang paa ng manok? Relate ba kayo mga kaingay? Sarap kaya nito, mas gusto ko dito yung matapang ang lasa ng pagka adobo niya. Ying nag aagaw ang lasa ng anghang, alat na medyos manamisnamis. Panalo! Tapos may tanduay! Ahwwwp! Mali, may coke pala. Haha

@deanny07

Dapit hapon. Busy na ang lahat sa paghahanda para sa isang gabing pahinga. Sarap ihilata ang katawang pagod na pagod na. Ang ganda ng view dito sa labas bago gumabi. Nakakarelax at sarap sa pakiramdam na lumalamig na. Nakapaghanda na ba kayo ng hapunan?

@deanny07

Happy sunday sa lahat! Nakakaatress lalo kapag walang sabaw ang ulam kaya maaga akong nagluto ng tinolang isda. Sarap ng sabaw. Busy na naman ngayon dahil may pasok na naman bukas. Ingat po lahat ng magsisimba at gagala ngayon.

@deanny07

Shine like the sun shines so bright. Blue sky for peace of mind. Captured earlier while we are traveling back home. Super ganda ng mga tanawin, ang sarap pagmasdan, nakakawala ng problema. Nakakalimutang saglit lahat ng hinanakit. This is one of my stress reliever.. Strolling around.

@deanny07

Umaga pa lang ay galit na galit na ang araw. Galit na galit parang gustong manakit, kaya huwag kakalimutang magdala ng maraming tubig upang hindi ma dehydrate. Gustong gusto ko talaga makakuha ng mga pictures na ganito. Nakakarelax sa mata. #BlueSky #Road

@deanny07

Very easy to prepare viand. Grilled fish. But it is not cheap budget food anymore kasi ang mahal na ng mga isda ngayon. Ito ang favorite ko na ihawin kasi ang puti ng laman. Sarap na sarap ako kapag inihaw to. Natural din ang lasa basta inihaw na isda. Super sarap.. Hindi nakakaumay. Nag lunch na ba kayong lahat? Sarap matulog ngayong oras na ito. Tapos busog na busog.

@deanny07

What's for lunch? Monggo with pancit canton. Tipid na muna tayo kasi naghihirap ang show. Tipid now, kain sa labas later. Hehe Ako talaga basta pagdating sa pagkain, wala akong inaatrasan. Kahit anong combination, go ako. Basta hindi lang nakakalason. Kapag sanay sa mahirap, hindi matatakot na maghirap.

@deanny07

We all have unique ability to create limitations of our abilities. Let us be more focus on our weaknesses ang limitations. Keep on moving, but always remember to take it one at a time.

@deanny07

Uwian na. Maraming bata ang nasa daan na masayang nagkukwentuham. Excited na excited ang mga bata na makauwi. Ang sasaya ng mukha kapag pauwi na. Ingat kayo mga bata. Tayong mga nanay, excited din na makita sila na paparating galing eskwela. Yung makita na safe sila ay isang legit na kasayahan.

@deanny07

Paskong pasko na sa mga tindahan ngayon. Ramdam ko ang lamig, lamig ng walang pera. Okay, lang kahit walang pera basta may jowa, ay chaaar! Haha Sakit naman kasi ng wala ng pera, wala pang jowa. Double kill yun. Pero okay lang, darating din ang tamang pagmamahal sa tamang panahon, may bunos pang cash. Hehe kaya kapit lang mga single! Ang gaganda ng mga christmas lights. Nakakainggayo ang maganda at iba ibang kulay nito.

@deanny07

A gift to someone I love. Happy teachers day to the teacher of our family. Thank you for being generous all the time. Thank you for making us feel that we are loved. Today is your day and We hope that you are completely happy. We will always pray for your good health and more blessing to come.

@deanny07

Straberry flavor and favorite nitong anak ko. Kaya ganito ang nakikita ko sa bag nya. May pa'tang juice pang nalalaman. Akala mo. Naman parang walang uti. Siguro kaya nahilig sya sa strawberry kasi pink yung favorite color nya. Lunch na kayo lahat mga kaingay.

@deanny07

Snail at our bathroom. They are my best enemy in my plantita journey. They kept on eating all the leaves of my plants. I hate them so much. I can't even understand why they existed. But they said their are some advantages why this snail is here. Maybe I need to do more research.

@deanny07

Blurry day! Life flies by, and it's easy to get lost in the blur. There are times that we passed by blurry situations in our life. We need to see things clearly in order to survive. Keep on moving!

@deanny07

Pampatulog ng mga pusong pagod na pagod. Charizz. May donations tayo na May Wine ngayon. Kaso hindi ko bet ang tamis ng wine na ito. Mas masarap pa rin yung may medyo kapaklaan at kapaitan, katulad ng pait na sa aking buhay ay kapit na kapit... #Wine #Hugot

@deanny07

When I was young, I always thought that money is everything. If you have money, you can have everything. But now when I am 32 years old, i proved to myself that it is legit. I used to hate gambling. I hate when I witness my parents quarreling because of money and gambling. But now I see it in myself. Lols! I always do crypto trading and afford to lose all my savings. I never thing it is gambling. Hahaha

@deanny07

Pork adobo with chili oil. Im not fan of pork adobo, but i don't have choice for now. 😁 I used to cooked fried and grilled with super spicy sauce. It was cooked with too much loved, so every family member who eat this always have goodvibes.

@deanny07

Just wanna flex my broom2x, hehe Grabi ang sama ng panahon dito. Mukhang babagsak ang mabigat na damdamin ngayong gabi. Ang ganda ng pagkakuha ko nito ay. Maliwanag pa talaga dito, iwan ko sa effect nitong phone ko ngayon, mukhang may dilim at galit na damdamin. Hehe

@deanny07

Captured last night. Ang ganda tingnan ng moon. Maliwanag na maliwAnag, hindi katulad ng relasyon na unti unting nagdidilim na para bang hinanakit sa bawat isa ay lumalalim. Napakagandang pagmasdan na sa puso ay nagbibigay ng kaginhawaan. Isang mapagpalang araw na sabado sa lahat...

@deanny07

Kawawa naman ang buto ng ulam ko kanina. Sa sobrang gutom, nakalimutan ko na magpicture. Dahil naging magastos ako noong mga nakaraang araw, ngayon dalawang paksiw sap-sap na isda ang ulam ko. Bali 14 na pirason iyan, at kakainin ko sa pitong kainan. 😂 Kailangang magtipid upang masustentohan ang pagkagastador ko.

@deanny07

Bukas nalang pala ang paksiw ko. Ito na munang chicken inasal sa kanto na may free drinks at unli rice. Sayang din kasi. May nagyaya at nanglibre. Makakatanggi ba naman ako? Charzzz! Favorite ko to, nakakatatlong kanin ako dito. Kapag trip ko magbuntis pagkatapos kumain, 4 cups of rice ako. Hehe ang saya diba? Sulit ang sarap nitong chicken inasal nila, level na level sa mang inasal ang sarap..

@deanny07

Hottest day and busy day everyone. Road to sunday's tabo.. Sunday's tiangge where everybody can buy vegetables, lagutmon like camote and etc. So tiring but fullfilling. #SundaysBest

@deanny07

Sobrang napagod ako kanina. Nakikipagtaguan ako sa mga momo. Haha! Yung mga momo na nanghuhuli sa daan ng mga taong walang lisensya, helmet, rehistro ng motor at iba pa. 😁 Uy, joke lang huh. Di yan sila momo. Marangal ang trabaho ng mababait na pulis. Except sa mga nadis'armahan dahil sa kalokohan. Kuha ko yan habang nakatambay. Diba ang ganda ng panahon.

@deanny07

Good morning moon. 4:50 na ng umaga ngunit nandyan ka pa. Bilog na bilog at napakagandangnoagmasdan. Tunay na isang pinakamagandang nagawa ng Maykapal. Lunes na naman mga kaingay. Tara na at maghanda ng baon ng mga bata at pagpasok sa trabaho. Nakapagsaing na ako at ulam nalang ang kulang.. Ingat po ang lahat. Huwag mag alala, napakadali ng panahon, byernes na naman sa susunod na araw. Ang bilis ng oras ngayon, kaya dapat sulitin. Dapat happy lang palagi..

@deanny07

Pancit for snacks. Salamat sa Sk chairman ng baranggay na nagpa snacks ngayon dito sa amin. Nakakawala talaga ng pagod basta may mga snacks na ganito. Sarap i'partner sa malamig na malamig na coke. Sk, beke nemen.. Hahaha! Nagpaparinig ba eh. Anyways tubig na malamig lang ito, solve na.

@deanny07

Negosyong pangkabuhayan muna tayo. Ngayon talaga kahit anong pwede pagkakitaan, goraah ako palagi. Iba na talaga basta may pamilyang kailangang buhayin. Lahat kayang gawin. Bawal tamarin lalo na pagdating sa mga anak. Lahat kinakaya. Ngayon ko lang naintindihan ang sipag na pinapakita ng parents ko noon. Lahat kinakaya nila, hindi alintana ang pagod. Buko pandan juice para bukas sa canteen.

@deanny07

Nakikita nyo ba ang nakikita ko? 👻 Joke lang! Kayo naman. Propeller ng ceiling fan lang namin yan. Wala akong magawa bago matulig eh. Pagod na pagod ako pero hindi pa ako dinadalaw ni antok. Ngarag na naman ang fislak ko nito bukas.. Pinatay ko na ang ilaw at reflection nalang ng ilaw galing sa labas kay nakikita nag ceiling fan..

@deanny07

Sayang! Grasya na sana, nalibing pa sa lupa. Isa ito sa mga pagkain na pinamimigay sa mga kabataan. Patuloy pa rin kasi ang feeding program dito sa amin. Kasu ang oatmeal with kalabasa seeds bar na ito, inamag na. Manufactured april 2021 at yung expiry date ay april 2023. Kasu inamag kaagad. Ang dami nitong mga nilibing. Maraming tyan na sana ang mabubusog dito

@deanny07

Ready na for lunch. Fried chicken. Another blessing na naman na bigay ni kapatid. Kung ako lang ay, kung saan lang sana makakatipid ay doon na ako. Kaso kapag may grasya naman, hindi naman natin pwede hindian.. Baka hindi na ulit magkagrasya. Tara na at mananghalian mga kaingay.. Maaga ako ngayon sapagkat ang dami pang trabaho na kailangang gawin..

@deanny07

Akala ko madali lang, akala ko kaya ko naman at sa akala ko agad-agad matuturuan ko ang anak ko. Napakalaking kamalian. Akala ko lang pala ang lahat. Saludo ako sa mga guro sa mababang baitang na nagtuturo sa mga bata kung paano bumada at sumulat. Nahirapan nga ako sa na isa lang ang tinuturuan ko, sila pa kaya na nasa 30 to 40 na mga bata sa araw araw. Kaya dapat talaga silang pasalamatan. Maraming naiinis sa kanila dahil sa maraming reklamo sa kanila. Sana dapat alam muna…

@deanny07

Hard earned money! This is the reality nowadays. Money is most hard to find. Mas kumikita ang madeskarte kesa matalino lang. Katulad ng sa amin na walang maipagmamalaking katalinuhan ngunit nagsusumikap sa buhay. Ano ba naman ang pagod kung kapalit naman nito ay kaginhawaan ng buhay ng pamilya. Hindi ko naman hinahangad ang yumaman. Simpleng kabuhayan, mapag aral at mapakain ng dapat ang pamilya ay isang defination ng success. Ngayon pa ba tayo susuko? Kung kailan marami na…

@deanny07

Natatawa naman ako dito sa alkansiya ko na empty bottle ng coke na 1.5L. Kaya ko kaya itong punuin? Laban lang muna tayo. Paano ba naman kasi, hindi naman pwede na puro savings. Kailangan din kasing kumain nitong mga bunganga natin. Kaya dapat balansi2x lang. Nagiging inspirasyon ko itong laki ng alkansiya ko na magsumikap pa sa buhay. Nakakatuwa tingnan eh..

@deanny07

Umagang kay ganda sa lahat. Myerkulis na naman. Ang bilis talaga ng araw. Gising na ba ang mga nanay dyan? Akala nila madali lang maging nanay, laging sinasabi na "ang sarap naman ng buhay nya, nasa bahay lang*. Hindi lang nila alam na may overtime din ang mga nanay. Mas nakakapagod ang maiwan sa bahay kasama ang mga gawain. Kaya sana ma appreciate din ng lahat na ang pagiging isang nanay ay parang isang superwoman. Ang daming responsibilidad. 🥱Zzzzzzzzzz

@deanny07

Isang napakagandang umaga sa lahat.. Panibagong araw, panibagong pag-asa. Manalangin lang tayo at pagtrabahuan natin kung ano man ang pinapanalangin natin sa buhay. Sipag at tyaga lang. Gawing inspirasyon ang mga paghihirap na nararanasan natin. Huwag panghinaan.

@deanny07

I shared this photo on #noisecash, but I want to share this here ni #noiseapp too. I love this because I feel like it symbolizes new hope and new beggining for everybody. Keep on going. No matter how down we are, there's always new hope. We deserve to be happy so choose to be a happy one.

@deanny07

Biglang nag starting systrm itong phone ko. Nahirapan ako na maibalik sa normal. Mga 6 hours din sya ganito. Salamat naman talaga at at bumalik sa normal. Nakakapraning talaga kapag cellphone na ang nasira. Salamat sa may mga kalaman na nag'share sa akin kung paano i'fix.

@deanny07

Tinolang manok for dinner. Wala man lang ka'gulay gulay itong tinola namin. Paano ba naman kasi tinatamad kumuha ng papaya itong kapatid ko na parang ampin ata at hindi naman lang nakamana ng kaunting kasipagan sa parents namin. Haha Ewan ko ba, kung ako lang ang nandito kanina habang nagluluto. Naku! Cguradong loaded to lalo na s malunggay.

@deanny07

Hello po. Message2x nyo naman po ako sa noise.app Hehhee reply agad po ako, promise.. Ang ganda din ng noise app kasi nami'message nyo ang isa't isa. Wala lang nag re'reply kasi sa akin.. Sad! Pero baka lang gusto nyo or may request kayo sa akin. Mabait ako. Hahaha

@deanny07

Apat na maliit na sulok. Masarap tambayan habang nagsi'cellphone. Hahaha! Oh! Mga mare? Relate ba kayo dyan? Dati nagsi'cr ako mga minuto lang labas agad kasi nababahuan ako sa sarili kong waste. Hahaha! Pero ngayon kaya kong tumagal ng 30 mins to 1 hour dito sa maliit na may apat na sulok na lugar ng bahay basta may dala akong cellphone. Nakakatawa talaga ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay ay! Happy thursday sa lahat..

@deanny07

Bluetooth speaker na super handy at kahit saan pweding gamitin. Ang ganda nito. Malakas din ang tunog. Maliit lang. Sulit naman sa presyo na 169 sa shoppe. Basta sa shoppe kapag maswerte ka makakatipid ka. Pero may mga time din naman na malas. Hehehe Gamit na gamit itong speaker lalo na kapag medyo bingi. Hehe joke lang. Gusto ko kasi palagi may tugtog. Nakakarelax.

@deanny07

Dumating na kanina yung order ko na pineapple juice at orange juice para sa canteen. Tag iisang kilo ito. Sulit sa dami.. Talagang kikita kapag madiskarte. Titimpla na muna ako, para mamaya ay mapapalamig ko na sa reef, at bukas ay ready na... Hapunan na mga kaingay.

@deanny07

Umiinit na ba ang inyong umaga? Tayo talagang mga nanay, pagkagising ay deritso sa lutuan. Naghahanda ng makakain ng pamilya. Nakakapagid man bumangon, ngunit Ina tayo. Walang day off sa trabaho natin. Uling pala gamit namin, kapag emergency, saka na kami gumagamit ng gas stove. Mga tipid tips para sa mga nanay..

@deanny07

Gagala ang lola nyo mga mare, hehehe Punta ako ng city, bibili ng plastic sa panindang ice candy. Nakasakay na sa jeep, at lulang lula na po. Pero laban lang sikmura, para magkalaman ka kailangang kumita. Haha Oh! Sya.. Kakapit na muna ako dito.. Di bali na mamodmud utong mukha ko, 'wag lang mahulig ang cellphone ko. Hahaha #KapitSaJeep

@deanny07

Lunch ko kanina sa city. Hindi na ako nag order ng jollibee. Ito nalang pampawala kasi ng lula. Sarap higupin ng mainit na sabaw.. Slurrrrrp! Sarap! Burrrrrp! Pero hanggang ngayon hindi pa ako nakakagalaw sa sobrang hilo. Help me Lord! Mas gusto ko pa talaga mag motor.

@deanny07

Healthy evening po mga kaingay! Gulay pampahaba ng buhay. Sarap na di ipagpapalit, pinakbit! Weekend feels na naman.. Tapos bigla na naman tayong matutulala dahil lunes na naman.. Bongga!

@deanny07

Good morning po sa lahat. Naglalakad kami ngaykn sa labas. Bili lang ng mantika. Soysyal itong isang bata na ito, bibili lang sa labas naka scooter pa. Syempre, hindi mawawala ang kinakain nya. Basta sasama talaga ang anak sa labas kahit bibili lang ng mantika o vetsin, may bitbit na pagkain. Mas uunahin pa na makabili ng pagkain kesa pinabibili sa kanila eh.

@deanny07

As usual kulorom na naman kami dito sa masbate. Mabuti nalang nasisinagan kunti ng kapitbahay na may generator. Sana all may generator. Sana may magpa tulfo na nitong electric corp dito sa amin. Ang hirap ng walang action. Lagi2x nalang brown out. Abala masyado sa trabaho. Pero may advantage din lalo na sa family. Nakakatipon tipon lang kasi sa saka kapag brown out, waka kasing internet. Nagkakaroon ng family time. Hahaha family chikahan, at minsan nauuwi sa awayan dahil sa…

@deanny07

Dumating na ang paninda kong sapatos. Ewan ko, lahat na yatang pwede pagkakitaan na maliliit, sinakyan ko na. Lahat ng pwede ibenta, kahit maliit ang kita basta marangal. Happy sunday sa lahat. Family time and Gods time. Pray harder para makamut natin lahat ng dinadalangin natin. Sabagay ng sipag at tyaga.

@deanny07

Eksena sa grocery store. Grabi ang haba ng pila. Pero malapit na ako sa finish line. Sana may hapunan dito gabang naghihintay. Hahaha Kain na kayo mga kaingay! Nagraraket pa ako ng pantinda bukas sa canteen para may pambiling bigas.

@deanny07

Lunes na naman. Unang araw ng pasok ng mga bata. Excited ang lahat at agad naglaro pagdating sa school. Iba talaga ang mental health na bigay ng face to face. Iba ang awra ng mga bata. Sana mag tuloy2x na okay na ang lahat para tuloy ang saya at pag aaral ng mga bata.

@deanny07

Makulimlim na araw sa lahat. Maulan ngayong araw. Ingat lahat ng papasok sa eskwela at papasok sa trabaho. Lalo na ang mga nanay na pabalik balik sa eskwelahan na naghahatid sundo sa mga maliliit na anak. Martes na naman. Ang bilis ng araw. Praybat ingat po lahat. Godbless..

@deanny07

Fish crackers. Dumating na nag order ko sa shoppe. Pang negosyo. Hehe kahit ano nalang talaga ang naiisip ko na ibenta. Paano ba naman kasi, sa hirap ng buhay, kailangang dumeskarte. Mura lang bili ko sa kropek sa shoppe. Kesa grocery store ang mahal. Sa shoppe 80 lang per kilo na. Mahilug talaga ako tumingin sa shoppe ng mga pweding ebenta o pagkakitaan.

@deanny07

Aabot tayo sa punto ng buhay natin na nakakapagod na, sobra... Yung sukong suko kana, gusto nang bumigay sa pagkapit dahil ikaw ay pilit na hinahatak ng negativities sa buhay... Para saan nga ba tayo lumalaban? Maraming tanong na minsan ay binabalewala nalang dahil wala rin namang kasagutan kundi "laban lang", "tuloy ang buhay". #Fighting

@deanny07

Gumanti ang init ngayon. Galit na galit at parang gusting manakit.. Kumusta ang araw nyo ngayon? Kanina ko lang napanoond ang doll house na movie. Sakit sa dib2x. Lalo na sa mga may broken family o hindi nakilala ang ama. Parang minsan ang unfair ng buhay, kaya habang kaya pa magbago, gawin na agad para hindi mahuli ang lahat..

@deanny07

Banana for healthy living. Chariizzz! Taas kamay mga kasaging! Sinong mahilig kumain ng saging? Alam nyo ba na healthiest fruit ang saging. Maraming benebisyo na maganda sa katawan at nakakabusog pa. Piliin nating kumain ng healthy kesa mga unhealthy foods. Para iwas sakit2x na rin. Habang tumatanda kasi tayo, dumarami ang mga iniinda nating sakit sa katawan. Kaya choose to be healthy..

@deanny07

When I decided to be with my boyfriend, all of my family was against him for they think that he is not capable of doing or giving me a life I suppose to have. Most of them keep on talking behind my back and saying I am just wasting my time. For me, living with a loving husband and caring father to our children is paradise. Don't compare our life and husband to others. We are blessed in different ways.. Goodnight..

@deanny07

Hands up, heads up champions! Hehe Taas kamay lahat ng mahilig sa matatamis na inumin. Kung mahilig kayo sa matamis, ito ang dapat para sa inyo. Masa'satisfy talaga ang dila mo sa sobrang tamis. Kaya love na love ng mga bata. Kaso hindi rin maganda sa katawan ang sobrang tamis. Kaya half champion, half milk tayo. Good morning sa lahat..

@deanny07

Showered by early blessing. Freshly watered plants by rain. They said that plants are more happier when they are showered with rain water than pure water. Chaarzz lang. Feeling ko lang pala na mas masaya sila.

@deanny07

Dumating na naman ang pangkabuhayan ko. Hehe Powdered juice per kilo from shoppe. Salamat talaga ng marami shoppe. Nang dahil sayo nakakatipid at kumikita ako. Kahit pa hinay hinay lang basta merong pumapasok na pera oks na oks talaga. Sipagan pa natin lalo.. Para sa future ito.

@deanny07

Powdered Calamansi Juice. Infairness, it taste good like pure calamansi. this is 1 kilo and for only 220 pesos, I can make 200 packs of juice for 5 pesos each. Ang laki ng kita.. Super.. Kaya sa mga malapit sa school dyan na gusto mag juice. Order na kayo sa shoppee...

@deanny07

I don't know what's going on here. But I am still hoping and praying that everything will back to normal again. I will be sleeping with sad face and heavy heart with full of hope. Goodnight dear friends!

@deanny07

Bakakalungkot na sa kabilang site. Nawala na ang dating sigla. Parang realidad ng buhay. Kapag wala nang nabibigay, iiwan nalang basta basta. Hindi naman sa nilalalahat ko, pero isa ako sa mga taong iyon. Pinipilit kong baguhin ang sarili ko, ngunit ganun talaga. Isang napaka pangit na ugali ko. Pero babalik din naman ako. Minsan lang agad2x sumusuko ako, agad2x napapagod at bumibitaw ako.. Tsk! Tsk! Tsk!

@deanny07

Abandonadong classroom. Naiinis talaga ako sa balita nitong si anak ko. Laging sinasabi na may multo daw sa school nila. Sabi ko hindi naman totoo ang multo. Sabi nya totoo talaga. Nagtanong akobsa teacher, kaya pala. May classroom na wala nang gamit dahil sira2x na. Kaya sabi ng mga bata may multo raw. Ewan ko ba sa mga batang ito. Kahit ano nalang ang iniimbintong kakatakutan. Dahil na rin siguro sa mga napapanoon na horor movies.

@deanny07

Super intense na game kahapon. Grabi ang pagpakaba ng 5 sets! Choco mucho vs PLDT. Yung laban na puro may pinaglalaban. Walang nagpapatalo ngunit hindi matitigil ang laro hanggat walang nanalo. Parang buhay lang natin. Hindi matitigil hanggat maybpag-asa at humihinga pa. Congratulations my baby D and the team.

@deanny07

Hindi natitigil itong bunganga ko talaga. Pagkatapos kumain ng lunch, kain naman ng nougat candy. Naghahanap talaga ng tamis itong bunganga ko pagkatapos kumain ng maalat. Kain na kayo! Pahinga kunti tapos mamaya trabaho naman.

@deanny07

Caterpillar rash.. Sobrang kati. Mukha nya palang mangangati kana. Nakita ko sa daan. Gusto ko nga sanang i'try na idikit itong balat ko, kaso wag nalang muna. Hahaha wala talaga akong magawa ngayong araw ay. Nabuburyong na ako sa kakaisip sa mga problema. Gusto kong sumaya at may mapatunayan. Hehehe

@deanny07

Ready to bloom flowers. Captured from our not so big vegetable garden. I know our next week in gardening will be more exciting and will be more fruitful. It was fruit of labor. Fruit of work hard..

@deanny07

Goodnight pips.. Bukas naman.. Pikit na pikit na ang aking matang pagod sa maghapon na kakatrabaho at kaka cellphone. 😁 Syempre, huwag puro trabaho.. Cellphone2x din. Balance ba, balance! Hahaha

@deanny07

Lunch for today. Charizz.. Busog overload. Nandito kasi kami sa church ngayon kaya iba2x ang pagkain na nasa plate ko. Kahit pa gulay2x basta iba2x, ako'y nasasarapan talaga. Lunch na kayo.. Happy saturday!

@deanny07

Can't say NO to this kind of snacks! Yummiest.. Saging turon. Sarap ng pagkaing pinoy na babalikbalikan mo talaga. Only in Philippines.. Hehe Kumusta angbaraw natin ngayon? Dito sa amin bumawi ang grabing init ng panahon. Sumakit ang ulo ko sa init sa labas. Ngayon lang nakauwi ng bahay at nakapagpahinga.. Sulit naman ang saya sa labas.. Tara! Kain...

@deanny07

I wanted to Stop believing that I am untalented and worthless. I want to junk the thought and face life with a smile on my face. Advice to myself: Think positive always. Never buy the idea that untalented and low-IQ are worthless. God made us differently. Yes, some maybe more intelligent or skilled than others, but God never made worthless people. Gid made us in His own image. We are special in different ways. Believe in yourself, respect yourself and love yourself. Above…

@deanny07

Most of our children hate us for being so demanding. They never know that we, the parents are responsible for helping them decide what is good for them until they get 18, and even they have their own life with thier own family we still care for them. Why they always think that we are so pakialamera, when all we want is for their own good? So sad! Someday they will become parents too. They will realize how hard to be a good one.. 😢

@deanny07

Part of my diet.. Charizzz Nakuha ko lang sa tabi ng bakuran. Solve na ang gilay natin. Napaka healthy nito. Lalo na sa mga kulang sa dugo at namumutla na. Talbos ng kamote, ensalada.. Kain na mga friends.

@deanny07

This photo breaks my heart. Life sometimes makes us feel unfair. Feel the pain with many "whys". Feeling different, ugly, sad and the scariest being alone. Keep fighting. Hindi lahat sinuswerte sa buhay..

@deanny07

Blue sky! Magiging super mainit ngayong araw. 7am palang nangangagat na ang init. Ingat kayo mga kaingay. Lalo na sa trabaho. Magdala ng tubig palagi. Happy monday..

@deanny07

Fish crackers. Sarap! May paninda na naman ako. Kahit ano nalang talaga ang tinitinda ko, kumita lang ng pera at matustusan ang pangangailangan ng aking mga anak. Ganyan din ba kayo mga kaingay? Basta marangal lang.. Hehehe sa isang linggo nakakaubos ako ng 12 to 14 kilos nito. In pack, mga 500 packs x 5 pesos each 2500 na. Puhunan ko lang ay mga 1200+. Kitang kita ang tubo. Hehe

@deanny07

Nakatulala at hindi makatulog. Kanina pa ako pikit ng pikit, hindi man lang makisama si antok sa akin. Pagod na pagod ako sa buong araw. Paano ba naman kasi, nakaubos ata ako ng 5 na tasang kape. Tssk! Tssk! Paano ba naman kasi, nakakalimutan ko na hindi nga pala ako nakakatulog ngayon dahil sa madalas na pagsakit ng ulo ko, dahil na rin siguro sa stress sa sobrang pagod. Naku! Sasakit na naman ulo ko nito bukas dahil sa kulang sa tulog.

@deanny07

No oil just grill. Grilled fish for breakfast. Super yumm.. Natural ang sarap at lasa. Manamis namis dahil fresh pa ang isda. Nahilig na talaga ako sa inihaw ngayon na timatanda na ako. Marami na kasing nasmraramdaman na sakit sa katawan.

@deanny07

Shine like how sun brightly shine, bloom like how this tiny little flower bloom. Stay happy and chose to be happy. Nakita ko lang ang maliit na bulaklak na ito. Nakaka inspire, kahit na nag iisa lang sya parang ang saya nya tingnan. Kaya tayo mga kaibigan, kahit kukunti lang ang mga kaibigan natin, ang mahalaga ay totoo at hindi peke. Aanhin ang maraming kaibigan kung plastic naman. Hehe

@deanny07

Abang2x sa game mamaya. Choco mucho vs chery tingo. 2:30 ngayong hapon. Ang tagal ng oras kapag may hinhintay tayo.. Kumusta ang hapon natin dyan mga kaingay? Dito grabi ang init sa amin ngayon. Kaya inom ako ng inom ng tubig. Kayo rin..

@deanny07

Nakagawa na ako ng 150 packs na popcorn. Paninda sa canteen. Ubos to mamaya. Tag 5 pesos bentahan namin. 4am palang sinimulan ko nang gawin. Proud naman ako sa sarili ko at nakakagawa ako ng paraan upang kumita. Kaya tuloy ang pasok sa alkansya. Hehe hindi talaga ako nahihiya na magbenta ng kung ano2x. Basta kumita lang. Atleast kung kinakapos hindi na ako nangungutang. May madudukot na ako..

@deanny07

Gloomy Wednesday! Medyo masama ang panahon natin ngayon. Kumusta dyan sa inyo? Ang lungkot ng kalangita. Parang maya2x ay babagsak ang mga luha. Pinakamahirap talaga kapag masama ang panahon. Hirap ng transportation. Sana manalo ako sa lotto. Bili ako ng 4 wheels. Hahaha Magla'lunch na naman. Nakapagluto na ba ang lahat?

@deanny07

Captured earlier.. Bumabaha sa sa kakaulan maghapon. Mag iingat po ang lahat lalo na sa landslide prone area. Delikado ang walang tigil na pag-ulan sa mga mabundok na lugar at malapit sa sapa. Magandang gabi sa lahat. Lamig lamig ng panahon. Sarap ng mainit na sabaw ngayon.

@deanny07

Ang saya2x ng mga tanim na nakatikim na naman sila ng tubig ulan. Nakakafresh talaga kapag laging basa, kaya ligo na araw2x. Hahaha! Kasi kapag hindi tayo naliligo, nakakapanghina minsan. Nakakawala ng energy. Kaya ayaw ko magtrabaho ng walang ligo, para laging energetic.

@deanny07

Kahit pa unti2x lang basta kumikita. Maliit na halaga ng pera ngunit malaking tulong sa pang araw2x na pangangailangan. Naranasan ko talaga dati na walang wala at kahit ni piso walang laman ang wallet ko. Kaya ngayon nagsumikap talaga ako. Hindi umaayaw kahit pagod na. Aanhin ba naman kasi yung masarap na buhay kung walang maihain na pagkain sa mesa. Kaya tara! Laban sa buhay. 😊

@deanny07

Magandang gabi sa lahat. Hindi pa nga ramdam dito sa amin ang bagyo kahit na signal #1 na ngunit yung kuryente nauna na mag brown out. Advance talaga mag isip. Haha! Kaya heto ako ngayon. Nagtitiis sa kakapaypay sa anak at nanghuhuli ng lamok. Kumusta ang panahon dyan sa inyo? Suspended na nga pala ang pasok sa trabaho sa eskwela dito sa amin bukas, October 28, 2022. Kaya ewan kung anong gagawin ko bukas. Hehe

@deanny07

Umagang kay Ganda sa lahat? Friday is monggo day.. Super sarap lalo na grabi ang lamig ngayon. Ulan at kidlat. Nakakatakot. Nagluto ako ng monggo na may patola at alugbati. Oh! Di ba? Gulay na gulay! Gusto ko kasi lagi pinapakain ang mga bata ng gulay. Para naman healthy sila at hindi madali magkasakit. Sa bahay lang kami ngayon, walang pasok dahil sa bagyong "Paeng" . Ingat po lahat lalo na ang apektado ng bagyo.

@deanny07

Nasaan daw ang Pilipinas? Halos mabalot ng malawak na kaulapan ng bagyong #paeng. Maraming lugar ang makakaranas ng malakas at pabugso-bugsong pag ulan ngayon. Hindi lang ngayon mukhang buong araw magiging ganito rin ang panahon bukas. Ingat po ang lahat lalo na ang mga nasa landslide prone area. Higop tayo ng mainit na sabaw ng gulay ngayong gabi.

@deanny07

Medyo lakas pa rin ang hangin na may kasamang pag-ulan dito sa amin. Nakakalungkot isipin na marami na namang pananim ang masasalanta dahil sa bagyong #Paeng at hindi pa nga ito nakalabas, may papasok na naman na #Quenie daw yun, hindi ako sure. Tsk! Tsk! Ingat po ang lahat. Brown out pa rin hanggang ngayon.. Salamat nga pala #NDRRM sa walang tigil na paalala.

@deanny07

Sweet potatoes, or camote. Sweetened para kahit hindi kami sweet, matamis pa rin ang aming hapon. Chars! Kumusta kayo mga kaingay? Brown out pa rin dito sa amin ngayon. Sa inyo? Medyo humina na ang hangin ngunit patuloy ang pag ulan. Kain nalang tayo. Para maubos ang stress at makaipon ng maraming fats. Hahaha

@deanny07

Para sa maulan na panahon.. Sinabaw na buong native na manok. Nilalamig kasi itong manok namin kaya naisipan kong pakuluan. Hahaha kaya ngayon ay sabay kaming naiinitan. Oh di ba? Sarap sa lalamunan.. Iba ang sarao ng native na manok kesa 45days o ano pa yang klasi ng manok. Happy sunday sa lahat. Tumila na ang ulan dito sa amin, kaso ang kuryente parang wala pang planong bumalik..

@deanny07

Isa lang ang nakikita kong maliwanag ngayong gabi. Yung may generator lang. Pang 82 hours nang brown our. Mag aapat na araw na. Tsk! Tsk! Wala namang natumba na poste ng maselco pero ewan ko ba. Wala pang bagyo problema na talaga ang madalas ng brown out dito sa amin. Kaya hindi na nakakagulat. Nakakainis lang, kahit sanay na kami. Tsk! Kapag nagkapera lang talaga ako, bibili ako ng generator. Hahaha solar nalang, walang maintenance at monthly.

@deanny07

Darkest moment! Tsk! I can't sleep. I only saw one color when I close and open my eyes. Darkest black.. I hope our electricity here in our place will be fixed soon. Without electricity, life is total black out. Nakaka'paralized lang talaga. Walang electric fan.. Nangangawit na ako sa kakapay'pay..

@deanny07

Hindi na gumagalaw ang mga dahon ng kahoy. Wala nang malakas na hangin na parang sinasabunutan ang mga puno. Ang ganda ng sikat ng araw. Ngunit may pumasok na naman sa PAR na panibagong bagyo na pinangalanang #quennie. Sana hindi na manalasa ang mga darating pa na bagyo. Magpa'pasko pa naman. Kumusta ang panahon ngayon dyan sa inyo mga kaingay?

@deanny07

At dahil brown out pa rin, pang 5 araw na, congrats #Maselco sa consistency mo. Sana all consistent, gumala ang lola nyo mga mare! Hehehe dito na muna ako magpapalamig ng ulo. Sobrang init ng ulo ko ngayon dahil sa init at dami ng lamok.. Gusto ko na sa labas nalang matulog.. Sana naman bumalik na ang kuryente dito sa amin.. Ahwp yung power pala..

@deanny07

Papunta na kaming kwarto upang matulog. Brown out pa rin. Ngunit nawala itong isang batang ito. Hinanap ko sa buong bahay, ngunit wala. At ito na nga! Nasa kusina ng lola nya. Hahaha! Nagutom pala. Mga 6pm pa kasi sya naghapunan, at sa kakanuod ng mukbang sa youtube nagutom tuloy. Hahaha! Maganda pala papanuorin ng youtube na mukbang itong mga batang walang gana kumain, kasi gaganahan talaga at bigla nalang magugutom. Hehe