read.cash Log in
@deanny07

@deanny07 in September 2022

@deanny07

Super nakukulangan sa tubig ang mga anak ko kaya kailangan nila ng baunan na malaki. To stay hydrated, kailangan ng saktong tubig araw2x. Napaka importante ng tubig sa ating katawan. Kaya nag order ako ng dalawang lagayan ng tubig, 1.5 liters na rin to. Kasya na sa buong araw.. Salamat shoppe.. Hello september!

@deanny07

Binangkal. Ewan kung anong tawag nito sa inyo mga kaingay? Masarap to pang snack. Nakakabusog. Katulad lang din ito ng tinapay,. Ang kaibahan lang ay ang pagkakaluto. Yung tinapay, bini'bake, samantalang ito ay piniprito, pero deep fry dapat. Magandang hapon mga kaingay? Anong snacks natin ngayon? Mainit na dito sa amin ngayon. Kumusta ang panahon dyan?

@deanny07

Lomi para sa malamig na gabi.. Char! Kanina pa 'tong mga 5pm. Kaya hindi na ako naghapunan ngayon.. Super sulit nito. Hindi ka magsasawa. Yung gamit kasi nila na noodles ay hindi nakaka umay. Kaya ubos ang isang malaking bowl. Sa isang order worth 100 pesos, dalawa na kaming kumain. Umuulan ngayon sa amin.. Sa inyo dyan?

@deanny07

Friday, Flyday! Itong mga batang ito ay hindi napapagod at tinatamad pumasok. Kuha pa ito kahapon. Hwebes na kahapon, pero ying energy nila pang monday pa rin. Sana ganun rin tayo sa work nu? Yung energy sa monday consistent hanggang friday.. Happy flyday, friday!

@deanny07

Napakaganda pagmasdan ng kulay green na kapaligiran. Kaya gustong gusto ko sa probinsya dahil sa kapaliguran palamg ay marerelax kana. Sa mga syudad wala na halos green na makikita dahil sa magtataasang mga buildings.. Kaya minsan ang mga tao sa syudad ay gustong gusto na magbakasyon sa probinsya.

@deanny07

On the way to somewhere. Hehe Road trip lang ng kaunti, kasi mahal ang gasolina. Para ma relax lang ang mga mata sa maghapon na trabaho at pagod. Walang kasing saya basta pamilya at kasama. Salamat at sinasabayan ako ng partner ko sa lahat ng trip ko sa buhay. Kakapagod na mag away, kaya ngayon nag uusap nalang kami. Haha darating po talaga tayo sa point na magsasawa na tayo sa pakikipag away sa mga asawa natin. Haha nakakawalang gana na.

@deanny07

Nakatambay sa labas ng bahay. Ang lakas ng ilaw kahit nag iisa lang ang ilaw nila sa bahay. Malaki laki din ang bahay nila kaso dalawa lang ang nakatira. Nagmamarites na naman ako. Hahaha. Wala lang, wala naman akong masama na sinabi. Hehe Tulog na kayo mga kaingay?

@deanny07

I don't like laman loob ng baboy, but this one is superb! Serve with super spicy with a little taste of sweetness vinegar. Super crunchy.. Happy weekend everyone! I hope you will have a wonderful day ahead. #saturday

@deanny07

Hands up sa mga mahilig sa matamis. Super sarap talaga ng strawberry jam sa bread. Only mahihilig sa sweet ang makakarelate. Naalala ko dati, medyo mura pa ang strawberry jam lalo na kapag direktang bibili sa baguio. Kaso ngayon sobrang mahal na. Apektado sa sugar na mahal. Sana all sugar, sana all sweet, sana all mahal. Lols!

@deanny07

Ano kaya ang masarap na luto dito? Maliliit na pusit. Mas gusto ko ang lasa ng maliliit at katamtaman lang ang laki ng mga pusit. Feel na feel ko ang tamis ng lasa nila. Hehe mahilig ako sa adobong pinatuyo na ganito tapos sweet na maalat alat. Sarap..

@deanny07

Nag enjoy na ba lahat ngayong weekend? Iba talaga ang dala na ganda mg ating mundo. Patuloy nating pasalamatan ang ating mahal na Ama sa aalang sawang pagbibigay ng blessings sa atin. Bigyan natin ng time na mag relax at sumaya ang ating mga sarili.. Isang magpagpalang Saturday sa tabi ng dagat mga kiangay! Wag mag alala sa mga bote, hindi sa amin yan. Haha

@deanny07

Ready for dinner. Dinner will be more delicious if the family eats together. Even how simple our viand is, as long as it was cooked with love, we can define what happiness is. Happy dinner loves..

@deanny07

Early morning blessing from neighbor.! Spaghetti.. Who loves pasta like me? Hindi ako nagsasawa lalo na pag spaghetti. Partneran natin ito ng kape. Happy sunday! Happy Family day! Happy God's day..

@deanny07

Washing washing time. Hand was and machine wash mode po tayo ngayon. Laging tatandaan na puti ay ihiwalay sa de'kolor! I' wawashing ngunit kukusutan din naman. Hindi kasi ako satisfied sa linis na bigay ni machine. Mas tiwala ako sa mga kamay ko na kulubot na sa kakalaba. Laban pa mga ilaw at pambansang katulong nga tanahanan? Mga nanay!?

@deanny07

Ano nga bang meron sa Sunday, bakit nagiging espesyal ito? Nakasanayan na nating mga pinoy ang ganito. Sunday kasi madalas walang pasok sa trabaho at eskwela, kaya nagkakatipon tipon lahat ng myembro sa pamilya. Bakit nga ba may karne? pork, beef or chicken? Kadalasan kasi kapag may tipon2x may kainan. Hehe. Pero okay lang kahit tuyo basta happy ang pamilya. Gaano ba ka eapesyal ang sunday natin?

@deanny07

Gulay para humaba ang buhay! Talong for 80 pesos per kilo, Sitaw 25 per bundle. Ang mahal na ngayon ng gulay. Kasu kailangan healthy ang kinakain natin kaya tiis2x tayo sa presyo. Masarap itong talong pang torta kundi adobo. Magandang araw po sa lahat!

@deanny07

Captured this beautiful photo earlier. Such a beautiful early evening. Wala ng araw pero napakanda pa rin ng paligid. Kuha nga pa ito kanina, gumala kami sa kaibigan ko. Nagyaya magkape. Pumunta agad ako para makipag'marites. Ahw! Makipagkwentuhan pala. Hehe Ang peaceful ng kalsada ngayon..

@deanny07

Mangga with bagoong. Sabay-sabay tayong maglaway! Nakaka-sad! Sakit sa dibdib.. Tinititigan ko talaga, hanggang sa magsawa ang aking mga mata. Haha

@deanny07

Bigay ma sapatos ng pamangkin ko sa anak ko. Astig to gamitin, matibay. Supply sa mga bata ng makati. Hindi pa to nagagamit kasi bigay ito noong pandemic. Medyo maalikabok, pero linis at kiwi lang katapat nito. Yung nabili ko, balat2x na agad. Old stocks siguro nila. Astig talaga ang makati. Halos lahat ng supplies para sa pag-aaral ay sinusuplayan nila. Galing! Sa amin, ultimo isang pirasong lapis, wala.

@deanny07

Scallops lovers ba kayo? Ako super! Pumuntang party kanina, at meron nito. Ang ganda ng pagkakaluto nito nito. Arrangement palang, matatakam kana. Bakit kaya ang sarap ng seafoods? Ito talaga ang inuuna ko kapag present sa handaan. Ang sarap!

@deanny07

Dahil maghapong brown out dito sa amin, 50% nalang ang natirang power ng power bank ko. Hindi ako masyadong nakapag ingay today kasi pati signal ewan kung apektado din ba ng brown out. Nawala din kasi. Dati natanong ko sa sarili ko kung bakit hindi black out ang tawag kapag namatay bigla ang power, kasi black nan ang makikita natin at hindi brown. Kasi ganito pala yon, black out kapag total buong region walang power samantalang ang brown out naman at may kuryente pero ang…

@deanny07

Got my parcel yesterday. Dalawang baunan ng tubig para sa anak na mahilig uminom. Nakukulangan kasi palagi sa tubig kapag nasa school. Masaya din naman ako na makita na mahilig inom ng tubig ang anak ko. Healthy kasi yun. Kaya nga 1.5L na to. Mabibigatan sya pero ihahatid naman papuntang school. Ang mahalaga alam kong malinins ang tubig na naiinom nya. Happy Tuesday mga kaingay!

@deanny07

Magwi'withdraw ng kaunting naitago sa banko. Mas maigi ang mga kaunting iniipit, atleast pagdating ng mga unexpected na gastos, tiyak na may mahuhugot. Kahit hindi mayaman, ang importante, nagsusumikap para may makain sa pang araw2x at may magagamit sa panahon ng survival months..

@deanny07

Late batch harvest avocado. Parang patapos na kasi ang season ng abokado, pero nahuli itong batch kaya mahal na ng kilo. Kaso ang sarap kaya bawal ma stress sa presyo. Super favorite ko ang abokado kaya kasi mga flavor2x ng drinks, shake at cakes ay hindi ako nagsasawa.

@deanny07

Sabi ko noong bata pa ako, habang nag aaral gamit ang maliit na lampara, "pagdating ng araw, hindi ito mararanasan ng aking mga anak dahil magsusumikap ako na magkaroon ng maraming ilaw ang aming tahanan upang maging maliwanag at komportabli sila sa kanilang pag-aaral at buhay sa gabi. Ngunit nabigo ako. Dahil sa madalas na brown out, nahihirapan ang mga estudyante pag aaral at paggalaw sa gabi. Sana nan masulusyunan na ang palaging brown out sa lugar namin..

@deanny07

Only poor kids can relate. Pinaksiw na isda at tutong. Best combination. Breakfast ng maaga at maaga pa maghahatid ng anak sa school at papasok na rin sa trabaho. Bawal tayo mapagod guys. Wednesday palang ngayon kaya patatagin pa natin ang ating mga tuhod at kaluluwa. Haha!

@deanny07

Nakita ko kanina, pinicturan ko agad. Parang bug ito. Family of bugs. Pero na amaze d talaga ako sa kulay nya. Kaya sigaw ng sigaw ang anak ko na, "mama, cockroach, color green.. Hahaang ganda ng kulay nito.

@deanny07

Our lunch for todays video. Chaar! Pritong isda. Simple pero masarap at masustansya. Ang. Mahal na ng isda ngayon sa market. Humahabol sa presyo ng karne. Tsk! Wala talagang magagawa ang mga consumers kundi pagtiisan ang presyonat magtipid.

@deanny07

Uwian na ng mga bata mula sa school. Delikado talaga kapag naglalakad sa kalsada ang mga bata habang maraming mga sasakyan ang dumudaan. Kaya yung mga malililit, sinusundo talaga ng mga parents. Yun lang po sa araw na ito.

@deanny07

Legit ang saya at ngiti ng mga batang ito. Ramdam ang kalayaan na minsan ay pinagkait sa kanila. Takbo rito, takbo doon. Walang katapusang saya sa buong araw. Salamat Panginoon sa oanibagong pag-asa na sa ngiti ng mga batang ito makikita..

@deanny07

Starbucks caramel latte! Wala lang, try ko lang kung kasing sarap ba ng starbucks. Char! Sarap naman ng kapeng ito. Pero masarap parin kapag nasa starbucks ka talaga at libre pa. Haha! Sana maulit muli.. Coffee na..

@deanny07

Healthy breakfast everyone. Makulay ang buhay sa sinabawang gulay. Masaya at makulay ang buhay basta araw2x may gulay. Piliin nating kainin ang mga pagkain na masustansya para katawan at laging masigla at puso ay masaya. Thursday day is gulay day!

@deanny07

Fresh scallops! Sarap nito lalo na kapag fresh pa. Taas ang kamay sa mga mahihilig sa scallops dyan. Masarap to gawing buttered scallops. Ha'gihbloodin ka talaga sa sarap. Hehe

@deanny07

It is a Filipino dessert made from sweetened coconut strips. During my elementary days, 2001-2004, we can buy for only 2 to 3 pesos only. But at present, 2022 it cost 10 to 15 pesos each. And now, because of sugar price goes high, we can but 75 per pack and only 3 pcs inside. Tsk! Reality..

@deanny07

Iwan ko kung matutuwa o magagalit ako sa sagot ng anak ko kanina sa activity nila. Sabi nya, bakit pa nya papahirapan ang sarili na, pwede nya naman gawing madali ang lahat. Hahaha Kaya daw naghihirap tayong mga tao dahil wala dawng mindset. Haha! Sarap tirisin eh!

@deanny07

Sea urchin. Sino na ang nakatikim nito mga kaingay? Isa to sa nagtrending na isa sa mahal na pagkain sa virgin Island. Samantalang dito ay nabibili lang sa halagang 5 to 10 pesos each. Maraming nasasarapan sa ganitong pagkain lalo na ang mga seafoods lovers.

@deanny07

Yey! I never fully understand what is this app for. But I am here now and loves to chichat with you guys

@deanny07

Super fresh na maliliit na pusit. Sarap na manamis namis at may blend ng maasim at maanghang na suka! Super sarap. May mga ayaw ng ganitong kilawin kasi nasisira ang tiyan at naging dahilan ng pagsakit nito. Pero ako, mamaya ko na po'problemahin yun. Haha! Kilaw2x!

@deanny07

Best beach spot in our place. No entrance fee. As long as you keep all your trash in proper place. How wonderful our place is. We have the beat world. Thanks God! You are so great!

@deanny07

Tayo na at magkape mga kaingay! Umagang kay ganda sa lahat. Tinapay at kape sa umaga. Maya2x lang mabi'busy na naman tayo. Amg daming trabaho sa bahay, kaya dapat may tinapay na mabigat sa tiyan, para energetic tayo. Happy weekend!

@deanny07

Captured this photo yesterday while we are strolling. The time was 6pm. The moon showed up. What a beautiful captured photo. It was calming and relaxing. I love taking a deep breath and feel the peaceful road.

@deanny07

Akala ko dati maliliit na isda lang ang pwede gawing tuyo. Ngayon ko lang nakita itong mga ito. Hiniwa na isda na ginawang tuyo. O diba? Hindi ka talaga matitinik sa mga isdang ito. Kasu medyo pricey lang talaga sya. Hehe kaya hanggang isang hiwa lang tayo.

@deanny07

Pink balloon and its's a baby girl! Char! Haha joke lang po. Wala pang budget para sa susunod na baby. Ang pag-aanak talaga ngayon ay kailangan ng pagpaplanu. Hindi yung basta2x nalang anak ng anak. Ayaw kong maghirap ang mga anak ko dahil sa dami nila. Kaya next time nalang. Balloon nalang muna sa ngayon.

@deanny07

Yeey! For tonights photo! Night mode of my phones camera and the title of tonights story is "My Shadow". Char! Ang buhay ay parang angle2x lang habang kumukuha ng litrato. Kung saan ka mas maganda ang kuha, doon ka tumagilid. Like sa buhay natin, kung saan maganda at magaan ang buhay natin, doon tayo. Matuto tayong sumabay sa angulo upang makuha ang kung anong mas makabubuti para sa atin..

@deanny07

Usapang breakfast? Hindi kailangan ng mahal para sa isang espesyal na agahan. Itlog na pink sabi ng anak ko, hehe! Yes! Meron kaming itlog na pink, itlog maalat for breakfast. Oh sya! Happy sunday sa lahat! Ingat sa lahat ng ba'byahe pa papuntang simbahan at sa mga may pupuntahan sa ngayon.

@deanny07

Basta masarap ang ulam, ramdam ko ang Sunday! Mahilig din ba kayo sa ihaw2x? Ako mas feel ko talaga ang sarap kapag inihaw at paborito ko. Kasu ang sabi ng matatanda, dapat laging may sabaw. Kaya wala tayong choice. Hehee!

@deanny07

Blue sky! Napaka gandang araw ngayon! No filter po itong kuha ko. Nakakarelax talaga ang mundong meron tayo. Salamat Panginoon! Mapagpalang Sunday sa lahat!

@deanny07

Mood right now. Eating mango under tambis or makopa tree. Hehe! Trip lang. Nakakalungkot kasi ng hapon.. Mabuti nalang meron pa kaming mangga at may pagkaka busy'han ulit itong bunganga ko na laging naghahanap ng makakain. Kumusta ang hapon natin mga maiingay kong kaingay.

@deanny07

Ang paaralan na may masiglang buhay sa araw. Ganito naman kalungkot sa gabi. Sabi nila ang eskwelahan daw ay parke sa umaga at hunted place naman sa gabi. Ewan ko ba. Sabi2x lang dahil hindi naman totoo, pero ng makuhanan ko ito, naisip ko, kaya pala tinawag na hunted place sa gabi, kasi napakalungkot ng lugar na ito kapag gabi. Hindi naman literal na may mga ghost. Hihi

@deanny07

Sabay2x tayong ma'highblood ngayong tanghali! Crab na bigay ng kapitbahay, masarap ngunit may dalang panganib sa buhay ng mga highblood at may allergies ang cholesterol. Kaya habang kaya pa tayong ipagtanggol ng citerizen, laban lang tayo. Masarap kasi eh.

@deanny07

Afternoons are best, especially when it was served with delicious snacks. Foods makes our day more extra especial. Hapon na naman mga kaingay. Nakapag snacks na ba lahat? Uuwi na naman ang mga kids maya2x. Kaya magiging magulo na naman sa bahay.

@deanny07

Got this dress last week pa at ngayon ko lang nai'post. Salamat sa nagbigay. Ayaw ko talaga sa dress yung may lines2x o checkered, pero ang cute at ang ganda ng isang ito. Happy Tuesday sa lahat. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. Mukhang magpa'friday na naman. Hehe

@deanny07

Orange na bulaklak. Kahit saan madalas ito nakikita. Hindi kasi ito namimili ng lugar kung saan mabubuhay. Kahit saan at kahit anong klasi ng lupa ay nabubuhay ito. Napaka gandang pagmasdan at napaka attractive.

@deanny07

Fresh harvest peanut. Padala ni mama ko from bukid. The best talaga itong parents ko, kahit na sobrang busy sa buhay, hindi nakakalimot sa akin. Ay, sa mga apo niya pala. Hehe love na love nila ni papa yung mga apo nila. Ang sarap sa feeling na ramdam ko kung gaano sila ka mapagmahal na grandparents.

@deanny07

Kids brushing their teeth at school. Thay had so much fun doing it with their classmates. Thank you deped and sponsors for supporting all the needs of our little loves! Great job!

@deanny07

Meeting kanina sa school. Ang saya tingnan na halos lahat ng parents sa grade 2 ay present. Yung nagpaparticipate ang lahat para sa activities sa school para sa ikabubuti ng mga anak.. Laban para sa magandang kinabukasan.

@deanny07

Oh! Mga nanay dyan, Kaya pa ba? Akala ko dati ang pinaka madaling role sa mundo ay ang pagiging nanay. Ngayon ko lang na'appreciate ang trabaho ng isang ina ay hindi madali. Totoong mayaman, napaka'yaman nga naman kasi. Mayaman sa pagod, puyat, stress at sakit sa katawan dahil sa dami ng mga responsibilidad ng pagiging nanay. Mga nanay, Kaya pa ba? Kaya pa! Pagiging ina ang role na kapag nasimulan ay hindi na pweding hindi'an o ayawan. Walang day off at di pwede mag sick…

@deanny07

Buko pie, buko empanada! Sarap na matatakam ka, pero na expectation vs. reality ako dito. Yung ang ganda at loaded sa picture, pero sa realidad, naku! Payat pa sa aso ko na tumatanda na. Haha 15 pesos per isa pa naman.

@deanny07

Nadaanan ko lang sa daan papuntang school. Lagi ko itong nakikita na nag lilinis sa tabi ng daan. Matanda na at kailangan pang maghanapbuhay upang makakain.. Ang araw nya ay nagkakahalaga ng 150, nakakabili na sya ng pagkain. Ang hirap talaga kumita ng pera ngayon. Kaya lagi ko pinapaalala sa anak ko na mag-aral mabuti para sa magandang kinabukasan.

@deanny07

Sweet afternoon from Goya! Sweet and mouth melting sweets. I super love this sweets. Inu'unti2x ko talaga para pampawala ng umay pagkatapos kumain nga kanin. Anong ulam natin dyan mga kaingay?

@deanny07

Saraaaaaaap! Ang bigat ng busog ko ngayon dahil sa sarap ng inihaw na isda na ito. Isa ito sa isda na pinaka gusto kong ihawin. Ang ganda ng laman ng isda na ito. Puting puti at ang bango kapag ma ihaw na. Malalaki ang mata ng isdang ito, nganit hindi naman nakaka epekto sa sarap!

@deanny07

Flex ko lang itong popcorn machine namin na simula nagkapandic ay hindi na nagamit. Pero ngayon gumagana pa rin sya. Kaya napapagkakikitaan na naman namin ngayon. Marami na kasi estudyante sa school kaya nakakapagbenta na naman sa canteen. 9k plus pa bili namin dito noon. Ngayon sa pinagbilhan namin almost 11k na.

@deanny07

Dati pa isda2x lang sa sapa. Ngayon naka gold fish na. Swerte daw sa buhay at negosyo ang pag-aalaga ng isda. Kaya maraming negosyante ang nag-aalaga ng ganito. Nakakawala din sila ng stress kaya ang sarap alagaan.

@deanny07

Fresh buko day from a tree of life, a coconut tree! Sarap at nakaka refresh, lalo na pag galing sa puno talaga. Maraming health benefits ang pag inom ng buko. Kaya ano pang hihintay nyo? Instead of softdrinks, mag buko na kayo. Hehe

@deanny07

Food that taste good but bad for health! Charizzzz! Laban cholesterol.. Sabi ng doctor, bawasan ang pagkain ng mga mamantikaing pagkain. Binawasan lang naman, kaya pwede pa rin kumain. Hehe Laban tiyan!

@deanny07

Barya man sa inyong paningin, pero naka 500 din. Hehe By bundle na tag 5 peso at 10 peso ko na yan, para madaling ibili sa tindahan. Okay na kahit pa'coins2x lang. Naiipon din naman. Salamat sa blessing ngayong araw na ito Panginoon. Goodnight pips.

@deanny07

Saturday morninggggg with nilagang saging. Solve na sa agahan ito. Partneran lang ng kape, busog na! Tanghalian nalang ang po'problemahin.. Ang sarap maging sanay maging mahirap. Kung ano lang ang meron ay masayabat kontento na.

@deanny07

Alam nyo ba ang seashell na may lamang ganito? Super sarap nito. Nakakagutom makakita ng pagkain.. Kumusta ang hapon natin dyan kaingay? Sobrang init ngayon. Salamat at wala na bagyo. Sana 'wag manalasa sa japan ang bagyo.

@deanny07

Late post! Naka akyat ng syudad ang beauty ng taga bukid, kaya sinulit nalang. Ganito talaga kami, paminsanan lang kasi kung makapunta ng syudad kaya paminsan minsan lang din nakakakain ng mga ganito. Pinag'iipunan talaga namin ang pagpunta ng syudad.

@deanny07

Tuslob buwa is now open here in our town. It is a Filipino street food found in Pasil neigborhood of Cebu City. The main ingredient of this food is the pig's brain. Sounds weird, but when you taste iy, it taste like heaven! Chariz.. Happy sunday to all!

@deanny07

Kakauwi lang galing namili ng tinda sa canteen bukas. Ito lang ang recibo ng mga napamili namin. Grabi nakakapagod talaga. Sakit sa ulo, ang haba ng pila sa mga groceries dahil linggo ngayon.

@deanny07

Ying nag crave ka, at kailangan mo talagang mag order. Haha! Kaya minsan umiiwas na ako sa social media kasi maraming tentasyon. Mapapagastos ka talaga ng wala sa oras. Buko salad nga pala! Hindi nakakasawa ang lasa at sarap! Ipon na muna para sa susunod na order. Haha

@deanny07

Makulimlim na araw sa lahat! Nakataas na ang bandila sa kabila ng masamang panahon. Ingat ang lahat ng papasok sa eskwela ngayon lalo na sa mga lugar na may masamang panahon. Happy monday sa lahat!

@deanny07

A slice of pizza after a stressful hour of preparing kids for school. I deserve to have this after all. Charizzz! Natakam lang talaga ako guys. Haha alams nyo naman, nag iipon ako sa aking tyan.

@deanny07

Oh ayan.. May order ako na prawn crackers per kilo yan. Ipa'fry ko para ititinda bukas sa canteen. Try ko kung mabenta ba sya. Hehe Kahit ano nalang talaga ang naiisip ko na ibenta. Post ako mamaya ng finish product.

@deanny07

Charaaaan! Here's the finish product! Prawn crackers. Sana mabenta to. Sulit, ang dami rin naman ng nagawa ng 1kilo. Mas makakatipid talaga kapag sa shoppe. Salamat shoppe. May pangbenta na bukas. Kapag mabenta to, bili pa ako ng marami sa shoppe. Hehe

@deanny07

Ang aking munting chargeable na maliit na fan. Maliit man sa inyong paningin, pero nakakaginhawa rin. Ang tagal na nitong blue na fan ko. Sarap gamitin kahit na maliit ay malakas din ang hangin. Mabuti nalang talaga at meron ako nito. Kapag nalow battery ay sinasaksak ko sa power bank ko. Minsa naman sa laptop.. Usong uso ito noon. Ang tagal na nitong sa akin, gumagana pa rin hanggang ngayon.

@deanny07

Ready na ang breakfast for Tuesday morning. Marinated bangus fish last night para mas nanunuot ang lasa at sarap sa isda. Basta marinated super love ng mga kids. Ewan ko ba sa mga bata ngayon, mas gusto ang malalasang pagkain. Kapag tinola, nawawalan sila ng gana. Parang ayaw nila ng matabang na sabaw. Samantalang tayo naman, naku! Ang saya kapag may sabaw ay gulay. Iba na talaga ang panahon ngayon.

@deanny07

Enjoy while learning liitle kiddos! Ang sarap tingnan ng mga batang punong puno ng pangarap at pag-asa na someday magkakaroon sila ng magandang buhay. Totoong sila ang pag-asa ng ating bayan. Huwag natin silang i'pressure. Hayaan natin sila na mag enjoy habang tinutupag ang munting pangarap.

@deanny07

Dahil na short sa time ang bida ngayon, kaya hindi nakapagluto at nag order nalang sa labas ng pagkain. Worth 89 pesos lang to guys. With rice na at sauce. Sabi ni jowa sinasadya ko talaga daw hindi magluto para makakain sa labas. Haha! Minsan lang naman to uy. Kapag may allowance lang. Haha Lunch na kayo guys. Parang ang aga ko yata kumain. Walang agahan kasi.

@deanny07

Huwag daw puro stress. Bigyan daw ng time ang sarili. Charizzz? But take note! Bawal malasing po. Hehe Yung kunting alcohol sa katawan lang at yung medyo maduduling kalang ay sakto na. Bawal ang sobra dahil masama ang sobra sa katawan.

@deanny07

Nag clear ako ng history sa Google, kasali pala si noise. Nag import ako ng wallet, at boooommmm! Nawala ang earnings ko. Sayang din yun ay. Haist! Di ko naman kasi alam. Sayang!

@deanny07

Akala ko talaga dati na pula talaga ang kulay ng crabs. Yung pula talaga sila mula sa dagat. Nung bata pa kasi ako, kapag tinatanong kung ano ang kulay ng crabs, lagi sagot namin sa teacher ay pula, orange naman pala talaga to. Haha! Ang gulo ko. Color blind siguro tayo o nakasanayan na. Haha ayaw ko na ngang problemahin pa ito. Dami ko nang stress sa mundo.

@deanny07

Sitaw para sa umaga. Gilay na muna tayo kasi marami nang naipon na fat sa katawan. Paano nalang ang taba2x. Hehe Kaya oara healthy, kain2x din ng gulay. Happy Wednesday mga kaingay. Ang bilis ng araw. Parang kailan lang weekend, ngayon malapit na naman.

@deanny07

May 50% load sale na naman tayo mga kaingay. Tara at mag load na sa shoppe. Dito siguradong makakatipid tayo. Kaya ano pang hinihintay nyo, tara at mag load na.

@deanny07

Barya2x ngunit may halaga. Nag i'enjoy na rin ako sa pagbibilang ng mga coins na benta ko sa canteen. Kahit pa unti2x kay naiipon din. Malaking tulong na sa pambaon ng mga anak. Tyaga at sipag lang talaga ang puhunan natin. Deskarte sa buhay para mabuhay.

@deanny07

Para mainit na panahon at mainit na ulo! Haha Palamigin natin ang mga utak na puno ng init dahil sa iba't ibang rason kung bakit umiinit ito. Cold ice cream, malamang, may mainit ba na ice cream, haha ewan ko. Basta mainit ang ulo ko talaga.

@deanny07

Pangabuhay na naman tayo. Popcorn na naman ang ilalagay sa canteen. Alam nyo ba na ang popcorn ay healthiest snacks. Pero yung walang cheese at air pop, hindi oil pop.

@deanny07

For today's ulam. Magpi'prito tayo. Ayaw kasi talaga ng mga bata ang sinabaw na isda. Gusto nila prito agad, kaya para makakain ng marami, sinusunod ko ang gusto nila. Ang sarap ng isdang to, puting puti ang laman. Kaya favorite ko talaga ko. Hindi ko alam kung ano sa tagalog ito eh. Basta sa amin sa bisaya, lagaw ang tawag dito.

@deanny07

I wish to record everything here. I wish I can write all my pain and and happiness and keep it for the rest of my life. Charzzz lang! I got this record book with a purpose. Listahan lang ng utang at mga bayatin. Haha Happy Thursday everyone!

@deanny07

Ulalala! Ulam tuyo! Kailangan mantipid ngayon kaya tuyo nalang muna tayo. Malunok ang kanin at mabusog lang ay sapat na. Sino ang relate sa hirap ng buhay ngayon mga ka'ingay? Ako naghihirap na talaga ako. Charizz! Ito lang ang simbolo ng kahirapan na mahal. Ang mahal ng kilo ng tuyo na isda ngayon. Kaya parang rich kana rin kapag nakakain ka ng ganito. Haha! Diba? #GantiNgMahihirap

@deanny07

Ulam for tonight. Gulay na Bisaya tawag nito sa aming mga bisaya. Sarap sa mata ng mga green, healthy na healthy. Kaya kahit na sa kabila ng pagiging busy natin, huwag nating kalimutan ang magluto ng gulay na ganito para healthy palagi. Sanayin ang mga kids sa pagkain ng healthy.

@deanny07

Kalangitang unti-unting nagliliwanag. Hudyat ng bagong umaga at bagong pag-asa. Friday is flyday! Ang bilis ng araw. Parang kailan lang. Ngayon weekend na naman. Ingat po ang lahat! Have a great day ahead.

@deanny07

Ulam for today! Sabi ng anak ko, "mama, bakit maitim ang adobong sitaw?" Haha napansin nya talaga. Violet kasi ito, kaya mas lalong umitim nong nilagyan ko ng tuyo. Late agahan ako ngayon guys, pero ang bigat ng busog.

@deanny07

Bawat pagpatak ng ulan, may kasamang bigat na dinadamdam. Char! Hugot Friday. Nakakapagod lang din kasi minsan ang buhay. Mas gusto kong mag drama at maglabas ng sama ng loob dito kasi walang toxic people dito. Hindi ako masasaktan sa mga komentong hindi pinag-isipan. Sabagay mayroon tayong iba't ibang opinyon. Respeto sa isa't isa ang kailangan.

@deanny07

Ayay! Pagkain na nagpapabango nga po*p. #Jackfruit Sino ang mahilig sa jackfruit o langka mga kaingay? Ako fav na fav ko ito. Hinding hindi ko ipagpapalit kahit sa ano. Siguradong matatakam ka sa sarap at bango!

@deanny07

Saturday with Pancit! Pinakahilig ko talagang lutuin ang pancit. Hindi nakakasawa at kahit wala ng kanin busog na. Uso kasi dito sa amin, inuulam ang pancit. Kung sa mayayaman, kinakain ito ng puro pancit lang. Hehe kaya kaming mahihirap ay palaging busog at mayaman sa fats. Kain na kayo ng breakfast.

@deanny07

My own version of buttered seafoods. Experiment muna kasi wala talagang alam sa mga ganitong bagay eh. Hehe pero okay lang, atleast masarap naman. Ang importante ay busog tayo.

@deanny07

Ang sakit tingnan ng mga ganito. Yung nabibiyak ng wala sa oras. May mga pagagamitan kasi na wala sa planu. Unexpected na bayarin. Pero thanks God parin kasi may nadudukot sa oras ng kagipitan.

@deanny07

we need money in order to survive. But money is the root of all evils. People choose to do evil things in order to survive. So sad reality! I hope one day their hearts will be touched by good people so that they will able to realize that there are so many good ways to earn money in good way.

@deanny07

My early dinner. Hindi na muna ako kakain ng kanin ngayon. Kasi ang dami ng carbs ang nakain ko. Charizz. Conscious na sa health. Hehe Maulang gabi mga kaingay. Maulan dito sa amin ngayon.. Kumusta ang panahon dyan sa inyo?

@deanny07

God has much to say to us. He wants to tell us how much He loves us and how He longs for us to love Him too. He have better plans for us. Trust and have faith in Him. Happy Sunday everyone!

@deanny07

Grocery time. Ang daming tao talaga kapag sunday. Busy na busy lahat para sa lunes. Namili nga pala kami ng ititinda sa canteen bukas. Laban lang tayo. Kahit nakakapagod, eh wala tayong choice kundi go lang ng go para kumita.

@deanny07

Kakatapos ko lang kumain! Charaaan! Unli rice is real. Basta talaga magkasama kami ng asawa ko ay unli rice talaga ang trip namin. Kaya puro taba kami. Hindi na kami magkasya sa isang motor kapag may kasamang anak. Hehe Buto ng chicken nalang talaga. Hindi pinatawad eh. Hehe laki ng kasalanan ng manok!

@deanny07

Yummy dragon fruit with condensed milk. Masarap pala talaga sya lagyan ng milk. Akala ko dati, pangit ang lasa. Try nyo guys kapag may dragon fruit kayo. Masarap sya.

@deanny07

My own version of buttered shrimp sprinkled with onion strings. Sunday na. Prayer for those affected by typhoon Karding. Bangon! Laban parin. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ninyo sa paninira ni karding. Hindi pa nagtatapos ang buhay, kaya laban pa rin.

@deanny07

Thankful to those who have good hearts to send help for affected people from typhoon Karding. May our God bless you a thousand folds of blessing!

@deanny07

Turon na saging for snacks. Magmamahal na naman ang saging nito dahil sa maraming saging ang nabali dahil sa bagyo. Iba talaga ang pinoy, basta may saging nagagawan ng paraan para pang snacks. Kumusta na ang panahon ngayon dyan sa inyo mga kaingay? Ingat at pray lang tayo palagi.

@deanny07

Weakness ko talaga itong crabs! Ang mahal pa ng presyo ngayon. Buti nalang may mga reject na crabs, kapag sinabing reject hindi yung pangit na ang lasa guys huh. Ito yung mga nabubunutan ng isang paa or isang sipit, pero same pa rin naman ang sarap!

@deanny07

I want to stop worrying too much. Worrying made me feel too much pressure and feels like working too hard in order not fail. Im always worried about how and what would happen to my future and to my kids. I am now experiencing headaches, lack of concentration and insomnia. I hope I can have long sleep tonight! Goodnight mga loves!

@deanny07

Malunggay. Kapag nagluluto kami ng ulam na may sabaw, lagi nilalagyan ng malunggay. Ang daming health benefits ang makukuha sa pagkain ng may malunggay. Tiyak na magkakaroon ka ng magandang pangangatawan kapag malunggay ay isinama sa araw2x na buhay.

@deanny07

Every morning is a blessing. Isang mapagpalang umaga sa ating lahat. Isa na namang low pressure ang namataang papasok sa PAR o nakapasok na kaya. Hehe hindi updated eh. Kaya siguro galit na naman ang kalangitan, hindi kagaya nitong flowers namin na blooming na blooming. Halatang nagi'enjoy sa lamig ng panahon. Nakaka goodvibes talaga. Ingat po ang lahat!

@deanny07

Children's playground. Hayaan mo silang maglaro hanggat gusto nila. Minsan lang sila bata, kaya sabayan mo na. Sabi sa palatastas ng chuckie. Ang sarap maging bata. Hindi napapagod sa kakatakbo. Tayong matatanda na, kahit na isip lang natin tumatakbo, nakakapagod na..

@deanny07

Sounds weird, but yes. Inuulam ko po talaga ang spaghetti sa kanin. Sarap! Minsan lang makapunta ng syudad kaya jollibee na agad.. Iba talaga ang saya na bigay ni jollibee. Sana kapag malungkot ako may libreng jollibee. Lunch na kayo!

@deanny07

Papaya fruit! Rich in fiber. Maraming makukuha na health benefits ang ating katawan sa pagkain ng papaya. Hindi nakakasawa, masarap kapag malamig. Napitas lang to sa tabi ng bahay. Basta masipag lang magtanim, siguradong may makakain. Friday, flyday na naman! Ingat po tayong lahat.

@deanny07

People blink less when lookinh at a cellular phones for long stretches. This dries the eyeball and tires the eyes. And people who sit before their screen in dim light blink even less. To ease the eye strain, keep the room comfortable bright. Close your eyes accasionally, giving them time to rest. And try to remember to blink.

@deanny07

Naghihintay na mag online, upang madukot ang kaunting naipon. Napakaganda makakita ng establisyementong malinis at maring pera. Hahha basta banko, maraming pera agad. Sakit ng ulo ko kaingay! Parang lalagnatin ako. Pero keri lang. Bangon tayo kasi poor tayo eh. Hehe

@deanny07

Calamares.. Isang sulyap palang naku! Maglalaway ka sa sarap. Kasu ang bigat sa bulsa. Mas sulit talaga kapag sariling luto lang natin. Pero oks na rin 'to, libre kasi. Ang sarap kapag libre. Hindi nakakasawa sa sarap. Sana bukasay manlibre na naman. Kumain na kayo mga kaibigan? Mamaya mamimigay ako nga blessings. Charizzzz. Ipon muna ako. 😘

@deanny07

Stranded! Sa araw2x natin na byahe, may mga lakad talaga tayo na hindi inaasahan na may balakid. Pero kahit ano pa man ang maging hadlang sa lakad natin, tuloy pa rin ang buhay. Walang mangyayari kung aasa tayo sa swerte at kapalaran. Tayo mismo ang gumagawa ng kapalaran natin, kaya sa atin nakadepende ang lahat.