Ulap ng Pag-ibig

2 24
Avatar for dariankeith
3 years ago
Topics: Life, Experiences, 2020, Story, Writing, ...

Dumidilim na ang langit, ngunit narito pa rin ako naglalakad na mag-isa sa dumidilim nang daan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina. Hindi ko na maitago ang pakiramdam na ito, na kunting sandali na lang ay maaaring sumabog ang bigat na aking nararamdaman.

Nang bumagsak ang ulan sa lupa, kasabay nito ang pagtulo ng aking luha pababa sa aking pisngi. Nangako ako dati na hindi na ako iiyak mula sa parehong lalaki, ngunit narito ako ulit umiiyak habang nanginginig ang aking tuhod. Mukhang pinaglalaruan lang talaga ako ng tadhana.

Sumigaw ako ng malakas na para bang wala nang bukas. Binigyan ko siya ng isang pagkakataon, ngunit hindi niya ito pinahalagahan. Hindi niya pinatutunayan ang halaga niya sa akin. Pinapalabas niya lang talaga ang nararamdaman ko. Hindi ako dapat magiging ganito kung binuksan ko lang ang aking mga mata mula sa katotohanan mula pa lamang sa simula.

Patuloy akong umiiyak habang mag-isa akong naglalakad sa malamig na kalsada. Wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Dapat pa rin akong magpasalamat dahil kahit papaano, ang ulan ay tumatakip sa katotohanan na umiiyak ako.

Tatawid na sana ako sa kabila ng kalsada nang masilaw ang aking mga mata dahil sa palapit na sasakyan mula sa aking kanan. Naririnig ko ang isang malakas na tunog na umalingawngaw mula sa kung saan man, ngunit hinayaan ko na lamang na manatili ang dalawa kong paa sa ku g saan man ako nakatayo. Naghintay nalang ako sa susunod na mangyayari.

Ang pangyayaring ito ay hindi dapat nangyari. Kung sinabi lang ni Erie kanina ang totoo nyang nararamdaman, hindi mangyayari ang pangyayaring ito.

Binigyan ko siya ng isang pagkakataon, ngunit hindi niya ito pinahalagahan. Hindi niya talaga pinahalagahan ang pagkakataong ibinigay ko sa kaniya. Pineke ko lang kanina ang aking tunay na nararamdaman dahil ayaw kong magmukhang mahina at naghahabol pa sa harap niya.



Sa kabilang banda, nakpag-isip isip si Erie mula sa kaniyang tinuran kanina. Alam niya sa sarili niya na talagang mahal niya si Sandy kaya't agad siyang tumakbo ng mabilis papunta kay Sandy.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng kaniyang puso habang tinatahak ang madilim na daan.

Ilang sandali pa ay naaninag na ng kaniyang mga mata ang imahe ni Sandy. Ngunit ganon na lamang ang pagkagulat niya ng makitang tulalang tumatawid si Sandy sa kalsada. Bago pa man siya mahagip ng kotse ay agad siyang tumakbo papunta kay Sandy at bago pa man mabangga ito ay hinawakan niya ng mahigpit ang isang kamay nito at mabilis niyang hinila ai Sandy palapit sa kaniya.

Isang segundo na lamang ay tiyak na mababangga si Sandy ng rumaragasang sasakyan. Salamat kay Erie at nailigtas niya ang kaniyang mahal.

Nanlalamig si Sandy at tila nanginginig pa. Hindi niya alam kung panaginip pa ba ang kaniyang nasisilayan pero hindi niya mapigilan ang kaniyang paghikbi.

Muli niya niyakap si Erie at patuloy na sinasabing sana ay hindi siya nananaginip.

Pagkalipas ng ilan pang sandali ay tuluyan ng kumalma si Sandy, ganon din ang ulan. Ang kaninang madilim na kalangitan ay unti-unting nagkaroon ng mga kumikinang na mga bituin.


If ever you like this article, please like, subscribe, and comment down below what is inside your minds, and I will get right back to you. Once again, always thanks for reading my articles.

5
$ 0.00
Sponsors of dariankeith
empty
empty
empty
Avatar for dariankeith
3 years ago
Topics: Life, Experiences, 2020, Story, Writing, ...

Comments

Let it go what are you don't really understand your written but it seems to be amazing keep it up

$ 0.00
3 years ago

If you want to understand what is written here, just click the globe sign beside the exc sign and choose the language you want

$ 0.00
3 years ago