read.cash Log in
@damelindz

Good afternoon guys! Medyo mainit ulo ko ngayon kaya dito ko na lang ilalabas, ang inot ng ulo ha😅😂 Anyway, ganito kasi yun. Pinatawag ulit sa billing department ang asawa ko kanina para iupdate kami sa bill namin. Bale ang nabigay namin is 271k na so ang remaining balance is 220k na lang. Bale most of it is doctor's fee na. Apat kasi ang dr ko. So before pa kanina, nagyry kami na pakiusapan na kung pwede magpromi na lang kami sa dr kasi sabi sa billing eh yun ang gawin namin. Then kanina, pagpunta ni husband doon, ang sabi nung head ng billing, di daw pumayag ang mga dr ko na di sila mabayaran especially ang pulmonologist ko. And on top of that, may pinakita pang text sa asawa ko, which is text ng pulmo ko saying, "May paprivate private hospital pa sila, wala naman palang kakayahan magbayad. Ano gusto nila, libre?" Kaya nag inot ang ulo ni husband, sabi nya pag nakasalubong nya dito sa ospital yun eh makakatikim talaga sa kanya. Kaya dinadasal ko talaga na wag sila magkasalubungan kasi kilala ko asawa ko eh. Pero tama ba yung sinabi ng dr? Mali di ba? Pwede naman humindi na lang sya, di yung nang hahamak pa sya ng tao. Di ko tuloy maiwasan maawa sa sarili ko.

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.