Good afternoon guys! This is my first post for today. May I share Lang ako sa inyo... , May isang manong na naging mabait sa akin dito. Sya Yung laging nagmomonitor ng oxygen tank sa room ko. If paubos na eh nagdadala agad sya ng kapalit. Every check nya eh nagtathumbs up sign sya, I guess tinatanong nya if okay ba ako, and nagtathumb up back ako kasi nga walang lumalabas na bises sa bibig ko. Then just last week, nung nagcheck sya ulit eh may dala syang humidifier Para sa oxygen tank kasi nakita nya n paubos na Yung ginagamir ko. And Sabi nya sa akin eh bigay Lang daw nya yun. Then nagthumbs up sya ulit and ganun din ako at nag thank you kahit na walang boses na Lumabas sa bibig ko but I'm sure naintindihan nya Yun. Thankful ako kasi worth 500 plus din Yun Kung bibilhin. Then just this afternoon, nagpunta sya ulit dito Para magcheck and napachika chika ng konte. Then Sabi nya sa akin eh buti daw nakasurvive ako kasi halos lahat ng natutubuhan dito eh di nakaka survive. Baka daw may mission PA ako sa life. Then Sabi nya na Kung nakalapit na daw ba kami sa mga politiko Para makatulong sa bill namin, then Sabi ng anak ko is oo. Then Sabi nya Kung may Pera Lang daw sya eh tutulong daw sya sa bayarin ko. I know that he is sincere sa sinabi nya, I can feel it. May mga Tao talaga na will help you Kung di man financially eh mentally naman. Nashare ko Lang kasi natuwa talaga ako Kay manong, kahit Yung asawa ko eh nababaitan sa kanya kasi nagkakausap din nya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
12 comments
Good samaritan te. May mga tao pa namang natitira na ganun dto sa mundo. Kaya fighting lang te.. Gagaling ka rin 😁
Tama ka Jane, madami PA din talagang may mbubuting kalooban dito sa Mundo Kaya dapat mani wala PA din tayo sa "humanity".. Thank you Jane.
Ano work nya jan madam sa hospital? Ang cute ni manong. Naa gyud btaw sincere nga mga tao madam. Talagsa nlng na sila.
Sa Central supply room sya madam. Sabi nya PA kanina, kapag may need kami na gamit sa CSR eh wag na kami dumaan sa cashier Para bayaran, dumiretso na daw kami sa kanya. Bibigyan na Lang daw nya kami
Aweee :( that's so sweet madam. Deserved man sad gud kaayo ka tulongan madam kay pure man gud imong heart. You are a kind person.
Thank u so much madam..
Masaya ako sa binalita mo na ganyan kasi anumang ang nangyare sa atin may mgabtaong handang tumulonv kahit hindi natin kilala o kadugo, basta kapit kalang darating ang araw na magiging malakas ka at normal ulit
Tama ka dyan lino.. Sana dumami PA ang katulad ni manong
God bless him madam
Sureness yan madam... Sana dumami pa ang katulad nya.
Kya nga
Nakakatouch naman un sabi ni kuya about sa mission mo pero na goose bumps ako sa sabi nya na walang nakakasurvive. Sad :(