read.cash Log in
@cjjamer

Masamang panaginip Natulog ako ng payapa magaan ang loob saka mata'y ipinikit umaasang paggising maganda ang resulta at makaka ipon ng lakas paggising ng umaga. Ngunit bakit nagbago ang timpla sa kalagitnaan ng aking pagtulog Matiwasay na paglalakbay napunta sa isang bangungot. Sa panaginip ko'y ako ay inaanod sa sapang malaks ang agos sinisikap igalaw ang mga paa at kamay upang hindi malunod. ngunit merong isang kamay na humawak sa aking mga paa at hinilang bigla pailalim sa tubig. Gustuhin ko man sumigaw ng "tulong" walang boses na lumalabas sa bibig kung tila ba may pumipigil sa pagsigaw ko ng malakas. "Ina'y" ang tangi kong nasasambit habang nanghihina dahil ang lakas ko nasaid na saka ko naalala paalala ng aking ina na laging tumawag sa pangalan niya at laging humingi ng tulong sa pamamagitan ng taos pusong pagdadasal sakanya upang tayo ay maisalba sa kamatayang nakikita. © cjjamer

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.