Mahal
Iba ang saya pag barkada ang kasama Kasama kahit saan man dakong mapunta Dadamayan ka ano man ang problema Ano man ang nais mo sila ay laging nakasuporta Ngunit tila bakit iba ang aking nadarama? Sa tuwing nakikita ka'y nakakaramdam ng kaba Pag tayo'y nag uusap Di makasagot ng bigla Ngunit pagtalikod sa isa't isa'y labis kung tumili at tumawa Ako'y inip na inip na Pagkat sa buong barkada'y sayo lang nakaranas ng kakaiba Mga araw ay lumipas ngunit palaging ganun ang eksena Humugot ako ng lakas para makausap ka Napagtantong sakin ikaw din pala ay humahanga Nagpasya tayong sabihin sa buong barkada kaya't sila'y napanganga Sila naman ay natuwa May love team na raw sa barkada Nagkaroon ng TAYO Mga sweet convos sa isa't isa ay palaging uso Palaging lumalabas saan man ang gusto mo Gulat pa nga ako, Streetfoods lang sapat na saiyo Masaya't Kuntento tayo pareho Hanggang Ang TAYO ay Maraming ala-alang nabuo Dumating ang araw,tila gumuho ang aking mundo Ikaw ay bigla nalang naglaho Iniwan mo ako, sawa ka na ang sabi mo Unti unting nawasak ang puso ko At Nalaman kong ikaw at ang isa pang kaibiga'y may relasyon palang tinatago Ang TAYO ay humantong nalang sa pagiging KAYO Dati tayong magkaibigan na humantong sa pag-iibigan.... na di inaasahang mauuwi sa sakitan Di na sana sumugal Kung alam ko lang na di tayo magtatagal Para tayong tula Tulang di natapos isulat Kailanma'y di nagkaroon ng pamagat 'Di rin nabigyan ng wakas na nararapat Pilit mang ayusin ang pagkakaibigan Ngunit nangingibabaw pa rin ang sakit na naranasan Barkadang nangakong walang iwanan Nawasak ng dahil lang sa letcheng pag-iibigan
No comments yet