read.cash Log in
c@christoper

Tayo na pero parang hindi nA

Naglalaro ba tayong dalawa? O baka naman naglolokohan na Paki inform naman ako oh Para akong ngayon lang bumaba mula sa kabundukan O ngayon lang ba ako sinilang Kase ang totoo WALA NA AKONG NALALAMAN at sadyang nanghuhula nalang Nanghuhula nalang sa kung TAYO PA BA O HINDI NA kasi hindi na kita maramdaman pa ANO NGA BANG MERON SA ATING DALAWA meron pa bang NAMAMAGITAN kase kung MERON PA Bakit ganyan ka umasta Umasta na para bang WALA LANG AKO SAYO na parang walang naghihintay sa bawat chat mo na hindi palaging nanlilimos sa oras mo Na parang single ka at di mo na aalala na AKO NGA PALA ANG JOWA MO nagkaamnesia ka ba? O NAGSASAWA KA NA Kaya naging unfair ka at di mo nasabing AYAW MO NA pala Bakit kailangang patagalin pa Intesyon mo bang magpaasa o Pahulain ako kung TAYO PA BA o baka naman intesyon mo MASAKTAN mo ko muna Bago mo sambitin ang katagang "BREAK NA TAYO ,AYOKO NA" Yun ba! Pasensya na kung ganyan ako magsalita Hindi mo kasi alam na kulang nalang para na akong si SISA Na nababaliw Pilit hinahanap ang salitang IKAW sa TAYO PA nagtatanong Kung nasan ka na ba Nagiisip na baka naligaw ka na Kaya't di mo na makita ang daan Sa direksyong MAY TAYO PA kaya pati ORAS MO na dapat kusa mong ibibigay ay hindi mo na maibigay pa At ang kahit konting effort para sa relasyon nating dalawa ay wala na Hindi ba't TAYO PA? PERO BAKIT BAKIT PARANG HINDI NA!! Sabihin mo naman sakin Kung itutuloy pa ba natin toh O ITITIGIL NA kasi ang hirap magpatuloy sa SALITANG TAYO PA kung IKAW mismo ay HINDI NA INTERESADO PA At konti nalang BIBITAW NA -💔- Magustuhan nyo po sana ket panget gawa😅

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.