read.cash Log in
c@christoper

Panakip butas

Panakip Butas" Naranasan niyo na bang umibig?  Umibig sa isang tao na ang puso niya ay sa iba nakapintig?  Na akala mo ikaw ang nagustuhan dahil ikaw ang palagi niyang kasama Pero, ang totoo ikaw ay ginawang panakip butas lang pala Walang araw na hindi kayo magkasama Walang araw na hindi ka niya pinasaya Walang araw na hindi ka niya kinumusta At walang araw na hindi ka pinagsabihan ng mahal kita Ang lakas ng loob niyang ipinaramdam sa iyo Ang totoo ay ikaw lang pala ay niloko Niloko sa kasinungalingang ikaw ay mahal niya Pero ang masakit pampanakip butas lang pala Panakip sa puso niyang minsan nang tinalikuran Panikip sa puso niyang minsan nang nasaktan Hindi man lang siya nakapagtanto Na sa kanyang panloloko meron siyang nasaktan na isang tao Isang taong handang gawin ang lahat para siya'y mapasaya Isang taong handang dumamay sa kanyang mga problema Isang taong minahal siya ng totoo Pero ang masakit dahil ang isang taong ito ay kanyang niloko Kaya, tama na sa mga panglalambing Tama na sa pagpapanggap na nakakaduling Dahil alam na ang buong katotohanan Na ikaw ay ginawa niyang pang option lamang.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.