Ldr
Relasyong langit at lupa ang pagitan Dahil sa distansya ang dahilan relasyong iniiwasan ng karamihan dahil ito'y para daw sa matatag lang. at para sa iba wala itong patutunguhan dahil puro pangako lang kung minsan, Ito ang relasyong puno ng sakripisyo pagtitiis at pagtitiwala. Relasyong puno ng paghihintay, puyatan at minsan pagluha Yung tipong minsan mapapagod kana pero di mo magawang sumuko Dahil mas matibay ang pagmamahal mo sa kanya Yung tipong iiyak ka na lang Dahil miss na miss mo na siya. Sa bawat araw na pagising mo siya agad ang naiisip mo Yung di mo ma'n lang siya makasama Isang tawag o text niya lang Sobrang masaya ka na. marinig mo lang yung boses nya sobrang kinikilig kana, minsan may kontemg panginginig pa. hindi dahil sa NABALIW kundi dahil sa BALIW ka sakaniya. MALAYONG PAG-IIBIGAN Para lang yan sa dalawang taong Marunong makuntento. at sa dalawang pusong kayang maghintay ng tamang tyempo. MALAYONG PAG-IIBIGAN Para lang sa taong Malayo ma'n ang mahal hindi siya maghahanap ng iba. at sa mga taong hindi hahanap ng atensyon pag nagkulang na yung isa. at sa mga taong nagsasabing Ang LDR ay di magtatagal At sandali lang subukan niyong munang pasukin ito Nang maintindihan nyo ang Sa loobin ko. Hindi distansya ang basehan Para masabi na ang isang relasyong ay pang matagalan. Hindi sa lahat ng pagkakataon nagiging problema ang distansya, sapagkat isa itong suliranin kung saan susubok sa tibay ninyong dalawa. sapagkat hindi porket magkalapit ay masasabi na natin na ang relasyon nila ay walang hanggan. dahil nandyan ang pagkakataon na magkakasawaan may tampuhan at nauuwi sa hiwalayan. sapagkat magkalayo man Maari pa ring maging matibay at masaya dahil ang salitang kuntento Ay nasa inyong dalawa. Hindi porket magkalapit ay kayo na talaga para sa isa't isa dahil may pagkakataon na ang landas niyo'y maaari ding mag iba . hindi porket na uindi mo siya Kasama ay may iba na . dahil kung talagang mahal mo siya Magtitiwala ka ng walang Pagdududa . Oo Magkalayo kayo. hindi mo siya makasama, Hhindi mo siya mayakap at mahalikan. Pero matanong ko lang? yun lang ba ang basehan ng relasyong pangmatagalan? TANDAAN MO! Hindi man kayo magkasama Ang mahalaga Puso't isip niyo ay iisa at hinaharap niyo ang bawat bukas ng magkasama, tangan ang pusitibong isipan na kayo'y magkikita. yung sabay kayong lumalaban ng matatag para maipanalo yung relasyong sinimulan niyo. TIWALA LANG! hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkalayo kayo, dahil ang araw ay lilipas din kapit ka lang at maging matatag. dahil malay mo sa muling pagising mo muka na niya ang iyong makita. magtiwala ka! na katawan nyo lang ang magkalayo, pero ang puso nyo'y tinitibok ay iisa. magtiwalang magkikita din kayo sa tamang panahon. at wag magsasawang ang pag-iibigan ay ILATHALA, makakamit nyo ang inyong hinihiling dumulog lang kayo kay BATHALA.
No comments yet